Chapter 36 | The Story Behind their Past

Third Person's POV

KASALUKUYANG naghahabulan at nagtatayaan ang limang taong gulang na si Nathalia kasama ang matalik niyang kaibigan na si Aries sa hardin ng kanilang mansyon. The two of them were inseparable ever since the day they both started to talk and walk. Halos araw-araw na magkasama ang dalawa at bukod sa pagiging kaibigan ay nagsilbi ring bodyguard ni Nathalia si Aries.

"Nathalia."

Natigilan si Nathalia sa pagtakbo at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti nang marinig ang baritonong boses ng kanyang ama na si Don Gray Fuentes. Habang si Aries naman ay bahagyang lumayo at natahimik sa isang tabi.

Nakangiti rin ang ama na lumapit sa kanya.

"My business partners were here together with their children. That's why I want you to meet them and I hope that you can be friends with them." Marahan nitong pinisil ang kanyang ilong.

Nagningning naman ang mga mata ni Nathalia nang dahil sa sinabi ng kanyang ama. Suddenly, she feels excited. Tahimik niyang inasam na sana nga ay makasundo niya ang mga 'to.

Hindi niya kasi lubos na maintindihan ang mga kaklase, maging ang iba pang mga bata sa eskuwelahang kanyang pinapasukan. Masyado kasing ilag ang mga 'to sa kanya na para bang kinatatakutan siya. Kaya naman ay wala siyang ibang kasa-kasama kung hindi si Aries lamang.

Masuyong hinaplos ng kanyang ama ang mahaba niyang buhok, bago siya nito hinawakan sa magkabilang balikat at iniharap sa mga bagong dating. Agad na bumungad sa paningin niya ang isang grupo ng mga kabataan na tila mas matanda sa kanya ng ilang taon.

Ang kanyang ina naman na si Natasha Fuentes ang nagpakilala sa kanya sa mga 'to. Naging palagay naman kaagad ang loob niya dahil mukhang likas sa mga bagong kakilala ang pagiging masiyahin at makulit.

Well, except for one.

Nathalia waved a hand at the child named Stephen, whose looking at her intently.

"Hello!" She smiled widely at him.

But Stephen just nodded as a response.

Dahil bata pa ay hindi masyadong inintindi ni Nathalia ang malamig na trato nito sa kanya.

Ngunit hindi nakaligtas kay Aries ang kakaibang tingin ni Stephen sa matalik niyang kaibigan.

Naikuyom niya ang kamao. Wala siyang pakielam kung mas matanda pa 'to sa kanya. Kaya sa oras na may gawin 'tong hindi maganda kay Nathalia ay hindi niya 'to basta-basta uurungan. Hindi siya tinuruan ng ama na makipaglaban sa murang edad para lang maduwag.

Napakunot noo naman ang ina ni Nathalia nang mapansin na tila may kulang sa mga batang ipinakilala niya sa anak. Kaya naman ay binalingan niya ang asawa para magtanong.

"Where are the Sarmiento's?"

As if on cue, a boy came out of the door and walk towards their direction. While he's parents were just tailing him from behind.

"Oh, there he is. Come here, hijo." Agad na hinila ni Natasha ang bagong dating na batang lalaki palapit sa anak.

"Nathalia, this is William Sarmiento. He is the nephew of your new bodyguard, Edwin Sarmiento."

"Hello, Liam! Hello, Uncle Ed!" magiliw na bati naman ni Nathalia sa dalawa.

Nginitian lang siya ng batang lalaki, habang magalang na napatungo naman sa kanya si Ed.

"Ikinararangal ko pong pagsilbihan kayo."

Ang araw na 'yon ang naging simula ng pagkakaibigan nilang lahat.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay nagngingitngit ang kalooban ng ama ni Aries na si Arman Baltazar na tahimik na nakatanaw mula sa bintana, nang dahil sa bagong salta na reaper sa grupo niya.

YEARS PASSED and Nathalia grew closer to her new set of friends. To the point that she almost forget about Aries.

