Chapter 2

HINDI na naiintindihan ni Lynne kung ano ang sinasabi ng pulis sa kanya. Sapagkat ang isip niya ang daming tanong at gulong-gulo sa biglaan pangyayari sa mga magulang. Nang hawakan siya sa siko ng pulis at iginiya papalabas nagpatiunod na lamang siya.

Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay tila wala pa rin sa kanyang sarili si Lynne.

Ang mga pulis na nga ang nagasikaso sa lahat.

Nang makita ni Lynne ang dalawang kabaong. Doon lamang niya napagtanto na totoo ang lahat. Lalo nang lapitan niya ang magulang nakahimlay na.

Hindi nagsalita si Lynne habang nakatingin siya sa bangkay ng magulang, tumutulo lamang ang luha niya. Walang namutawing salita kay Lynne hanggang dumating naman lahat ang kanilang kamag-anakan.

Sa tatlong araw na lamay ng magulang hindi na ubos-ubos ang luha ni Lynne. Umaagapay naman sa kanya ang kanyang mga kamag-anak.

Nang mailibing na ang magulang doon inilabas ni Lynne ang nasa loob niya sa puntod ng mga ito.

"Nay, Tatay, bakit naman iniwan niyo ako, nang ganon-ganon na lamang? Ni wala man lang kayong pasabi, pero wala na akong magawa pa dahil kinuha na kayo nang dios sa akin, patawarin niyo ako kung may nagawa man akong kasalanan, at huwag po kayong magalala magiging matatag ako sa akin pag-iisa, at alam ko ang dahilan kung bakit nangyari ito ang naumpisahan ninyong paghahanap sa kapatid ko ipagpapatuloy ko pangako, hindi ako titigil hanggat hindi ko siya na hahanap," biglang humangin nang malakas kay lamig nang samyo nito sa pagdampi sa balat ni Lynne. At nadarama niyang parang nasa paligid lamang niya ang magulang.

"Paalam po sa muli kung pagbalik dito sana kasama ko na si Carlo," at bago siya lumisan hinalikan muna niya ang lapida nang magulang, "Aalis na po ako," huling turan niya.

Pinalipas muna ni Lynne ang forty days nang magulang bago siya naghanda sa paghahanap sa kapatid.

"Lynne, saan mo naman hahanapin ang kapatid mo?" wika nang tiya niya.

"Kahit saan po, Tiya."

"Lynne, masyadong maluwag ang Pilipinas para sa paghahanap mo sa iyon kapatid."

"Bahala na po."

"Ang tanong ko sa iyo ngayon, Lynne, paano mo makilala ang kapatid mo? Eh, samantalang sanggol palang ito nang nawala ah, ang isa pang tanong buhay pa ba kaya siya?"

"Tiya, alam kung mag-uumpisa ako sa wala, pero nangako ako kina Nanay at Tatay, pangakong dapat kung tuparin, siguro buhay pa siya tiya, dahil nararamdaman ito ni nanay, kaya hindi sila tumigil sa paghahanap kay, Carlo."

"Sige sabihin natin na buhay pa siya, ano naman ang palatandan mo sa kapatid mo ha, Lynne? Kahit nga larawan niya wala ka kung sakaling meron man eh, baby naman ito."

Tumingin si Lynne sa tiya niya. "Dito, Tiya." Sabay dampi nang palad niya sa tapat nang kanyang puso.

"Alam kung hindi ka na mapipigilan sa gagawin mong iyan eh, paano ang pagtuturo mo?"

"Pupunta ako ngayon sa paaralan tiya, para kausapin ang principal."

"Ganon ba sige na, pumunta ka na habang abala pa sa pagtuturo ang mga kapwa mo guro."

"Sige po tiya, ako'y aalis na, "tumango naman ito.

Nasa may bukana palang nang gate nang paaralan si Lynne nakita na agad siya nang principal. Habang may kausap ito agad na nagpaalam sa kinakausap nang nakita ang dalaga.

"Lynne," tawag nito.

Agad naman lumapit si Lynne sa principal.

"Mabuti naman at okay kana, condolence ulit Lynne," bungad nito.

"Opo ma'am, at salamat."

"Mag rereport kana ba para makapagturo kana ulit, Lynne?"

"Ah ma'am, puwede bang sa opisina mo tayo mag usap."

"Oh sorry, Lynne, na excited ako sa pagdating mo."

Ngumiti si Lynne sa principal niya. At silay nagtungo na sa opisina nito.

"Take a seat, Lynne."

"Thank you, ma'am."

"Your welcome, so anong pag-uusapan natin, Lynne?"

"Hindi na po ako mag paligoy-ligoy pa, ma'am."

"Okay go on, Lynne."

"Mag re-resign na po ako sa pagtuturo ko rito, ma'am."

"Ha? Bakit?"

"May importanteng po akong gagawin, ma'am."

"Well hindi ko na tatanungin pa kung ano ang dahilan mo bakit kamagre-resign, Lynne, nang hihinayang lang ako kasi isa ka sa mabuting guro rito ano man iyan mahalagang gagawin mo good luck," may ngiting wika nito.

"Salamat po, ma'am," may ngiting tungon din niya. At siya'y nagpaalam na rito.

Lalabas na sana siya nang pinto nang magsalita muli ang Principal."Lynne," tawag nito lumingon agad ang dalaga.

"Welcome ka pa rin rito if you want to come back again, Lynne."

Ngumiti si Lynne, "Thank you, ma'am."

