chapter 12

Nagising ako ng wala ng katabi sa kama. Naka hubad parin ako at tanging makapal na kumot lamang ang nag-tatakip sa katawan ko. Halos hindi ko magalaw ang buong katawan dahil sa pananakit. Ilang beses niya akong inangkin kagabi hindi lang Dalawang beses, kundi Apat na beses. Kahit anong pag-mamakaawa ko ay tila bingi ito sa mga hinaing ko. Gusto kong sumigaw at umiyak ng umiyak ngunit ubos na ang boses ko at tila natuyo na ang mga luha. pagod na pagod na akong mag maka-awa..

Pilit akong bumangon at tinungo ang banyo.. hinayaan kong mabasa ang buong katawan, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na! Napatingin ako sa braso, bakas parin ang mga pasa na natamo ko noong una akong angkinin ni Aki. Bumaba ang mga tingin ko sa dib-dib, at halos mapuno ito ng mga pulang marka. Ngunit tila manhid na ako sa pag-mamalupit niya. Maging emotional, physical na pananakit ay diko na alintana.. tuluyan ko ng pinapaubaya ang sarili ko sakanya dahil nawalan na ako ng pag-asa, pag-asa na makaka alis pa sa buhay niya..

Matapos akong maligo ay agad akong nag-bihis.. mag-hapon nanaman akong nakakulong dito sa apat na sulok ng kwartong ito.. hindi ko alam kung matatagalan ko pa ang mabuhay sa ganitong sitwasyon.

Nilingon ko ang pinto nang may mga mahihinang katok akong narinig

"Lena?" Bumukas ito at iniluwa si Manang. Bit-bit nito ang tray na may nakatakip na pag-kain. Mabuti pa ang preso nakakalabas ng selda para kumain.. samantalang ako, parang pasyente na di alam kung kelan madidischarge.

"Kumain kana." inilapag niya ito sa side table ng may mga ngiti sa labi. Lumapit ito sa kinauupuan ko at tumabi. Kumunot ang noo niya nang dumako ang mga tingin sa braso ko.

"Naku, bakit ang dami mong pasa? Sinasaktan kaba ni Aki?"

"Wala po 'yan. Malayo ho sa bituka." tipid ko itong nginitian.

"Sandali at ikukuha kita ng yelo-"

"Wag na ho.. mawawala din ito."

pinigilan ko ito sa nais niya. Hindi rin naman mabubura ang sakit na natamo ko. Bumuntong hininga lamang ito at bakas sa mukha niya ang awa para sa'kin.

"Pasensya kana, kung wala akong magagawa. Pero hayaan mo. Susubukan kong kausapin si Aki.."

Tipid akong ngumiti, "Salamat ho. Pero di na kaylangan."

Nang makaalis si Manang. Ay kinain ko na ang dala niyang pag-kain. Halos Dalawang araw na akong hindi kumakain. Kaya siguro nanghihina na din ako.

"Achilles POV"

"Liz, can I check all my appointment?" tawag ko sa Secretary ko.

"Right away, Mr. President." ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng opisina ko. Mabilis itong humakbang at inabot ang record book, "Naka detalye na po lahat ng meetings n'yo d'yan."

"Thanks. You may go."

Napahilot ako sa Noo nang makita ang naka helerang meeting. At ilang sandali nalang haharapin ko nanaman ang mga business partner ng kumpanya.. inilapag ko lang sa table ang record book at isinandal ang ulo sa headrest ng swivel chair. Pinikit ko ang mga mata. Ngunit ang maamong mukha ni Lena ang nakikita ko. Bumabalik sa isip ko kung paano ko ito inangkin ng paulit-ulit.

"Mr. President" napamulagat ako ng biglang pumasok si Liz. Pinaningkitan ko ito bg mata dahil sa pabigla-biglang pag pasok.

"You don't know how to knock?!"

"I'm sorry Mr. President. Pero kumatok po ako."

"What ever! Ano ba 'yon" napalihis ako ng tingin, masyado na atang na okupa ang isip ko sa nangyayari.

"Nasa conference room na po si Mr. Chua at Ms. Legazpi" napatingin ako ng diretso dito nang bangitin niya ang huling pangalan.

Tumayo ako at nilagpasan ito. Tinungo ko ang conference at naabutan kong nakikipag tawanan pa ito kay Mr. Chua.

"Mr. Zamora. Bati sa'kin ni Mr. Chua na isa sa mga stakeholders ng kumpanya. Ngunit ang mga tingin ko ay nakatutok kay Ceelyn.

"By the way, naparito ako kasama si Ms. Legazpi, dahil sa engagement ng kumpanya-"

"Hindi ko kaylangan ng ibang partner Mr. Chua. besides maliit na proposal lamang 'yon kaya inaatras ko na." halos hindi ako matingnan ni Ceelyn ng sabihin ko yun. Huh.. at ito pa ang pinadala ng magaling niyang asawa para mapapayag ako!?

