Chapter 66 - I am L

Third Person's POV

Nang mawalan ng malay ang dalaga, ilang minuto niya itong tinitigan. Nawala ang pagkunot ng noo niya at naging maaliwalas tingnan ang kanyang mukha.

'Di mapigilan ni Jax na yakapin ito. Walang nakakaalam sa totoong nangyari noon kay Cath kundi siya lang. Kahit ang members nila, pati si Reid.

Pinahid niya ang kunting luha na 'di niya napansing tumulo na pala sa kanyang pisngi tsaka mapaklang natawa. Kailan niya ba huling nayakap ng gan'to ang taong mahal niya? And that the thing is how could he do it again if he doesn't have any more chance?

Muli niyang tinitigan ang walang malay na si Lavandeir. Tinitigan niya ang mga labi nitong parehong-pareho kay Cath. He lean towards her and slowly close his eyes, then rest his lips to hers.

He remembered doing it to Cath. He missed this moment whenever he's with her.

'I miss you so much!'

Remembering her sweet smile, a genuine smile that only meant for him.

Something filled his heart for a moment...

Inilayo na niya ang mukha nilang dalawa at binuksan ang kanyang mata. Nawala bigla ang kunting saya na nararamdaman niya kanina nang hindi si Cath ang nakita niya.

'I'm insane!' sabi niya sa kanyang isipan. That's maybe the cause of missing her too much.

Malamig niyang tinitigan si Lavandeir. "I will kill you someday so he can feel what I felt! I won't let you two be happy!"

Tiningnan niya ang damit ng dalaga kung may bulsa ba ito. Nang makita niya ang bulsa ng cardigan nito, agad niyang hinimas ito kung may laman ba. May nakapa siyang isang maliit na botelya kaya agad niya itong kinuha.

Tiningnan niya ito at para itong perfume. Aamuyin niya sana nang maalala niya ang sinabi ni Justine na may pinaamoy si Lavandeir rito kaya ito nawalan ng malay. Sumagi sa isip niyang baka ito ang hinahanap niya.

This is his real mission, to find out what weapon Dakumasuta used. Maybe this thing is what his looking for. Tumayo siya at nagsimulang maglakad.

Nang pipihitin na niya ang doorknob, muli niyang sinulyapan ang dalaga na walang malay na nakahilata sa malamig na sahig. Tinitigan niya muna ito ng ilang segundo bago tuluyang lumabas ng pinto.

…

Natasha's POV

We couldn't even move when these weaklings point their guns to us! Sinipa ako ng isang tangina sa likuran at mabilis na pinosasan. Nilapitan pa ako ng isang estudyanteng tauhan nila na babae tsaka sinuntok sa may tiyan. Napayuko ako at napaluhod sa sakit dahil sa suntok niya.

Dahan-dahan ko namang inangat ang ulo ko at sinamaan ito ng tingin. "This m*therfcker!" inis kong sabi rito.

She replied me with a cold gaze and without a second thought; she hit my chin using her knee! Dahil sa nakaposas ang kamay ko sa likuran, mabilis akong bumagsak sa sahig. Tangina!

Nabaling ang tingin ko kina Veign at Kevin na katulad ko ay walang magawa at hindi makalaban. Nakatingin lang si Veign kay Vanvan kaya nalipat din ang tingin ko sa kanya. I can't stop myself from wondering what they did to her. Seeing her now looks like something bad has happened.

Biglang mas umingay pa ang paligid kaya napatingin kaming lahat sa may pinto ng court. Those students that were part of distributing L's papers are now with some Elites' minions and their hands are being handcuffed in front.

'As I expected!'

Kitang-kita ko ang panginginig ng mga ito nang nasa harapan na sila. Nilapitan naman sila nina Kei kaya mas lalo silang nakaramdam ng takot. Naging tahimik ang lahat pati na ang ibang estudyante na parang takot makagawa ng ingay.