Magaan ang kalooban ni Lynne na nilisan ang paaralan.

Pagdating niya sa bahay nila agad na siyang nag empake nang gamit niya.

"Nanay, tatay, samahan pa rin ninyo ako sa paghahanap ko kay Carlo." Napabungtong-hininga. " Lord, kung saan man ako mapadpad, sana naroroon na ang kapatid ko," dasal niya.

Ala sais nang hapon nang magpaalam na si Lynne sa kanyang tiya.

"Tiya, ikaw na ang bahala rito sa bahay, ha."

"Huwag kang mag-alala, Lynne. Kung ano ang iniwan mo ganon din na babalikan mo."

"Salamat po, tiya, sige po, aalis na ako."

"Mag-iingat ka. At pagpalain ka ng Diyos saan ka man makarating, Lynne."

Niyakap muna nang dalaga ang tiyahin bago siya lumisan.

Pagdating niya sa terminal nang bus."Manila, Baguio, Isabela, Tuguegarao," basa niya.

"Saan ako sasakay diyan?" daing niya.

"Oh, lalarga na, Cubao, Sampaloc," sigaw nang isang conductor.

"Miss, saan ang punta mo, Manila ba?" puna nang conductor kay Lynne.

Hindi siya nakasagot agad dahil nalilito ang kanyang isipan kung saan ba siya sasakay at pupunta.

"Miss, halika kana sakay na," anyaya nito

Atubili si Lynne na sumakay muna.

"Miss, sakay na may mauupuan ka pa," wika muli ng lalaki.

Dahil mapilit ito sumakay na rin si Lynne.

Nang makaupo na siya sa loob nang bus na wika niya sa sarili." Bahala na."

"ALEX?" sigaw na tawag nang ama nito.

Lumapit ang binatilyo sa ama."Bakit, dad?"

"Bakit ha? Nagtanong ka pa!"

"I don't know what you are talking about, dad."

"Masyado ka nang pasaway, Alex, porket ba wala ako palagi rito, sinusuway mo ang iyon Lolo at Lola, ang dapat sa'yo ngayon pinibigyan nang leksyon para magtanda ka!"

"Do whatever you want, dad!" matigas na sagot nito.

"Damn you!" galit na tugon ng ama inangat ang kamao para saktan ang anak."Ace, don't do that!" sigaw nang ina nito. At patakbong lumapit ito sa mag ama.

"Ma, kaya ganyan siya dahil narin sa lagi niyo siyang pinagtatanggol o kaya kinukunsinti lahat nang maling gawain niya!"

"Ace hijo, unawain mo na lamang siya ha ganyan naman ngayon ang mga kabataan di ba?"

Muling binalikan ni Ace ang anak."Next time I hear more, especially about your studies, you will be grounded, and I don't care even if you stop studying!" banta niya.

"Bakit? Dad, pag nagsasalita ka sa akin, tila wala kang pakialam tell me the truth dad, hindi mo ako anak di ba? Nararamdaman ko naman ito, eh."

Ace looked at his son.

"Alex, apo your dad, love you and he cares about you, ayaw lamang niyang mapariwara ka," salo nang ginang.

"Ma, maiwan ko muna kayo, I need to rest I'm tired, wala rin akong tulog buong magdamag.

"Sige, hijo," tugon ng ina.

Tinapunan naman ni Ace nang isang makahulungan tingin ang anak bago niya iniwan ang dalawa.

Nang makaakyat na si Ace."Apo, huwag kang magtampo sa daddy mo, ha. Please intindihan mo nalang siya, dahil masyado siyang busy sa kanyang trabaho."

"La, bakit naman kasi siya ganon pag uwi niya galing business trip ang galit niya ang sasalubong sa akin."

"Pagod lamang siguro ang daddy mo apo, unawain mo na lamang siya ang mabuti mo pang gawin mo mag aral ka nang mabuti, ipakita mo sa kanya na matino kang bata iwasan mo muna ang barkada mo," payo nito.

"Sila ang nakakaintindi sa akin La."

"Yes, pero alalahanin mo ito kaming pamilya mo pa rin ang tutulong sa iyo sa bandang huli not yours friends, always remenber that, apo."

Hindi naman nakasagot ang binatilyo sa lola niya.

"Sige na apo, magpahinga kana rin."

"Thank you, La," aniya sabay halik sa pisngi nito.

Iiling-iling naman na sinundan ng tingin nang ginang ang apo.

"Oh, Cubao na, sinong bababa rito?" turan ng conductor.

Atubili naman na bumaba si Lynne "Dito na ba ako bababa?" daing niya at siya'y napapasilip sa bintana ng bus.

"Ganito pala dito ang daming tao at sasakyan, para bang magbabangaan na?” nasasabi niya sa sarili.

Nang mapuna siya nang conductor."Miss, saan ka bababa?" anito.

"Ha-eh," hindi niya malaman kung ano ang isasagot dito.

"Miss, walang ha-eh na lugar rito sa Manila," wika nito.

"Siguro bagong salta rito sa Manila kaya tanga pa!"

Kahit na mahina ang pagkakasabi nang nasa likuran niya dinig na dinig ni Lynne ito.

Tama naman ito pero ang sabihin tanga siya mali ito. Ignorante puwede pa. Hinayaan na lamang ito dahil hindi naman niya kilala ang mga ito at isa pa edukada siyang tao, Manong, dito na ako bababa!" nasabi niya baka pag nagtagal pa siya mawawala ang pagkaedukada niya.