Chapter 10

Nasa harap ng mansyon si Nurse Wyatt. Hinihintay niya akong magbihis, nakatanggap kasi ako ng mensahe sa kanya kanina. Lalabas daw kami, kasi wala siyang duty.

Timing lang, dahil wala rin akong shift ngayong araw.

Mabilis lang akong natapos, nagsuot lang ako ng black button-down polo na crop top, tsaka mom jeans at nag white shoes ako.

Nadatnan ko si papa sa sala, nagbabasa ng dyaryo. "Papa," Tawag ko ng atensyon niya. Mabilis naman siyang tumingin sa akin, at inilapag ang hawak niya na dyaryo.

"Aalis po ako," Paalam ko.

Tumango siya. "Sure, no problem... but, who's with you?"

Akala ko makakaligtas na ako sa tanong na 'to. Hindi pa pala. "Si Nurse Wyatt po." Walang pag aatubili na sabi ko.

"Who is he?" Kunot noo na tanong ni papa. Kahit magka salubong ang kanyang kilay, hindi maipagkakaila na talagang maganda ang kanyang lahi.

Hindi ba niya matandaan iyong lalaki na sumagot sa kanya ng birthday ni Miss Manager? O sadyang hindi niya pinansin iyon. "'Yong kasama po sa birthday ni Miss Manager."

"Let him in first, gusto ko siyang makausap." Seryosong sabi ni papa, tila nagbago agad ang kanyang awra. Sobrang gaan pa kasi nang kausap ko siya, nagbago lamang noong sinabi ko iyong pangalan ni Nurse Wyatt.

Wala akong nagawa kung hindi tawagin si Nurse Wyatt. Nagtataka pa nga siya noong una, kung bakit siya kailangan na kausapin ni papa. Syempre, hindi ko siya masagot kasi kahit ako hindi ko rin alam ang dahilan.

"Si Papa po?" Tanong ko kay manang. Wala na kasi si papa sa sala nang natawag ko na si Nurse Wyatt.

"Sa opisina na lang daw po sabi ni sir.” Tugon ni manang.

Nagpasalamat ako kay manang bago bumaling kay Wyatt na mukhang pinagpapawisan, pero naka-aircon naman ang mansyon. "Go na, diyan oh." Turo ko sa pinto ng office ni papa. "Hintayin na lang kita rito." Dugtong ko.

Makalipas ang 30 minutes, tsaka ko pa lang nakitang bumukas ang pinto ng office ni papa. Sobra naman yatang tagal ng pag-uusap nilang dalawa. Gaano ba iyon ka-importante? Mas importante sa akin?

"Nainip ka ba?" Tanong ni Nurse Wyatt nang makalapit siya sa akin.

"Hindi naman," Tugon ko. Habang naghihintay kasi ako na matapos sila, kumain muna ako. Pakiramdam ko nga, hindi ako nakakakain ng marami kapag kasabay ko sila papa. Hindi naman sa hindi ko gusto ang kanilang presenya, talagang nahihiya pa ako. Siguro, normal lang 'to. Wala pa naman akong isang buwan dito.

Kaya pag nalingat lang si papa, o si Kuya Lucas. Lagi akong nasa kusina, na kumakain. Alam ni manang iyon, siya ang kasabwat ko. Minsan nga sinabi niya na baka naninibago lang ako. Normal naman daw iyon, pero darating din ang araw na masasanay ako.

"We'll go ahead, sir." Baling nito kay papa. Lumapit naman ako kay papa, at niyakap siya. Naramdaman ko naman na dinampian niya ng halik ang gilid ng ulo ko.

Bago lang kaming nagkakilala ni papa, pero sobrang bilis niyang nakuha ang loob ko. Hindi naman kasi ako nagtanim ng galit sa kanya, kahit bata pa lang ako hindi ko na siya nasilayan.

Siguro, isa sa dahilan kung bakit hindi ko man nagawang magalit sa kanya dahil sobrang tagal na taon na rin ang nasayang. Kaya ganoon ko na lang siya kabilis tinanggap sa buhay ko, Sana ganoon din sina mama at si ate kong bitter.