Nilapitan naman ni Mia ang isang babaeng kabilang sa nadakip nila at agad sinampal nang hindi pa naman ito nagsalita. "Who's behind this?"

Nakatitig lang kami sa nanginginig at nauutal na babaeng kaklase ni Vanvan na mukhang malapit ng mahimatay sa takot. Well, I'm a bitch but not as bitch like that weakling out there! I still have class!

"I-I don't know!"

"D'you want me to pull that tongue of yours out from your mouth? Speak up!" galit nitong sigaw kaya 'di ko mapigilan ang sariling irapan ito.

'As if she can do that! She's a weakling!'

"H-he won't l-let us see his face. H-he's wearing a cap and a mask!" Napaluhod ang babae sa takot at tuluyan na itong umiyak.

Ba't hindi nila subukang tingnan ang CCTV? Curious din kami sa L na 'yon kaya sinubukan naming i-hack ang system ng ECU kanina kaso mahirap itong pasukin. Sa aming tatlo, si Kevin lang ang mas may alam sa pagha-hack pero nahihirapan siyang makapasok. Sinabi pa niya sa 'min na napasok daw niya noon ang system dito pero ngayon hindi na. Mukhang mas lalong hinigpitan nila ang security.

That's what happened in our case but why do Elites didn't think reviewing the CCTVs? I'm sure that's what they will do in this case…

Shock hits me as I realized some crazy possibility that could happen. Kumunot ang noo ko tsaka tiningnan si Veign. Nilingon din niya ako at base sa pinakita niyang expression, mukhang pareho kami ng iniisip!

Impossible!

The only person I can think of hacking ECU's system is my cousin, but even him can't easily hack this! At kapag ma-hack man niya, hindi iyon magtatagal kasi mabilis ma-trace ang kung sino man ang papasok sa system.

Is it really L's doing?

N'ong nakita namin siya kanina sa rooftop, aakalain naming si insan iyon kasi pareho sila ng tindig. The way he hides his face, they looked the same except his mask. Hindi kami pamilyar sa black mask na suot nito. Pero nang maalala naming lahat ng ginawa ni L sa paaralang ito, alam kong hindi si insan ang may gawa n'on.

Based on the mysterious letters that L always gave to his target, impossibleng si insan iyon. Ano namang ugnyan ni insan sa mga naging target ni L noon? It won't make sense. Ang napakalaking tanong lang na pumasok sa isipan ko, nasaan si insan?

"G-ginawa lang namin 'yon kasi kung 'di namin siya susundin, papatayin niya kami!" sabi no'ng isang lalaki.

I took a quick glance at Jax to look at his expression. I saw him smirking instead of wondering.

Why? What was he thinking? Is he already expecting this would happen?

"He threatened us!"

"That's enough!"

Muling natahimik ang lahat nang magsalita si Jax. Sinampal pang muli ni Mia ang babaeng tinanong niya kanina bago sila bumalik sa tabi ni Jax.

"If no one can tell us who is L then we will punish this loser more… Of course, to the extinct that she will took her own life 'cause of the cruel punishment. We all knew that this loser is up to something these past few days and you all witness what she's already capable of. We're aware that she knew who is L," walang emosyong sabi ni Jax sa lahat.

Nagpupumiglas naman ako sa gigil. Gusto kong makawala sa putangnang posas na 'to para tulungan si Vanvan. Parang sasabog na ang puso ko dahil sa galit!

May kinuha naman si Clent na isang barbecue grill na ngayon ko lang napansin. Nasa likuran pala nila ito kaya 'di ko nakita kanina. Bumabaga ang loob nito at may nakalagay na parang isang mahabang stick na metal.

(picture nasa comment section)

Kinuha niya ang metal kaya kitang-kita kong bumabaga ang dulo nito. Nang malaman ko kung anong gagawin nila kay Vanvan, 'di ko mapigilang sigawan sila para tumigil.

"Stop you asshole! Stop you m*therfcker! Putangna ni'yong lahat!"

