Chapter 65 - One He Loved the Most
Lavandeir's POV
Binatawan na niya ako at lumayo sa akin. Nanatili lang akong tahimik at ina-absorb ang mga sinabi niya. 'Di ko pa rin maintindihan ang ibig niyang sabihin.
“Seems like you’re enjoying this, let’s have fun. We’ll beat you until you tell us who’s L,” malakas na sabi niya. Pinaparinig niya sa mga kasama niyang iyon nga ang intensyon niya.
Kinagat ko ang aking labi sa galit. Ano ba talaga ang intension niya na nagawa pa niyang umaktong walang alam sa ka-myembro niya? Hindi maganda ang kutob ko rito.
Natuwa naman sina Mia sa narinig. “This is what I’m waiting for! To punish this bitch!” gigil pa niyang sabi.
Naramdaman kong nagsilapitan silang tatlo sa ‘kin. Alam kong pagtutulungan nila akong bugbugin dito hanggang sa umamin ako sa kanila. Dahil kilala ko sila, kahit umamin pa ako na ako si L, bubugbugin pa rin nila ako.
Isa lang ang pwede kong gawin ngayon, ang hindi sila hayaang gawin ang gusto nila.
"You and your father is such a pain in the ass!"
"Though he may be the strongest and coldest individual, he's still a traitor! He can't fight the Yumi Empire alone!"
"Yeah! No matter how strong he is!"
Hindi ko masyadong pinansin ang mga sinasabi nila. Kahit anong sabihin nila sa papa ko, wala akong paki. Natuwa pa nga akong tinawag siya bilang one of the strongest.
...
Third Person’s POV
Nakaupo si Jax sa isang mahabang sofa habang seryosong nanunuod kay Lavandeir na nakikipaglaban kina Kei, Elayah, at Mia. Hindi rin niya maiwasang mamangha na ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ito natutumba. Nakapiring at nakaposas pa rin ito. Paanong kaya pa nitong makipaglaban kahit ‘di ito nakakakita?
‘How much did she improve?’
Jax know that Lavandeir is smart and easy to learn, he just didn’t think she’s this amazing. Compared to his members, they’re more experienced than her but she still can keep up with them!
Jax smirked 'cause he's right. Her real intension was to know more about Ms. Jackson and to find out who’s helping them. He didn’t think she and Exseven were able to find out that someone’s helping them behind.
It also won’t leave his mind the thing that Lavandeir mentioned about. Napaisip siya kung ba't hindi sinabi sa kanila, o kahit sa kanya ni Ms. Jackson na anak pala ang loser ni Mr. Liander. Possible ring may alam si Ms. Jackson kung sino talaga si L. Kung ganon, ba’t hindi rin siya sinabihan?
‘Is it because of the secret mission she asked me to do?’ sa isip ni Jax.
Muling pumasok si Reid sa loob at tumabi sa kanya. “Let’s stop this Jax. We’re getting too far!”
“No! She’s not the same loser that we used to know!”
“It looks like Exseven won’t come here and save her. He’s nowhere to be found! Let's stop this!”
Hindi naman sumagot si Jax kay Reid. He lied to Reid. Reid thought that Jax’s intension is to get Exseven by using the loser. But it’s not.
Walang nagawa si Reid at tumahimik na lang nang 'di siya nakatanggap ng sagot mula kay Jax. Tumingin siya kay Lavandeir at nakaramdam siya ng awa sa kanya nakita.
'She's still fighting despite having blindfolds and can't use her arms! She's always on a defense!'
Seryosong nakatingin sina Reid at Jax sa kanila. Sa ilang minutong pag-oobserve ni Reid, nawala naman ang kaba sa kanyang dibdib.
'She's amazing!'
Unlike before, ang layo na sa loser noon at sa loser ngayon. Magaling na itong makipaglaban at matapang na rin. Noon kasi, kakaladkarin lang nila ay iiyak na ito at manginginig sa takot.
