Chapter 104
"I'll try to contact her, don't worry"
Wika ni Rence habang pumagilid kami sa mga kaibigang nagkukumpulan, tila pinalibutan ang maliit na kotse na hiniram ni Warren.
"Okay na sakin yun, nag aalala lang naman yung mga yun dahil di ka nagparamdam, kahit pag online man lang" paliwanag ko sa kanya.
"You care for me too, I know"
Pinagliitan ko siya ng tingin dahil bumabalik na ng tuluyan ang nakasanayang Rence.
"Erin, dito ka sa likod"
Tumango lang ako sa nagsalitang si Warren, sunod sunod na pumasok yung mga kaibigan pilit pinagkasya ang sarili sa espasyo ng kotse.
"I'll text you tomorrow then"
"Kahit wag na, magpaalam ka lang sa parents mo"
"Our parents"
Nagkibit balikat ako sa narinig, di parin ako nasasanay sa mga sinasabi nito.
"Alis na kami"
Umuna akong lumapit sa kotse dahil ako nalang ang hindi pa nakapasok dito.
Baka maiwan pa ako ng mga to, mahirap na.
"Tell Mich, don't worry about us"
Di ko napigilang humarap sa lalaki habang inantay ang susunod na sasabihin nito.
"I'll explain it to you next time"
"Okay"
Ngumiti nalang ako bilang pagsang ayon, wala rin naman akong balak na magtanong pa.
"Take care"
Nabigla ako sa biglang pagyakap ng bahagya nito sakin, kahit alam kong bilang pagiging kapatid lamang iyon.
"Hoy! May nagagalit na dito, tsaka na landian magdidilim na"
Nangingibaw yung boses ni Warren kaya dali dali kong binuksan ang pinto sa likuran.
Medyo nahirapan pa akong umupo dahil halos hindi kami magkasyang apat sa likod.
"Ano? Kasya ba diyan?"
"Syempre"
"Diyan nalang kami ni Drake nahihirapan kami dito"
Pansin kong hindi kumportable si Allen dahil halos pang isang tao lang ang magkakasya sa harap.
"Oh palit daw, Andi dito kayo"
"Sus, gusto mo lang ako katabi"
Nakarinig na naman ako ng banat ng dalawa na dahilan ng tuksuhan ng dalawa pang babae.
"Landi mo, labas na kayo bro" wika ni Warren sa dalawang lalaki na tuluyan nang nakaalis sa harap.
"Ito na nga oh, Jessy tara"
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad ang tatlong lalaking nakatayo.
Hindi pa pala umaalis tong si Rence.
"Alis ka muna Cath, dadaan kami"
Wala akong choice kundi lumabas na muna ng kotse.
Pumagilid sa tatlong lalaking nakatayo at hinintay na makapasok sa harap sina Andi at Jessy.
"You sure you're all comfortable?"
"No choice Rence"
Tumatango ito habang ang tingin ay nasa loob ng kotse, alam ko na agad kung sinong tinitingnan nito.
"Erin, pumasok ka na"
Pumasok ulit ako ng kotse at tumabi kay Mich na pinilit pumagilid para magkasya kaming apat.
"Ako na sa gilid drake para di na mahirapan mamaya"
Kusang may tumaas sa sistema ko na di maintindihan. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng tumabi sakin bakit si Drake pa?
Nagkunwari nalang ako na hindi natinag sa magkalapit na bisig namin ngayon.
Umingay yung pagsara ni Allen ng pinto, doon ko lang naramdaman ang limitadong espasyo ng kotse na kahit paglunok mo ay mapapansin ng mga katabi.
Nagsimula nang umingay ang sinasakyan, pahiwatig na nakaalis na kami, napahuyaw ang iilan sa mga kasama pero nangingibabaw ang pintig ng nasa loob ng sistema.
"Rence, alis na kami"
"Bye Rence"
Boses iyon ng dalawang babaeng nasa harap, tamang tama talaga ang ideya ng mga ito na magpalit dahil sakto lang yung espasyo ng upuan para sa kanilang dalawa.
"Usog ka dito" wika ng lalaking katabi na mukhang ako ang tinutukoy.
Pakiramdam ko sobrang bagal ng oras lalo pa't sobrang lapit namin ni Drake.