Chapter 67 - Justine

Third Person's POV

"Yes! I am L!"

Nakangisi na ngayon si Lavandeir nang makita niya ang klase-klaseng reaction ng mga estudyante. Mas nakahinga na siya nang maluwag kasi 'di niya na kailangang itago ang totoo at bagong siya.

Hindi makapaniwala silang lahat sa kanilang nalaman. They can't just imagine that those times, it was the loser's doing! Who would have thought that tiny body of hers can do those cruel things?

Mas lalo pang nagpagulat sa kanila ay nang malaman nilang matagal na pala niya itong ginagawa. Nang makita nila ang mga pictures nito na pinatulog ni loser ang isang lalaking nang-bully sa kanya sa isang classroom at lumabas pa ito na parang walang nangyari. N'ong binugbog niya rin ang lalaking unang nagnakaw ng halik niya at kinuha ang pera nito.

Hindi video ang nandoon pero maraming mga larawan. Lahat ng ginawa niya ay nalaman ng lahat na mas lalong nagpakilabot ng karamihan. Pati na ang pagpanakot pa nito kay Kim.

Parang na-blanko sandali sina Natasha sa sinabi ng kaibigan nilang nakangisi ng kakaiba sa harapan nila. Base na rin sa reaction ng mga estudyante na nakatingin sa kanilang mga cellphone, alam na nilang nagsasabi ng totoo si Lavandeir.

'Paano?' tanong ni Natasha sa kanyang isipan.

'I know something about her isn't right but I didn't think this was it!' sa isip ni Veign na hindi maalis ang tingin sa dalaga.

'Alam din ba 'to ni Casey?' 'di naman maiwasang tanong ni Kevin sa sarili.

Ang mga Elites naman ay nagalit ng sobra. Nagalit dahil naisahan sila ni Lavandeir at nainis sa sarili. Paano sila nalinlang ng isang loser? Ano pa ba ang kaya nitong gawin? Ba't ni isa sa kanila ay wala man lang nakaalam sa pinaggagawa ng loser?

While Jax was staring angrily towards Lavandeir and Exseven. They're smiling with a smugly face while looking at him, showing him they won this time. Jax was already convinced that Exseven is L but it turned out the opposite!

"Isn't it surprising? That the loser you always bully could do such things secretly?" natatawang sabi ni Lavandeir sa karamihan. Mula sa nang-aasar na ngisi nito ay napalitan ang expression niya ng blanko at walang emosyon na mukha. "And now is trying to ruin this school you're all proud of!"

Biglang tumunog ang alarm sa buong ECU kaya nagulat ang lahat.

"Kung sino ang hindi takot sa 'kin at gustong kumalaban sa 'kin, huwag kayong aalis! I will give you 10 seconds to run!" sigaw ni Lavandeir. Sina Natasha naman ay 'di pa rin naka-get over sa nangyari kaya hindi nakagalaw ang mga ito at nanatiling nakikinig pa rin sa kaibigan...

"One!..."

'She's different!' sa isip ni Natasha.

Halos lahat ng estudyante ang nagsitakbuhan palabas ng court. Nag-uunahan pa ang mga itong makalabas. Alam nilang lahat na may hindi magandang mangyari kung mananatili sila. May mga estudyante namang nagpaiwan pero aware ang lahat na kasali ito sa Yumi mafia. Kunti na lang ang naiwan sa loob ng court. Ang Elites at ang mga tauhan nito. At sampu pang mga taga-Yumi na nagpapanggap bilang estudyante. Sina Natasha, Kevin, at Veign na nakaluhod at naka-posas pa rin. At apat na estudyanteng mga naka-cap at may suot pa itong rider mask. Dalawang babae at dalawang lalaki.

Walang gumalaw sa kanilang lahat pero alam ng bawat-isang magsisimula ang laban kahit ano mang oras. They stayed still as they observed everyone around.

Lumapit si Exseven sa tabi ni Lavandeir tsaka bumulong, "You alright?" mahina nitong tanong. Hinintay niya ang sagot ng dalaga kaso kumunot ang noo niya nang hindi man lang sinagot ang tanong niya.

Mga 30 seconds nang matapos ang malakas na tunog ng alarm. At dahil d'on, alam na nilang magsisimula na ang laban.