"What?! Are serious? Malaking kawala ang partnering with a larger firm on projects ng mga Legazpi.

"No! And i didn't want to take a risk with that Company . So kung tapos na kayo makaka alis na kayo. Marami pa akong gagawin.."

Walang nagawa si Mr. Chua at tumayo ito. "Sana hindi mo pag sisihan ito Mr. Zamora." Untag nito bago lumabas ng conference. I smirk at what he said.

"And you?! Ano pa ang ginagawa mo dito?"

" I'm sorry."

Napatingin ako sa kawalan ng sabihin niya yun?

"Sorry? Sorry sa panloloko mo? Don't worry, I totally forgive you about that. But I never forget of what you've done to me!" Tumayo ako matapos itong sabihin..

"Aki, please." Mabilis akong hinawakan nito sa braso kaya napahinto ako..

"Ano pa ba ang gusto mo?" mahinahon kong saad.

"Gusto ko lang na humingi ng tawad-"

kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pinatawad na kita! Okay na diba?!"

"Pero hindi sa ganitong paraan. Aki.. minahal naman kita, kaya lang-"

"Kaya lang ano?! Kaya lang mas marangya si Jerome?" Nangingilid na ang mga luha niya ng sabihin ko ito.

"Hindi ko mo ako naiintindihan Aki.. kung pinag-patuloy ko ang pag-papakasal sayo. Hindi rin ako magiging masaya! Dahil hahadlangan lamang iyon ng Nanay mo!"

"Wag na wag mong gawing excuse si Mommy sa kakatihan mo-"

Malakas na sampal ang ginawa nito, "Wala na akong magagawa kung ayaw mong maniwala!"

Sinundan ko lamang ito hangang sa makalabas ng pinto. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumabas ng conference.

"Liz. Cancel all my appointment."

"Pero Mr. President. Ilang araw niyo pong kinakasela ang meeting nyo with the others stakeholder."

"I don't care! May ibang araw pa naman kaya ireschedule mo nalang!"

Napaigtad ito ng taasan ko siya ng boses.

Nilagpasan ko na ito at tumuloy na sa basement. Wala akong driver dahil ilang araw na akong namalagi sa Bulacan. Napag-pasyahan ko ng bumalik sa bahay kahit hindi pa tapos ang trabaho. I want a real break! F*ck sakit sa ulo ang laging mga business partner ang kaharap!

Isa pa ang kinaiinisan ko itong traffic napakabagal ng usad.. ilang sandali pa ay nasagi sa gilid ng mata ko ang Mega mall. May kung anong nagtulak sakin na pumunta dito..

Natagpaun ko na lamang ang sarili sa isang Womens apparel.

"Hi, Sir.. ano po ang hinahanap nila?"

"I want this and this. Yung iba't ibang kulay"

Namangha ang isang Sales lady sa mga tinituro kong nighties.

"Ah, Sir. Ano pong sukat?"

Napaisip ako sa sukat nito kaya inilibot ko ang mga mata at nag hanap ng ka size ni Lena.. At agad tinuro ang isang sales lady.

"Sakto Sir, dahil may small size pa." saad nito.

"Ang swerte naman ng pagbibigyan niya."

Bulong ng isang Babae sa katabi nito. Akala nila diko sila maririnig.

"Ah, Sir baka gusto n'yo po itong mga brassiere at undies.

"Sige idag-dag mo na din. Cup C."

"Wow! Ang sexy naman." Wika ng isang Sales lady. Alam ko ang sukat niya dahil ilang beses ko na itong-

Oh! sh*t! Ano ba 'tong iniisip ko. Tila

May kung anong nabuhay sa parte ng katawan ko.

"Sir sa counter nalang po." Wika ng Sales lady. Agad naman akong sumunod. Inabot ko lamang ang isang card upang bayaran lahat ng nabili ko.

Habang pina punch ang lahat ng items ay may narinig akong nag sasagutan sa di kalayuan. Hindi ko ugaling makinig sa mga ganito, pero napukaw ang atensyon ko ng mabosesan ang Lalaki.

"Ano ba, Divine?! Lahat naman ng gusto mo sinunod ko. O diba nakuha mo na agad ang gusto mo?" Sinusundan nito ang Babae na pumipili ng mga bra.

"Oo, nakuha ko na ang trono, pero hindi ibig sabihin nun tayo na."

"Sige sabihin mo lang kung ano pa ang gusto mo.. "

"Nakakatawa ka Damian, magpayaman ka muna bago mo ako matitikman."

"Sinabi mo yan ha.. magkano ba ang gusto mo?"