Hindi ako tumigil sa kakasigaw lalong-lalo na nang nilapit na nila ito sa binti ni Vanvan! Any moment mapapaso na siya sa bumabagang metal! Parang naiiyak ako sa galit! Hindi ko sila mapapatawad!

Bigla naman akong sinipa ng babaeng tauhan nila kanina at walang tigil sa pagsuntok kaya natahimik ako at muling natumba sa sahig! Hindi ko ininda ang lahat ng sakit na naranasan ko ngayon. Si Vanvan lang ang inaalala ko.

Nakita ko ring binugbog sina Kevin at Veign nang sinubukan nilang lumaban. Nagawa namang makipaglaban ni Veign kahit nakaposas pa siya pero napatigil din siya nang pinutokan siya ng baril sa may paa. Buti na lang at hindi ito tumama. Kahit 'di umingay ang baril kasi may silencer ito, sumigaw pa rin ang ibang estudyante sa nakita nila.

Bigla namang may umingay na matinis na tinig sa buong court kaya napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa. Kahit nakahilata ako sa sahig dahil sa bugbog na natamo ko, agad kong tiningnan si Vanvan, buti at hindi natuloy ang pagpaso sa kanya. Until now, she seems lost in her thoughts and it's like she doesn't care about what's happening in here.

Mga ilang segundo pa bago nawala ang ingay na mula sa lahat ng speaker dito. Nang mawala na ito, biglang may lalaking nagsalita mula rin sa speaker na hindi ako pamilyar sa boses.

"Hello everyone!" sabi nito at tumawa pa saglit.

Tiningnan ko ang reaction ng Elites, lalo na kay Jax pero nagtataka rin ito katulad namin.

"I have something to show you… Hmm! Let's see!" nang-aasar na sabi nito.

"Si L?"

"Sino 'yan?"

"Anong nangyayari? Is it L?"

"Natatakot ako!"

"This is not a good prank bro!"

Iba't-ibang reaction ang narinig namin sa mga estudyante na nandito habang kaming tatlo at ang Elites ay tahimik lang. Hindi naman mapakali ang mga tauhan nila, 'yong iba pa sa kanila ay umalis para hanapin ang taong nasa likod nito.

May malaking tarpaulin sa likod ng Elites na bumagsak mula sa ceiling. Biglang namatay ang lahat ng ilaw at may video na lumabas sa white tarpaulin. Nakita ko naman ang projector na naka-install sa may pintuan. Galit namang tumingin sina Jax doon pero wala namang tao sa likuran maliban lang sa mga estudyante.

Mukhang naka-set up na ang mga ito bago pa kami pumunta rito. Elites were clueless about it and I'm also wondering if it's really L who did it.

…

Third Person's POV

Naka-focus ang lahat sa video na pinakita sa lahat. Nakita sa video si Kim na naglalakad patungo sa isang bahay at tsaka pumasok sa loob. Nang ma-realize ni Kim ang video, bigla siyang nawalan ng lakas at tuluyang napaluhod sa sahig. Agad naman siyang inalalayan ni Clent kahit nakakunot ang noo nito sa galit. Alam na ng Elites ang tungkol dito pero 'di pa nila nakita ang video na ito.

"OH MY GOD!"

"She's a bitch!"

"Hindi siya pwedeng masali sa Elites! She's a whore!"

"She's just using Clent!"

Klase-klaseng reaction ang pinakita ng mga estudyante nang makita nila sa video si Kim na kayakap ang lalaking 'di kilala ng karamihan. Pagkatapos n'on, may video ring pinakita about kay Kim at sa lalaking iyon habang kinakasal ang mga ito.

"She's married?! Ba't niya pa binoyfriend si Clent?"

Lahat ng nakakita ay galit na sa kanya. Mia, Elayah, and Justine doesn't know how to react. It seems like they're enjoying it kahit ka-member pa nila ito! They're all angry with Kim.

"She deserves the shame!" sabi pa ni Mia.