Agad na binato ni Mia ang dagger niya kay Lavandeir pero simple lang itong nailagan. Mapakla pa itong natawa kay Mia na ikinainis niya lalo.

Nagsimula na ring kumilos ang lahat ng taga-Yumi kaya mas lalong nanggigigil sina Natasha nang wala man lang silang magawa. Kunti lang sila. Alam nilang mahihirapan sina Ex at Vanvan na labanan ang Elites at ang mga tauhan nito.

Biglang bumagsak ang lalaking may hawak kay Natasha kaya nilingon niya kung sino ang may gawa. Laking gulat lang niya na 'yong isang babaeng naka-cap at rider mask na 'di niya kilala ay biglang pinatay ang isang tauhan ng Elites. Mabilis na kinuha nito ang susi sa bulsa ng tauhan tsaka tinanggalan siya nang posas.

"Thanks!"

Gusto niya sanang magtanong dito kung sino ito kaso may paparating na dagger mula sa gilid niya. Agad niya itong iniwasan tsaka mabilis na sinipa ang dagger na hawak ng babaeng tauhan na bumugbog sa kanya kanina.

"You're too slow flat mountain the second! Fucking coward!" sigaw niya sa babaeng tauhan.

'Naalala ko pa sa kanya ang original flat mountain na 'yon!'

Iniwan na siya ng babaeng naka-cap na tumulong sa kanya para makipaglaban sa iba pa. Nakita niya ring kumilos na rin sina Veign at Kevin na tinulungan din ng isa pang babaeng naka-cup.

'This scene is quite familiar!'

Naalala niya n'ong time na pinagtutulungan sila ng Elites at may biglang tumulong sa kanila.

Mabilis niyang pinulot ang dagger na nasa sahig nang mabitawan ito ng babaeng taga-Yumi. Inunahan niya itong binato ng dagger bago siya masipa. Napahawak ito sa dagger na bumaon sa tiyan niya at napaatras. Napangisi naman si Natasha sa nakita.

Gigil niya itong nilapitan tsaka tinadyakan ang dagger na nakabaon sa tiyan nito. Napasuka ng dugo ang babaeng taga-Yumi nang mas lalong bumaon sa tiyan nito ang dagger. Muli pa itong sinuntok sa mukha ni Natasha dahil sa inis at gigil.

"Nakakagigil kang putangna ka! You're that fcking confident torturing me while I'm fcking handcuffed you motherfckn coward!"

Sinipa pa niya itong muli hanggang sa mabawian ng buhay. Dinuraan pa niya ang mukha nito tsaka tinadyakan muli sa tiyan.

Mabilis na kinuha ni Natasha ang baril na nakasuksok sa pants nito and smirked. "Wala na ngang boobs wala pang utak! Kung sana ginamit niya 'to laban sa 'kin, buhay pa sana ang bitch na 'to!"

Nagkaharap naman si Kevin at Kei tsaka kalaban ni Veign ay si Reid. Dahil hindi inasahan nina Veign at Kevin na mangyayari ito, wala silang dalang baril kundi ang dagger lang na lagi nilang dala. Mas dehado silang dalawa laban sa Elites.

Agad na tinutok ni Kei ang baril kay Kevin kaya tumakbo pagilid si Kevin para 'di matamaan ng bala. Lahat ng baril ng mga ito ay may silencer kaya 'di masyadong maingay. Biglang may naghagis ng dagger sa baril na hawak ni Kei kaya nabitawan niya ito. Nagulat pa silang apat dahil sa sobrang bilis ng nangyari at 'di nila inasahan.

Nilingon nila ang lalaking naka-cap at naka-rider mask na 'di nila kilala. Kahit naka-cap siya, hindi pa rin nila makita ang mukha nito. Marami man ang Yumi pero 'di pa rin sila dehado kasi 'yong apat na mysteryosong naka-rider mask ay puro magagaling at mabibilis. Napatay na nila ang ibang minions kaya unti-unting kinakabahan ang ibang tauhan ng Elites.

Busy naman sa pakikipaglaban sina Lavandeir at Ex kalaban sina Jax, Elayah, at Kim. Matagal ng nabitawan ni Exseven ang kanyang baril dahil sa paglalaban nilang dalawa ni Jax. Bawat tira ng mga ito, may halong galit at gigil.