Nakokonsensya si Reid sa mga nagawa nila noon kay Lavandeir. Nakokonsensya siyang hindi niya kayang pigilan ang mga pinaggagawa ng kanyang matalik na kaibigan.
Sinulyapan niya si Jax sa kanyang tabi. 'I hope you won't go down too much!'
Muli siyang tumingin kina Lavandeir. They didn’t expect she’s that good in fighting. Mabilis at well-trained ang Elites pero naiilagan pa rin nito ang mga attack nila.
Tumalon si Lavandeir para iwasan ang atake ni Kei sa kanya sa may binti. Nakaiwas din ito sa parating na sipa ni Mia na parang kitang-kita niya ang mga galaw nito. Bigla niyang nasipa si Elayah sa binti dahilan nang matumba ito at napasigaw.
Mabilis namang nakabawi ang Elites. Nakaiwas si Lavandeir sa suntok ni Mia pero natamaan siya sa likod sa sipa ni Kei. Napaluhod ang dalaga sa sahig. Hindi pa nga ito nakatayo ay sinuntok ni Elayah ang tiyan nito kaya napaubo ito.
Tinulak siya ni Mia sa sahig at inupuan sa tiyan tsaka walang tigil sa pagsusuntok. Hindi kasi matanggap ng pride nila na si loser lang ang kalaban nila pero hindi man lang nila mapatumba!
Maigi lang na nakatingin sa kanila si Jax at malalim ang iniisip.
‘What will you do loser? Why don’t you show us that thing you used to make someone lost their consciousness,’ sa isip ni Jax.
This is the top secret Ms. Jackson asked him to do, to find out their secret weapon.
‘Tulad nong time na binully nila noon ang loser sa mini gym. Bigla na lang silang nahilo at nawalan ng malay. Tapos nang magising sila, wala na si Lavandeir. Sinabihan din sila ni Mia n’ong time na bigla na lang siyang nahilo. Sinabi niyang pareho sila ni Lavandeir na nawalan ng malay n’ong time na nag-aaway sila sa Ladies room ng cafeteria. Jax checked the CCTV again and he found out that Lavandeir hasn’t lost her consciousness and she’s just acting as if she’s affected. Because of this, he found out na matagal na palang kumikilos ang loser.
Based also on Justine’s words, she lost consciousness by just smelling the paper that Lavandeir gave her. There’s no fragrance in it or anything special. It’s just a paper.
Isa ito sa rason kung ba’t nagdududa siya sa dalaga bilang L. Also why did Kim suddenly feeling scared whenever Lavandeir was around?
Yes! Jax is always observing his members, especially Kim. That's why he can tell that Kim was acting suspicious. It's not just about Lavandeir was blackmailing her. It's something else.
Then this morning, he saw what the loser did to her classmates. He still can’t imagine how the loser changed so much… She’s becoming more like Cath now.
Jax remembered meeting Liander Jackson once. He knew that he himself is a cold person but Liander’s aura was colder than him... The person that makes him intimidated.
At kaya pala kahit anong gawin niyang pagpapaalis sa loser sa ECU ay hindi niya magawa. Hindi lang pala dahil sa sponsor ni Lavandeir that happened to be her grandfather -- the founder of Dakumasuta. It's also because of the Director of this school that allows Lavandeir to stay... And that director is no other than, Ms. Jackson.
Wala siyang idea kung ano ang plano at iniisip ni Ms. Jackson.
‘I can’t think of any reason why Ms. Jackson kept Lavandeir in this school.’
Akala ni Jax mawawalan ng malay ang loser habang pinagsusuntok siya ni Mia. Her hands are in front of her face to shield her face from Mia’s punches. Nakaposas pa ang mga ito. Kahit pilit siyang umiilag ay natatamaan pa rin siya sa mukha. Nanunuod lang din sina Elayah at Kei at pinabayaang bugbugin ang loser kay Mia.
Bago pa ito muling masuntok ni Mia ay hinampas niya ang mukha ni Mia gamit ang dalawang kamay niyang nakaposas. Tumama ang posas sa mismong mukha ni Mia dahilan ng dumugo ito.
