Chapter 6
"May naghahanap sa iyo."
Napatingin ako sa kumalabit sa akin. Si manager pala namin. Sa nagdaang dalawang linggo, palagi kaming nag-uusap na. Sobrang gaan talaga ng loob ko sa kanya, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung bakit.
"Sino po, ma'am?" Saglit ko siyang binalingan at binalik ang tingin sa ginagawa ko.
"Sabi ko naman sa iyo, huwag ng ma'am, eh. Ate na lang." Nakakalimutan ko kasi minsan. Nakailang sabi siya sa akin niyan, pero hindi pa rin ako sanay. Syempre, isa siya sa boss ko. Tsaka ayaw kong may pumuputak sa mga manok. Masakit sa tainga. Paulit-ulit pa!
"Sorry, ate.” Paghingi ko ng tawad. “Sino po?" Pag-uulit ko.
Napatingin naman ako sa tinuro niya. Ah, si Nurse Wyatt lang pala.
Ngumiti lang ako kay Ate Manager. "Go, you can talk to him."
Tinungo ko ang pwesto ni Nurse Wyatt, mabuti na lang wala halos customers. Maga-alas kwatro na kasi ng hapon, tapos na siguro ang duty neto. Kaya nandito na siya.
Sa loob ng dalawang linggo. Tuwing darating si Nurse Wyatt dito, lagi na akong hina-hayaan ni manager. Minsan nga nagtataka na ako, kung bakit hindi man lang nasisita ng boss namin. Panigurado na may cctv dito, pero laki pa rin ang pasasalamat ko dahil hindi pa ako nahuhuli.
Dahil kung ganoon ay hindi lang trabaho ko ang tapos, pati rin kami ni Nurse Wyatt. Paano ba naman? Parang naging jowa ko si ate, hatid sundo niya ako.
Kung hindi ko lang kapatid 'yon. Iisipin kong tibo siya, at patay na patay siya sa akin.
Naging ganito ang eksena naming dalawa ni Nurse Wyatt. After ng kanyang duty, dito siya tumutuloy. Madali lang naman sa kanya, dahil may sarili siyang sasakyan. Pero minsan hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit namin ito ginagawa. Kung bakit nagkikita kaming dalawa, kung bakit kami nag-uusap?
Eh, wala naman kaming relasyon.
Nang gabi kasing inihatid niya ako sa bahay, ang dami niyang naging tanong. Sabi ko na lang, mahigpit si mama. Para maputol agad ang topic na iyon. Gusto pa naman daw niyang magpakilala sa nanay ko. Aba't naiisip ko pa lang kinakabahan na ako.
Baka kung anong gawin ng nanay ko. Hindi ko keri ang pwedeng mangyari. Kaya hangga't maaari, dito lang kami nag-uusap. Hindi pwede sa labas, malaki pa naman ang mata ni ate. Panigurado na kapag nakita niya kaming dalawa, sumbong agad iyon sa nanay namin.
Ilang araw ko na ring tinanggihan ang ideya na gusto niya akong ihatid sa bahay. Mabuti at naiintindihan niya, tsaka hindi naman niya kailangang gawin. Dahil tulad ng sinabi ko, walang kami.
"Hi." Bati niya. Ngumiti ako sa kanya. "I have something for you..."
Malugod kong tinanggap ang bigay niya. "Thank you."
Ngumiti siya pabalik. "You're welcome, Kali."
"Anong gusto mo?" Tanong ko. Pinaupo ko muli siya, dahil nang makita niya ako papalapit sa kanya kanina ay nagawa pa niyang tumayo. Ayaw ko naman na isipin niyang wala akong manners.
"The usual," Simple niyang tugon. Tumayo na akong muli. "Hintayin mo na lang, gawin ko muna." Imporma ko, tumango lang siya sa akin.
Hindi ba siya natatama sa kape? Laging iyon ang iniinom niya.
Bago ko sinimulang gawin, chineck ko muna ang dala niya. Mukhang alam ko na kung ano 'yon.
Shawarma!
Iyon kasi ang request ko lagi sa kanya, siya naman ang nagtanong. Una, tinanggihan ko pero sadyang mapilit siya. Kaya bilang pambawi ko sa kanya, tuwing mamamalagi siya rito. Ako ang sumasagot ng order niyang kape.