"LAV!" tarantang sigaw ni Exseven nang makitang nakuha ni Justine ang baril niya sa sahig tsaka tinutok kay Lavandeir. Nakatalikod kasi si Lavandeir sa gawi ni Justine kaya 'di ito nakita ng dalaga.

Sobrang kinabahan si Ex dahil sa mangyayari. Lumingon naman ang dalaga sa kanya at 'di niya ma-explain ang klase ng tingin nito. Parang kalmado lang ito at mukhang alam na alam ang dapat gawin. Sa mga ilang sandali, parang nag-slowmo ang lahat at mula sa matinding kaba na nararamdaman ni Ex, napalitan iyon ng pagtataka.

Nang iniwas ni Lavandeir ang kanyang tingin kay Ex, mabilis niyang hinagis ang dagger na hawak niya dahilan ng masaksak nito si Justine sa may tiyan. Hindi nila inasahang gan'on kabilis gumalaw si Lavandeir na naunahan pa niyang matamaan si Justine. Bago natumba sa sahig si Justine, binaril niya agad ang loser pero nakaiwas lang ito sa bala.

"Argh!" Napahawak si Justine sa dagger na bumaon sa tiyan niya at nagmura dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. "Fckin bulsht!"

Sinamaan niya agad ng tingin ang loser tsaka tinutok niyang muli ang baril niya rito nang nanginginig. Para pa siyang natigilan saglit dahil nakatingin din pala ito sa kanya... ng walang emosyon sa mukha pero punong-puno ng galit ang mga mata nito. Hindi man lang ito natakot ng nakatutok sa kanya ang baril.

She pulled the trigger again but the loser just simply avoided it.

"You're too slow!" saad pa sa loser.

Nang makita nina Mia ang nangyari sa kasama nila, lalapitan sana nila ito para tulungan nang hinarangan sila nina Natasha at ng isa pang babaeng naka-cap na hanggang ngayon ay wala pang nakakilala sa kanila.

Nagtuloy ang laban ng lahat. Hindi inalis ni Lavandeir ang tingin niya kay Justine na tiningnan pa rin siya nang masama kahit nahihirapan na itong makabangon. Ngayong alam na ni Justine na si Lavandeir at L ay iisa, mas lalo siyang nakaramdam ng kaba nang lumapit pa ito sa kanya. Iniwas niya muna ang baril kay loser para tanggalin ang dagger na bumaon sa tiyan niya. Kahit sobrang sakit, lakas-loob niyang hinila ang dagger.

"Fck!" Tinapon niya ang dagger habang umaatras siya ng kunti. Muli niyang tinutok ang baril sa loser at agad kinalbit ang gatilyo pero naiwasan pa rin ito ng loser.

Sa tagal ng paghahanap nila kay L, 'di nila inasahang nasa malapit lang pala nila ito at nagpapanggap bilang loser. Kahit nagpatulong pa sila sa ibang grupo ng Yumi, 'di pa rin nila mahanap ang identity nito. Whenever they tried to search more, their underlings just kept on dying and decreasing. Thoughts came into their minds that L is stronger than what they expected. They also knew that L has backups when one of their underlings reported that they were killed in the mission.

"Kung sinunod mo sana ang utos ko sa 'yo, 'di sana aabot ng ganto," kalmadong sabi ni Lavandeir sa kanya.

"I won't let you control me bitch!"

"Gusto ko lang naman sirain una si Kim at matanggal sa Elites just like what you wanted that's why I offered you a mission that both of us can benefit..." kumunot ang noo ni Justine dahil tama ang sinabi nito sa kanya. Matagal na niyang gustong maalis sa grupo si Kim. "... you could have made a backup plan after taking Kim down. You could have fought me well... But you're coward!"

Habang distracted pa si Justine sa pakikinig, mabilis na sinipa paitaas ni Lavandeir ang hawak nitong baril kaya nabitawan niya ito at tumilapon sa itaas nila. Simpleng sinalo ito ng loser tsaka 'di nagdalawang-isip na barilin ang isa nilang minion na papalapit sa gilid. Sapol ito sa noo kaya agad itong natumba.