Nagulat silang lahat. Dahil nawala sa focus si Mia saglit, ginamit ni Lavandeir ang chance na iyon para matulak si Mia gamit ang kamay niya at makawala sa pagkakaupo nito sa kanya. ‘Di pa siya tumayo agad at sinipa si Mia sa mukha.
Natumba ito sa sahig at nahihirapang makatayo. Habol hininga namang tumayo si Lavandeir. Sumasakit din ang kanyang mata dahil natamaan ito sa suntok ni Mia. Pero kahit gan'on, pinilit niya ang sariling makatayo ng maayos. Pinahiran niya ang dugo na dumaloy sa kanyang pisngi at sa labi gamit ang telang nakatakip sa kamay niya.
Sobra siyang nanggigigil sa nangyari at wala na siyang pake sa kung ano man ang magawa niya. Muli niyang hinanda ang sarili nang maramdaman niyang lumapit sa kanya sina Kei. Bago pa siya matamaan sa mga tira nito, inunahan na niya itong sipain. Buti na lang talaga at nagkaroon siya ng training ng blindfold, mas malakas siyang makiramdam sa paligid.
‘Kung pwede lang sanang suntukin ang mga walangya! Bwiset na posas to!’
“Fucking weak!” mura ni Lavandeir. Umaatras naman siya kasi nahihirapan siyang i-balance ang kanyang sarili. Buti na lang at nakaya pa niya.
Hindi niya mahanap ang presensya ni Jax kaya ‘di na niya ito hinarap at nagsalita na lang.
“So ito pala ang totoong Elites? So fucking weak! Still fighting the loser with a handcuff and blindfold but still can’t defeat her? Now who’s weak here Jax? Paano ba kayo naging number 1 rank ng Yumi? Pa’no mo tini-train ang mga kawawang members mo? And then you were so called the Elites and every student is afraid defying your orders and still shit out their pants whenever you’re around!” natawa si Lavandeir na may halong pagkakagigil. “I trained so much just to beat the hell out of you! I anticipated that this fight is tough! What the hell!”
“Shut the fuck up!” gigil na sigaw ni Kei sa kanya. He can't accept that the loser is insulting them.
Hindi naman makapaniwalang natawa si Lavandeir kaya mas lalong nagalit ang mga ito. “So maybe the rumors were true. That it’s because of your connections that’s why you got the number 1 rank! Well, it’s not the strength after all. It’s the connection! Hahahahahha!”
Dahil sa galit ng tatlo, ay sabay nilang nilapitan ang loser para labanan sana nang biglang tumayo si Jax at pinatigil sila.
“What? Let us finish her!” reklamo ni Mia kay Jax na ikinatawa naman ni Lavandeir.
“As if you can finish me!” sagot pa nito.
“All of you! Get out of this room!”
Nagtataka at naghihinayang sila dahil sa sinabi ni Jax. Kating-kati na silang patayin ang loser. Pero wala silang magawa kundi sundin ang utos ng leader nila. Umalis na rin ang mga tauhan nilang estudyante at naiwang silang dalawa na lang.
Muling tumingin sa kanila si Reid habang nakakuyom ang kamao. Hindi niya pa rin kayang pigilan si Jax. Umalis na rin ito at pabagsak na sinara ang pinto.
Tumahimik na naman ang paligid.
“It’s just you and me here,” walang emosyong saad ni Jax at lumapit sa dalaga.
'Di naman mapigilan ng dalaga ang pagkunot ng noo. Nagkasalubong rin ang kilay niya. Parang hindi maganda ang mangyayari ngayon.
‘Anong binabalak nito?’
“I will let you experience real fight from Elites.”
Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niyang nakaposas. Tinaggalan siya nito ng posas kaya mas lalo siyang nagtataka.
“I’m giving you a fair fight,’’ sabi pa ni Jax.
Mabilis niyang tinanggal ang piring sa kanyang mata nang matanggal ni Jax ang posas. N'ong una, nahirapan siyang buksan ang isang mata niya dahil sa natamo niyang bugbog.
