Chapter 17- HOSPITAL

MIRAJANE POV

9:00 am

Hospital

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang nag-aalalang muhka ni mommy habang umiiyak sa tabi ko.

Gulat siya ng makitang gising na ako kaya agad niyang pinindot ang bell para tumawag ng doctor.

"Anak" mom keeps on sobbing.

Hindi ako makapag salita, parang bigla akong naging pipi. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang kahit anong boses na lumabas rito.

Ito ba iyong sinasabi nilang effect ng trauma?

Dumating naman ang mga doctor at agad na tinignan ang kalagayan ko. Nakahinga ito ng maluwag ng makumpirma na maayos ako physically.

"Hindi siya maka salita doc" umiiyak na sambit ni mommy.

Nahihirapan akong makita siyang ganito. Bakit ba hindi na lang ako na tuluyan noong sinaksak ako para wala na akong nakikita na ganitong scenario?

Tumingala ako sa ceiling na para bang makikita ko si Lord at nagsalita sa isip ko. Kailangan ko ba talaga na pagdaanan ang lahat ng ito? Bakit ako? What did i ever do bad to experience this?

Kunot noo kong sambit sa utak ko habang umiiyak. Then felix face appear in my vision. Naka ngisi na parang demonyo, hinawakan ko ang ulo ko at pilit na pa ulit ulit umiiling ng marinig ang mga nakakadiri niyang tawa.

"Mira" rinig kong tawag ni mom.

Pero mas nangingibabaw iyong tawa ng demonyong iyon.

"Calm her down" mahina pero rinig kong utos ng doctor sa nurse.

Someone inject me and my eyes started to blurr. Inantok rin ako bigla at tuluyan ng na ka tulog.

12:00 pm

Hospital

Hinawakan ko ang ulo ko pagmulat pa lang ng mata dahil ang bigat bigat nito. Pagbaling ko sa gilid ay wala si mom, then the door opened.

Si mom at isang police ang pumasok.

"Anak" sambit ni mom.

Lumapit siya sa akin at sumunod naman sa kanya iyong police. Mom give a notebook and pen.

Naka sulat rito na, isulat ko sa notebook ang sagot ko sa bawat itatanong ng officer para mas madali nila mahanap ang suspect.

Hindi pa man nagtatanong ay nag-sulat na ako roon sa papel. Pagkatapos ay ini-abot ito kay mom.

She read it loud.

"May lalaking tumulong sa akin" pagbasa ni mom sa isinulat ko sa papel.

"Hindi niya nakita ang muhka ng suspect anak dahil na ka layo na ito agad at ikaw ang nilapitan niya dahil puno ka ng dugo" mom said.

Nanghina ako. Hindi ko rin maaaring sabihin na si Felix ang may gawa nito dahil. wala akong pruweba na makakapag pa tunay rito.

Binalik ni mom sa akin ang notebook kaya nag sulat ako rito ulit, pag tapos ay inabot ulit kay mom.

"CCTV?" malakas na basa ni mom.

Tumingin siya sa police officer na kasama at malungkot naman na umiling ito. Anong ibig niyang sabihin?

"We checked all the CCTV footage na malapit sa crime scene pero puro likod lang ng lalaki ang nakita sa camera" sambit ng police officer.

So, anong ibig niyang sabihin? Hindi ko makukuha ang hustisya sa nangyari sa akin? Ganon na lang ba iyon??

Galit kong hinablot ang notebook na ikinabigla naman ni mommy. Sinulat ko roon na gusto ko mapag-isa

"LEAVE ME ALONE!"

"HINDI P'WEDENG WALANG MAKULONG!"

Mom try to hug me and calm me down pero nagpupumiglas ako habang umiiyak. Lumabas naman na iyong officer at tumawag ng doctor, dahil minuto lang ay pumasok ang mga ito.

Tinurukan na naman nila ako ng pang pa tulog kaya wala na akong na gawa bumagsak ako sa kama ko at nawalan ng malay.