Syempre, dahil siya nga si Nurse Wyatt. Tumanggi siya, pero dahil ako si Kali napilit ko siya.
Shawarma ang favorite ko, kaya ayon lagi niyang dala para sa akin.
Pero bakit parang may iba? May sticky notes na nakadikit sa paper bag.
Kali, Can I court you?
Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Kanina lang sinasabi ng isip kong walang kami. Tapos eto ngayon, narinig kaagad ni Lord.
Sobrang saya ng puso ko, gusto kong sumigaw pero... pinigilan ko ang sarili.
Halos wala ako sa focus nang ginawa ko 'yong kape. Sana masarap pa rin ang kalabasan. Hindi ko siya malasahan.
"Here's your order," Nilapag ko 'yong cup ng kape. At ipina-harap sa kanya.
"Thank yo-yes?" Napa-angat siya nang tingin sa akin. Magkasalubong ang kilay, nagtataka. Napaawang pa ang bibig niya ngunit mabilis niyang binawi. "W-What do you mean by yes?"
Naguguluhan pa rin siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Sagot 'yan sa tanong mo."
Nakatulala pa rin siya, hindi pa nag sink in sa utak niya ang sinabi ko. "Y-You," Turo niya. "Allowing me to c-court you?"
Abot tainga akong ngumiti sa kanya. "Y-Yes! Yes!"
Buong buhay ko, parang ngayon ko lang gustong magpalamon sa lupa. Napayuko na lang ako. Kita ko kasi sa gilid ng mata ko na pinagtitinginan kami ng mga tao, sumigaw ba naman siya.
Niyakap niya ako. Ganoon din ang ginawa ko. Isinantabi ko ang hiya, kahit pinagtitinginan kami. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang palakpak ng mga tao, mukhang may ideya sila na nangyari. "The feeling is like, you answered me yes as your boyfriend." Bulong niya sa akin.
"Advance mo naman..." Natatawa na wika ko, at pabiro siyang pinalo sa dibdib.
Dahan dahan siyang kumalas sa pagkaka-yakap sa akin pero nanatili pa ring nakahawak ang kamay niya sa dalawang kamay ko. "I'm sorry," Malungkot ang kanyang boses. Bakit siya nag so-sorry? Prank lang ba? "It's not what you think!" Putol niya, para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
Hindi ko kasi maiwasang mag-isip, uso kasi 'yong prank na 'yan. Tila ba pasasayahin ka, tapos prank lang pala. Iyon talaga ang mas malala, mas gustuhin mo na lang magpa-lamon sa kumunoy.
"I'm saying sorry, because I don't have enough courage to tell you what I feel for you..." Iyon pala. Akala ko pinaasa niya lang ako, eh.
"Ano ka ba! Ayos lang, at least nasabi mo na."
Hindi naman big deal sa akin 'yon, may parte na naiintindihan ko. Siya iyong tipo ng lalaki na kayang sabihin ang isang banat kahit walang kasiguraduhan kong havey ba o hindi. Pero, hindi kayang sabihin ang kanyang nararamdaman.
Muli niya akong kinulong sa kanyang bisig. At ilang beses dinampian ng magaan na halik ang gilid ng aking ulo.
Ang sarap pala sa pakiramdam. Bakit hindi kaya i-try ni mama at ate? Para naman good vibes lang at ma-bawas bawasan ang kapaitan sa bahay.
"Tara na." Aya sa akin ni Ate Manager. Pagkatapos niyang i-lock ang shop.
Alas syete na ng gabi, ngunit may pupuntahan kami. Nagpaalam ako sa nanay ko at nagsabi rin ako kay ate. Para hindi na niya ako daanan o hintayin pa. Lagi na kasi kaming sabay umuwi, kahit labag na labag sa loob ko.
Noong una nga, ayaw akong payagan. Pero sinabi kong manager namin iyon, kaya pumayag naman sila. Basta si manager daw ang maghahatid sa akin pauwi.
Hindi ko nga alam na birthday niya pala ngayong araw. Kung hindi niya lang ako inaya. Sinama na rin niya si Wyatt, dahil nga dumiretso rito pagkatapos ng kanyang duty.