Madalas pa rin naman niya 'tong kasama sa tuwing nagkikita at naglalaro sila ng mga bago niyang kaibigan. Ang kaso lang ay hindi naman 'to nakikihalubilo sa kanila. Palagi lang 'tong nasa tabi ng ama at umaakto na tila ba bodyguard rin niya. Kahit anong yaya naman niya rito para makisali sa kanila ay panay lang ang iling nito.

Ngunit ang isa sa mga dahilan kung bakit unti-unting napalayo ang kalooban ni Nathalia sa matalik na kaibigan ay nang mapansin niya ang pagbabago sa ugali nito. Naging mainitin ang ulo nito at mas lalong naging suplado. She tried to talk to him about it, but he refused.

"Ate Shan, patulong naman po ako sa pagbuo nito," nakangusong tawag ni Nathalia sa kaibigang si Shantel.

Nakangiti naman siya nitong nilapitan at kinuha mula sa kanya ang hawak na rubik's cube.

"How many times do I have to tell you not to call me Ate? Even Ace and the rest of the boys, you don't have to call them Kuya. You should practice more yourself to call us by our names," puna muli nito sa kanya sa hindi na niya mabilang na pagkakataon.

Nakagat ni Nathalia ang ibabang labi. Sanay naman na siyang tawagin ang mga 'to sa pangalan. Pero may mga pagkakataon pa rin na nakakaligtaan niya ang tungkol sa bagay na 'yon.

"I know. But I just can't help it sometimes. You know, just a sign of respect," she explained.

Her friends were five years older than her. Tanging ang mga anak ng bodyguards ni Stephen lang ang kaedad niya sa grupo.

Natigilan naman si Shantel at matiim na napatitig sa kanya.

"Truth be told, we should be the one to respect you. Always remember that. You're our future queen."

Nagulat naman si Nathalia nang marahang tinapik ni Ace ang ulo niya na biglang sumulpot mula sa likod niya. Hilig talagang gawin ng binata ang pagtapik sa ulo niya.

She's already ten and the others were fifteen years old by that time. Nathalia can now easily understand things. But she just can't figure out what Shantel said to her.

"She's my queen. To be exact," seryosong sabat naman ni Stephen si usapan.

Biglang napasimangot si Nathalia. Palagi na lang kasi nitong sinasabi na reyna raw siya nito, pero madalas naman siyang asarin at awayin.

"Hey! Since we are complete right now. Let's play hide and seek," Ash suggested.

Dahil do'n ay muling nakalimutan ni Nathalia ang tungkol sa sinabi ni Stephen at nakigulo na sa mga 'to.

But what she didn't know is the growing hatred from Aries' heart towards her friends. Most especially to Stephen who keeps on stealing glances at her.

SA PAGLIPAS ng mga araw ay mas lalong lumalim ang nararamdamang galit ni Aries kay Stephen nang aksidente niyang marinig ang usapan ng mga magulang nito at ni Nathalia.

"Kung gano'n ay kailan natin sasabihin kay Nathalia ang tungkol sa kasunduan?" tanong ni Natasha sa kanyang asawa.

Napahinto sa paglalakad si Aries nang maulinigan ang usapan sa loob ng opisina ni Gray. Bahagya kasing nakabukas ang pinto nito.

"We'll tell her once she reached the age of thirteen. Masyado pa kasi siyang bata para maintindihan ang tungkol sa bagay na 'yon kung ngayon natin sasabihin sa kanya," Gray answered.

"Well, it's settled then. Don't worry. I'm pretty sure that Stephen will be able to take care of Nathalia and be a good husband to her," masayang sabi naman ng ina ni Stephen na si Alicia Anderson.

Tila nanigas sa kanyang kinatatayuan ang sampung taong gulang na si Aries. Umigting ang kanyang panga at nanlisik ang mga matang tumuon sa pinto ng kuwarto, na para bang tatagos ang nakamamatay niyang tingin sa mga taong masaya na nag-uusap sa loob.

Iisang bagay lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga oras na 'yon.

Hindi dapat matuloy ang pinaplano ng mga 'to. Dahil kahit sa murang edad ay itinanim na niya sa isip na siya ang karapat-dapat na mapangasawa ni Nathalia at wala ng iba pa.