Napanganga naman si Justine sa bilis ng galaw nito. May kinuha si Lavandeir sa bulsa ng pants nito na isang malaking tela tsaka lumapit ito sa kanya. Sinuntok ang tiyan niyang sugatan kaya mas lalo siyang napasigaw sa sakit. Nagpupumiglas siya nang pinusasan siya ni Lavandeir. Ngayon lang niya napansin na nakasuksok lang pala ang posas sa likod ng pants nito.

"Ginamit ni'yo 'to sa 'kin kaya gagamitin ko rin 'to sa 'yo!" pagkatapos ay mabilis siyang piniringan sa mata gamit ang hawak nitong malaking tela. "Ginawa ni'yo 'to sa 'kin kaya gagawin ko rin 'to sa 'yo!"

Mabilis na sinuntok ni Lavandeir si Justine gamit ang hawak niyang baril. Nagmura na naman ito at nagpupumiglas.

"Sa kung sino man ang tutulong sa 'yong pahintuin ako, 'di ako magdadalawang-isip na barilin ang taong iyon gamit ang baril mo!"

Binugbog pa ng binugbog ni Lavandeir si Justine na parang gigil na gigil ito sa kanya. Dalawang tauhan ng Yumi na ang natamaan ng baril sa ulo nang tinangka nilang tulungan ito.

"P-please s-stop!" nanghihinang nagmamakaawa si Justine sa kanyang ihinto.

"Hindi ako nagmakaawa ng ganyan nang binugbog mo ako ng ganito kanina!"

Tinigil ang pagbugbog ni Lavandeir dito tsaka tinanggalan niya ng piring si Justine. Nawala ang maganda nitong mukha dahil sa dami ng sugat at bugbog na natamo. Sinabunotan niya ng buhok si Justine tsaka pinaharap sa kanya.

"Kung sinunod mo sana ang utos ko, si Kim sana ang unang mamatay at 'di ikaw!" pananakot ni Lavandeir sa kanya. "The saddest thing here is... I'm not the one who will kill you!" nakangisi nitong sabi sa kanya na ikinataka niya.

"W-what d-do y-you mean?"

Ilang segundo lang pagkatapos ng tanong niya, agad na umiwas si Lavandeir at gumulong sa gilid tsaka naiwang nakatulala si Justine...

... dahil sa natamaan siya ng bala ng baril sa dibdib kung saan kitang-kita niya ang lalaking pinakamamahal niya ang nagtutok dito sa kanya.

Dahil lahat ng baril nila ay may silencer, 'di napansin ng iba ang nangyari dahil busy sila sa pakikipag-away hanggang sa biglang nahilata sa sahig si Justine at duguan na ito.

"JUSTINE!" sigaw ni Mia nang mapansin niyang nakahilata na ito sa sahig. Lahat napatigil sa pag-aaway dahil napatingin din ang lahat sa kanya. Napalingon ang dalawang leader rito pero parang wala lang paki si Jax at patuloy lang sa pakikipaglaban kay Ex.

Kitang-kita ng lahat ang wala ng malay na si Justine na duguan at si Clent na nasa malayo na nakatulala habang nakatutok pa rin ang baril niya kay Justine.

"I-it was supposed to the l-loser..." nabitawan ni Clent ang baril niya dahil sa 'di niya inasahang si Justine ang kanyang matatamaan. He was so sure that he can kill L at that time. He didn't thought loser was aware that he's pointing his gun to her. He thought that she was distracted by Justine.

Sinubukang lumapit nina Kei kaso nasaksak siya nang dalawang beses ng lalaking naka-rider mask, sa likod at sa hita. Si Veign at Reid naman ay nagtitigan na kung anong dapat sunod gawin at mas naging alerto.

"Act like we're attacking each other!" mahinang sabi ni Reid na ikinataka ni Veign. Simula pa kanina, sa tagal nilang pag-aaway, alam niyang 'di siya tinatamaan ni Veign sa mga importanteng bahagi ng katawan nito.

Veign already know that Reid is undergoing an incurable disease but the way he move, Veign was still amazed by how fast he can move.

