Chapter 4

Chapter 4

Marry him?

Does he really think that it's that easy, huh? And if I'll marry him? What will possibly happen to me?

Ahh... Baka kagaya sa mga nababasa ko sa wattpad noon, he would make me his wife and he'll make my whole life a living hell. Magdadala siya ng babae sa bahay at sa kwarto pa namin sila gagawa mismo ng... kababalagahan! He'll cheat on me and hurt me emotionally and physically!

Napasinghap ako at napakurap ng ilang beses.

Hindi naman siguro 'yon ang gagawin ni Lexus, no? I still believe that despite of his image, being a ruthless billionaire in terms of business, mabait pa rin siya and that, he's not totally a jerk at all.

Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa magandang tanawin sa ibaba. Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto. Kitang kita mula rito ang garden ng mansion ni Lexus. It wasn't the same as before anymore. Noon ay alagang-alaga ko 'to eh. Dito ako tumatambay noong... kami pa. Noon, it was full of different kinds of flowers. Naalala ko, lagi akong binibilhan ni Lexus ng mga tanim na bulaklak sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho niya. He's helping me to plant flowers noon eh. Pero ngayon, the garden looks so... dull. Ang kalat tingnan. May mga bulaklak pa naman pero makikita mo talagang hindi inaalagaan.

Napasimangot ako.

That brute. He didn't even took care of my flowers. Alam naman niya kung gaano ko kagusto ang mga collection ko noon! Ang sama!

"Miss Sera... tumatawag po si Young Master sa telepono sa baba dahil hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya sa phone mo." Riza came in kaya kaagad akong napalingon rito.

Bahagya akong napairap nang marinig ang tawag niya sa lalaki. Young master pa rin ang tawag sa kaniya ng mga helpers dito, tch.

"Sabihin mo sa amo mo Riza na kakausapin ko lang siya kung papayagan na niya akong umuwi sa apartment ko."

At anong sinasabi ng lalaking tumatawag siya sa cellphone ko, huh?! Hindi nga niya ibinigay sa akin ang phone ko eh! I don't even know where he kept it!

Riza bit her lower lip before slowly nodding. Nang makalabas ito sa kwarto ay kaagad naman akong nagbihis ng itim na sleeveless at short shorts.

Hindi pa ako nakakaligo dahil why should I?! Hinding hindi ako maliligo hangga't hindi ako pinapauwi ng lalaki! Psh! Bahala na kung mangamoy ako. Iyon nga ang gusto ko eh. Ang mangamoy ako para palayasin na niya ako sa mansion niya.

Nandoon siya sa kompanya niya ngayon. I am very much sure that he has a lot of paperworks to do which is mabuti dahil aayusin ko ngayon ang garden ko noon na pinabayaan niya! Walanghiyang lalaki talaga eh!

Nang makalabas ako sa kwarto ay kaagad na akong bumaba. Naabutan ko pa si Riza sa malawak na living room na may kausap sa telepono at para na itong maiiyak. May problema ba 'to?

Napanguso ako at tumalikod nalang rito.

"Miss Sera..."

Narinig ko ang pagtawag nito sa akin. Nanginginig pa ang boses kaya nilingon ko ito.

"Oh?"

"Kausapin niyo naman po si Young Master. Tatanggalin niya daw po ako sa trabaho kapag hindi niya narinig ang boses mo."

Napakunot ang noo ko at napairap. Padabog akong nagtungo sa direksyon ni Riza at kinuha ang telepono.

I scoffed before putting it beside my right ear.

"Bakit ba?!" Naiirita kong tanong, padabog.

"Amore..."

I ignored the stupid butterflies in my stomach and just rolled my eyes.

"Ang arte mo, ah. Bakit ka ba tumatawag?!"

"I just missed you, my love. Why aren't you answering your phone? I was calling."

Mas lalo akong nairita nang marinig ang malambot nitong boses. Nakakainis talaga! Shuta!

"Paano ko sasagutin, aber?! Ni hindi mo nga binigay sa akin ang cellphone ko eh! Hindi ko alam kung saan mo tinago! Gago kang hinayupak ka!" sigaw ko rito. Wala na akong pakialam pa kung may makarinig man sa akin na minumura ang kanilang pinakamamahal na amo. Naiinis ako! Tangina eh!

