Chapter 1
STA FE NUEVA VISCAYA.
"Lynne, alis na kami ng tatay mo."
"Nay, hindi ba kayo napapagod sa ginagawa ninyo?" ito ang palaging tanong ni Lynne sa magulang.
"Lynne, walang magulang na mapapagod sa paghahanap sa anak niya."
"Pero nay, taon na tayong naghahanap kay, Carlo, pero hanggang sa ngayon wala pa rin di ba? Maghinga naman kayo," protesta niya sa ina.
Ngumiti ang ginang sa anak. "Sige na ikaw na muna ang bahala dito sa bahay," paalam nito.
Napabuntong-hininga na lamang si Lynne hindi naman niya mapipigilan ang magulang sa nais nilang gawin."Sige po nay, mag ingat kayo ni tatay," aniya na lamang.
Tumango naman ang ginang sa tinuran nang anak at siya ay lumabas na ng bahay nila.
Nagtungo si Lynne sa may bintana at tinanaw na lamang niya ang papalayong jeep na sinasakyan ng magulang.
"Lord, gabayan mo po sina nanay at tatay, huwag mo silang pababayaan," dasal na lamang niya nang wala na sa paningin niya ang jeep saka pa lamang siya umalis sa may bintana.
Dahil walang pasok sa trabaho si Lynne inabala niya ang sarili sa paglilinis nang buong bahay nila.
Isang guro si Lynne sa kanilang bayan. Sa idad na bente kuwatro hindi pa niya naranasan ang magka-boyfriend. Dahil ang iniisip niya noon na mag-aaral siya ng mabuti nang gumanda ang kanilang buhay.
Dalawa lamang silang mag kapatid. Nawalay ang bunso nang pitong taon gulang pa lamang siya at baby naman ito.
Isang aksidente ang nangyari noon sa kanilang mag-anak sa sinasakyan nilang jeep. Dahil bata pa siya wala siyang alam sa nangyayari. Pagkagising na lang nila mula sa hospital hindi na nila nakita pa ang kapatid. Kaya ang magulang hanggang sa ngayon naghahanap pa rin sila dahil nararamdaman nilang buhay pa ito. At wala silang nakitang katawan nito sa pinangyarihan ng aksidente kung patay ito noon.
"Domeng, kung saan-saan na tayo nakarating nanawagan narin tayo sa mga. Radio, pati narin sa Television, hanggang ngayon hindi pa natin natatagpuan si Carlo," mangiyak-ngiyak na turan nang ginang sa asawa.
"H'wag tayong mawalang nang pag-asa, Linda, makikita rin natin siya bago man lang tayo mawawala sa mundong ito."
"Yan din ang lagi kung dasal, Domeng, na sana makita pa natin siya," tuluyan nang tumulo ang luha ng ginang.
Inaalo naman ni Mang Domeng ang ginang habang nagmamaneho ito paminsan-minsan sinusulyapan niya ang asawa.
Sa huling sulyap niya sa asawa. Hindi nito napansin na may kasalubong silang isang track na may laman palay.
"Domemgggg, mababanga tayo!" gulat at sigaw ng ginang.
Nabaling agad ang tingin ni Mang Domeng sa daan. Kinabig niya ang manobela, pero sadyang nakatakda ang mangyayari kung kayat dumederetso sa may banging ang jeep na sinasakyan nila.
"Domengggggg!" sigaw nang ginang
Niyakap ni Mang Domeng ang asawa. Bago sila bumagsak paibaba.
Katatapos lamang ni Lynne na maglinis sa buong bahay. Tumatagaktak pa ang pawis niya.
"Nakakapagod pero ang sarap at magaan sa pakiramdam, hay nakakauhaw," aniya at siya'y nagtungo sa kusina.
Pagkatapos niyang uminom nang tubig inilapag niya ang basong ginamit sa lamesa. Pagkalapag niya bigla na lang natumba ito at gumulong pabagsak sa sahig.
Biglang kumabog ang dibdib ni Lynne sa nangyari."Huh? Bakit nangyari iyong maganda naman ang pa kalapag ko ha?" kabadong aniya at naalala niya ang magulang."Dios ko po, isa ba itong masamang pagitain huwag naman po sana," aniya pero naroroon pa rin ang kaba sa dibdib.
Nagpunta siya sa likod bahay nila upang maglaba muna. Nawala sa isip ni Lynne ang nangyari dahil abala na siya sa pagkukuskus nang matapos siya'y nag luto naman nang pagkain niya.
Nang makakain na siya nagpahinga muna siya sandali.
Pagsapit nang hapon, lumabas siya nang bakuran nila para hintayin ang magulang."Bakit kaya wala sina nanay at tatay? Dati naman ganitong oras narito na sila sa bahay ah," aniya habang nakatingin siya sa daan.
Naghintay muna siya nang ilang minuto, nang wala siyang mabungaran na jeep nang ama. Ipinasya niyang bumalik na sa loob nang bahay nila. Hahakbang na lamang siya nang may humintong sasakyan nang pulis sa tapat niya. Kumabok muli ang dibdib ni Lynne ng makita niya ang mga pulis. Lalo nang lumapit ang mga ito sa kanya.
