Chapter 9: Pag-papahirap ka'y Dimitri

Antonio's Point of View

Nasasabik na akong makita si Dimitri at nasasabik na 'rin akong pakainin s'ya ng mga bala. Gusto ko siyang gumagapang sa sobrang hirap at nag-mamakaawa para sa kan'yang buhay. Makalipas ang ilang sandali pa ay nag-pasya na kaming magtungo ni Mateo sa saferoom kung saan nito dinala ang dalawa. Nag-lakad kami patungo ro'on, habang kami ay nag-lalakad ay bigla akong tinanong nito tungkol kay Talia.

"Boss? Sino po ba ang babaeng iyon? 'Tila napakaimportante ng taong ito sa'yo at kailangan n'yo 'pang ipamanmanan ang bawat kilos n'ya kay Marcelo." walang pag-aalinlangang tanong nito, tumingin lamang ako sa kan'ya at ngumiti saka ko muling itinuon ang aking atensyon sa pag-lalakad.

"Sobra... Napakaimportante ng taong ito sa akin, isa s'ya sa mga alas na pwede 'kong gamitin laban kay Manolo." sagot ko dito.

At!... Batid 'kong binabantayan rin s'yang mabuti ni Manolo." dagdag ko pa rito habang nakatuon pa rin ang aking atensyon ko sa pag-lalakad at ganun din naman ito. Hindi na ito nakasagot pa dahil agad kaming binati nina Jack at David ng makarating kami sa harap ng saferoom. Ngumiti ang mga ito sa amin at saka nito binuksan ang pintuan ng kwarto. Pumasok kami ro'on at do'on tumambad ang mga walang malay na sina Talia at Dimitri.

Talia was the only daughter of Anthony and Astrid, ang mag-asawang nasawi at nadamay sa pag-patay ko kina Amy at Noah noon. Ngunit ang balita ko'y may isa pa itong kapatid na ngayo'y naninirahan sa America. Kung hindi dahil sa kabayanihan ng mag-asawang ito, 'eh 'di sana hindi sila nadamay at napatay. Akala siguro nila 'eh kayang kaya nila ako at matatalo nila ako ng ganon ganon lang. Kinain ako ng kuryosidad sa pamilyang ito kaya't naman simula noon ay pinaimbestigahan ko na ang mga ito at pinasubaybayan ko sa aking private investigator na si Marcelo. Binuhusan ng aking ilang tauhan ng tubig ang kanilang katawang tao na nag-pabalik sa kanilang malay tao. Nag-tama ang aming paningin ni Dimitri, tinapunan ko ito ng isang nakakalokong ngiti at saka ko itinuon ang aking atensyon kay Talia na no'oy nag-pupumiglas at pinipilit na tanggalin ang mga tali nito sa kan'yang kamay at paa, ganun din naman ang ikinilos ni Dimitri. Umupo ako sa isang kahoy na upuan na nasa loob ng kwarto at saka ako nag-sindi ng aking tabako. Hinithit ko ito at nag-pakawala ng makakapal na usok.

"Bigyan n'yo ako ng magandang palabas." nangingiti 'kong sambit sa aking mga tauhan at saka ako tumingin kay Mateo at saka ako nag-salita.

"Turuan mo ng leksyon ang isang yan." utos ko dito atsaka ako tumingin ng masama sa no'oy nakagapos na si Dimitri. Isang ngiti lamang ang itinugon nito sa akin at saka nito sinenyasan ang mga iba ko 'pang mga tauhan. Itinuon 'kong muli ang aking atensyon sa kanila at sa mga susunod nilang gagawin.

"H-Halika dito!" tawag ni Kael sa no'oy nakagapos na si Dimitri. Tinanggal nito ang mga tali sa mga paa nito at saka nito ito kinaladkad papunta sa kan'ya.

"Kung hindi ka 'man sumasayaw,... t'yak ko dito mapapasayaw ka...! sa sakit! sambit nito, at saka ito tumawa sinundan naman iyon ng tawanan ng mga iba ko 'pang mga tauhan.

