Chapter 5 Tea

"Anong relasyon ninyong dalawa ni Aris, ha? Bakit todo bantay sayo ang lalaking 'yon?" tanong ni Klea.

Kausap ko ang kaibigan sa cellphone. Tinawagan ko siya at sinabi sa kanya ang tungkol sa palumpon pero lumiko siya sa topic.

"Wala. Hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon, e."

"Really? I thought magkakilala kayo?! Hindi mo ba alam na kaibigan ng kuya mo ang mga 'yon?"

Nagkibit-balikat ako kahit hindi niya nakikita. "No. Hindi ko nga sila nakikitang pumunta sa Estancia—"

"Hindi mo nakikita or hindi mo pinapansin?" she cut me off.

I sighed. "Hindi ko talaga sila nakikita rito, Klea, at bakit ba mas may alam ka pa sa mga kaibigan ng kapatid ko kesa sa akin?"

"Kasi wala kang oras para sa ibang bagay. Sa negosyo lang umiikot ang oras mo. Estella, give time or attention to those around you! Bigyan mo ng oras o atensyon ang nasa paligid mo, alamin, kilalanin at pansinin mo rin sila."

Tahimik akong nakikinig sa parangal niya. At na realize kong tama ang sinabi niya, umiikot lang sa negosyo ang oras ko but I can't blame myself. I have my reason why I am focused on my business. Ngunit kailangan ko rin bigyan ng oras ang nasa paligid ko. Dapat nahahati ang oras ng isang tao sa dalawa, hindi umiikot lang sa isang bagay.

Alas singko ng hapon at nasa labas ako ng office habang pinapaalalahan si Wen sa mga gawain niya tuwing hapon na isara ng maayos itong shop at kailangan malinis na ito bago siya umuwi.

Tumalikod na ako para lumabas na nang makita kong pumasok si Aris kaya napahinto ako. Hindi niya ako napansin kasi busy siyang nakatingin sa kanyang cellphone habang ako ay nakatayo lang sa gilid at nakatingin sa kanya. Sinuyod ko ang kabuohan niya, ang suot niya ay puting long sleeve polo na nakatupi hanggang siko at itim na slacks kaya kita ko ang bukol sa pagitan ng binti niya.

Nag-init ang mukha ko sa nakita ko. Buti nalang ay hindi niya ako nakitang nakatingin doon kundi nakakahiya.

Nang magtama ang mata namin dalawa ay inismadan ko siya at akma ko na siyang talikuran ng tawagin niya ako.

"Estella," nilingon siya. "What are you doing here?" he smirked.

"Work." tugon ko habang nakataas ang isang kilay. "Ikaw anong ginawa mo rito? Ah, alam ko na, binisita mo ako—"

"Bibili ako ng tea. Pumunta ako dito kasi bibili ako ng tea." napahiya ako sa sinagot niya at nang mapako ang kanyang tingin sa hawak kong bouquet ay agad nag-iba ang awra niya. Nagsalubong ang kanyang kilay, nag-isang linya ang labi, naging madilim ang mata at galit.

His jaw clenched. "Sino ang nagbigay sayo nyan?"

My forehead furrowed. "Wala ka ng pakialam dun."

"What's your order, sir?" singit ng crew.

He ignored the crew but his eyes darkened even more because of my answer. I gulped.

"Two mocha, size XL. Please?" aniya sa crew nang nasa akin parin ang tingin.

"Ok, sir."

Tumango lang siya tapos lumapit sa akin at marahas niya akong hinila. Bakit ba ang hilig nitong manghila?

Huminto kami sa dalawang upuan at pinaupo ako. "Sit there because we need to talk." sumulyap ako kay Wen at nakita kong nakatingin siya sa amin bago ako umupo. "Now, let's talk!" aniya nang makaupo na rin siya iniwas ko ang tingin sa labas.

"Wala tayong pag-uusapan." I said coldly.

"We have something to talk about."

"About what?"