Alam ko namang mahirap para sa kanila dahil sila mismo ang nakaramdam ng sakit, habang ako wala pa noon. Kaya hindi ko sila masisisi sa puntong iyon. Hindi ko man hiling ng buong pamilya, dahil nakikitang kong imposible iyon sa lagay nila mama. Pero, kahit man lang maging civil sila sa isa't isa. Sapat na iyon sa akin.

Kahit para sa akin man lang, favorite naman ako ni mama! Feeling ko nga, kahit si Papa, eh. Haha!

"Anong pinag-usapan niyo ni papa?"

Mabilis siyang bumaling sa gawi ko at ibinalik ang tingin sa daan. "It's something, you don't need to worry about."

Nagkibit balikat na lang ako. Ayaw niyang sabihin, okay. Respect! "Saan tayo pupunta?"

"Secret..." Nakangisi niyang sabi. Pangalawa na 'to, ha. Isa pa talaga, ewan ko na lang. Baka magulat na lang siya, secret din isagot ko kung sasagutin ko man siya.

Kung sakali man… hindi pa sigurado!

"You can sleep, malayo pa tayo." Saad niya, habang diretso lang ang tingin ko sa bintana. Pinagmamasdan ang paligid. Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Ayaw kong makipagtalo sa kanya. Mukhang iwas na iwas siya sa mga posibleng tanong ko, eh.

Hindi ko namalayan na ganoon ako kabilis nakatulog, nagising lang ang diwa ko sa magaang tapik ng palad sa pisngi ko.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko, medyo malabo pa ang una kong nakita. Hanggang sa tuluyan kong nabukas ang talukap ng mata ko, nasilayan ko si Nurse Wyatt.

"We're here..." Anunsyo niya.

Nanatiling malapit ang mukha niya sa akin. Magsasalita sana ako, kaso mabilis kong tinakpan ang mukha ko. Paano na lang kung may crystal pala ako sa mata? Paano na lang kung may laway akong tumulo? Paano naman kung mabaho ang bunganga ko? Isang malaking kahihiyan iyon.

Baka ma-turn off pa siya, biglang itigil ang kasal. I mean, itigil ang panliligaw pala.

Ang advance mo naman, self! Hindi mo pa nga sinasagot, eh.

"Hey..." Marahan niyang sambit. "What’s wrong?"

Inalis ko ang palad kong nakatakip sa mukha ko at patagong inamoy ang hininga ko, hindi naman mabaho. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

"Ah, wala..." Mabilis kong sagot, kita ko kasi ang kanyang pag aalala. Baka mag isip pa siya ng iba. "Saan tayo?" Pag-iba ko na kaagad ng usapan.

"We're in Baguio." Nakangiting aniya.

Baguio? Tapos naka-crop top ako? Hindi man lang niya ako sinabihan.

Hindi ko siya sinagot, at binaling ang tingin sa labas. Hindi nga siya nagsisinungaling, dahil tanaw ko ang nagdidikitan na bahay. Ang magandang tanawin ng Baguio City.

"Let's go..." Hindi ko man lang namalayan na nasa labas na pala siya. Tinanggap ko ang kamay niya, at pagbaba ko pa lang. Doon ko simula na naramdaman ang lamig.

#BaguioFeels

Nag-post ako sa Facebook account ko, sigurado ako maya maya lang marami ng magco-comment niyan.

Updated sila sa life ko, eh.

Habang naglalakad, naramdaman kong may kamay na pumulupot sa baywang ko. Hindi na ako nagulat kong sino 'yon, isa lang naman kasama ko.

"I know you're cold.” Bulong niya, dahilan para magtaasan ang balahibo ko. "I’m sorry, but I intentionally didn't tell you we were going here."

"Para mayakap mo ako." Akusa ko sa kanya. Hindi ako nagkamali dahil napaiwas siya ng tingin.

"Para-paraan ka rin, eh." Tukso ko, na ikinatawa naman niya.

Pumasok kami sa loob ng isang hotel, pwede naman sa isang transient house lang. "Bakit hotel pa?" Tanong ko. Eh, balikan lang yata kami.

"We'll stay here for one night." Sagot niya, habang hawak pa rin ako sa baywang. Edi sana sa transient na lang, ang mahal sa hotel. Ang laki pa ng magagastos niya.

"I know what you're thinking..." Nakatitig niyang sabi. Tila ba nababasa niya ang nasa isip ko. "I don't mind spending money every time I am with you."