"Sundan niyo na lang kotse ko," Aniya. Nakisabay kasi 'yong mga ibang kasama namin sa sasakyan ni Miss Manager. Para hindi na sila mag commute pa.
Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating din kami sa tinu-tuluyan ni Miss Manager.
"Ang yaman mo pala, ma'am." Wika ng isang ka-trabaho ko. Kaya naman napatingin ako sa bahay. Este mansyon pala, sa labas pa lang kita mo na kung gaano ito kalaki. Paano pa kaya sa loob, ‘di ba?
Modern ang design. Maganda pa ang kombinasyon ng kulay, black at white. Minsan kung sa iba, ang ideya ng black at white ay hindi na bago. Kasi paulit-ulit na. Kaya hindi okay sa kanila ang combination, pero para sa akin iba ang dating ng black.
Walang kupas.
Kahit isa ito sa dark color, iba pa rin ang ganda na binibigay nito.
"Let's go inside." Aya ni ma’am. Bigla akong nahiya, baka kasi nandito ang boss namin.
Hindi ko maiwasang mapa-singhap. Sobrang ganda ng bahay. Nakakahiyang tumapak sa tiles nila, sobrang puti. Parang makinis pa nga iyon, kaysa sa mukha ng mga manok na kasama namin.
"Sa dining area tayo, I'll introduce you guys to them!" Halatang excited si ma'am.
Napabaling naman ako kay Wyatt. Kanina ko pa siya kasama, pero parang wala akong kasama. Simula nang bumaba kami, sobrang tahimik na niya.
"Okay ka lang ba?" Agaw pansin ko sa kanya.
Namumutla kasi siya. Inilapat ko likod ng palad ko sa nood niya at leeg, hindi naman mainit. "Wala ka namang sinat."
"Maybe, I'm just tired." Mahinang sambit niya.
Parang gusto kong sapakin ang sarili ko ngayon, hindi ko man lang naisip iyon na maaaring pagod siya sa kanyang duty. Pero sumama pa siya, at nag drive pa.
"Nagsabi ka sana kanina, para hindi ka na lang sumama." Tila nakokonsensya na sambit ko.
"It's fine, don't mind me." Balewalang tugon niya.
Nagkibit balikat na lang ako. Wala na rin naman na akong magagawa, nandito na kami. Hindi ko na siya pwedeng pauwiin. Kung sakali naman, hindi na lang kami magtatagal para makauwi na agad siya at makapag pahinga.
Wow! Sobrang haba ng lamesa nila, siguro kahit benteng tao. Kakasya.
Ang laki naman ng pamilya ni Ma'am Manager. Kung ganoon, bakit manager lang siya sa isang Milk Tea Shop? Alam kong sa talino at ganda niya, may mas malaking opportunity pa ang naghihintay. O baka mayroon na rin siyang hinindian.
"I'd like to thank everyone for being here tonight. For joining me as another year added to my age." Itinaas ni ma'am ang basong naglalaman ng wine. "Cheers to more years."
"Happy birthday, ma'am!"
"Happy birthday, Ate Manager." Masayang kong bati sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. Pero, bakit parang hindi siya masaya?
"Miss Manager," Tawag mula sa likod. Nabaling ang tingin namin sa nagsalita, na halos ikalaki ng mata ko.
Anong ginagawa ng lalaking 'to rito? Bakit kilala niya si Miss Manager?
Sa likod nito ay ang boss namin, na may katabing isang matandang lalaki. Hindi naman gaanong matanda, wala pa naman siyang kulay puti sa kanyang buhok na halos kahawig lang ng lalaking tinutukoy ko.
Iyong gusto akong makausap! Hanggang dito ba naman. Paano sila connected?
Ginulo na naman niya ang pag iisip ko.
"Happy birthday," Narinig kong bati ni mokong sa manager namin. Hindi ko nakita ang reaksyon ni ma'am dahil nakatutok ako kay mokong. Ngunit, nawala iyon nang hindi nakaiwas sa pandinig ko ang sinabi ng matandang lalaki na ngayon ay katabi na niya ang kanyang kamukha.
Si mokong.
"A-Anak..."
To Be Continued…