"Oh damn. Yeah. I forgot, baby. I'm so sorry." Paos nitong saad sa akin, tunog nagsusumamo pa.

"Nakita ko din kanina ang garden ko deputa ka! Hindi mo talaga pinaalagaan sa mga tauhan mo kahit ang dami naman nila! Ang daming mga weeds!" Nag-aalburoto kong dagdag sa lalaki.

Sunod sunod at malulutong na mura ang narinig ko mula sa kabilang linya. My eyes widened.

"At minumura mo ako, ha?! Huwag ka nang umuwing gago ka dahil kakalbuhin kita!" Malakas kong sigaw bago ibinagsak ang telepono sa sahig. Narinig ko pa ang singhap ni Riza mula sa likuran ko at dali daling pinulot ito.

I rolled my eyes.

I was hoping for it to be broken para hindi na makatawag ang hinayupak na 'yon!

Lumabas ako at dumiretso sa garden. Ilang minuto ko pa muna itong tinitigan, dismayadong dismayado sa kinahinatnan ng mga bulaklak na inaalagaan ko noon.

Inutusan ko ang mga bodyguard na nakatamabay sa iba't ibang sulok ng mansion para kunin ang mga kagamitang gagamitin ko sa paglilinis dito sa garden.

I sighed.

I don't think I would be able to do this all today. Medyo may kalawakan ang garden kaya maybe, it would take me one to two weeks to get rid of all the weeds. Tsaka ililipat ko rin ang ibang mga bulaklak na kung saan saan na tumutubo.

I pouted when I saw the little fountain in the middle of the garden. Nilulumot na rin ngayon! Talagang hindi 'to inalagaan ng lalaking 'yon! Ang bruho! Wala man lang oras sa mga 'to samantalang kasama ko siya noon sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga 'to eh!

Gago ang puta.

Nang dumating na ang mga bodyguards na inutusan kong kumuha ng mga kagamitan ay kaagad na akong nagsimula. The bodyguards even lent an hand on me nang magsimula ako kaya medyo umokay ang pakiramdam ko sa kanila. Naiirita din kasi ako sa kanila dahil sa amo nila, nadamay tuloy pero nang tinulungan ako medyo okay na ako.

Iyon ang ginawa at pinagkaabalahan ko buong araw. Hinatiran pa ako ni Riza ng lunch nang sumapit ang tanghalian dahil hindi talaga ako umalis sa garden pati na ang mga bodyguards. Actually, tatlo lang silang kasama ko na talagang inatasang bantayan ang lahat ng galaw ko. I was glad na wala ang Niño na 'yon dahil baka atakehin lang ako sa puso pag nakaharap ko ang hinayupak na 'yon.

Allen, Alex, and Alden are my bodyguards. I prefer calling them the Triple A now.

Nang sumapit naman ang alas tres ay hinatiran pa ako ng snacks ni Riza which I am very much thankful of dahil talagang nakakagutom 'tong ginawa namin.

Alas singko na nang mapagpasiyahan naming tumigil. Malinis na ang buong paligid ng garden dahil sa tulong ng Triple A. I didn't expect that to be fast. Bukas ay maglilipat nalang ako sa mga bulaklak upang mas maging maaliwalas tingnan.

"God! That was exhausting! Thank you so much Triple A for helping me! I couldn't have done it this fast without your help guys so thank you so much!" nakangiti kong pasasalamat sa kanila habang papasok kami ng mansion.

Sanay na sumaludo ang tatlo sa akin.

"Wala 'you, Miss! Masaya kaming natulungan ka namin!" Allen exclaimed joyfully.

I grinned at them. "At dahil diyan, as a price of your hardwork today. I'm gonna cook some foods for you! Mag-request lang kayo sa akin at lulutuin ko ngayon pagkatapos kong maligo!"

Nagkatinginan sila at sabay sabay na ngumiti sa akin.

"Adobo, Miss!"

Okay then, Adobo it is.