Chapter 30 | Behind the Mask

Nathalia's POV

"Sigurado ka bang hindi ka na papasok sa loob? Kung kailan naman sinasama kita ay saka mo naman ayaw pumasok."

Napailing si Cole. "Hindi na po, Madame. Bihira lang po kayo magkita ng magulang n'yo. Kaya mas mabuti pong sulitin n'yo ang oras na magkakasama kayo."

Napangiti ako sa kanya. Nandito kasi kami ngayon sa tapat ng restaurant na pagmamay-ari ng pamilya namin. Paalis na sana ko sa school kanina ng makatanggap ako ng tawag mula kay Liam. Gusto raw akong makita nina Mama at makasabay na rin kumain.

It's been a long time since I last saw them and I just can't help but to feel excited. Kaya naman ay dali-dali kong inutusan si Cole na dumiretso kami rito.

"Okay. Baka hindi rin naman kami masyadong magtagal."

"Just take your time, Madame. Tawagan n'yo na lang po ako kung sakaling magkaroon man po ng problema."

Tinanguan ko lang siya, bago ako tumalikod at nagsimulang maglakad papasok ng restaurant. Magiliw naman akong binati ng guard maging ng branch manager namin na si Mr. Villafuente.

"Long time no see po, Madame."

"Likewise. Kamusta naman dito?" Inilibot ko ng tingin ang paligid. Matagal-tagal na rin kasi magmula ng huli akong pumunta rito. Pero pansin ko na wala namang masyadong nagbago.

It's still classy as ever. From the wooden floor up to the ambient lighting. Plus, the single sofa used as chairs and round wooden table.

"Ayos naman po. Wala naman pong nagiging problema at mas dumarami pa po ang customers natin," magalang na sagot ni Mr. Villafuente.

"That's good to hear."

Nakahinga ko nang maluwag dahil kahit papaano ay maganda naman ang itinatakbo ng negosyo namin.

"This way, please, Madame."

Nagsimula na kaming maglakad. Sinundan ko lang siya hanggang sa marating namin ang ikalawang palapag nitong restaurant. Agad akong napangiti nang makita sina Mama na nakaupo sa terasa. Tanging sila lang ang nandoon at mukhang hindi muna pinayagan ang iba pang mga customer na pumuwesto ro'n.

"Thank you. You can go back now."

Bahagya siyang yumuko, bago tuluyang umalis. Habang ako naman ay dumiretso na sa kinaroroonan nila Mama.

Natigilan at napatayo silang tatlo pagkakita sa 'kin. Dali-dali ko naman silang nilapitan at sabay na sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng mga magulang ko.

"Oh God, sweetie! You look even more beautiful! It seems that a married life suits you, huh?" nakangiting sabi ni Mama nang kumalas ako sa yakap.

Natawa na lang ako nang dahil sa sinabi niya. "Sakto lang po, Ma. Saka medyo nakakapanibago pa rin ang buhay may asawa. Pero kahit papaano ay unti-unti na rin po akong nasasanay."

Magkakasabay kaming umupo, bago lumapit 'yong waiter na ngayon ko lang napansin na nakatayo pala sa isang tabi. Hinayaan ko na sila Mama na pumili ng para sa 'kin. Alam naman nila kung ano ang paborito kong kainin dito.

"Malalagot talaga sa 'kin ang asawa mo sa oras na bumalik siya. Hindi pa nga kayo gano'n katagal na kasal, pagkatapos ay inihabilin ka na sa 'min dahil ilang araw siyang mawawala." Niluwagan ni Liam ang suot na tie bago uminom ng tubig.

Hindi na lang ako umimik. Baka masabi ko pa ang totoong dahilan kung bakit siya umalis.

Pero hindi ko maitatanggi na nagsisimula na kong makaramdam ng lungkot. It's been five days since Stephen left. Madalas naman siyang mag-text o 'di kaya ay tumawag sa 'kin. Kaya lang kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiwasan ang mangulila sa kanya.

This is really bad. Since when did I start to become dependent on his presence?

