Chapter 105

Ang natatanging gumawa lang ng ingay sa byahe ay ang tatlong nasa harap.

Ano pa bang inaasahan ko sa aming apat na nasa likod, bukod samin ni Allen na tahimik tila wala sa mood sina Mich at Drake.

"Saang banda ka ba?"

"Diyan lang oh"

Rinig kong wika nina Jessy at Warren. Hindi iyon malayo mula sa lugar nina Manong Andres, halos iilang minuto lang.

"Ba't walang tao? Hatid ka na namin"

"Oo nga baka mapano ka pa"

"Papasok pa kasi yun, baka matagalan pa kayo"

Kahit gusto kong libutin ang tingin ng lugar ay wala rin akong masyadong nakita dahil madilim na ito, tanging ilaw nalang sa daan.

"Papunta narin si Kuya, may susundo sakin"

Pagpupumilit ni Jessy na wag na itong ihatid sa kanila.

Ilang sandali pa'y tumigil ang paggalaw ng makina at hinintay na may lalabas sa kotse.

"Sure ka dyan ah"

"Okay na nga ako, Thank you ulit ah? Guys ingat kayo"

Tumango kami na nasa likod tsaka lumabas si Jessy.

"Sandali, chat niyo ko pag babalik kina Manong"

"Alis na, pag iisipan namin"

"Ang daya!!"

Napasimangot na lamang ang babae at dumistansya sa gilid.

Kung ano ano talagang pinagsasabi ng dalawang magkapares sa harap.

"Yan ba't niyo kasi ininis"

Wika ni Allen na nasa may gawing gilid tila kanina pa nito minamasdan ang kakaalis na kaibigan.

Medyo nanibago rin ako sa ginawang pagtanggol nito kay Jessy. Natural lamang iyon para samin dahil ganjto rin naman aya sa lahat pero matapos ng isang buwan parang iba na yung dating nito.

Tila may pag alala na di mo mapigilang mahalata.

"Asus! Allen ha!" Dagdag ni Andi sa nag alalang lalaki.

"Ano na naman?"

Tanaw ko mula rito sa loob, ang nag iisang babaeng nakatayo sa labas. Nakatoon ang atensyon sa telepono, kasalukuyang may hinihintay.

"Okay lang yan bro, wag mo lang ipahalata"

Boses iyon ni Warren, kahit di ko tatanungin kung bakit di pa kami umaalis mukhang nakuha ko na agad na hinihintay nalang nito na may susundo kay Jessy.

"Turuan mo kasi"

"Luhh, bakit ako? Masyado akong inosente sa mga ganyan Andi"

"Mukha mo inosente!!"

"Manahimik na kayo, adyan na yung kuya!"

Kulang nalang talaga mapipilitan akong lumabas dahil sa ingay ng mga kasama. Kung kanina nga nakayanan kong makisama sa dalawang to' ano pa kaya ngayon na meron ng susuway sa kanila.

"Sabi ko nga Mich, ito na nga oh, aalis na"

Hindi na lamang sumagot ang babaeng katabi, buti nalang talaga sumunod rin ang dalawa.

"Update kita sa gc, alis na kami"

Sigaw ni Andi sa nakalabas na kaibigan tsaka kami nagpatuloy sa pagbyahe.

Walang pagbabago sa espasyo namin sa likod, habang yung dalawa sa harap ay sobrang kumportable.

Tumunog ang telepono na nakaipit sa kanang bulsa.

"Kanino yan?"

Nais ko mang kunin ito pero di ko alam kung sa paanong paraan dahil walang espasyo para maigalaw ang kamay, braso at siko.

"Sayo yata Erin" wika ni Mich sakin.

Ba't ko pa kasi nilagay dito? Ano pang silbi nitong dala kong bag? Kabubuhan nga naman.

"Okay lang, sa bahay ko na bubuksan"

"Baka si Tito Rico yan!"

Napaisip rin ako sa sinabi ni Andi, na tumitingin pa sakin. Lagot ako nito, di ko pala natawagan kanina!

"Nasa bulsa kasi, mahirap kunin"

Paliwanag ko sa kanila.

Kung di lang si Drake tong katabi ko baka kanina pa ko kumandong ng makuha tong maingay na telepono.

"Ipakuha mo kay Drake"