Nasisilawan naman siya nang makitang puro puti ang paligid. Malaki ang space at may dalawang sofa lang ang nandito wala ng iba.
Pumikit siyang muli, medyo nanlabo ang paningin niya dahil sa matagal na pagpikit. Buti na lang at naka-contact lenses siya ngayon.
“Nasaan tayo?”
May kutob siyang nasa underground sila pero hindi niya matukoy kung saan talaga sila.
“We are in our secret underground hideout inside ECU. You are the first student who’s not member of Yumi that came here.”
‘Tama nga ako!’
Sinalubong niya ang titig ni Jax. “Anong balak mong gawin?”
Hindi naman niya nagustuhan ang biglaang pagngisi nito ng kakaiba sa kanya. “I am giving you the privilege to fight the leader of number 1 rank group in Yumi Mafia. And it is just now you and me, Lavandeir.”
…
Nang pinalabas silang lahat ni Jax, inis namang umalis si Reid. Parang hindi na niya gusto ang pinaggagawa niya. He doesn’t know what to feel, what to react and what to do. He’s confused. He’s a member of Elites but he’s more worried about Exseven and Natasha. But he can’t help it. He joined the group together with Jax. And there’s a punishment whenever someone betrayed the group. It's not also because of the punishment. He just don't want to leave Jax behind. He knew that his friend is experiencing something he wasn't aware of.
Dahil nasa pinakadulo ng hallway ang room kung nasaan si Lavandeir, nilakad niya ang mahabang hallway. Hindi na rin niya pinansin ang tawag ni Kei sa kanya at nagpatuloy lang sa pag-alis.
Puro puti ang kulay ng paligid at puting tiles rin. Walang nakakaalam na iba sa lugar na ito. It was located at the back of their headquarter at nasa pinkadulo ng ECU. At dahil walang estudyanteng magbalak na puntahan ang headquarter nila, mas lalong safe ang underground hideout nila.
They will only use it whenever there’s something confidential meeting and if things that somehow involved Yumi. The security is also high. It needs an identification card and registered fingerprint to enter through the main door.
Paglabas niya sa main door, umakyat siya sa hagdanan para mapunta sa main ground. Nakita niya ang tatlo na sina Clent, Justine, at Kim. Mabuti at hindi na sila nag-aaway. Pero hindi sila nagpapansinan.
‘Lavandeir achieved breaking our teamwork. I’m afraid that I may break it too,’ sa isip ni Reid at hanggang ngayon nalilito pa rin siya sa nararamdaman niya at kung ano ang dapat gawin.
Dinaanan lang niya ang mga ito at pumunta sa tahimik na lugar. Sumandal siya sa dingding at naglabas ng sigarilyo. He needs to cool his head for a while. Pinikit niya ang mata niya at nagsimulang magyosi.
“Seeing you at that posture makes me think you’re up to something and your head is clouded as you didn’t notice me.”
Napamulat siya ng mata dahil sa isang pamilyar na boses at ang way ng pananalita nito. Alam na niya kung sino iyon.
Umayos siya ng tayo at nilingon si Ex na nakasandal din sa tabi niya. Nakasuot ito ng black hoodie jacket, black cap, and black mask. Nanlaki ang mata niya nang ma-realize niyang si Ex pala ang tinutukoy ng mga estudyante na nagpakilala bilang L.
Ilang segundo ay natauhan naman siya. “I’m expecting you. You’re just a little late.”
Alam ni Reid na kapag kunin nila si Lavandeir, dadating at dadating talaga si Ex to rescue her.
“How is she?” kalmadong tanong ni Ex sa kanya.
Iniwas niya ang tingin dito at nagbuntong-hininga.
“They’re giving her a hard time, but she’s fighting. Didn’t expect she changed a lot.”
It’s been a while since they talked as calm as now. Though they both know they’re not calm inside. Especially Exseven knew what happened to his girlfriend.