Magmula noon ay siya na ang kasama nito. Araw-araw at sa halos lahat ng oras. Kaya naman ay hindi siya papayag na maagaw at mapunta ang babaeng gusto niya sa iba.

Madilim ang mukha na nilisan niya ang lugar na 'yon at dumiretso sa kanyang ama na si Arman. Isa ang ama niya sa mga reapers ng Fuentes Mafia. Agad na sinabi niya rito ang natuklasan at nakiusap na gumawa 'to ng paraan upang mapigilan ang plano ng mag-asawang Fuentes at Anderson.

What Aries didn't know is that his father has been planning to take down the Fuentes Mafia for years now.

ILANG TAON na ring naninilbihan si Arman sa pamilya Fuentes. Halos buong buhay niya ang inilaan niya para lang sa mga 'to.

Pero sa bandang huli ay ipinagkatiwala pa rin ni Gray ang posisyon na pagiging head ng mga reapers kay Edwin Sarmiento. Ang posisyon na matagal ng inaasam ni Arman. Hindi niya lubos akalain na magagawa pa siyang talunin sa puwesto ng isang baguhan!

Kaya naman ay hindi siya nagdalawang isip na makipag-alyansa sa ilang miyembro ng organisasyon na gustong pabagsakin si Gray. Ang ilan sa kanila ay gusto 'tong paalisin sa puwesto dahil masyado 'tong mabait para pamunuan ang mundo ng mafia. Hindi rin nila magawang kumilos nang hindi nalalaman nito ang lahat ng plano nila.

Bukod ro'n ay gusto rin nilang mawala sa kanilang landas ang mga kaalyansa ng Fuentes Mafia. Ito ay ang Anderson, Roberts, Carter, Lewis, Jones, Martin at Garcia Mafia.

Kaya naman ay ipinangako ni Arman sa anak na walang makakapaglayo rito at kay Nathalia. Panahon na para kunin nila ang dapat na sa kanila.

Ngunit ang isa pang bagay na hindi alam ni Aries ay ang pagkakaroon niya ng nakatatandang kapatid mula sa isang mafia reaper na kasamahan ng kanyang ama na si Elle. Napag-alaman kasi ni Arman no'n na mahihirapang magbuntis ang kanyang asawa.

Kaya naman ay naglasing siya isang gabi at nando'n ang isa sa mga kasamahan niyang babae para damayan siya, na naging dahilan para makagawa sila ng isang pagkakamali.

At ang bunga ng pagkakamali na 'yon ay walang iba kung hindi si Cole, na ang totoong pangalan ay Ariston Baltazar.

Matagumpay naman niyang naitago sa asawa ang tungkol sa bata. Hindi niya matanggap ang sitwasyon nito, pero mahal pa rin naman niya ang asawa kaya hindi niya 'to iniwan.

Nagdaan pa ang tatlong taon at sa wakas ay nagbuntis din 'to. Ngunit sa kasamaang palad ay agad rin 'tong binawian ng buhay pagkapanganak kay Aries.

Arman has been secretly visiting his eldest son for years, while taking care of the youngest one alone.

Hanggang sa maisipan na niyang ipakilala si Ariston sa lahat at magsama sila ng ina nito bilang biyudo na rin naman siya. Hinintay lang niyang matapos ang kahuli-hulihan nitong misyon bago umalis sa pagiging reaper, bago isakatuparan ang balak.

Pero sa pangalawang pagkakataon ay gumuho ang mundo niya nang umuwi 'tong malamig ng bangkay.

Nang dahil do'n ay mas lalong nadagdagan ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kaya naman ay pilit niyang pinaniwala si Ariston na kasalanan ng mga Fuentes kung bakit namatay ang kanyang ina at kailangan nila 'tong mapaghiganti. Bukod ro'n ay sinabi rin niya rito na maging siya ay balak ng dispatsahin ng mga 'to.

Kaya naman ay nagawa niya 'tong mapapayag sa kanyang plano na magsilbi 'tong espiya at magtrabaho sa mga Anderson. Kailangan muna kasi nilang unahin na alisin ang mga sagabal bago nila tuluyang pabagsakin si Gray.

