Chapter 5
"Ang corny."
Iritado ang pagkakasabi niya noon, pero mas nakaka-irita ang boses niya.
Hay, may isang manok na naman na nag comment. Akala ba niya, importante ang opinyon niya?
Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako, para kunin ang gamit ko. Pinaghintay ko na sa baba si Nurse Wyatt. Ayaw ko siya rito, baka malingat lang ako. May manok ng tutuklaw, ako lang dapat.
Joke lang!
"Famous, girl. Hindi naman maganda!" Inartehan pa talaga niya.
Ano bang pinaglalaban ng babae na ‘to?
Hindi na ako nakapagpigil, ang dami siyang say, eh! Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. "Pag inggit, pikit!" Pagpaparinig ko.
Kung gawin ko kaya siyang sahog sa pancit, sa tingin ba niya nakakapagsalita pa siya?
"Aba't!" Kahit hindi ko siya kita, ramdam ko ang galit sa boses niya.
Hindi ko kasalanan na natamaan siya, hindi ko na nga pinansin. Tapos kapag napansin, mag-iinit.
Magaling na nilalang!
"Don't you dare!" May awtoridad na boses sa likod niya ang may sabi noon. Hindi ko maiwasang napalunok, paano kung isumbong niya kami kay boss?
Akma niya kasi akong susugurin bago kami maabutang dalawa. Mabuti na lang dumating si Miss Manager.
"M-Magpapaliwanag po ako." Kabadong sabi ko.
"Siya ang nauna, ma'am." Leche 'tong manok na 'to. Naging maamo, nang dumating lang si manager. Pero kanina, akala mo kung sinong demonyo habang kaharap ako.
"That's not what I saw!" Tugon ni Miss Manager. Lihim akong napangisi, pakiramdam ko paborito rin ako ni ma'am, eh! Baka nawawala kong kapatid 'to.
O baka naman nai-palit kay Ate Kela. Sana nai-palit na lang.
Joke!
"Repeat it again, and you'll face the consequences of your actions!" Puno iyon ng pagbabanta.
"Sorry, ma'am." Paghingi ng tawad ng isang manok. Mabuti nga sa kanya. Plastikada kasi!
"You can leave now!" Utos ni ma'am. Inirapan pa niya ako, bago siya tuluyan na umalis. Sana hindi na bumalik ang mata niya. Leche siya, wala naman akong ginagawa sa kanya, eh!
"Are you okay?" Pinasadahan ako nang tingin ni ma'am, mula ulo hanggang paa. Parang sinisigurado niya kung may galos ba ako o wala. "Anong ginawa niya sa iyo?" Pagdalo sa akin ni ma'am. Hindi ko talaga maiwasang magtaka kung bakit mabait siya sa akin.
"Ayos lang po ako," Maagap kong sagot. Ayaw kong mag-alala pa siya. "Thank you, ma'am," Tugon ko sa kanya. "Alis na po ako, naghihintay po kasi 'yong kasama ko sa baba."
Baka kasi naiinip na iyon. Ang pinaalam ko lang naman ay ang kunin ang gamit ko.
Hindi ko naman kasi inaasahan na may nag aabang sa akin sa loob. Kaya imbes na nakuha ko agad ang gamit ko, natagalan pa tuloy.
"Take care." Ngumiti lang ako kay ma'am, at sinabi ko ring mag-iingat siya.
Nang makababa ako, kita ko ang iritasyon sa mukha ni Nurse Wyatt. "What took you so long?" Tila inip na inip niyang tanong sa akin. "Something happen?"
Napaiwas naman ako ng tingin. Guilty ako, pero ayaw kong mag-alala siya sakin. Normal naman ang ganoong sitwasyon. Hindi na dapat pa pinagtutuunan pa ng pansin. "W-Wala... tara na."
Ginilid pa niya ang kanyang ulo, tila binubusisi ako kung nagsasabi ako ng totoo. Pero umalis na ako, para hindi na humaba pa. Hinabol naman niya ako para pagbuksan ng pinto. Hindi naman na siya nagtanong pa. Naging tahimik lang kami sa loob ng byahe, napapansin ko lang minsan na tinitignan niya ako.
"Diyan na lang sa gilid." Saad ko nang makitang malapit na kami sa bahay. Huwag na niyang itapat sa bahay, dahil panigurado nang nag-aabang na iyong nanay ko. Nakauwi na rin sigurado ang ate ko.