Nagsimula namang magduda sina Veign kasi alam nila ang tungkol dito. Lavandeir told them about Kim being married to someone else that's why they're aware of this. Pero sino naman ang nasa likod nito? Kung si Exseven ang may gawa nito, ba't iba ang boses ang nagsalita mula sa speaker? Sila lang kasi ang nakaalam nito at ang alam lang nilang gustong sumira kay Kim ay si Lavandeir lang, pero nasa harap naman si Vanvan at nakatulala pa ito.

Akala ng lahat tapos na ang video pero may ibang video na naman ang nag-play, at tungkol ito kay Justine. Nagkatinginan naman sina Veign at Kevin dahil sa na-realize nila.

Ito ang pinakita ni Lavandeir sa kanila noon, ang video ni Justine kung saan naghahalikan silang dalawa ni Clent. Kitang-kita sa video na lasing si Clent doon kasi nakapikit pa ito at palaging binabanggit si Kim.

"How come L got this video?" tanong ni Kevin kay Veign. Nalilito naman si Natasha sa pinagsasabi nila. Palibhasa wala pa kasi siyang malay n'ong time na sinabi ni Lavandeir ang plano niya.

"I don't know!"

Maraming bagay ang pumasok sa utak nilang dalawa at mas lalong nalito sa sitwasyon ngayon.

Iba't-ibang reaction din ang pinakita ng mga estudyante sa nakita nila. Kahit sina Kei, Reid, Mia at Elayah ay 'di makapaniwala, lalong-lalo na si Kim na napatakip ng kamay sa bibig dahil sa sobrang gulat.

"H-how could you?" 'di makapaniwalang tanong ni Kim sa boyfriend niya. Tumulo pa ang luha nito.

Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ni Justine at nilapitan si Kim. "You don't have the right to get angry here! You're worse than me!"

Mabilis naman silang inawat ni Reid dahil baka matulad na naman kanina at muling magkagulo. Naisip naman ni Veign na mukhang tama ang sinabi ni Jax kanina. Kilala ni Lavandeir si L. May possibility na sila ang nagplano nito. Dahil na rin sigurong pinigilan siya ni Lavandeir n'ong time na hinuli ito ng tauhan ng Elites.

'One thing is for sure! They're ruining Elites' image!' sa isip ni Veign.

Sinulyapan niya si Lavandeir na hanggang ngayon parang nakatulala pa rin. 'What really happened to you? I hope you're okay!'

On the other hand, Jax already expected something like this could happen but he just didn't thought they're targeting their image. Jax is certain that it's either of the two –Lavandeir and Exseven—is L.

He smirked! Whatever they planned, he knew he won't be affected. He already got the spray from Lavandeir that is Dakumasuta's secret weapon. He also made Lavandeir distracted by what he said. He doesn't want Exseven to be happy.

Nang matapos ang video na iyon, namatay ang projector kaya dumilim ang paligid. Kahit kasi kakatapos pa lang ng lunch, madilim pa rin sa loob kasi sobrang close ang court at walang ilaw mula sa labas ang pumasok.

"We're not done yet!" sabi ng mysteryosong lalaki na narinig ng lahat mula sa mga speaker ng court.

Sabay-sabay na tumunog at nag-vibrate ang cellphone nila nang may nag-text sa kanila mula sa unknown number. Ang laman ng text ay isang link. Dahil sa curious ang mga estudyante at ang Elites, they clicked it and it is directed to ECU's website.

Tinanong naman ni Kei ang iba niyang tauhan para papuntahin sa announcement room. Ilang minuto pa ang nakalipas nang bumalik ang isa sa tauhan nila. Sinabi nitong wala ng mga malay ang iba at wala silang idea kung bakit.

Walang idea ang Elites sa nangyayari maliban kay Jax na tahimik lang na nag-iisip. Jax didn't expect that this is well-planned. Alam niyang may pinaplano sina Lavandeir at Exseven pero akala lang niya na 'yon ay ang malaman ang tungkol kay Ms. Jackson.