"Isang milyon! Mapapasayo ako ng Isang lingo"

"Isang lingo? Aba lugi naman ako nun,"

"Bahala ka, Nasaan na ba si Lena ngayon?"

"Ayun pinipulutan na yun ng boss ko. Alam mo bang nangagalaite si boss?" Humalakhak pa ito. "Ito pa.. nasabi ko na din sa Mommy niya, kaya double pay ako ngayon.. lalong humalakhak ito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, lalapitqn ko sana ito upang klarohin.

"Sir, ito na po yung binili nyo." Napalingon ako ng tawagin ako ng Sales Lady. Agad ko namang kinuha ang tatlong paper ba. Pag-lingon ko ay wala na sila.. mabilis akong humakbang at hinanap ang mga ito.

May kung anong pumasok sa isip ko. Hindi maari! Kaya agad kong tinawagan ang isa kong tauhan.

"Hanapin n'yo siya at dalhin sa underground."

Mabilis kong binuhay ang makina ng marating ko ito sa parking lot. Agad ko itong pinaharurot at halos paliparin ko na makarating lang agad sa bulacan.

"Aki, napa aga yata ang uwi mo." untag ni manang nang makita ako nito.

"May kaylangan lang akong gawin. Sige ho," nilagpasan ko lang ito at tinungo ang under ground.

Hindi ako mapakali at naguguluhan. Hinubad ko ang suit at itinabi lamang ito, at muling tinawagan ang inutusan ko.

"Asan na kayo!?"

"Sir, on the way na. Nagtatanka pang tumakas kanina.." tugon nito aa kabilamg linya.

"Bilisan nyo!"

Nagtaas baba ang dib-dib ko dahil maling pakiramdam, at bakit siya tatakas? Sinipa ko ang center table dito at natumba ito. Sana lang hindi totoo ang kutob ko!

Ilang saglit pa ay dumating na sila. Hindi ko alam pero may kaba akong nararamdaman.

"Teka! Ano ba?!" nagpupilumiglas ito ng ipasok ng mga tauhan ko.

"Bitawan n'yo siya." Mahinahon kong wika.

"Boss! Anong ibig sabihin nito."

Bahagya akong lumapit dito at mahinahong tinapik sa balikat.

"Damian.. sino si Divine?" namulagat ang mata nito nang tanungin ko.

"H-hindi ko kilala"

"Damian.. higit na ayoko ang taong sinungaling-"

"Hindi ko nga siya kilal-"

diko napigilan na suntukin ito kaya hindi niya natuloy ang sasabihin. Agad ko inagaw ang baril kay fredo na isang tauhan ko, at tinutok ito kay Damian.

"Gago! Wag mo akong gawing tanga! Ano mag-sasalita ka o tutuluyan kitang hayop ka!"

"Boss-- boss wag! May mga anak pa ako na umaasa saakin. "

"Eh tarantado ka pala eh! Ano! Mag-sasalita ka o hindi?!" Naniningkit ang mga mata ko habang nakatutok sa kanya ang baril.

"Oo! Magsasalita na ako. K-kasama ni Lena si Divine.. boss parang awa nyo na!"

"Hayop ka! Ano pa! Ano pa ang sasabihin mo!?"

"Boss, hindi si Lena ang nasa picture. Si Joy yun. Umalis na sa club si Joy kaya noong gabing naroon ako. Ay si Lena ang humarap kay Mr. Zamora. Pero si Joy ang Babae ng tatay mo.

Nanghinayang ako sa pera ibabayad mo saakin kung wala akong maibigay sayo na impormasyon. Kaya kinausap ko si Divine, hiningi ko ang address ni Lena sa isang kondisyon nya na maalis sa club si Lena."

Napaupo ako sa sofa at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Matalim ko itong tinignan na ngayon ay nakayuko..

Tumayo ako at sinugod ito ng tadyak! Pinagsusuntok ko siya hangang sa mawalan ng malay!

"Ligpitin 'yan!" Utos ko sa mga tauhan. Kinuha nila ito, at naiwan ako dito sa loob ng underground. Muli akong napaupo at napasabunot sa buhok ko. "Aghhh!" Diko napigilan sumigaw dahil sa galit. Isa-isang nalaglag ang mga luha ko, nahusgahan ko siya ng di inalam ang lahat. Inangkin ang katawan, sinaktan, Anong ginawa ko?! daig ko pa ang kriminal.

Hating gabi na nang umakyat ako sa kwarto nito.. mahimbing na syang natutulog. Lumapit ako at maingat na pinagmamasdan ang mukha nito. Patuloy parin ang pagluha ko lalo na nang makita ko ang pasa niya sa braso. I made that bruises na hindi dapat.

Napa upo ako sa kabilang parte ng kama at hindi parin tumitigil ang mga luha ko dahil sa labis na sama ng loob para sa sarili ko.

"I'm sorry.. I'm sorry"