Napaiwas ako ng tingin. Panigurado na namumula ang mukha ko, lintik 'tong Nurse Wyatt na 'to! Malamig na nga sa, eh, nagpapakilig pa. Baka tuluyan na ako maihi, kanina pa kaya ako nagpipigil.

"Tse!" Irap ko, at pabirong inalis ang kamay niya pero ang loko, tinawanan lang ako.

Ang galing!

Nakita kong inabot sa kanya ang isang card, siguro iyon na 'yong card para mabuksan ang pinto.

Hindi ko maiwasang kabahan nang makarating kami sa tapat ng isang kwarto, isang kwarto lang? Seryoso ba siya?

"There's no available room anymore," Nabasa na naman niya ang nasa isip ko. "I can sleep on the couch, and you in the bed. If that is your problem.”

Nakahinga naman ako ng maluwag, pero nakakahiya pa rin! Siya ang nagbayad, eh.

"Hindi!” Tutol ko, kaya naman natigilan siya at kunot ang noo na nakatingin sa akin. “Ikaw na sa bed. Ako na sa sofa." Pinal kong sabi. Pala-desisyon kasi ako, eh. Hindi ko na siya hinintay pang kumontra. Nabuksan na kasi niya, kaya tumuloy na ako sa loob.

Dumiretso ako sa may part ng bintana, dito mas kita iyong ibang parte ng Baguio. Medyo, may foggy effect. Pero kita pa rin iyong mga dikit dikit na bahay.

"You can continue your sleep," Naramdaman kong bulong niya.

Humarap naman ako, kaya doon siya nakakuha ng tiyempo na makulong ako. "A-Ah, hindi ba t-tayo gagala?" Shit! Napaiwas ako ng tingin, bakit kasi ang lapit niya?

Nahuli ko pa ang multong ngiti sa kanyang labi. "Maybe tomorrow, but for now you can sleep…” Napapikit ako nang mas lumapit ang kanyang mukha sa akin. Iba iyong kaba na binibigay sa akin. “I'll wake you up later." Bulong niya.

Akala ko kung ano na!

Sinunod ko ang gusto niyang mangyari, kahit naman natulog lang ako sa byahe. Napagod pa rin naman ako. Napagod na umupo. Ang sakit kaya sa pwet!

Nagising ako na madilim na ang paligid, nilibot ko ang tingin ko. Wala akong makitang Nurse Wyatt.

Saan kaya ‘yon?

Napabalikwas kaagad ako sa aking naisip, paano kung iniwan niya ako rito? Wala akong alam sa lugar na 'to.

Mang iiwan na nga, madilim pa!

Napahawak ako sa ulo ko. "Shit! Ang sakit..." Mukha yatang nabigla.

Bumangon ako at balak kong maligo muna. Kahit kasi malamig ang klima sa Baguio, pakiramdam ko nagla-lagkit ako. Pwede na ngang gamitin pag-prituhan ng manok.

Napako ang tingin ko sa sofa nang makita ko na may dress roon. Sa ibabaw noon ay isang sticky note.

Kapag may sticky note, kilala ko na kung kanino iyon galing.

Nag iisa lang naman siya.

Kali, wear this. Meet me at the rooftop. Take care!

- Wyatt

Pagka-basa ko ng sulat, mabilis ko nang tinungo ang banyo. Ayaw ko na pinaghihintay siya. Wala naman siyang sinabing oras, paano kung kanina pa iyon doon? Paano naman kung wala na akong madatnan?

Nang matapos ako, tinignan ko muna ang sarili ko sa body size na salamin.

Nagmukha akong tao. Joke! Minsan lang kasi ako magsuot ng dress. Itong pinasuot niya sa akin, isang black dress na above the knee. Ang kaso nga lang, fitted tsaka manipis lang ang manggas niya na sumusuporta sa balikat ko. Natuwa na sana ako, pero ikinais ko ng mapatingin ako sa salamin. Wala nga pala akong hinaharap! Mabuti na lang at sinamahan pala niya iyon ng isang coat, dahil nga malamig sa labas, hindi ko rin gustong lumabas nang naka-sleeveless lang. Isinuot ko rin ang bigay niyang heels. Hindi naman gaano mataas, siguro nasa 3 inches lang ‘to. Hindi kasi ako sanay, lagi lang akong naka-sapatos sa trabaho.

