Chapter 8: Saferoom

Alesia's Point of View

Wala kaming nagawa ng nobyo 'kong si Mico kundi antaying mag-bente kwatro oras dahil 'yon ang iminungkahi ng kapulisan sa aming dalawa nang sinubukan naming ireport sa pulis ang pag-kawala niya. I don't really know what is happening to Talia right now wala akong makitang ideya kung bakit hindi namin sya mahagilap sa mga oras na ito. Sa tinagal tagal na naming mag-kaibigan ay hindi s'ya basta basta nawawala ng ganito. Lagi n'ya akong sinasabihan sa lahat ng desisyong gagawin nya sa kan'yang buhay, pati ang kan'yang mga suliranin mapamalaki 'man ito o maliit. Alam 'kong may hindi tamang nangyayare at 'yun ang aalamin ko hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang s'yang puno't dulo ng mga kaganapang ito, hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nalalaman ang totoo.

Mateo's Point of View

Pagkarating ko ng mansion ay agad akong sinalubong nina David at Jack. Si David at Jack ay isa 'rin sa mga pinakamahuhusay at pinakamagagaling na tauhan ni Boss. Tinulungan nila akong ilabas ng sasakyan si Dimitri na no'oy wala pang malay, habang ako nama'y binuhat ang wala 'ring malay na babae. Dinala namin ang mga ito sa saferoom nakasunod lamang ako kina Jack at David na no'oy buhat buhat si Dimitri. Medyo maliwanag na no'on dahil alas s'yete na ng umaga, hindi katulad 'nung kinuha ko si Dimitri ay sobrang dilim pa at halos hindi ko maaninag ang mukha nilang dalawa. Saglit akong napasulyap sa babaeng hawak-hawak ko na no'oy nasa aking bisig dahil sa walang malay na katawang tao nito. Ngayun ko lang napagtanto na ang babaeng pinamamanmanan ni Boss kay Marcelo at ang babaeng ito ay iisa. Hindi ko alam kung anong koneksyon ni boss sa babaeng ito, hindi naman ako tsismoso kaya hindi ko na iyon aalamin pa. Nagmadali na lamang ako sa aking pag-lalakad at nag-tungo sa saferoom. Pag-dating namin sa saferoom ay agad naming hinigpitan at inayos ang mga tali ng mga ito sa kanilang kamay at paa. Pag-katapos 'non ay nag-pasya nakong umalis upang puntahan si Boss upang ipamalita na nakabalik nako buhat buhat ang isang matagumpay na misyong ipinagawa n'ya sa akin. Ngunit bago ko pinuntahan si Boss ay ipinabantay ko munang mabuti kina Jack at David si Dimitri sapagkat matinik ito pag-dating sa pag-takas. Pag-katapos 'non ay agad na akong nag-tungo sa kinaroroonan ni Boss.

Third Person's Point of View

Napagpasyahan ng magkasintahang sina Alesia at Miko na dumulog na sa pulis at ireport ang pag-kawala ni Talia dahil lumipas na ang bente-kwatro oras na palugit ng mga pulis sa kanilang dalawa noong una silang nag-punta upang ireport ang pag-kawala ni Talia. Pagkarating ng dalawa sa police station ay agad nilang inihayag sa mga pulis ang mga pangyayare bago at ng nawala si Talia.

"Huwag ho kayong mag-alala at gagawin ho namin ang lahat ng aming makakaya upang makita at mahanap kaagad ang inyong kaibigan." magalang na saad ng pulis sa kanilang dalawa.

"Nag-mamakaawa po ako sa inyo, gawin n'yo po ang lahat ng makakaya n'yo para makita n'yo ang kaibigan namin." may pag-kaemosyonal na sagot ni Alesia sa pulis.

"Ma'am, kahit hindi ho kayo mag-makaawa sa amin, gagawin ho namin 'yun, dahil isa ho 'yun sa mga trabaho naming mga pulis." seryosong tugon naman nito.

"Let them do thier job baby." bulong naman sa akin ni Mico na no'oy nakaupo lamang sa tabi ko at marahang hinahaplos haplos nito ang aking balikat bilang pag-papagaan sa aking kalooban habang nakatuon 'din ang atensyon nito sa pulis sa aming harapan.

"Babalitaan nalang ho namin kayo, h'wag ho kayong mag-alala Ma'am, sinisiguro 'kong makikita ng aking mga tauhan ang nawawala n'yong kaibigan." sagot naman nito kasabay 'non ay agad na itong tumayo at kinamayan nito si Mico na agad namang tinugon ni Mico.

"Thank you Sir," magalang na sagot naman ni Mico dito. Isang ngiti lang ang itinugon ko dito at saka ko itinuon ang aking buong atensyon sa nobyo 'kong si Mico. Isinuot nito ang kan'yang salamin at hinawakan nito ang aking kamay at tumingin ito ng deretso sa akin.

"Everything will be fine,... We have to trust them." mahinang sambit nito sa akin.

"Let's go, baby." dagdag pa nito, isang ngiti lamang ang itinugon ko dito. Pag-katapos 'non ay lumabas na kami sa Police Station at nag-tungo sa kinaroroonan ng sasakyan ni Mico at tuluyan ng nilisan ang lugar.

Antonio's Point of View

Tahimik sa sala at ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga boses ng aking mga tauhan na nasa paligid ko lamang. Kan'ya kan'ya ang pwesto ng mga ito may mga nakaupo at may'roon namang nakatayo. Abala ako sa pag-inom ng wine na nakalagay sa wineglass na hawak ko habang iniisip si Manolo at kung paano ko gagawing miserable ang bawat minuto ng kan'yang buhay. Gusto ko s'yang tirisin na parang langgam, kung gugustuhin ko napakadali n'yang patayin pero hindi ko iyon gagawin, papahirapan ko muna s'ya hanggang sa mag-makaawa s'yang parang babae. S'ya ang dahilan ng pag-kamatay ng aking asawang si Lina, hindi ko hahayaang pati ang anak ko ay idadamay n'ya. Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang may tumawag mula sa aking likuran, kaya't naman agad akong napalingon sa kinaroroonan ng boses at 'don tumambad sa akin ang nakatayong si Mateo. Agad 'kong ibinaba ang wineglass na hawak ko itinuon ang buo 'kong atensyon sa kan'ya. Lumapit ito sa akin at umupo ito sa isang upuan sa aking harapan.

"Boss, nasa saferoom na sila." bungad nito sa akin, kalmado lamang akong tiningnan nito at saka ito nag-sindi ng sigarilyo at nag-simulang manigarilyo sa harapan ko.

"Mabuti naman kung ganoon at kanina pa'ko nasasabik makita ang hayop na 'yan. 'Yung babae iutos mo kila Jack na despatiyahin na 'yan baka makadagdag lang yan sa- hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil agad itong nag-salita.

"Nga pala Boss, yung babaeng pinamamanmanan mo kay Marcelo at yung babaeng napasama sa pag-kuha ko kay Dimitri ay iisa." sagot nito sa akin, saka ito saka ito nag-salin ng wine. Iinumin na sana nito ang wine ngunit natigilan ito dahil sa reaksyon ko.

"What?! Where is she...?" sunod-sunod 'kong tanong dito, kumunot ang noo nito at saka ito muling nag-salita.

She's fine Boss, kasama s'ya ni Dimitri sa saferoom, as of now thier sleeping like a sleeping beauty." saad nito at saka ito ngumiti sa akin.

"H'wag n'yo s'yang gagalawin, I have a better plans for her." utos ko agad dito, at saka ko ininom ang wine na nasa wineglass na ibinaba ko kanina lamang sa mesa.