Saglit siyang tumingin sa akin, hindi nakaligtas sa akin ang kilay niyang magkasalubong. "No, I'll only stop in front of your house."
Matigas din pala 'to katulad ko. Kainis!
"Diyan sa pulang gate." Pagsuko ko. Nararamdaman ko kasing wala na naman akong laban.
Tinantya pa niya ako kung nagsasabi ako ng totoo, bago niya diniretso sa harap ng bahay namin.
"S-Saan ka pupunta?" Natarantang wika ko nang akma niyang bubuksan ang pinto. "I'll open the door for you."
"H-Hindi na." Mabilis kong iling sa kanya. Nang mapatingin kasi sa ako sa bahay. Bukas lahat ng ilaw, baka tinawag na lahat ni mama ang santo. Kasi wala pa sa bahay ang magaling niyang anak.
"I insist."
"Okay na ako rito." Lumabas na ako. Medyo nakayuko pa ako para makita ko siya. "Thank you, bye! Ingat ka, ha."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tinungo ko kaagad ang gate ng bahay, at mabilis iyong binuksan. Hindi ko na rin siya tinignan na umalis pa, pero narinig ko na lang na humarurot ang kanyang sasakyan.
"Wooh!" Parang doon lang ako nakahinga ng maluwag.
"Magaling na bata!"
Napatalon ako sa kinatatayuan ko. "Ay put-pusa!" Agad kong tinakpan ang bibig ko. Muntik na akong magmura. Mabuti na lang, napigilan ko ang sarili. Kung hindi, tatamaan talaga ako nang malala.
Dahan dahan akong humarap sa nagsalita. Ngumiti ako pero napunta lang iyon sa ngiwi nang makita kong sobrang sama ng tingin ni mama sa akin.
"M-Ma..." Kabadong sabi ko. Ramdam ko rin ang namumuong pawis sa mukha ko.
Para niya akong kakainin. Na para bang isa akong potahe na matagal na niyang gustong kainin.
"Pasok sa loob!" Napapikit ako, ang ingay. Ikaw ba naman sigawan, ang sakit pa sa tainga!
Masamang tingin din ni ate ko ang sumalubong sa akin. Itinuro niya ang hot seat, kulang na nga lang lagyan nila ng ilaw sa taas, iyong gumagalaw pa.
Para mukha na rin akong kriminal sa lagay na iyon.
"Saan ka galing?" Naka-pamewang na tanong ni mama. Nanatiling masama ang tingin niya sa akin.
"Sa trabaho po," Tugon ko. Iyon naman ang totoo.
"Anong oras ang out mo?"
Napalunok ako. "5 p. m., mama."
"Anong oras na?" Bakit ako ang tinatanong? Hindi ba niya alam ang tumingin ng oras?
"Marunong akong tumingin ng oras, pero tinatanong kita kung anong oras na. Tama bang umuwi ka ng ganitong oras, kung ang out mo naman ay 5 p. m. pa pala?"
Napayuko naman ako. Hindi ko kasi namalayan ang oras, lowbat ang cellphone ko kanina. Nakalimutan kong i-charge sa shop.
"Ano na po bang oras?"
"7 p. m. na, dapat 6 or 5:30 p. m. nasa bahay ka na!" Sagot naman ni ate. Epal 'tong ate ko, minsan. Kapag ginigisa ako, gusto laging siya ang naghahalo. Iyon lang naman alam niya, makihalo!
Gustong gusto niya ang ideya na ‘to, kasi alam kong dito lang siya makakabawi sa akin, eh.
"Sorry, mama." Nayuko pa ring wika ko. "Hindi ko po namalayan ang oras."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Sino 'yong kasama mo?" Nakita pa pala niya iyon. Hay! Nakalimutan kong may pagka-marites pala itong si mama.
"Wala iyon, mama."
Ayaw kong madamay iyon si Nurse Wyatt. Bitter pa naman itong nanay ko.
"Kung boyfriend mo iyon, sinasabi ko ngayon pa lang sa iyo. Hiwalayan mo na! Kung nanliligaw pa lang naman, patigilin mo na!"