Nang tingin kung maayos na ang lahat, nagpunta na akong rooftop. Hindi naman ako nahirapan, dahil pagkalabas ko pa lang ng hotel room. May sumalabong na sa akin.

"Good evening, ma'am.” Nakangiting bati sa akin. “Are you Miss Kali Angeles?"

Binati ko siya pabalik at tumango. “Yes.”

Iginaya niya ako sa elevator, papunta ng rooftop. Siya na rin ang nagpindot, mabuti na lang dahil wala akong alam sa mga ganito. Para naman kahit papaano hindi ako magmukhang galing ng bundok.

Hindi naman na siya nagtanong, mukhang na-inform na siya ni Nurse Wyatt.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating din ako sa rooftop. "Enjoy ma’am," Nakangiting sabi ng babae na siyang nag-assist sa akin.

Ngumiti ako. "Thank you."

Medyo madilim ang daan, tanging ang ilaw lang sa may part kung nasaan ang table na naka-set up ang nagsisilbing liwanag.

Habang papalapit ako, tanaw ko ang naglalakihang building. Doon kasi nakaharap ang table na naka set up.

"You look good." Good? Nakatalikod pa ako, kung maka-good siya. Hindi pa naman niya ako nakita ng nakaharap, eh.

Dahan dahan akong humarap. "A-Ah, baka binobola mo lang ako." Natatawa kong sabi.

"I'm not,” Iling niya. “How was your sleep?"

"Nakatulog naman ako ng maayos." Tugon ko.

Ngumiti naman siya. “Good to hear that.”

Nahigit ko ang aking hininga nang hawakan niya ang kamay ko, at pinagsakop niya iyon. Wala akong nagawa hanggang sa hinila niya ako papalapit sa may table kung saan nakalagay iyong mga hinanda niya.

Ipinaghila niya ako ng upuan nang makalapit kami sa lamesa. "Salamat,” Ngiti ko.

Ngumiti lang din siya sa akin. Ang aking bitamina! Doon ko lamang napansin, na nakaitim din siya na polo. Hindi ko maitatanggi, na kahit konti lang ang liwanag. Litaw pa rin ang kagwapuhan niyang taglay.

Akala ko kapag naka-puti lang siyang uniform ang bagay, bagay din pala sa kanya ang itim.

"Let's eat..." Aya niya, kaya naman napatingin ako sa pagkain na nakahanda sa harapan namin. Iba talaga pag sosyal, hindi nawawala ang beef steak.

‘Yong feeling na masarap nga, pero leche! Hindi ako marunong manghiwa, eh.

Nagulat na lang ako nang pinagpalit niya ang plato naming dalawa. Binigay niya sa akin ang plato niya kung saan nahiwa na iyong beef steak. "Let me..." Muli ay sabi niya, nang akmang hahawakan ko na 'yon. Para sana makakain na ako, pero nagawa pa niyang maagaw sa akin.

Kumunot pa ang noo ko kung bakit niya inagaw, hanggang sa tumusok siya doon at itinapat niya sa akin ang tinidor. Nagtataka man ay nagawa kong buksan ang bibig ko para tanggapin iyon.

"How's the taste?" Marahan niyang sabi, nanatili ang kanyang tingin sa akin.

Para naman akong natutunaw sa tingin niya!

"Hmm... masarap." Tumango tango pa ako. Bilib talaga ako sa sini-serve sa mga restaurants, hindi maikakaila na dinadayo sila. High quality naman kasi, eh.

Hindi lamang sa kanilang pagkain, halos sa lahat.

Nanlaki ang mata ko sa sumunod niyang ginawa. Sa unang pagkakataon, naglapat ang labi naming dalawa. Mas lalong nagimbal ang mundo ko, nang sipsipin niya ang ibabang labi ko.

"Hmm... yeah, it's really delicious. But, your lips is more delicious." Nakangisi pa siya, pero nanatili akong tulala.

Nakuha niya ang first kiss ko. Ang bilis ng lalaking 'to!

Sa pagkakaalam ko kasi, nanliligaw pa lang 'tong Nurse na ‘to, eh. Bakit may ganoong move na siya agad?

To Be Continued…