Matapos ang pag-aaway nila ni Lavandeir sa underground, Jax planned to call everyone and punish Lavandeir in the gym in front of all students. Para na rin magpakita si Exseven sa kanya at umamin na itong siya si L. Sigurado siyang si Exseven ay si L at si Lavandeir ang kakampi nito.

Nakita ng lahat ang ibang mga sekretong ginawa ng members ng Elites na naka-post sa website. The students were already aware of Elites' capabilities but they didn't thought they can do something that can surpass the word cruel.

"Show yourself to us you bastard! Magpakita ka sa 'min! Takot ka ba!"

Nagsimulang sumigaw si Elayah nang pati ang pagpatay niya sa kapatid niya ay naka-post din sa website. Alam niyang hindi niya 'yon sinasadya pero tinago ng pamilya niya ang tungkol d'on. Walang nakakaalam na iba kundi ang pamilya lang niya at ang lawyer na nag-asikaso ng case. This is still Elayah's nightmare. 'Di niya matanggap na napatay niya ang kanyang kapatid.

Kei's case got also posted in the website. It's about the arson case he made way back 2 years ago and his first bestfriend died. Followed by Mia's sex scandal then Clent's abusing drugs and did a rehab. Also Reid's health record that even Jax wasn't aware of it. If Yumi happen to know this, he will automatically remove from Yumi. Sick people isn't suited to be a mafia.

While Jax, there's no explanation in the post. Only just a picture of a piece of paper with a handwritten sentence.

*Jax, don't kill him if you still love me!*

Iyon lang pero malaking impact iyon kay Jax. Walang clue ang iba sa kung anong meaning doon. Bumuong muli ang galit at poot na nararamdaman niya noon. Parang may kung anong tinusok sa puso niya at 'di niya alam kung dahil ba sa nasasaktan siya o dahil sa galit.

Nagsimulang umingay ang paligid sa sari't-saring usapan dahil sa kanilang natuklasan. Ang mga kaklase naman ni Lavandeir sa first subject ay walang reaction. Hindi man nila nakita ang kung anong tinitingnan ng karamihan kasi nakaposas sila, alam nila ang pinag-uusapan ng mga ito. Kahit gan'on, wala pa rin silang reaction kasi tapos na sila. Naranasan na nila iyan mula kay L. N'ong naglabasan lahat ng baho nila.

Muling umilaw ang projector at lahat sila ay napatingin naman doon. Hindi ito video pero isang poem. Poem na napakapamilyar ng karamihan.

'It was when I was at rock bottom

Nobody came along,

To save another dying soul

From vowing to make others pay

I saw red, then I swore upon a name

Void filled my heart

And emptied my mind

'Till I was nothing, but a slave

I became a slave of revenge, Where suffering is a way to happiness,

Suffering from others that is

And seeing them come back to me.

So I could do the same to them

And smile as I walk away

Feeling happy and proud

'Cause I got what I wanted.'

Binasa iyon ni Mia ng tahimik pero narinig iyon ni Lavandier na nasa gilid lang niya. Ngumisi naman si Lavandeir at walang ibang nakapansin n'on kasi nakatuon sila sa tarpaulin.

Ilang segundo ay nawala ang poem at namatay muli ang ilaw. Naging tahimik saglit at tsaka muling nagbulong-bulongan ang mga estudyante. Natatakot na sila sa nangyari.

Nang bumalik ang lahat ng ilaw, may lalaking estudyante namang naglakas-loob na pumunta patungong gitna nang palihim. May suot itong headphone sa ulo at kulay brown ang kulot nitong buhok. Naka-tinted shades din ito at naka-surgical mask.

Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya nang tumabi ito sa Elites. Inangat nito ang laylayan ng t-shirt niya at nakita ng lahat ang peklat nitong parang sinaksak ng matalim na bagay at may malaking tattoo na capital letter L sa ibabaw ng peklat. May kinuha itong dagger sa bulsa nito at tsaka nilalaro sa kamay.