NANG DUMATING na ang araw upang simulan nila ang kanilang plano ay dinala niya si Ariston sa isang bahay ampunan, kasama ang mga peke nitong dokumento para sa pagkakakilanlan nito. Magmula sa pagkakatakas nito sa bahay-ampunan hanggang sa oras na makita 'to ni Don Isaac na palaboy-laboy sa kalsada ay planado ni Arman.

Alam niya kasing nakaugalian na ng matanda na magkupkop ng mga batang ulila na nakikitaan din nito ng potensyal, upang idagdag sa dumarami nitong mga tauhan. Pagkatapos niyang iwan si Ariston sa bahay ampunan ay saka lang niya ipinaalam kay Aries ang tungkol dito.

Hindi kaagad nagawang tanggapin ni Aries ang tungkol sa kanyang kapatid no'ng umpisa. Pero ng ipaliwanag sa kanya ng ama ang magiging partisipasyon ng Kuya niya sa plano nila ay tinanggap na niya ang pagiging kapatid rito.

Kaya ng iuwi ni Don Isaac ang Kuya niya sa mansyon ay alam niyang 'yon na ang umpisa ng unti-unting pagbagsak ng pamilya Fuentes at ng mga kaalyansa nito.

Ngunit napagdesisyunan muna ni Ariston na siraan ang Anderson mafia maging ang iba pa kay Gray Fuentes, upang mawalan 'to ng kakampi at suporta.

Matagal na niyang pinagnanakawan ang pamilya Fuentes. Magmula sa pera, mga armas, at iba't ibang klase pa ng kargamento. Matagal ng pinaiimbestigahan ni Gray ang tungkol do'n, pero hindi pa rin siya nahuhuli dahil sa kanya ipinagkatiwala nito ang tungkol sa kaso na 'yon.

Kaya naman ay sinet-up niya ang pamilya Anderson at ang iba pa, upang sila ang lumabas na suspek at traydor sa grupo. Kahit si Edwin ay dinamay rin niya sa kanyang plano.

Doon nagsimulang magkagulo ang lahat. Nang dahil sa nangyari ay tinanggal ni Gray ang mga kaibigan sa organisasyon at ipinaalam sa lahat ang pagiging traydor ng mga 'to.

Si Nathalia naman ay nanatiling walang kaalam-alam sa mga nangyayari, maging sa tunay niyang katauhan. Nagulat na lang siya isang araw na umalis na pala ang mga kaibigan patungong ibang bansa.

One more thing is that she didn't able to know the real reason why they left. Maging ang mga magulang niya ay walang malinaw na eksplanasyon sa nangyari. Kaya naman pakiramdam ni Nathalia ay naabandona siya. Unti-unti ay nagkalapit ulit silang dalawa ni Aries.

HANGGANG SA isang araw ay narinig ni Nathalia ang mga magulang at ang ama ni Aries na nag-uusap. Doon niya nalaman ang planong pagpapakasal sa kanya ng mga magulang sa matalik na kaibigan.

Kahit papaano ay naiintindihan naman na niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero para sa isang batang katulad niya ay hindi niya muna masyadong ininda 'yon. Kung ano ang nais ng kanyang mga magulang ay 'yon ang susundin niya. Bukod ro'n ay hindi na rin niya nalaman pa ang tungkol sa orihinal na pakikipagkasundo sa kanya kay Stephen.

Nang dahil din sa nangyari ay nagawa ng makuha ni Aries ang pagkakataon upang maging kabiyak ni Nathalia balang araw. Habang ang ama naman niya ang pumalit sa naiwang puwesto ni Ed bilang head ng mga reapers ng pamilya Fuentes.

Ngunit hiindi man nagawang ipagtanggol ng pamilya Anderson at ng iba pa ang kani-kanilang mafia nang lumabas ang mga ebidensya na sila ang itinuturo ay hindi naman sila tumigil sa paggawa ng paraan para malaman ang katotohanan, kahit nasa malayo sila.

