Chapter 2:

Natatawa ako habang nanunuod ng videos niya. Nagsasayaw kasi si Baymin at sinasabayan ang beat ng tugtog ng kantang Dance Night Away ng isang girl group at parang mas magaling pa siya sa orihinal na nagsayaw nito. Mas malambot pa kasi ang katawan niya sa mga ito. Napailing-iling nalang ako dahil minsan ay napapaisip ako kung talagang lalaki nga ba talaga si Baymin.

"Tss, Nababaliw ka na naman," sambit ng bestfriend ko na si Ann na kakauwi lang.

Magkasama kami sa iisang dorm ni Ann since first year college. Kabisado na rin namin ang ugali ng isa't-isa kaya kahit konting galaw lang o senyasan lang ay alam na namin ang nais ipabatid sa bawat isa.

"At Least kay Baymin lang," sambit ko sa kanya at nagpatuloy sa panunuod.

"Ganyan-ganyan ka pa hindi ka naman kilala niyan. Mas lalong hindi ka na maaalala ni Baymin. Sa dami ba naman ng nakilala niya sa concert at fan meets nila ay malabong matandaan ka pa niya," sambit niyang muli sabay tawa pa.

Kinuha ko naman ang unan na nasa gilid ko at binato siya. Nakailag siya sabay irap at flip ng hair bago pumasok sa banyo. Siraul* talaga! Napatigil ako ng may natanggap akong notification galing sa Inspiregram.

Yiee! May bagong update si Baymin with his commercial na hotdog. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapangiti at mapatitig sa litarato niya.

"Habang tumatagal Baymin parang unti-unti mong napapamukha sa'kin na hinding-hindi ka magiging akin," malungkot kong saad at in-exit ang app na Inspiregram saka humiga sa kama ko.

"Waah?! Baymin, I want to see you badly, again." sambit ko at nagkakasat sa higaan ko hanggang sa mahulog ako.

Pero mas malakas pa rin ang impact ng pagkakahulog ko sa kanya when I first saw him in airport. Since then, I just can't forget him.

Nakita ko nalang na napapailing na lumabas si Ann sa banyo. Agad naman akong tumayo at kinuha ang cellphone ko. Tinignan ko ang mga event ng YoBay at nakita ko doon na meron silang shoot sa Pampanga bukas. Sakto at wala kaming pasok kaya kinuha ko na ang gamit ko.

"Yah! Where are you going?" Tanong sa'kin ni Ann

"Papasok sa work malamang," sambit ko sa kanya at lumabas na.

Isa kasi akong cashier sa isang sikat na café dito sa Manila minsan ay pinagsho-shootingan din ang pinagtatrabahuhan ko ng mga artista. Sad to say, hindi na e-expose ang ganda ko.

"Oh? Muntikan ka ng malate," sambit sa'kin ni Yoon pagkadating ko.

"Ang importante hindi ako nalate dahil muntik lang," sambit ko ng nakasimangot.

Inayos ko naman ang sarili ko ng marinig kong tumunog ang bell sa may pintuan indikasyon na may dumating kaming bagong customer. Awtomatiko naman akong napangiti ng makitang may dalawang gwapo ang papunta ngayon sa pwesto ko. Which is the counter.

"Ang Yobay nandito," bulong ko ng nakangiti.

"Umm... Hi!" Bungad ni Yohan sa'kin.

"Ah! Hello. A-Ano pong order niyo?" Utal na sambit ko at natulala kay Yohan dahil siya ngayon ang nasa harapan ko. Bigla namang sumingit si Baymin at siya na ngayon ang nasa harap ko at saka ngumiti.

Palihim ko pa ngang sinampal at kinurot ang sarili ko dahil baka panaginip lang ito, ngunit nasaktan lang ako sa ginawa ko.

"Pasensya na at medyo magulo kami ha? Hmm... 1 Black coffee and 1 Choco Latte," Nakangiting sambit ni Yohan habang nakaakbay sa kanya si Baymin.

"1 Black Coffee and 1 Choco Latte. Pangalan niyo po ba ang ilalagay ko?" Nahihiya ko pang tanong kay Yohan.

"Nope, pangalan ni Baymin ang ilagay mo diyan. Siya ang magbabayad niyan dahil natalo siya sa bato-bato pick." Natatawang sambit ni Yohan sabay lingon kay Baymin. Napatingin naman si Baymin at napakamot sa batok niya dahil sa sinabi ni Yohan.