"Anyway, how's your husband when you're alone together? Tinatrato ka naman ba ng mabuti? Wag kang matatakot na magsabi sa 'min. Dahil sa oras na malaman kong may ginagawa siyang kalokohan ay hindi ako magdadalawang-isip na bawiin ka sa kanya," nagbabantang sabi ni Papa.

Napanguso ako. "Paano n'yo naman po ako babawiin? Ni hindi n'yo pa nga po ako pinupuntahan sa mansyon."

Totoo naman 'yon. I have been waiting for them to come over for a long time now. Wala naman daw kasing problema sabi ni Stephen. Sa tuwing ako naman ang magtatangkang pumunta sa kanila ay madalas na abala naman sila.

Kitang-kita ko kung paano natigilan at nagkatinginan ang mga magulang ko. Si Liam naman ay napaubo sa tabi ko at napaayos ng upo.

"Pasensya ka na, anak. Marami lang talaga kaming inaasikaso sa negosyo ngayon kaya hindi ka namin mapuntahan. Ngayon lang kahit papaano umayos-ayos ang lahat," malambing ang boses na sabi ni Mama.

Kumunot ang noo ko. "Bakit po? May problema po ba sa negosyo?"

Nitong mga nakaraang buwan ay masyado akong lunod sa sarili kong mga problema. Kaya naman ay nakalimutan kong mayroon nga rin palang iniintindi ang mga magulang ko.

But according to Mr. Villafuente, this branch doesn't have a problem at all. Maybe the other branch or the hotels?

"No worries, princess. It's nothing serious. Besides, Liam was there to help us." Dad gave me an assuring smile.

Napatango naman ako. "I'm sorry as I wasn't able to help."

Mom waved her hand dismissively. "Ang batang 'to talaga. Wag mo na kaming alalahanin pa. Ituon mo na lang ang atensyon mo sa asawa mo. He'll need your support more than anyone else."

Napatango ako. Asawa na ko ngayon at kailangan ko ng gampanan ang responsibilidad bilang isang asawa.

Ilang saglit pa ay dumating na ang order namin. Pero kahit nagsimula na kaming kumain ay panay pa rin ang kuwentuhan namin.

"Kamusta pala ang pag-aaral mo?" tanong ni Mama.

Uminom muna ko ng juice bago sumagot. "Ayos naman po. Hindi pa naman po kami masyadong busy. Pero nagsisimula na rin po silang magpagawa ng mga activities. Bukod pa po ang mga assignments."

"That's good. Dalawang taon na lang ay magtatapos ka na. Kaunting tiyaga pa," excited na sabi ni Liam.

Natigilan ako sa akmang pagsubo. Kung pwede ko lang sana hilahin ang panahon ay ginawa ko na. Tila ang bagal kasi ng takbo ng oras ngayon.

Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa matuon sa negosyo ang usapan. Kaya naman ay natigilan kami nang mapansin na tila maiiyak si Mama.

Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Mama na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ma, may problema po ba? May masakit ba sa inyo?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Ipinalibot naman ni Papa ang braso sa balikat niya.

Napailing siya. "Wala naman. I'm just thinking. My baby can now make a baby."

Mahinang napamura si Papa at si Liam. Habang ako naman ay napanganga nang dahil sa sinabi niya. Sa isang iglap ay tila nag-akyatan ang dugo ko sa pisngi.

"What the hell are you saying, Marcel?" naiinis na tanong sa kanya ni Papa.

Sinimangutan siya ni Mama. "Wag ka ng magkunwari riyan. Parang kailan lang no'ng sinabi mong gusto mo ng magka-apo."

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin kay Papa. Pero mabilis na nag-iwas lang siya ng tingin.

Seriously?

"Tita naman. Nag-aaral pa si Nathalia. Hayaan n'yo po muna siyang makapagtapos," kontra naman ni Liam.

Napailing si Mama. "Ayos lang 'yon! Mag-asawa naman na sila at nasa tamang edad na rin siya. Pwede naman siyang mag-skip ng isang sem kapag nagkataon." Kinindatan niya pa ko.