Reid didn’t let his guard down. Any moment, Ex might attack him.
“I won’t stop you if you wanna go down there and rescue her… but you can’t. She’s being surrounded.”
Nagtaka siya ng hindi niya in-expect ang maging reaction ni Ex. Natawa lang ito nang mapakla. “I won’t rescue her now. I believed in her.”
Hindi niya inasahang ‘yon ang sasabihin ni Ex. He witnessed how Ex when in love. He won’t let anyone touch his girl. Just like Cath.
Tumalikod na ito sa kanya at aalis na sana.
“By the way, Jax is insane… and no one can stop him even me.” Napahinto saglit si Ex dahil sa sinabi ni Reid. “…and I’m sorry.” Mahinang pahabol ni Reid. Hanggang ngayon na konsensya pa rin siya sa nangyari. Nakonsensya pa rin siyang wala siyang ibang magawa kundi sundin si Jax noon.
Mga ilang segundo pa bago sumagot si Ex sa kanya. “I apologize too… for we can’t be friends anymore like how we used to.”
Nasaktan naman siya sa sinabi ni Ex sa kanya. Alam naman niyang mangyayari ito pero ‘di niya magawang kamuhian ang dati niyang kaibigan. Kasi alam niyang malaki ang nagawa nila sa kanya.
Akala niya aalis na si Ex pero nagsalita pa ito. “That guy who punched Lavandeir earlier, leave that bastard to me!” kalmadong sabi nito at walang emosyon.
“As I expected,” mahinang bulong ni Reid.
…
May kinuha si Jax na dalawang katana na hinanda niya para sa laban nilang dalawa ni Lavandeir. Nanatili lang na nakatitig sa kanya ang dalaga. Hindi niya mawari kung anong iniisip ni Jax at anong balak nito.
‘Anong purpose na makipaglaban siya sa ‘kin kung alam naman niyang nasa aming dalawa ni Ex si L?’
Hinagis ni Jax ang isang katana kay Lavandeir at agad naman niya itong sinalo. Marunong naman siyang gumamit nito pero hindi siya masyadong magaling. Inuuna niya kasing matuto ang tungkol sa pagbabaril ‘nong nagt-training pa siya.
“Maybe in this fight, we might know something that we’re curious about…"
Hindi mapigilan ng dalaga ang pagkunot ng noo dahil sa malabong sinabi ng lalaking kaharap niya. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya kaya napahawak siya nang mahigpit sa katana. Ngayong wala na ang posas at piring, mas komportable na siyang kumilos.
Mula sa nagmamayabang na mukha ni Jax, naging seryoso ito at agad sinugod ang dalaga gamit ang katana. Buti na lang at mabilis ang reflexes nito kaya hindi siya natamaan. Walang tigil sa pag-atake si Jax sa kanya at wala siyang magawa kundi sanggain lang ang mga tira nito gamit din ang katanang hawak niya. Hindi siya nagtataka kung bakit bigla-bigla na lang siyang inatake nito, nagtataka siya kung bakit parang may halong panggigigil ang bawat atake ni Jax sa kanya, na parang galit na galit ito.
'Ako dapat ang magalit dito!'
Hahampasin na sana ulit siya sa may ulo nang nasangga niya ang katana nito gamit din ang katana niya. Nagkasalubong ang mga titig nila at ‘di maiwasan ni Lavandeir ang mas lalong magtaka sa nakita niya. Nakita niya ang emosyon ni Jax. Nakita niyang parang galit ito pero hindi sa kanya. Galit ito at mukhang nasasaktan.
“J-Jax…” wala sa sarili niyang banggit.
“I want you to know more about Cath! I want you to know her story!”
Gigil na sabi ng binata. ‘Di maiwasang mapanganga ni Lavandeir dahil sa narinig niya, at sa inakto ni Jax. Parang nablanko siya ng ilang minuto.
