CHAPTER 5
LARA
Maaga akong nagising dahil nakaugalian ko na ito sa aming probinsiya dahil marami kaming ginagawa kapag umaga, napangiti ako habang nakatingin kay Arkin na ngayon ay tulog pa rin at mukhang pagod na pagod siya lalo pa at may nangyari sa amin kagabi, hanggang ngayon damang-dama ko ang nangyari sa amin kagabi, at kahit medyo may kirot pa sa ibaba ko ay balewala na yun sa akin. Masiglang tumayo ako at naghanap ng maaaring mailuto ngayong agahan namin.
Nakapamili rin kami ng ilang pagkain, nakita ko ang itlog at may tinapay rin dito, ito na lang ang lulutuin ko ngayon na almusal namin. Ngunit napansin ko na wala pala kaming nabili na mantika, napalingon ako sa pinto.
Lalabas na lang siguro ako saka may nakita akong tindihan kanina sa ibaba pagpunta namin dito kahapon.
Lumabas ako dahan-dahan ko lang sinira ang pinto para hindi magising si Arkin, sumilip pa ako sa likuran ko kung may tao kasi medyo nahihiya pa ako, nakita ko na walang tao kaya nagsimula na akong maglakad pero biglang bumukas ang pinto at bahagyang nagulat pa ako.
"Lara, tama ba?"
"O-oo," napapangiting sagot ko dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayong umaga, ala sais pa lang ng umaga.
"Ang aga mo yata nagising?" sabi nito pero napatingin siya sa likod ko pero binalewala ko yun.
"Aa... Wala kasi akong mantika, nakalimutan ko kahapon." nakangiting sagot ko, ngumiti naman siya sa akin at napansin ko na naka-make up siya at sexy ang suot nitong damit.
"Gusto mo may mantika ako dito para hindi ka na lumabas." sabi nito at binuksan ng malaki ang pinto.
"Nako, hindi na nakakahiya naman sa'yo." sagot agad at napatingin sa loob ng bahay niya, wala akong ibang tao na nakita doon sa loob.
"Ayos lang huwag ka ng mahiya, halika pasok ka." aya nito sa akin.
Nag-aalangan naman akong pumasok sa loob pero kinapitan niya ako sa braso kaya hindi na ako nakatangi. Pagpasok ko sa loob may sopa sa loob na hindi ganun kalakihan at babasagin na mababang lamesa, napansin ko ang malaking flat na t. v at napakaganda nito.
Malinis sa loob at may carpet ang sahig, sa tingin ko ay kumpleto ang mga gamit ni Lesly dito. Kasi may refrigerator rin siya at kung anu-ano pang na sa ibabaw ng lababo. Pero siya lang ang nandito o baka naman sa kuwarto.
"Ako lang ang nandito."
Napalingon ako sa kanya at nakangiting hawak niya ang lagayan ng mantika na nasa kalahati pa ang laman no'n. Siguro nabasa niya ang nasa isip ko.
"Aa... Kaya pala wala akong makitang tao dito." Nakangiting sagot ko.
"Kunin mo na 'to bihira lang naman ako magluto."
Nag-alangan pa akong abutin ang bote ng mantika, pero inabot ko pa rin yun na nahihiya pa.
"S-Salamat dito." Sabi ko.
"Ayos lang, saka magkapitbahay naman tayo. Kakauwi ko lang kasi galing sa trabaho at pinapasingaw ko lang ang bahay kaya binuksan ko ang pinto."
Napaisip naman ako sa sinabi niya na kakauwi niya lang.
"Sa gabi ang trabaho mo?" Natanong ko bigla.
Tumawa naman ito pero wala naman akong nakabakasan ng hindi maganda o hindi niya gusto.
"Tama ka panggabi ang trabaho ko. Isa akong waitress sa isang private club."
"Waitress? Ano yun?" Inosenteng tanong ko dahil ngayon ko lang 'yun narinig. Mahinang napatawa si Lesly at napangiti rin ako.
"Sorry, akala ko alam mo. Waitress, taga silbi, tagaaliw ng mga lalaking piling nila ay boring na ang buhay nila."
Napapailing ako na nakangiti kasi hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Malalaman mo rin soon, pero masaya akong makilala ka, Lara." Nakangiting sabi niya.