"Ah miss, puwede bang magtanong?" turan nang isang pulis.
"Oo naman, po sir, ano po ba iyon?" may kabang sagot niya.
"Dito ba ang bahay nila Domeng at Linda San Pedro?"
Bumilis ang pagtibok nang puso ni Lynne sa narinig."O... O opo magulang ko sila!"
"Ganon ba Miss, sumama ka sa amin ngayon."
"Bakit po? Anong nangyari sa magulang ko?" agaran tanong ni Lynne sa pulis.
Nagkatinginan naman ang mga pulis.
"Sumama ka na lang sa amin Miss, at doon mo na lamang malalaman."
Dahil sa pagalala niya sa magulang agad na sumama si Lynne sa mga pulis.
Habang nasa daan sila, nagtataka si Lynne dahil malayo na ang ilalakbay nila at siya'y napatanong."Mga sir, saan po ba ninyo ako dadalhin?"
"Sa Cabanatuan city, po, Miss," sagot nang isang pulis.
"Huh? Bakit ang layo naman po?" gulat na aniya.
"Naroon po, kasi ang magulang mo, Miss."
"Ano ba talaga ang nangyari sa magulang ko mga sir, saguting naman ninyo ako please!” Parang gusto na ni Lynne na umiyak.
"Malapit na tayo, Miss," pag-iiba ng pulis.
Pagliko ng sinasakyan nila sa isang building.
CABANATUAN PROVINCIAL HOSPITAL.
Basa ni Lynne. At abot-abot ang kaba niya.
"Miss, tara na," turan nang pulis, siya'y tumango dito nang nasa may bukana na sila nang hospital papasok na sa loob.
Tila hindi maihakbang ni Lynne ang paa papasok sa loob. Kaya nakatayo lamang siya.
"Miss?" tawag sa kanya ng pulis.
"Ha?" sagot niya.
"Okay ka lang ba, Miss?"
"Opo," tila bulong na sagot niya at pinilit niya ang sarili na sumunod sa mga ito.
Dumiretso sila sa information.
"Miss nurse, kamusta na ang pasyenteng nang mag asawa na dinala rito kaninang umaga?" ani nang pulis.
"Ano po ba ang pangalan nila, sir?"
"Domeng at Linda San Pedro." Tugon ng pulis.
Tinignan naman nang nurse ang logbook.
Nang mahanap niya ang pangalan nang mag asawa.
"Nasa morgue na po ang katawan nila, sir."
Nanginginig ang buong katawan ni Lynne sa narinig niya. Napasandal siya sa dingding para masuportahan niya ang sarili.
Napatingin sa kanya ang mga kasama niyang pulis.
Ayaw niyang isipin na ang magulang niya ang tinutukoy nang nurse, at lalo rin ayaw niyang umiiyak baka nagkamali lamang ang nurse sa tinuran nito, pero hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.
"Miss?" ika nang pulis.
"Hindi totoo," namutawi sa labi niya.
"Miss, hindi naman siguro magsisinungaling ang nurse."
"Kanina lang, kausap ko pa si nanay, eh," tila wala sa sarili na turan ni Lynne.
"Sir, para po ma confirm na sila nga yong puntahan na lang po niyo sila sa morgue," sabat nang nurse.
"Tama si Miss nurse, Miss, San Pedro, tara na para makita mo kung sila nga ang mga magulang mo."
Inalalayan ng isang pulis si Lynne.
Nasa may pinto palang sila nang morgue. Hindi na napigilan ni Lynne ang mapahagulgol dahil kakaiba na ang nararamdaman niya.
"Be strong, Miss," hikayat ng pulis.
Parang ayaw pumasok ni Lynne sa loob ng morgue.
"Miss, kayanin mo halika na."
Pinakalma muna ng dalaga ang sarili.
Hinayaan muna siya ng mga pulis.
Nang maramdaman niyang okay na ang pakiramdam niya siya'y humakbang nakasunod naman ang mga pulis sa kanya.
Nang nasa matapat na sila isang katawan."Miss, handa ka na ba?"
Huminga ng malalim si Lynne, at siya'y tumango.
Dahan-dahan tinanggal nang pulis ang puting kumot na nakatakip sa mga bangkay.
"Kilala mo ba sila, Miss?" ika ng pulis.
Napaatras at natutop ni Lynne ang bibig ng makita niya ito. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.
"Miss, kilala mo sila?" ulit na tanong nang pulis.
Siya'y napahagulgol muli, "Na-na..." para bang ayaw lumabas sa lalamunan ni Lynne ang dapat niyang sabihin.
"Miss, confirm ba na sila ang mga magulang mo?"
Tango na lamang ang tugon ni Lynne sa mga pulis.
"Alam namin ang nararamdaman mo sa ngayon, Miss. Kaya kami na ang bahalang mag-asikaso sa bangkay ng mga magulang mo. Ang mabuti pa ihatid kana muna ni SPO4 Roco sa inyo. Ikaw na ang bahala sa kanya, Roco!" habilin nito.
"Yes, sir."
"Miss San Pedro, sumama kana sa kanya."
Iginiya ng pulis si Lynne dahil hindi natinag ito.