Hindi makapaniwalang napatitig lang kami sa kanya. Ngayon ko hinihiling na sana ay bumuka ang lupa at lamunin na lang ako.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang hindi na namin napag-usapan pa ang tungkol sa bagay na 'yon hanggang sa matapos kami kumain. Pagkababa ay nagpaalam lang kami kay Mr. Villafuente at sa iba pang mga staff bago tuluyang lumabas. Agad naman akong sinalubong ni Cole.

Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng lungkot. Baka matagalan na naman kasi bago ko sila makita ulit.

Pilit akong ngumiti pagkaharap ko sa kanila. "Kailan po tayo magkikita ulit?"

Masuyong hinaplos ni Mama ang pisngi ko. Namamasa ang kanyang mga mata, ngunit alam kong pinipigilan lang niya sa tuluyang pagbagsak ang kanyang mga luha.

"Sa oras na maging ayos na ang lahat, anak."

Naguguluhan akong napatitig sa kanya. "Ano pong ibig n'yong sabihin?"

"When the right time comes, you'll understand." Mahigpit namang hinawakan ni Papa ang kamay ko.

"Kailan naman po 'yon?" pangungulit ko pa sa kanila.

Nilapitan naman ako ni Liam at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "You'll know, soon."

Kahit wala kong maintindihan sa mga sinasabi nila ay napatango na lang ako, bago tuluyang nagpaalam.

Habang nasa biyahe pauwi ay hindi ko maiwasan ang mapaisip. Tila mayroon pa kasing hindi sinasabi sila Mama sa 'kin.

Nasa malalim akong pag-iisip at tinatahak na namin ang mapunong daan papuntang mansyon, nang biglang mahagip ng paningin ko sa labas ang isang babaeng nakahandusay sa tabi ng kalsada.

"Cole, itabi mo ang sasakyan," maawtoridad kong utos sa kanya.

Tiningnan naman niya ko mula sa rear view mirror. "Pero Madame—"

"May babaeng nakahandusay sa tabi ng kalsada. Hindi mo ba nakita? Tulungan natin siya," natataranta kong sabi sa kanya.

Akmang tututol pa sana siya pero pinandilatan ko lang siya ng mga mata. Kaya naman ay dali-dali rin niyang itinabi ang sasakyan.

Mabilis akong bumaba at tumakbo palapit do'n sa babae. Hindi ko na pinansin pa ang malakas na pagsigaw ni Cole.

Pero napatakip na lang ako ng bibig, nang makita ang duguang katawan ng babae. Halos hindi na rin makilala ang mukha niya nang dahil sa tindi ng bugbog na kanyang tinamo. Mayroon ding nakabusal na panyo sa kanyang bibig.

Sa pagkakaalam ko ay bibihira lang ang dumadaan sa lugar na 'to. Kaya hindi na nakapagtataka na maging tapunan ang lugar na 'to.

There's no doubt that she's a salvage victim.

Nilingon ko si Cole na nasa likod ko na ngayon. "We need to call an—"

"Madame, dapa!"

Gano'n na lang ang gulat at panlalamig ng katawan ko nang bigla niyang iniangat ang dalawang hawak na baril at itinutok sa direksyon ko. Mabilis naman akong dumapa at halos mapatalon ako sa gulat nang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.

Nang matahimik na ang paligid ay dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Doon ay tumambad sa 'kin ang dalawang lalaking nakahandusay na sa kalsada.

Mabilis na nilapitan at itinayo naman ako ni Cole bago itinago sa likod niya.

"Madame, we need to get back to the car! Kailangan nating makabalik agad ng mansyon. This is a trap!"

Doon ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Kaya ba ayaw niyang huminto kanina?

God! I'm so stupid!

Alerto naming inililibot ang tingin hanggang sa tuluyan na kaming makabalik sa kotse. Pero gano'n na lang ang panlulumo namin nang mapansin na flat na ang gulong nito.

Mula sa likod ng mga nagtataasang puno ay isa-isang lumitaw ang mga kalalakihan na pawang nakasuot ng kulay itim na suit. Marahil ay mafia guards sila ng kung sino sa kalaban ni Stephen.

"Shit!"

Mabilis na hinawakan ni Cole ang kamay ko. Akmang tatakbo na kami patungo sa kabilang mapunong parte, nang mula sa kung saan ay muling lumabas ang apat na tumulong din sa 'min dati. Nasisiguro ko na sila rin 'yon nang dahil sa maskara na suot nila.

