Chapter 17: The Vampires
Talia's Point Of View
Nasa kalagitnaan kami ng pag-kukwentuhan nina Dimitri at Alesia ng may narinig kaming bumusina sa harapan ng bahay. Malapit ng pumutok ang araw ng mga sandaling iyon at ang tanging mga boses lamang naming tatlo ang naririnig sa buong paligid. Saglit kaming nahinto sa pag-uusap na iyon dahil nag-paalam si Alesia sa amin upang sunduin ang kan'yang nobyong si Mico na no'oy nasa harapan ng bahay. Ipinamalita pala nito sa kan'yang nobyong si Mico ang buong nangyare kaya't dali dali itong nag-punta dito. Pag-pasok ng mag-kasintahang sina Alesia at Mico ay dumaretso ito sa kinaroroonan namin ni Dimitri at agad naman itong nakipagkilala ka'y Dimitri kinamayan nito si Dimitri na agad namang tinugon ni Dimitri. Atsaka ito umupo sa malaking sofa na nasa harapan lamang namin ni Dimitri. Ganun 'din naman si Alesia, umupo ito sa tabi ng kan'yang kasintahan at hinawakan nito ang kamay ni Mico at saka sumandal ito sa balikat ng kasintahan. Ngumiti lamang si Mico ka'y Alesia bilang tugon sa ginawa ng kan'yang nobya sa kan'ya. Atsaka nito itinuon ang kan'yang atensyon sa amin at saka ito nag-salita.
"Alesia have told me everything and I feel sorry for what happened to you. We've been looking for you everywhere, thank God you're already here." bungad naman nito, ngumiti lamang ako dito atsaka ako nag-salita. Nasundan ng kwentuhan, usapan at tawanan ang pag-dating na iyon ni Mico. Dun namin mas lalong nakilala ang isa't isa.
Halos mag-hahating gabi na 'rin ng matapos kami, at dito ko na 'rin napagpasyahan pakainin sina Alesia, Mico at si Dimitri ng hapunan. Nag-pasya ang magkasintahang sina Alesia at Mico na dito na mag-palipas ng gabi samantala si Dimitri naman ay kailangan nitong bumalik ulit sa Mansion.
"You need to go home." tipid 'kong saad dito atsaka ako napangiti ng bahagya ng mapansin 'kong tila ayaw pa nitong umalis at parang may pumipigil pa sa kan'ya.
"I'm just worried Tal, what if they will come back and I'm not here. Ayaw ko ng may masamang mangyare pa ulit sa'yo baka hindi ko na mapatawad pa ang sarili ko pag nag-kataon." seryosong saad nito na nakapagpangiti sa akin. Tinitigan ako ng deretso nito, saglit na nag-tama ang aming mga mata. I can feel the butterflies in my stomach while he's staring at me. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na ibinibigay n'ya sa akin. Ngayun lang ulit ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam.
"H'wag ka ng mag-alala... I'll be fine here and besides Mico and Alesia is here. And lastly I am immortal, don't forget that. I can literally defend myself from them..." paliwanag ko dito.
"Yeah... I... I will go now..." paalam nito, ngumiti lamang ako dito bilang tugon at saka ako tumango-tango dito. Pag-katapos 'non ay agad na itong tumalikod at nag-lakad ngunit bigla itong huminto at humarap sa akin.
"Yes," tipid 'kong bungad dito.
"I-I... just wondering... Can I visit you again tomorrow." medyo nahihiya pa nitong sambit sa akin at saka ito napangiti ng bahagya. Napayuko ako at saka ako napangiti sa sinambit n'yang iyon. Tumingin ako sa kan'ya ng deretso at saka ako nag-salita.
"Ofcourse," tipid ko namang sambit dito. Pag-katapos 'non ay nag-paalam na ito sa akin. Sinundan ko lamang ng tingin ang sasakyan nila Dimitri hanggang sa makaalis ang mga ito. Kumaway pa ito sa akin bago ito tuluyang umalis. Nag-iwan iyon ng isang matamis na ngiti sa mga labi ko na s'ya namang napansin ni Alesia.
"Where all that smile coming from...?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at 'don tumambad sa akin ang no'oy nakangiting si Alesia. Suot suot nito ang isa mga pantulog 'kong damit at may hawak hawak itong isang basong may lamang tubig. Naka messy bun ang ayos ng buhok nito at may suot itong salamin.
"And you're still awake you better go sleep Alesia." saad ko naman dito.
"H'wag mong ibahin yung usapan Talia Alberto, the good thing is your smiling and I think... it's because of that Dimitri guy, which I've never seen in you before." saad nito at saka ako nito kinindatan, ibubuka ko na sana ang aking bibig ngunit hindi ko na ito ginawa pa dahil nag-lakad na ito patungo sa guest room kung saan nila napiling matulog ni Mico. Napailing-iling na lamang ako sa ikinilos n'yang iyon.
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Parang may kung anong kakaibang ninanais ang aking mga kalamnan, napalunok ako dahil 'don. Ala una na ng madaling araw ng mga oras na iyon. At sa tingi'y ko'y ako na lamang ang gising. I'm craving for a human blood, ang pag-kauhaw ko sa dugo na kanina ko pa pinipigilan. Wala akong nagawa kundi mag-hanap ng mabibiktima, ang aking unang biktima. Ngunit higit pa 'don ang nangyare. I found my first victim in a dark alley. Ngunit hindi ako tumuloy sapagkat isa itong buntis na babae. Umalis ako sa lugar na iyon at sinubukan 'kong kontrolin ang aking sarili. Nag-tagumpay naman ako sa parteng iyon. Ngunit isang lalaki ang nakita ko sa harapan ng aking bahay. Agad akong kumilos papalapit dito. I was going to attack him and drain his blood using my sharp fangs. Ngunit napaatras ako sa mga katagang kan'yang sinambit.
"Talia..." tipid nitong tawag sa pangalan ko, tinanggal nito ang suot n'yang salamin at ang kan'yang sombrero. Doon ko lamang naaninag ang buong itsura nito at napagtantong isa rin s'yang bampirang katulad ko. Isang malakas na hangin ang dumampi sa mukha ko, hindi ko na namalayan ang mabilis na pag-kilos nito papalapit sa akin. Nararamdaman ko ang lakas ng kapangyarihan nito, mas malakas pa sa kapangyarihang may'roon ako.
"Hindi ako kaaway Talia... kakampi ako, kakampi mo ako." saad nito, napakunot ang aking noo sa sinambit n'yang iyon.
"Ganap na ang pagiging bampira n'yong magkapatid." dagdag pa nito.
"Sino ka?!" matapang 'kong tanong dito. Ngumiti lamang ito sa akin at saka ito nag-laho. Isang malakas na hangin ang bumalot sa kapaligiran, hinanap ng mga mata ko ang lalaking iyon ngunit bigo akong makita s'ya. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang kapatid 'kong si Tyler. Bakit alam n'ya ang nangyayare sa aming kapatid? Sino s'ya? Ano ang nangyayare? Saang lahi ba kami nag-mula? 'Yan ang mga paulit ulit na katanungan sa aking isipan, at nag-papabagabag sa aking isipan.