Lalapitan sana ni Clent si Justine nang pigilan siya ni Kim. Tiningnan naman siya ni Clent sa mata at may tumulong luha pa rito. "She's still my f-friend!" naiiyak na sabi ni Clent tsaka tinaboy niya si Kim at iniwan siya para lapitan si Justine.

Kim understands him 'cause she know Justine and him was best friend before she came into his life. She just can't get rid of her jealousy. She knew she's selfish but she can't help it. She already risk something important and gone this far just for her boyfriend. She knew she's insane but it doesn't matter to her what people might think.

"Are you worried that maybe he won't focus on you 'cause of the guilt he felt?"

Agad siyang umatras at tiningnan nang masama si Lavandeir na 'di niya namalayang nasa tabi na pala niya.

"Shut up! I can't forgive you on what you did! This is your entire fault!" di mapigilang sumigaw ni Kim dahil sa galit na nararamdaman niya kay Lavandeir.

"Kung 'di mo sana 'yon ginawa sa 'kin noon, 'di sana aabot ng gan'to! Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito! Ako dapat ang magalit at hindi ikaw dahil wala kang karapatan!" Lumapit pa si Lavandeir sa kanya na siyang ikinaatras niya.

Kitang-kita niya ang galit nitong aura na any moment ay mapapatay siya nito. She stares at her eyes directly... Then she knew she's not the same Lavandeir she met for the first time before.

"Ikaw ang dahilan kung ba't ako nagkagan'to! Tanggap ko naman noon na binu-bully ako ng Elites! 'Di ko lang tanggap na pati ang una kong kaibigan dito na una kong pinagkatiwalaan ay kayang gawin 'yon sa 'kin! Ikaw din ang dahilan kung ba't namatay si Justine ngayon! Kung ba't nasira ang pagkakaibigan nila ng boyfriend mo! Kung bakit masisira ang Elites. Pati na ang buhay ng iyong pamilya! You risk your marriage just for Clent and you know what your husband and his family are capable of! Marami kang buhay na sinira Kim!"

Tumulo naman ang luha ni Kim dahil sa natamaan siya sa lahat ng sinabi ni Lavandeir sa kanya. Kitang-kita niya ang sobrang galit sa mata ni Kim habang tumutulo ang luha nito.

"And you still tried stopping your boyfriend because of your jealousy!"

Napaluhod si Kim sa harapan ni Lavandeir habang umiiyak. Nilingon niya ang boyfriend niyang nanginginig na niyakap ang bangkay ni Justine.

"You don't know what I felt!" mahinang sabi ni Kim na may halong gigil kay Lavandeir. "You couldn't understand because you didn't love someone as much as I do!"

Bigla namang sinampal ni Lavandeir si Kim tsaka kwenelyuhan ito para makatayo at masamang tinitigan.

"I love someone so much! Even when I knew he still love his first love and can't forget her, I still love him! I tried accepting him and will help him to move on! I understand his feelings and will still try to understand him no matter what! You, Justine, Jax and me were the same. We're willing to risk our lives and we'll do anything just for them but I'm not like you! I can ruin myself inside but not anyone around us! Unless if it needs to..." binitawan niya si Kim kaya napaatras ito at napayuko.

"I take my revenge to those people who did cruel to me! Unlike you, marami ka kasing dinamay!"

'Di na napigilan ni Kim ang humagulhol sa sinabi ni Lavandeir sa kanya. Tiningnan lang siya ni Lavandeir habang napaluhod ito. Alam ni Lavandeir na gulong-gulo na ang utak ni Kim dahil sa pangyayari. Hindi lang dahil sa nangyari rito, kundi alam rin niyang na-realize ni Kim ang mangyayari sa pamilya niya.

Nagpatuloy ang laban ng lahat. Hindi muna kumilos si Lavandeir at tiningnan niya sina Ex at Jax. Napatitig siya kay Jax dahil hanggang ngayon hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Jax. Somehow, she understand him why he's acting like that. She now understands why he did it all of this.

"REID!"

Natauhan naman si Lavandeir dahil sa malakas na sigaw ni Elayah. Before siya lumingon kina Reid, nakasalubong pa niya ang titig ni Ex sa kanya. Nakakunot pa ang noo nito.

Iniwas niya ang tingin kay Ex tsaka tiningnan sina Reid.

At 'di niya inasahang gan'on ang kanyang makikita.

...