Chapter 4 Bouquet
May nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kanyang matapos niya akong halikan sa pisngi. Pati sintido ko ay pumintig at nag-init dahil sa ginawa niya at mas lalong namula ang mukha ko na gusto ko ng takpang dahil sa hiya. Damn!
"Can I kiss you again?" he almost whispered the words.
Inikot ko ang paningin ko para tumingin sa paligid at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang nakatingin sa amin liban kay Wen na kinikilig at namumungay ang matang nakatingin. Nilakihan ko siya ng mata at pinaalis ngunit hindi siya sumunod. Mas pinili niyang manatili sa kinatatayuan niya at manood sa amin.
Binalik ko ang tingin sa kanya at naghihintay siya sa sagot ko kaya umiling ako bilang sagot.
Wala kaming relasyon para halikan niya ako at lalong wala siyang karapatan na halikan ako kahit saan kahit may gusto pa siya sa akin. Kaya tinanong ko siya.
"W-why did you kiss me?"
"But you liked it. I saw your face blush even more, huh?!"
"H-hindi 'noh!" umirap ako.
"Talaga ba?"
"Y-yes. Bakit ko naman magugustuhan ang halik mo?"
"I will ask you again, Can I kiss you?" tanong niya ulit pero sa seryosong tono. "But now not on your soft cheeks but on your soft lips..." he winked at me playfully. "Tingnan natin kung hindi mo pa magustuhan. Hm?! Sa mga na nahalikan ko, lahat sila nagustuhan ang halik ko." pagyayabang niya.
Pero iba ako!
Tatampalin ko sana siya pero mabilis siyang umalis sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin. Rinig ko ang tawa niya habang papalabas siya ng shop pero huminto siya sa may pinto at humarap sa akin tapos kumindat. Inirapan ko lang siya.
Natatawa siyang napailing na naglakad patungo sa kotse niya at bumusina pa bago umalis. Huminga ako ng malalim at pinapakalma ang puso na kanina pa bumilis sa pagtibok.
Naglalakad ako pabalik sa opisina ko at nadatnan ko si Wen na nakatayo sa may pinto at naghihintay sa akin.
Nakasimangot akong binuksan ang pinto ng opisina ko nang makarating ako at marahas siyang pinagsarhan. Nagtungo ako sa maliit na lamesa. Maingat akong kumuha ng baso at nilagyan ng tubig tapos uminom. Bumalik akong umupo sa swivel chair at hinilot ang sintido. Hindi mawala sa isip ko ang eksena, sariwang sariwa pa. Parang kailangan munang dumaan ang isang buwan o kaya ilang buwan pa para makalimutan.
Kinuha ko ang phone at binuksan ang IG. Pilit inaaliw ang sarili. Sa ilang minuto kong pagtitipa sa phone ay may lumabas na pangalan.
Eliezer Jamesdean Aguirre started following you.
Kunot noo kong pinindot ang pangalan upang suriin kung sino 'to. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na mukha.
Is.... this.... him?
Isa-isa kong sinuri ang kanyang mga post. Sa una niyang post ay nakasandal siya sa railings at walang suot na shirt habang may hawak na sigarilyo.
Sa kanyang pangalawa post naman ay wala parin suot na shirt. Nakatayo siyang nakaharap sa dagat at nasa loob ng bulsa ang dalawa niyang kamay. Napakagat labi ako nang makita ko ang tattoo na buwan sa kanyang likod.
Sa pangatlong post ay nakaupo siya sa rattan chair at nakatingin sa madalim na kalangitan na maraming bituin at may isang malaking buwan.
Sa pang-apat na post ay nasa loob siya ng bar na sumisimsim ng alak... isang pamilyar na bar.
At sa huling post niya na tiningnan ko ay nakaluhod siya sa harap ng puntod habang nakayuko tila umiiyak siya. Binasa ko ang pangalan na nakaukit sa lapida. Irishia Luna Viejo
"Masarap ba ang tinitingnan mo, Ma'am? Napakagat labi ka kasi." napaigtad ako sa gulat ng magsalita si Wen.
Hindi ko namalayan na pumasok pala siya dahil sa katitingin ko sa mga pictures ni Eliezer.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kumunot ang noo ko nang makita kong may dala siyang bouquet. Tinaas niya 'yon para ipakita sa akin.
Pinatong ko ang phone sa lamesa. "Kanino galing 'yan?"
Binigay niya sa akin ang bouquet nang makalapit siya.
"Sa bagay ang hot nga pala ni Sir. Sinong hindi mapapakagat labi." mas lalong kumunot ang noo ko ng mali ang sinagot niya. Ngayon ko lang napansin na nakalimutan ko palang i-off ang phone ko at doon pala siya nakatingin.
Mabilis ang kamay kong inoff ang phone. Kaya pinandilatan siya na ikinahagikhik niya.
"Kanino galing 'to, Wen?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam, Ma'am. Basta nalang binigay sa akin 'yan ni Roel ng walang sinabi kung kanino." Si Roel ay 'yong guard namin. "Ang sabi niya lang ay ibigay ko daw sayo. Baka kay Sir yan galing, Ma'am."
Hindi! Impossible na magbigay siya sakin ng bouquet, e. Kagagaling niya lang dito.
"Ang haba naman ng hair mo, Ma'am. Hehehe!"
