Chapter 18: The Albanian Mafia
Third Person's Point Of View
Los Angeles, California
"Tyler!, tawag ni Aryana sa pinsan nitong si Tyler ng makauwe ito. Napahinto ito sa kan'yang pag-lalakad na no'oy patungo sana sa kan'yang kwarto, tumingin ito ng deretso ka'y Aryana at saka ito nagsalita. Kinuha ni Aryana ang remote ng telebisyon na nasa maliit na mesa sa kan'yang harapan at ini-off nito ito. Atsaka nito itinuon ang kan'yang buong atensyon ka'y Tyler.
"What?" maikling sagot naman ni Tyler dito.
"Being a vampire is not a joke kiddo,! don't play with victims." sita nito dito ng mapanood nito ang mga naging biktima nito na naipalabas sa telebisyon.
"Here we go again..." bulong ni Tyler sa kan'yang sarili atsaka ito nag-lakad papalapit kay Aryana atsaka ito nag-salita, napakunot-noo naman si Aryana dito bilang tugon. Umikot ito at pumunta ito sa likod ni Aryana at sinimulang nitong hinilot ang likuran ni Aryana at saka ito nag-salita.
"And you shouldn't be nagging all the time." mahinang sambit nito ka'y Aryana, pag-kasabing iyon ni Tyler ay hinarap ni Aryana si Tyler. Aryana irritatedly rolled her eyes on him.
"Whatever," mahinang sagot nito ka'y Tyler. Kinindatan lamang s'ya nito bilang tugon. Ibubuka na sana nito ang kan'yang bibig ngunit iniwan na s'ya nito at nag-tungo na ito sa kan'yang kwarto.
"Tyler...!" tawag pa nito dito ngunit hindi na s'ya nito pinansin.
"Ugh, kids!" iritatong bulong naman nito sa kan'yang sarili.
"Hey, where all that shouting and yelling coming from?" tugon naman ng asawa nitong si Jhon. Napalingon si Aryana sa kinaroroonan ng boses, at 'don tumambad sa kan'ya ang kan'yang asawang kakarating lamang galing sa opisina. Dahil naka-uniporme pa ito, lumapit naman si Aryana sa kinaroroonan ng kan'yang asawa at tinulungan nitong tanggalin ang neck-tie na suot nito.
"It's Tyler," tipid nitong sagot sa tanong ng kan'yang asawa.
"What happened?" tanong naman ni Jhon dito.
"I don't even wanna talk about it." tugon nito.
Tyler's Point Of View
"Kakapasok ko pa lamang sa aking kwarto at hindi ko na pinansin pa ang panininermon ni Ate Aryana sa akin. Ini-lock ko ang aking pintuan at ipinatong ko ang susi ng ang aking sasakyan at ang aking cellphone sa maliit na mesa sa tabi ng aking malaking kama. Pag-katapos 'non ay tinangal ko naman ang aking leather jacket at ipinatong ito sa gilid ng aking malaking kama, isinunod 'kong tanggalin ang aking sapatos at ang aking medyas. Atsaka ko isinalampak ang buo 'kong katawan sa aking kama. Pansamantala akong humiga at tumingin sa kabuuan ng aking kwarto, hindi pa 'rin mawala sa aking isipan ang lalaking napaginipan ko kagabi lamang at ang mga salitang binitawan nito. "Who is this guy?" 'yan ang paulit-ulit na katanungan sa aking isipan na hanggang ngayun ay di ko pa mawari'y ang kasagutan.