Halos isang taon din silang nagmatyag sa mga taong malapit sa pamilya Fuentes sa tulong ng mga mapagkakatiwalaan nilang tauhan at sa huli ay napag-alaman nilang ang ilan sa mga miyembro ng organisasyon at si Arman ang nag-set-up sa kanila.

Wala na silang inaksaya pang oras at agad na ipinadala sa mag-asawang Gray at Natasha Fuentes ang mga ebidensyang nakalap.

NANG GABING matanggap ni Gray at Natasha ang mga dokumento na 'yon ay agad na nagpasya silang mag-asawa na umalis. Kailangan nilang ilayo si Nathalia sa lugar na 'yon. Bata pa 'to at walang muwang sa mundong ginagalawan nila kaya hindi 'to pwedeng madamay sa kahit anong klaseng paghihiganti na binabalak sa kanila ni Arman.

Nang mga panahong din 'yon ay nauna ng umuwi ang pamilya Anderson. Napag-usapan nina Don Isaac at Gray na magkita, dahil napagpasyahan ng mag-asawang Fuentes na ipagkatiwala ang kanilang anak sa poder ng mga 'to.

But things happened unexpectedly. Paalis palang sila ng mansyon ay agad na inatake na sila ng kalaban.

Huli man ng malaman ni Cole ang tungkol sa plano ng mga Anderson ay agad naman niya 'tong natawag sa ama, dahilan para makagawa agad 'to ng aksyon, maging ang iba pang miyembro ng organisasyon na gusto ng mawala sa landas nila ang kasalukuyang pinuno.

SA KABILANG dako ay hindi naman mapakali si Stephen. Kaya naman ay napagdesisyunan niyang hindi na hintayin ang mga 'to at salubungin na lang mismo sa daan ang pamilya Fuentes. Kasama ang ama, si Cole at ang iba pa nilang tauhan ay umalis sila.

Nahuli man sila ng dating para iligtas ang mag-asawa ay sakto lang na napigilan nila ang tangkang pagkuha ni Aries kay Nathalia. Wala na siyang inaksayang oras pa at agad na nagpaputok ng baril.

Limang taong gulang palang siya ng sanayin ng ama sa pakikipaglaban at sampung taong gulang naman ng matuto siyang humawak ng baril. Kaya naman ay ay walang takot na lumusob siya sa mga kalaban at sunod-sunod na pinagbabaril ang mga 'to.

Napansin naman niya ang akmang pagtakas ni Nathalia mula sa pagkakahawak sa kanya ni Aries. Ngunit sinubukan 'tong pigilan ni Arman sa pamamagitan ng pagbunggo rito.

Nang dahil sa nangyari ay nagdilim ang paningin ni Stephen at agad na pinatay si Arman.

Aries and Cole saw what happened to their father with their own two eyes. Dahil do'n ay mas lalong napoot ang magkapatid kay Stephen.

Akmang kukunin naman nila si Aries ng may biglang dumating na van at mula ro'n ay mabilis na lumabas ang isang lalaking nakamaskara at kinuha ang labing-isang taong gulang na si Aries.

Napatiim bagang si Stephen. Bago kasi tuluyang makuha si Aries ay nakita niyang may pinulot 'to malapit sa nakataob na sasakyan ng mag-asawang Fuentes.

If he's not mistaken, it is the brooch of Fuentes mafia that should only be given to Nathalia. Sa oras kasi na mawala ang pinuno ng organisyon ay papalitan 'to ng taong itinalaga niyang humalili sa kanyang puwesto. That person should have the brooch as a sign of being the new leader.

Kung hindi niya 'to magagawang bawiin kay Aries ay maaari nitong mapasunod ang buong organisasyon balang araw gamit lamang ang bagay na 'yon.

Ngunit hindi na sila nag-aksaya pa ng oras na habulin 'to at dali-daling pinuntahan si Nathalia. Halos magwala naman si Stephen nang makita ang lagay ng babaeng kahit limang taong gulang palang no'n ay nagawa ng makuha ang kanyang atensyon.

But when she woke up from a one-week coma, they received a news that broke the heart of the whole gang.

Nathalia has an amnesia.