"S-siya! Siya si L!" sigaw ng isang estudyanteng nakaposas. "Siya ang nag-utos sa amin!"

Parang hindi nakagalaw ang lahat sa nangyari… Napanganga pa 'yong iba. Natatakot silang nasa harapan nila mismo si L.

Susugurin na sana ang lalaki nina Kei nang pinatigil sila ni Jax. Alam niyang si Exseven ito. Gusto pa niyang makita kung ano pang pinaplano ng mga ito.

"Playing the last video everyone! Hehehe! Enjoy!"

Mas lalo silang nagtaka nang may nagsalitang muli mula sa speaker. Kung nasa harapan naman nila ang lalaking nagpakilala bilang L, sino ang nasa announcement room?

"AHHHH!"

Napatingin silang lahat sa video kung saan kitang-kita nila ang loser na pinasuan ng isang nagbabagang metal na letrang L sa likuran. Ito 'yong video na kuha sa camera ni Clent no'ng time na bago nawala ang loser.

"AHHH! TAMA NA! TAMA NA PO!" umalingawngaw ang sigaw ni Lavandeir mula sa video.

Napanganga at napaiyak si Natasha nang makita niyang muli ang video na ito. Mas lalong nakaramdam ng galit sina Veign at Kevin at ang iba namang estudyante ay hindi makapaniwala. 'Yong iba naman, natutuwa dahil sa nangyari sa loser, saying 'she deserves it!'

Nang mawala ang maikling video na naka-play sa projector, tinuon nilang muli ang atensyon sa lalaki. Nakilala nina Natasha, Kevin at Veign ang mysteryosong lalaki kahit naka-disguise pa ito. Hindi lang sila makapaniwalang siya si L.

'I really can't believe that L is my own cousin!' sa isip ni Natasha.

Tinanggal ng lalaki isa-isa ang suot niyang headphone, shades, at wig. Wala itong emosyong pinakita nang matanggal na rin nito ang surgical mask.

"Oh My God!"

Napuno na naman ng pagkagulat ang mga tao sa paligid maliban kina Jax at sa tatlong myembro ng Black Chili. Si Kim naman, malalim ang iniisip. Alam niya kasing hindi ito si L.

Naging tahimik ang paligid nang may biglang tumawa na ikinataka at ikinatigil muli ng lahat. Mula sa mahinang tawa ay unti-unti itong naging malakas.

"Hahahaha!"

Agad silang tumingin kay Lavandeir na tumatawa pa rin kahit nakayuko ito.

"Hahahahaha!"

Inangat niya ang mukha niya nang mas tumawa pa siya ng malakas. Dahan-dahan pa niyang tinanggal ang posas na nagpagulat nina Kei. 'Paano niya natanggal ang posas?' parehong tanong nila sa isipan.

'Hindi naman lumapit si insan sa kanya kaya pa'no niya natanggal ang posas?' sa isip ni Natasha.

Pinakita niya sa lahat ang posas at ang susi na hawak niya nang matanggal na niya ng tuluyan ang posas. Dahan-dahan din siyang tumayo nang maayos. Tinanggal niya rin ang cardigan niya kaya naka-tube na siya ngayon ng itim.

"He's not L. Didn't you saw the video?" tanong pa nito sa karamihan. Tumalikod ito para ipakita sa lahat ang malaking peklat niya na dahil sa pinasuan siya ng Elites. Muli siyang humarap sa lahat.

"L is not just means loser. L also means Lavandeir." Ngumisi naman ito ng nakakakilabot. "Yes, I am L!"

Pagkatapos ng sinabi niya, sabay muling tumunog ang cellphone ng bawat isa. Isang link pa rin ang nasa text. At ang laman ng link na iyon ay mga kuha sa CCTV ng lahat ng ginawa ni Lavandeir na patunay na siya si L. The CCTV footage that even Elites couldn't get.

…