Third Person's Point Of View
Samantala, si Gjovani Hoxhallari naman ay ang leader ng isang Albanian Mafia Organization na Akrepat. Na s'ya 'ring may sala sa pag-kamatay ng ama ni Luca Berlusconi na si Stefano. Si Luca naman ay ang leader ng isang namang Italian Mafia Organization na Berlusconi Fratellanza. Ang organisasyong itinayo ng kan'yang nasirang amang si Stefano. Ngunit nang mapatay ito ay s'ya na ang namahala sa naiwan ng kan'yang Ama, at ang tumayong leader ng organisasyon. Hindi iyon naging madali para kay Luca sapagkat hindi ito ang mundong kan'yang kinagisnan ngunit ng dahil sa Ama ay natutunan nitong yakapin ang naiwang obligasyon ng kan'yang Ama. Ipinapatay ng Ama ni Gjovani na si Erion ang ama ni Luca na si Stefano sa kadahilanang naaagaw nito lahat ng ka-transakyon nito na dapat ay sa kan'ya mapupunta. Dahil sa labis na inggit ni Erion ka'y Stefano ay nagawa nitong ipapatay ito sa isa sa mga mag-kakapatid na sina Andi at Garett na miyembro ng isang American mafia na naging kakampi ng kanilang organisasyon.
Antonio's Point Of View
Isang tawag ang natanggap ko mula sa aking kaibigang si Gjovani. Binalitaan ako nito patungkol sa nalalapit nitong pag-babalik sa Pilipinas. At ang malaking transaksyon mangyayare sa pagitan nilang dalawa ni Andi. Matagal ng hindi kami nag-kikita ni Gjovani, ang huli ay sa burol pa ng aking yumaong asawang si Lina. Napagkasunduan 'din naming ipakakasal sa anak 'kong si Rico ang kan'yang nag-iisang anak na babae. Kaya't naman ipinahanda ko ang matutuluyan ng mga ito sa aking mga tauhan. Ngayung mas malakas na ang pwersa ni Manolo kaysa sa akin ay sa tingin ko'y kakailanganin ko ang tulong ng mga nito. T'yak 'kong nasa panig na nila ngayun si Talia. Wala akong pakialam kung ano pa man ang babaeng iyon, 'o kung ano pa mang klaseng halimaw ito. Lalabanan ko sila sa kahit na anong paraan. Nakatayo ako at nakaharap sa malaking glass window, habang hinihithit ko ang hawak 'kong tabako habang tahimik na nag-iisip. Tanging ang mga boses lamang ng aking mga tauhan na nag-uusap at nasa paligid ko lamang ang aking naririnig at ang ingay ng telebisyong nakabukas. Nag-pakawala ako ng sunod-sunod na usok na nag-mumula sa tabakong hawak ko. Nasa ganon akong sitwasyon ng biglang tumunog ang teleponong nasa maliit na mesa. Napahinto ako sa pag-hihithit ng tabakong hawak ko at saglit na napalingon sa kinaroroonan nito. Lumapit ako sa maliit na mesa at ipinatong ko ang tabako ko sa astray na nasa maliit na mesa at saka ko kinuha ang telepono at sinagot ang no'oy tumatawag na diko mawari kung sino.
"Hello,?" bungad ko rito.
"Boss, si Wilson 'to, hawak ko na ang mga bata" sagot ni Wilson sa akin sa kabilang linya.
Inutusan ko si Wilson na kunin ang mga batang nasa isang bahay ampunan na tinutulungan ni Manolo at inutusan ko 'rin itong pasabugin ang nasabing bahay ampunan.
"Gusto 'kong pasabugin mo ang buong lugar at dalin mo ang mga bihag sa penthouse ko sa Baguio." utos ko dito.
"Susunod nalang ako sa'yo 'don at 'don tayo mag-uusap." dagdag ko pa rito.
"Masusunod boss." tipid naman nitong sagot sa kabilang linya.
"Mag-iingat ka." tipid 'kong sagot dito, hindi ko na inantay 'pang makasagot ito at agad ko nang ibinaba ang telepono at inilagay muli ito sa maliit na mesa. Alam ko kung gaano kamahal ni Manolo ang mga batang iyon. At sigurado akong isusugal nito maging ang sarili nitong buhay para sa mga walang kwentang batang iyon at yun ang hihintayin 'kong mangyare.