"About whom gave to you that goddamn bouquet?!"

Hindi muna ako sumagot dahil nakita ko sa peripheral vision ko ang crew na dala ang inorder ni Aris patungo sa gawi namin at maingat niyang pinatong sa lamesa tapos umalis.

Inis kong hinarap siya. "Why do you care, huh? Hindi naman kita boyfriend para sabihin ko sayo."

"Damn it!" tumaas ang kanyang boses na ikinaigtad ko at mabilis niyang inabot ang kamay ko para bumawi, hinaplos niya 'yon gamit ang kanyang palad. "I'm sorry, baby. Sabihin mo sa akin kung kanino galing 'yan," mahina niyang sabi at lumambot ang awra niya. Hindi ako sumagot. "sa susunod wag ka ng tumanggap kasi nagseselos ako."

Selos? Siya nagseselos? Bakit?

Imbes na sagutin siya ay binawi ko ang kamay ko sabay tayo at umalis. Iniwan ko siya kasama ang dalawang milk tea na inorder niya para sa kanya at sa akin na kahit konti lang ay hindi ko nabawasan. Pwede niyang dalhin 'yon sa bahay o ibigay sa iba.

Nakarating ako sa mansyon ng alas sais. Pinarada ko ng maayos ang sasakyan sa garage pagkatapos ay lumabas. Mabilis akong nilapitan ng dalawang kasambahay namin na hindi ko kilala at kinuha nila ang mga dala ko.

"Take it to my room...." pagod kong sabi sa kanila.

"Masusunod po, ma'am." at sinunod naman nila.

Nakasunod ako sa kanila na pumasok sa loob at nadatnan ko si Mama na mag-isa sa sala na nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Tumayo ako ng matuwid. "Nasaan si Papa, ma?" tanong ko sa kanya nang hindi ko nakikita si Papa.

"Nasa Casa Allejo, anak ko."

Tumango-tango ako. "Bakit hindi ka sumama sa kanya?" at binaling ang tingin ko sa pinanood niya.

"Ayaw ako isama ng papa mo, e." she pouted.

"Ano bang ginawa niya doon?" tanong ko sabay upo sa tabi niya at kumuha ng pagkain saka sinabayan siyang manood.

"Gusto siyang makausap ni Don Samuel tungkol sa lola mo na balak silang pabagsakin..."

"Bakit? Bakit ganun si Lola, ma?"

"Malaki ang galit niya sa pamilya ni Don Samuel, anak, at gusto niyang maghirap ang pamilyang iyon kaya isa sa kanila ay wala siyang pinalampas."

Lumingon ako sa kanya. "Bakit ang hilig niyang magpahirap ng mga tao?"

Nilingon niya ako at hinawakan sa pisngi. "Pagpasensyahan niyo na ang Lola niyo, anak, kung pati kayo pinapahirapan niya, " she caressed my cheek slightly. "hindi na mauulit iyon nangyari noon, okay? Hindi ko na siya hahayaan na pahirapan pa kayong dalawa ulit..." and she smiled at me.

"Thank you for protecting us, Mama." at least nakunan ng konti ang pangamba ko.

"Iyon ang gawain namin bilang magulang, ang protektahan kayo ng kapatid mo sa kahit sino. Walang magulang na gustong masaktan ang anak nila, ni hindi nga namin kayo pinadapuan ng lamok tapos sasaktan lang nila kayo. Aba, kami ng Papa mo ang makakalaban nila."

Natapos ang movie at natapos din ang dramahan naming mag-ina. Dumating naman si Papa kasunod nito ang kasambahay namin na may dalang paperbag at lumapit sa akin tapos inabot ang dala niya.

Nagtataka akong tinanggap iyon. Hanggang dito ba naman ay may nagpapadala sa akin?!

"Kanino ito galing?"

"Kay sir Jacob po, ma'am..."

Tapos tiningnan ko ang laman at kinuha. Ito yung inorder niya sa shop ko kanina, mocha tea.