Hindi naman ako nagkamali. Dahil mabilis na inatake at pinaulanan nila ng bala ang mga kalaban na nakasunod sa 'min.

Kinuha naman ni Cole ang pagkakataon na 'yon para muli kaming tumakbo papunta sa kakahuyan. Pinagtago niya ko sa likod ng isang mayabong na puno, kung saan ay mayroon ding nagtataasan na halaman.

"Magtago ka lang po muna rito, Madame. Hindi ko po kasi nasisiguro kung wala po kayong makakasalubong na kalaban kung pauunahin ko na kayo. Gagawin po namin ang lahat para hindi sila makalapit."

Napatango na lang ako sa kanya at mabilis na binalikan naman niya ang mga kalaban.

Mula sa puwesto ko ay tulala lang akong nanonood, habang nakikipaglaban ang bawat isa sa kanila na nasa kalayuan. Kung dala ko lang sana ang baril ko.

Pero may magagawa ba ko kapag nagkataon? Hindi pa naman ako napapasabak sa aktwal na labanan.

Kinapa ko ang loob ng bag ko nang bigla kong maalala ang dala-dalang swiss knife. Sa oras na may magkamaling mapadpad rito ay hindi ako magdadalawang isip na iwasiwas 'to sa kanya.

Ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang tatlo sa mga kalaban na tinatahak ang direksyon malapit sa puwesto ko. Naitakip ko ang kamay sa bibig, bago dahan-dahang napaupo.

Halos pigil ko ang hininga habang papalapit sila ng papalapit sa puwesto ko. Nagpalinga-linga sila sa paligid at alam kong ako ang hinahanap nila.

Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo, nang biglang napalingon sa direksyon ko ang isa sa kanila. Mabilis akong yumuko at tahimik na nagdasal na sana ay hindi niya ko nakita.

God! No! Not again, please. Why it has to be now when Stephen is not around?

Rinig ko ang papalapit niyang mga yabag. Hinahanda ko na ang sarili sa posibleng mangyari, nang muntik na kong mapasigaw dahil sa sunod-sunod na pag-alingawngaw ng putok ng baril.

Sa kabila ng panginginig ng buong katawan ko ay dahan-dahan pa rin akong sumilip para alamin ang nangyari. Nakita kong nakabulagta na ang dalawa sa mga lalaki. Habang ang isa naman ay nakikipagbuno sa bagong dating.

Napaawang ang bibig ko. Isa siya sa apat na tumulong sa 'min!

Malakas na tinadyakan siya ng kalaban sa tiyan, dahilan para mapaatras siya. Hindi pa man siya nakakahuma ng bigla naman siya nitong sinuntok nang malakas sa mukha.

Napasinghap ako. This can't be! Maaari siyang matalo kapag nagkataon!

Napahiga siya sa lupa at mabilis na dinaganan naman siya ng kalaban. Base sa katawan nito ay mukhang hindi basta-basta ang lakas nito. Habang 'yong tumulong naman sa 'min ay balingkinitan lang ang pangangatawan.

Patuloy lang sila sa pakikipagbuno, hanggang sa tuluyang naihagis ng kalaban ang hawak niyang baril.

I don't know what to do. Nagtatalo ang isip at puso ko sa kung ano ba ang dapat kong gawin.

Pero hindi naman siya malalagay sa alanganin kung hindi dahil sa 'kin. Isa pa ay hindi na kaya ng konsensya ko na parating ako na lang ang pinoprotektahan.

With all the strength that I have, I pulled myself up. Nagpalinga-linga ko sa paligid at napangiti nang makakita ng isang malaking bato. Buong lakas na binuhat ko 'yon at walang ingay na lumapit sa likod ng kalaban, bago malakas na ipinukpok 'yon.

Ngunit bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay ay nagawa niya pang alisin ang maskara ng taong tumulong sa 'min.

Nahigit ko ang hininga. Pakiramdam ko ay tatakasan din ako ng ulirat nang makita kung sino 'to.

"M-Mads?"