Kinuha ng mga ito si Dimitri at iniupo nila ito sa isang kahoy na upuan at do'on itinali ang kan'yang kamay sa mag-kabilang kamay 'din ng upuan. Pagkatapos 'non ay sinimulang nilang kuryentehin si Dimitri, kahit na may makapal na tape ang kan'yang bibig ay dinig parin ang pigil na pag-sigaw nito, nag-simulang mag-silabasan ang mga ugat nito sa kan'yang kamay dahil sa pag-kuryente sa kan'ya ni Kael. Inihinto iyon pansamantala ni Kael, halata sa ekspresyon ng muka ni Dimitri ang sakit at kahirapang nararamdaman nito sa mga oras na ito. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang may tumawag sa aking likuran. Sabay kaming napalingon ni Mareo sa kinaroroonan ng boses at do'on tumambad sa amin ang nakatayong si Wilson, ang isa ko 'pang tauhan.

"Boss, nan'diyan na'po ang anak n'yo." sambit nito, pag-ka sabi n'yang iyon ay agad akong tumayo sa aking kinauupuan at ako saka nag-salita..

"Itigil n'yo na muna yan,! Bantayan n'yong mabuti 'yang dalawang yan." utos ko sa mga ito at saka ako lumabas na ng ng silid at pinuntahan ang anak 'kong si Rico na no'oy kararating lamang.

Peter's Point Of View

Maaga kaming mag-kakapatid na nauulila sa mga magulang, ako at ang tatlo ko 'pang kapatid na babae na sina Justin, Tinley at Yvette. Nang mamatay ang aming mga magulang ay nag-pasya ang ilan naming kamaganak na dalin na lamang kami sa isang bahay ampunan dahil wala ni isang kamaganak namin ang gustong mag-alaga at mag-palaki sa aming apat na mag-kakapatid. Naging maayos naman ang buhay namin sa bahay ampunan, kahit na wala na kaming mga magulang na nag-aalaga at gumagabay sa amin ay masasaya pa rin kami. Ang importante ay mag-kakasama kami at hindi nag-kakahiwalay. Isang araw, bumisita do'on si Don Manolo at nag-pasya itong ampunin kaming apat. Hindi naman ito nahirapan sa pag-aayos ng mga papeles upang maging legal namin s'yang magulang. Naging mabuti itong magulang sa aming magkakapatid pinakain at pinatira kami nito sa kan'yang magarang mansion. Binihisan at pinagaral sa magandang eskwelahan. At higit sa lahat ay itinuring kami nitong parang isang tunay na mga anak. Lahat ng gusto ng aking mga kapatid ay binibigay nito. Kaya't naman nangako kaming susuklian namin ang kabaitan nito sa kahit na anong paraan. Hanggang sa makapagtapos kami ng pag-aaral at napagpasyahang pumasok sa magulong mundong ginagalawan nito. Sinanay kaming mabuti nito upang maging katulad n'ya, tinuro n'ya lahat sa amin ang lahat ng nalalaman n'ya. Nag-sanay kaming mabuti ng aking mga kapatid at sa di kalauna'y natutunan din namin ang lahat, ngayo'y kasama na kaming mag-kakapatid sa mga tauhang pinagkakatiwalaan n'ya. Mabait si Ama, at isang magaling na leader at 'yun ang dahilan kung bakit labis labis akong humahanga sa kan'ya.

Sinabihan ko ang aking mga kapatid tungkol sa misyong ibinigay sa amin ni Papa. Nag-kasundo kami kung paano namin mailalabas si Dimitri sa loob ng mansion ni Antonio. Nang mapagusapan namin kung ano ang aming gagawin ay agad naming inihanda ang aming mga gagamitin at hindi na nag-aksaya pa ng panahon. Pag-katapos 'non ay agad na kaming umalis at nag-tungo sa mansion ni Antonio upang iligtas si Dimitri.