"Hindi naman, Wen."
"Kanina may pahalik, ngayon naman may pa bouquet. Ano naman kaya ang susunod?"
"Lumabas ka na nga!" sita ko.
At mabilis naman siyang lumabas.
Dahan-dahan kong pinatong sa lamesa ang bouquet at sinuyod ng tingin. Namangha ako sa ganda at sa pulang-pula ng mga rosas pati na rin sa amoy. Para bang bagong pitas lang ito mula sa harden at bagong gawa ang bouquet. Siya ang unang nakabili tapos ako ang unang nagbigyan.
May nakatupi na maliit na papel sa gilid. Isang papel na ginawang hugis puso at kinulayan ng pula tapos itim sa gilid nito. Lumipat ang tingin ko sa kabilang gilid, akala ko nag-iisa lang 'yon pero hindi dahil may isa pang nakatupi. Sabay ko silang kinuha at isa-isa binuksan.
Nag-akala akong sulat ang nakalagay pero isang kwintas pala. An expensive silver necklace and with an infinity shape hanging on it. Simple but elegant. Iba ang dating nito para sa akin.
Binuksan ko ang isang nakatupi at nakasulat sa gitna.
"Estella,
I gave you this necklace because it is a symbol of infinite love.
Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at patawarin mo ako dahil minahal kita sa malayo, iyan lang magagawa ko kasi ang hirap mong abutin. I love you from the deepest oceans to the highest mountains.
Please take care of it, my love."
Matapos kong mabasa ay tinupi ko ulit at tinago sa drawer kasama ang nilagyan ng kwintas.
Bumuntong hininga ako habang iniisip ang taong ito.
Hindi ba siya nasasaktan sa ginagawa niya? Minahal niya ako sa malayo.
Inikot ko ang paningin ko para tumingin sa paligid at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang nakatingin sa amin liban kay Wen na kinikilig at namumungay ang matang nakatingin. Nilakihan ko siya ng mata at pinaalis ngunit hindi siya sumunod. Mas pinili niyang manatili sa kinatatayuan niya at manood sa amin.
Binalik ko ang tingin sa kanya at naghihintay siya sa sagot ko kaya umiling ako bilang sagot.
Wala kaming relasyon para halikan niya ako at lalong wala siyang karapatan na halikan ako kahit saan kahit may gusto pa siya sa akin. Kaya tinanong ko siya.
"W-why did you kiss me?"
"But you liked it. I saw your face blush even more, huh?!"
"H-hindi 'noh!" umirap ako.
"Talaga ba?"
"Y-yes. Bakit ko naman magugustuhan ang halik mo?"
"I will ask you again, Can I kiss you?" tanong niya ulit pero sa seryosong tono. "But now not on your soft cheeks but on your soft lips..." he winked at me playfully. "Tingnan natin kung hindi mo pa magustuhan. Hm?! Sa mga na nahalikan ko, lahat sila nagustuhan ang halik ko." pagyayabang niya.
Pero iba ako!
Tatampalin ko sana siya pero mabilis siyang umalis sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin. Rinig ko ang tawa niya habang papalabas siya ng shop pero huminto siya sa may pinto at humarap sa akin tapos kumindat. Inirapan ko lang siya.
Natatawa siyang napailing na naglakad patungo sa kotse niya at bumusina pa bago umalis. Huminga ako ng malalim at pinapakalma ang puso na kanina pa bumilis sa pagtibok.
Naglakad ako pabali sa opisina ko at nadatnan ko si Wen na nakatayo sa may pinto at naghihintay sa akin.
Nakasimangot akong binuksan ang pinto ng opisina ko nang makarating ako at marahas siyang pinagsarhan. Nagtungo ako sa maliit na lamesa. Maingat akong kumuha ng baso at nilagyan ng tubig tapos uminom. Bumalik akong umupo sa swivel chair at hinilot ang sintido. Hindi mawala sa isip ko ang eksena, sariwang sariwa pa. Parang kailangan munang dumaan ang isang buwan o kaya ilang buwan pa para makalimutan.
Kinuha ko ang phone at binuksan ang IG. Pilit inaaliw ang sarili. Sa ilang minuto kong pagtitipa sa phone ay may lumabas na pangalan.
Eliezer Jamesdean Aguirre started following you.
Kunot noo kong pinindot ang pangalan upang suriin kung sino 'to. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na mukha.
Is.... this.... him?
Isa-isa kong sinuri ang kanyang mga post. Sa una niyang post ay nakasandal siya sa railings at walang suot na shirt habang may hawak na sigarilyo.
Sa kanyang pangalawa post naman ay wala parin suot na shirt. Nakatayo siyang nakaharap sa dagat at nasa loob ng bulsa ang dalawa niyang kamay. Napakagat labi ako nang makita ko ang tattoo na buwan sa kanyang likod.
Sa pangatlong post ay nakaupo siya sa rattan chair at nakatingin sa madalim na kalangitan na maraming bituin at may isang malaking buwan.
Sa pang-apat na post ay nasa loob siya ng bar na sumisimsim ng alak... isang pamilyar na bar.
At sa huling post niya na tiningnan ko ay nakaluhod siya sa harap ng puntod habang nakayuko tila umiiyak siya. Binasa ko ang pangalan na naka-ukit sa lapida. Irishia Luna Viejo