"Ako rin, kasi kahit paano may kilala na ako dito sa lugar na ito bukod kila Caloy." Nakangiting sabi ko.
"Caloy? You mean, Caloy diyan sa katabing bahay?" Tanong niya na nakangiti.
"Oo, kilala mo siya?" Takang tanong ko.
"Oo, kilala ko siya dahil sa boss niya na- I mean, oo kilala ko siya. Pero hindi kami super close."
Napatango-tango ako at muling lumibot sa paligid.
"Aa... Sige, kailangan ko ng bumalik sa bahay baka magising na si, Arkin." Paalam ko na sa kanya.
"Sige okey lang." Sagot niya.
"Sige, salamat ulit dito." Angat ko sa bote at tumalikod na ako.
"Lara, kung kailangan niyo ng tulong huwag kang mahihiyang lumapit sa akin ah?"
Humarap muli ako sa kanya at nakangiting tumango lang at lumabas na ako ng bahay niya. Bumalik na ako sa bahay at naabutan ko si Arkin na kakalabas lang ng banyo.
"Gising ka na pala." Bati ko dito.
"Kakagising ko lang naramdaman ko wala na akong katabi." Nakangiting sabi nito at nilapitan ako, hinagkan niya ako sa noo.
"Galing ako diyan sa kabilang bahay." Sabi ko habang sinisimulan ko ng lutuin ang itlog.
"Sa kabilang bahay? Yung babae na na nakilala natin kahapon?" Takang tanong niya.
"Oo siya nga, hindi kasi tayo nakakuha ng mantika no'ng namili tayo, lalabas sana ako para bumili at ayun nga nakita ko siya. Inalok niya sa akin 'yung mantika niya at alam mo ba pinapasok niya ako sa loob ng bahay niya." Masayang kuwento ko.
"Mukhang magiging malapit kayo sa isa't isa ni, Lesly." Nakangiting sabi niya habang nagtitimpla ng kape.
"Sana nga para may kilala na ako dito bukod kila Caloy, saka nag-iisa lang pala siya diyan sa bahay niya. Kilala rin niya si, Caloy." Kuwento ko pa.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang sagot niya.
"Oo, pero hindi ko alam yung trabaho na sinasabi niya. Ang hirap talaga kapag probinsiyana." Natatawang sabi ko.
"Bakit ano ba ang trabaho ni Lesly?" Curious na tanong niya.
"Ano, ano ba yon?" Isip ko. "Waitress raw, tapos gabi ang pasok niya. Ang sabi niya tagaaliw ng mga lalaking piling nila boring na ang buhay nila." Kuwento ko at nilapag ko na ang plato na may itlog, naramdaman ko ang paghatak nito sa kamay ko palapit sa kanya na pinagtaka ko.
"Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko, pero mas mabuting sa kanya mismo malaman ang ibig sabihin no'n dahil pareho kayong babae." Nakangiting sabi niya sa akin at niyakap ako sa bewang.
"Okey sige, pero hayaan na natin 'yun wala naman sa akin na-curious lang ako kasi ngayon ko lang narinig 'yun." Nakangiting sagot ko.
Nagsimula na kaming mag-almusal na dalawa.
"Aalis ako ngayon maglalakad-lakad ako para makahanap ng mapapasukaj na trabaho, magtatanong rin ako kay Caloy baka may alam siyang mapapasukan ko." Simulang sabi niya sa akin.
"Ikaw bahala, pero sigurado ka ba hindi ako tutulong sa'yo na magtrabaho?" Seryosong tanong ko kasi gusto ko rin makatulong sa kanya.
"Ako na ang bahala, huwag ka ng mag-isip dito ka lang." Nakangiting sagot niya.
"Sige," sagot ko lang at tinapos na namin ang almusal namin, matapos yun ay naligo na si Arkin.
"Gusto mo ba magpunta kila Caloy?" Aya niya sa akin.
"Hindi na, mag-aayos pa ako dito." Nakangiting sagot ko at humalik siya sa pisngi ko.
Naiwan na akong mag-isa dito at nagsimula na akong maglipit at maglinis pa ng mga hindi ko natapos kahapon dahil sa pagod na rin.