Matagal na niyang gustong malaman ang tungkol sa babaeng iyon. Gustong-gusto na niyang tanungin ulit si Ex pero pinipigilan lang niya ang sarili niya kasi baka maulit na naman sa dati. Baka masaktan na namang muli si Ex. Alam niya kasing nasasaktan ito tuwing binabanggit ang pangalan ni Cath.
Nang matauhan ang dalaga, mabilis siyang lumayo kay Jax. Buti at huminto ito sa walang-tigil nitong pag-atake. Habol niya ang kanyang hininga. Naramdaman na rin niya ang mga sugat at bugbog niya.
“Ano ang meron sa kanya na parang napaka-bigdeal sa ‘yo ang babaeng ‘yon?”
Muling lumapit sa kanya si Jax. ‘Di siya umatras at sinalubong lang niya ito nang masamang tingin.
Hindi naman siya nagpatinag pero pinigilan niyang huminga saglit. Dama rin niya ang lakas ng tibok ng puso niya. Any moment, aatake si Jax at may posibilidad na masaktan siya sa hawak nitong katana kaya napahigpit din siya sa hawak na katana. Alam niyang mas magaling si Jax kumpara sa ibang Elites. Masasabing kasing lakas at galing lang din ito ni Exseven.
“Didn’t Exseven tell you about her?” tanong ni Jax na may nakakalokong expression sa mukha.
Natamaan naman si Lavandeir sa tanong nito. Tama kasi itong hindi siya sinabihan ni Ex tungkol kay Cath. Wala siyang masagot kay Jax. No, wala talaga siyang balak sagutin ito. Gusto man niyang pigilan ang sarili niya pero mas lalo siyang na-curious tungkol kay Cath.
“Pity!” sabi ni Jax na alam niyang inaasar siya nito.
Umiwas ng tingin si Lavandeir at umalis sa harapan ni Jax kaya natawa ito sa kinilos niya.
“Want me to talk about her?” nakangising sabi ni Jax sa kanya.
Hindi mawala ang pagkunot ng noo niya habang masamang nakatitig kay Jax. Walang kahit isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Gusto niyang tumango at makinig sa sasabihin ni Jax at the same time hindi.
Simula nang nagkagusto na siya kay Ex, takot siyang malaman ang tungkol sa unang babaeng mahal ng boyfriend niya.
Hinigpitan niya ang hawak ng katana tsaka agad sinugod si Jax. Nakailag naman ito sa atake niya at muli itong nagseryoso. Umiwas agad si Lavandeir sa atake ni Jax nang muntik nang matamaan ang gilid na binti niya.
Muli silang naglaban ng seryoso. Hindi rin tumitigil si Lavandeir kasi ayaw pa niyang makinig sa sasabihin ni Jax. Gusto niyang si Ex mismo ang magsabi sa kanya. Gusto niyang matapos na ito para matuloy ang kanilang plano.
Nagawa na niya ang isang tungkulin niya. Ang malaman ang tungkol sa taong sumusuporta ng Elites. 'Yon ay si Ms. Jackson. Isa na lang ang dapat nilang gawin.
Naging mas mabilis at malakas ang mga tira ni Jax sa kanya. Nahihirapan siyang sanggain ito. Wala silang tigil sa paglalaban. Puro pagsasangga lang ang ginawa ni Lavandeir dahil hindi niya magawang umatake sa bilis ng kilos ni Jax.
“Bakit parang mas mahalaga si Cath sa ‘yo kesa sa pagkakaibigan ni’yo ni Ex?” hindi niya napigilang tanong.
Saglit itong natigilan sa biglaang tanong ng dalaga. Nagkaroon naman ng chance si Lavandeir para umatake. Akala niya matatamaan na niya si Jax dahil sa nawalan ito saglit ng focus. Sobrang lakas niyang hinampas si Jax ng katana pero nasangga nito ang atake niya. Sabay naman nilang nabitawan ang hawak nilang katana sa lakas ng impact.
Pareho silang habol ang hininga at nanatili lang na nakatitig ng masama sa isa’t-isa.