Sabi ko na. Ganyan naman siya lagi, kahit noon pa man. Kung hindi niya sasabihing, bata ka pa para diyan. Manloloko ang mga lalaki na 'yan! Wala raw akong mapapala.
Hindi pa ako nakaka sagot para idepensa ang sarili ko, nang magsalita ulit si mama. Para siyang armalite, ratatat ng ratatat! "Sasabay ka sa ate mo, simula bukas!" Puno ng pinalidad na sabi ni mama.
"Huwag na, mama." Kontra ko. Ayaw ko siyang kasabay. Mapait din 'tong isang 'to. Ayaw kong mahawa ng kapaitan nilang dalawa.
"Ayaw ko rin naman, wala lang akong choice." Sabi ni ate kong bitter. Inis ko siyang tinignan, kung may choice lang din naman ako. Ayaw ko rin. Kaso si mama ang nagsabi, eh.
"Umakyat ka na, at mag-ayos ng sarili mo. Magha-hapunan na tayo!"
Wala na! Wala na akong nagawa. Praning na naman si mama, minsan na kasi akong umuwi ng late. Akala niya kung saan na ako nagpunta, eh niyaya lang naman ako ng mga ka-trabaho ko dati.
Hindi pa ako nagtatrabaho sa Fogi Tea noon, sa iba pa. Unang sweldo kasi noong araw na 'yon, syempre 'yong akin kay mama ko binigay. Pero kasi 'yong isang ka-trabaho namin, ni-libre kami. Sino ba naman ako para tumanggi sa biyaya, ‘di ba?
Kaya simula noon, naging mahigpit siya hanggang lumuwag muli siya sa akin. Tapos ngayon, balik ulit.
Kinabukasan. Mabilis ang naging kilos ko, paano ba naman? Nag-aayos pa lang ako, tapos na kaagad ang ate kong bitter.
Isa iyon sa ayaw ko dahil ang aga kasi niyang pumasok ng trabaho, ako naman kasi isang oras pa akong maaga sa oras ng kanyang pagpasok sa trabaho.
Nagbubukas naman ng maaga ang pinapasukan kong trabaho, iyon nga lang hindi naman kasama iyon sa sweldo ko kahit pa ako ang pinaka maagang pumasok.
Ngunit, hindi ako pwede mag complain dahil makikisakay lang ako. Pwede naman siyang mauna na, may pangbayad naman ako sa pamasahe ko. Hindi nga lang papayag ang nanay ko.
"Bilisan mo!" Narinig kong sigaw ni ate mula sa ibaba.
Akala mo naman talaga parang sampung palapag ang bahay namin, kung makasigaw siya. Eh, dalawang palapag lang naman, dinig na dinig kahit bumulong lang siya.
Iyong ginawa niya, para na siyang nag mic, eh sa ingay ba naman ng boses niya. Mabuti sana kung masarap sa tainga pakinggan, eh nakakasira ng eardrums.
"Nandiyan na, ate!" Sigaw ko pabalik, pero magalang pa rin.
Mas malala 'to kay mama, eh.
Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating din kami sa tapat ng shop kung saan ako nagtatrabaho.
"Thank you, ate. Bye!" Hinalikan ko siya sa pisngi. Pero ang loka, nandiri. Siya pa lugi, ha?
"Arte mo, ate!" Reklamo ko sa kanya, pero inirapan lang niya ako.
"Labas ka na!" Ano ba yan! Atat na atat? Sinunod ko ang sinabi niya. Baka i-andar pa niya, ang ending maglakad ako pabalik.
"Bye, alis na." Taboy ko sa kanya. Nakalabas na ako ng sasakyan niya kaso hindi pa siya umaalis.
"Bakit?" Naguguluhan na sambit ko.
"Pumasok ka muna, bago ako umalis."
Ang dami niyang arte!
"Bakit ka ganyan, ate? May lagnat ka?" Taka kong sabi. Bigla naman yata siyang naging concern sa akin.
Nakakagulat!
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Gawin mo na lang kasi!" Mariin niyang sabi, na para bang aligaga pa siya.
Hindi ko siya gets. Pero ginawa ko na lang.
"Oo na, ate!"
Bago pa man siya makasagot pa tinungo ko na ang shop at hindi na nagawang linungin pa, baka ikadagdag pa ng galit niya iyon.
Kainis! Umagang umaga naninira ng araw, eh!
To Be Continued…