3:00 pm

Hospital

Wala si mom ng magising ako ulit kaya napag pasyahan kong gamitin ang pagkakataon na ito para umalis sa kwarto ko. Inalis ko 'yong dextrose na naka tusok sa akin at hirap na lumabas habang hawak ang tagiliran ko.

I immediately go to the elevator at pinindot ang rooftop para magpahangin. And maybe die, hindi ko kayang mabuhay ng ganito knowing that the guy who did this to me is living a fine life.

Tumunog iyong elevator hudyat na nasa rooftop na ako ng hospital. It was the last floor, or 15th floor to be exact.

Sumalubong sa akin ang ihip ng hangin na para bang niyayakap ako nito at dinadamayan sa pighating nararamdaman ko ngayon.

I step to the stone here para maka akyat sa pader ng rooftop. P'wede na akong tumalon rito at mamatay so this pain will stop.

"Ang panget naman ng ikamamatay mo kung tatalon ka diyan" a girl said.

Gulat akong lumingon sa kanya. She's wearing a red lipstick, black pants at white sando.

"I can help you" sambit niya pa.

Tuluyan na niyang nakuha ang atensyon ko kaya bumaba ako sa pader ng rooftop at lumapit sa kanya.

She offered me a bottled of water.

"Inumin mo para makapag salita ka" she said.

Inamoy ko naman muna 'yong tubig at tinitigan ng maayos ang loob nito.

I heard her chuckled. Kaya tinignan ko siya ng masama.

"Walang lason iyan. Gamot para gumaling ka mayroon" she said.

I don't know how but i trust her word. Uminom ako roon sa tubig at sinubukan na magsalita.

"Sino ka?" tanong ko.

Nanlalaki ang mata ko ng marealize na may boses na nga ako ulit at nakakapag salita na.

"I'am Agent Red" pakilala niya.

She offered her hand and tinanggap ko naman ito.

"Gusto mo mag higanti?" tanong niya.

Tumango naman ako bilang tugon.

"Hindi p'wedeng walang managot" mariin kong sambit.

"Sa likod ng ospital na ito, mayroong kakahuyan. Diretso mo lang iyon at sundan ang pulang laso na itinali ko sa bawat puno bilang pala tandaan" sambit niya.

"Hindi kita maintindihan" kunot-noo kong sabi.

"Sa dulo nun ay may bangin at dagat ang bagsak mo, You can fake your death by drowning. Tatawag ako ng police at kailangan saktong dating nila ay makitang tumalon ka" paliwanag niya.

Is this the right thing to do? Paano ang mom ko?

"Kung iniisip mo ang mom mo, she will be fine" sambit nito na para bang na basa ang nasa isip ko.

"Who will save me after ko tumalon?" tanong ko.

She wink at me and tap my shoulder.

"Ako" sagot niya.

Bahagya naman akong ngumiti. I don't know but i feel safe at her. Hirap man maglakad ay nag-umpisa na akong magpunta sa sinasabi niyang bangin, dumaan ako sa likod ng hospital para walang maka pansin sa akin, si Agent Red rin ang nag turo ng daan na ito.

Sumunod ako sa lahat ng sinabi niya at narating ang bangin na sinasabi niya. Binigyan niya ako ng relo kanina para makita ang oras, kailangan ko muna maghintay rito ng 5 minuto bago tuluyang tumalon.

Kinakabahan ako habang papa lapit ang oras. I heard a foot step at nakita na ang isa sa mga police i step and close my eyes after i jump.

Bumagsak ako sa malamig na tubig ng dagat, then Agent Red save me from drowning. Ini-angat niya ako sa sinakay sa maliit na bangka.

"Paano nila masisigurong patay na ako?"

tanong ko.

"Agent Black will put a dead body there after a day. Hindi na nila makikilala iyon at aakalaing katawan mo 'yon" she respond.

Shock pa ako sa nangyayari ng umandar ang boat na sinasakyan namin at tuluyang umalis sa lugar na iyon.

I don't know what will happen next, but this feels safe than waiting to justice i can't have.