Nang maalala niya lahat ng sinabi ni Jax tungkol kay Cath sa school trip, parang ‘di ito nagtugma sa mga pinapakita niya. Parang napaka-bigdeal sa kanya ang nangyari. Kung hindi sana niya napansin ang mga kilos ni Jax kanina, hindi niya sana ma-realize ito.
“Imposibleng malaman mong magkatulad kami ng lips. Base na rin sa mga sinasabi mo sa akin na magkatulad kami ni Cath. Hindi mo naman mapapansin ang mga maliliit na detalying iyon kung wala lang siya sa ‘yo! Palagi mo siyang binabanggit sa 'kin na parang ikaw ang nasaktan sa pagkawala niya!”
May nakitang kakaiba si Lavandeir sa mga mata ni Jax na hindi niya matukoy. Mula sa galit na mga mata nito, parang napalitan ng matang nasasaktan. Parang nasasaktan si Jax sa mga naalala niya.
Hindi na pinulot ni Jax ang katana at mabilis na nilapitan ang dalaga. Naging mabilis ang kilos nito na hindi napansin ng dalaga na nahawakan na pala ang kamay niya nang mahigpit. Hinila siya ni Jax palapit sa kanya at mabilis nasuntok sa abdomen. Ramdam din niya ang napakahigpit ng paghawak nito sa wrist niya.
Nawalan ng lakas si Lavandeir at nakaramdam siya nang saglit na pagkahilo sa sobrang sakit na naramdaman niya mula sa suntok ni Jax. Napaluhod siya pero sinalo siya nito.
Piniharap siya ni Jax at tsaka sinakal sa leeg nang napakahigpit. Nakikita niya ang puot at galit sa mga mata nito.
“Exseven stole her away from me! Because of him, she died!”
Nahihirapang huminga si Lavandeir and anytime, mawawalan na siya ng hininga. Sobrang nanghihina siya dahil na rin sa suntok ni Jax sa kanya. Nahihirapan siyang lumaban sa sitwasyon niya ngayon.
Agad siyang natumba sa sahig nang binitawan siya ni Jax. Hinahabol niya ang kanyang hininga habang nakahawak sa kanyang leeg. Umuubo siya at unti-unting umatras palayo kay Jax. Napansin niya ang katana niyang malapit lang sa kanya kaya nagkaroon siya ng idea kung anong dapat gawin. Nanghihina man pero ginawa niya ang lahat para makalapit sa katana nang hindi inaalis ang tingin niya kay Jax.
Wala pa rin siyang tigil sa pag-ubo at hinahabol niya ang kanyang hininga. Alam niyang any moment, papatayin siya ni Jax. Alam niyang 'di ito magdadalawang isip na saktan siya.
Eksakto naman naabot niya ang katana nang lumapit si Jax sa kanya. Nanghihina man, buong lakas niya namang inatake sa Jax ng katana. Tumalsik ang maraming dugo mula sa braso nitong tinamaan niya.
Hindi man lang sumigaw si Jax sa natamo nitong sugat. Mabilis na nakuha ni Jax ang katana mula sa kanya. Nagsimula na ring mag-blurred ang kanyang paningin. Habang nakahilata sa sahig, mahigpit na sinabunutan ni Jax ang buhok niya at pinaharap siya kay Jax. Malapit ang mukha nilang dalawa at hindi niya ma-explain ang emosyong pinapakita ng binata.
Kahit nagiging-blurred na ang paningin niya mula sa pagkahilo, nakatitig lang siya sa mga malamig na mata ni Jax na nakatitig sa kanya. Hinawakan ni Jax ang pisngi niya at maingat itong hinimas. Walang tigil ang pagtulo ng mga dugo sa braso dahil sa hiwa ng katana.
Pero…
Hindi lang dugo ang tumulo, pati na rin ang mga luha ng binata mula sa malamig nitong mata.
“The truth is I didn’t ask someone to rape Cath. How could I do that to the one I love the most?”
Muli siyang sinuntok sa abdomen ni Jax nang napakalakas kaya tuluyan siyang nawalan ng malay.
...