"Sige, just wait for your order nalang po," sambit ko kay Yohan at tumango naman siya saka sila pumunta sa mesa nila. Pagkatalikod nila ay napahawak ako sa dibdib ko saka huminga ng malalim sa sobrang kaba at kilig.

"Mygosh! Ang swerte mo naman nakausap mo ang YoBay," sambit sa'kin ni Bella habang inaayos niya ang order nila. Namula nalang ang mukha ko dahil sa sinabi niya at sinikap na mag-focus sa trabaho ko kaysa titigan ang YoBay.

"Riyu, your coffee is ready." Tawag ko sa isa sa mga customer.

"Thanks," sambit niya at tinanguan ko naman agad siya.

"Ito okay na," sambit muli ni Bella.

"By the way, kitang-kita siya dito. Ayiee! nice view, oh! Kitang-kita si Baymin kaya naman pala ngiting-ngiti ka. Mapunit yang mukha mo sige ka." Pang-aasar niya na agad kong ikinapula.

"Che! Bumalik ka na nga roon," sambit ko sa kanya. Alam niya kasing fan ako ng mga ito kaya ganyan siya kung mang-asar.

"Baymin, your order is ready," sambit ko sa mic at hindi mapigilang hindi ngumiti muli. Ang gwapo ni Baymin. Waah! Ang gwapo niya kahit mas maganda pa siyang manamit sa'kin.

"Here," sambit ko habang inaabot sa kanya ang isang tray.

"Thank you," sabi niya at lumingon sa mesa nila.

"Hey! Ito na ang order natin." sambit ni Baymin at agad namang lumapit sa kanya si Yohan.

"Here po," sambit ko muli habang tinitignan ng malapitan ang mukha niya.

Hindi niya na siguro ako naalala. Inabot niya naman ang tray na hawak ko at hindi sinasadyang mahawakan niya ang kamay ko. Nasa ganoong posisyon kami ng bigla siyang magsalita.

"Wait! You look familiar. Do I know you?" Napaawang naman ang labi ko sa gulat at saya.

"N-Nagkita na po tayo sa fan meet niyo last month. Tinanong pa nga kita kung kailan comeback niyo," sambit ko kahit na nauutal at hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kamay ko. Siyempre hindi ko iaalis 'no! Sayang din. Tyansing-tyansing pag may time.

"Ah! Oo, nga. Nice to see you again, miss," sambit niya at kinuha na ng tuluyan ang order niya saka inabot kay Yohan. Kinuha naman niya ang wallet niya sa bulsa saka nagbayad sa'kin.

"Huwag mo ng suklian," sambit niya at inabot ang isang-libo sa'kin saka pumunta sa lamesa nila.

-

Masaya akong bumagon sa kama ko ng maalala ko ang pagkikita namin ni Baymin kagabi este pagpunta nila sa cafe namin.

"Goodmorning, Yohan at Baymin. Kumain na ba kayo ng breakfast? Dapat kumain na kayo kasi mahal ko kayo. Ayieee!" Parang t*ngang sambit ko habang nakaharap sa poster nila na nakadikit sa pader ng dorm namin. Hindi pa ako nakuntento at nilapitan ko pa ang solo poster ni Baymin.

"Hoy, Ikaw bakla ka! Kahit ganyan ka mahal pa rin kita," sambit ko at hinawakan ang mukha niya sa poster.

"Kailan ko kaya mahahawakan ang mukha mo ng ganito? Gusto ko din hawakan ang buhok mo," sambit ko at napatingin naman sa labi niya sa poster

"Bakit ba mas mapula pa ang labi mo kaysa sa'kin? At parang mas babae ka pa sa'kin pero malambot kaya iyang labi mo? Nakakaakit parang ang sarap i-kiss," sambit ko at hinawakan ang labi niya sa poster.

"Yak! Malala ka na pati poster pinagnanasaan mo na rin," rinig kong sambit ni Ann at nilingon ko naman siya ng nakasimangot.

"Pake mo ba? Hmp!" sambit ko at bumangon na sa kama ko.

"Anong pagkain?" Tanong ko at lumapit sa kanya.

"Bakit may patago ka ba?" Tanong naman niya at nginusuan ko lang siya.

"Che! Ayan ka na naman," sambit ko at dumiretso sa sink para magmumog.

"Charot lang! Wala tayong agahan tinamad ako magluto," sambit niya at nagtimpla ng kape.

"Ngek! Sa labas na nga lang ako kakain," sambit ko saka siya nilayasan.

••