Chapter 9
Tulad ng hiling ko kay papa, pinagbigyan niya ako. Na mamalagi muna ako sa kanya, kahit alam kong makakasama ko si Lucas etse Kuya Lucas sa iisang bubong.
Kung saan ginanap ang birthday ni Miss Manager, doon niya ako dinala. Bahay pala iyon ni papa. Kahit hindi na ako magtanong, alam kong kaya dito ginanap ang birthday ni Miss Manager ay dahil malapit sila ni Kuya Lucas, baka nga hindi niya iyon totoong kaarawan at sinet-up lang talaga ang birthday na iyon para malaman ko ang totoo.
Well, nagtagumpay naman sila. Ngayon ko rin napagtanto kung bakit mabait sa akin si Miss Manager, dahil malapit sila ni Kuya Lucas. Naalala ko rin noon kung paano niya ako ipagtanggol doon sa isang ka-trabaho ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni papa, sinabi ko kay Nurse Wyatt na kanila papa muna ako uuwi. Pupuntahan pa sana niya ako, kaso hindi na ako pumayag. Kasi nasa duty siya noon, at para hindi na rin niya ako puntahan doon sa inuupahan kong bahay.
Siya kasi lagi ang nagdadala ng pagkain ko sa loob ng isang linggo na namalagi ako roon, doon din kasi siya minsan kumakain. Since, kung uuwi lang din daw siya mag isa lang niyang kakain. Kaya niya iyon ginagawa. Napakaliit na bagay pero sobrang na-appreciate ko.
Iba iyong dating sa akin.
"Ma'am, kakain na raw po." Narinig kong sambit mula sa labas ng kwarto ko. Sabi ko ayos lang kahit sa guest room lang ako, pero talagang ipinilit ni papa na ito talaga ang kwarto ko. May nakalaan daw talaga para sa amin ng Ate Kela.
"Susunod na po." Tugon ko. Ayaw ko rin ang ideya na tinatawag akong ma'am, paulit-ulit ko iyan na sinabi kay manang. Ang sagot naman niya lagi, ayaw niyang mapagalitan. Ayaw ko rin naman na mapagalitan siya, kaya hinayaan ko na lang.
Pababa pa lang ako ng hagdan tanaw ko na sa hapag kainan si papa na kausap iyong si Kuya Lucas. Ginusto ko 'to, kaya dapat panindigan ko. Kahit sa bawat gising ko, eh, kita ko ang mukha niya.
Wala ba siyang sariling bahay? At doon na lang siya. Siya ang mag-adjust sa aming dalawa. Mas mayaman naman siya sa akin, sigurado akong barya niya lang ang pagpapatayo ng bahay.
"Good morning po," Nakangiting bati ko.
"Good morning, upo ka na..." Sagot naman ni papa. Hindi ko pinansin si Kuya Lucas, bahala siya attitude ako, eh.
"What about me? Do I look like I am a statue here?" Puno ng sarkasmo niyang sabi.
"Ah, nagsasalita na pala ang statue ngayon papa?" Taka kong baling kay papa. Natawa naman si papa sa tanong ko, wala namang nakakatawa. Seryoso kaya ako.
"You're really testing me..." Narinig kong sabi ni Kuya Lucas. Kahit hindi ko siya binalingan ng tingin, alam kong umuusok na ang ilong niya sa galit.
Bago pa man lumala, hinarap ko na siya. "Mok-Morning, Kuya Lucas." Bati ko. Malawak ko siyang nginitian, inirapan naman niya ako. Kalalaking tao, nang-iirap.
"Tss! Morning." Tutugon din pala, nang-iirap pa. Edi sana siya unang bumati, ‘di ba? Tapos ako na lang tumugon, gusto ako pa mauna. Ganda eh, 'no?
"Bakit po?" Tanong ko kay papa. Nang madaanan ko kasi siya ng tingin, nakatulala si papa habang nakatingin sa akin.
Nakangiti naman siyang umiling sa akin. "Nothing anak, I am just happy..."
Pagkatapos naming mag-umagahan, nagpaalam akong papasok na ng trabaho. Sayang din kasi ang kikitain ko, iyong ang ipinilit kong dahilan kay papa.
Sabi pa nga niya, hindi ko naman na raw kailangan pang magtrabaho lalo na't nasa side niya ako. Kaso, pinilit ko pa rin ang gusto ko. Nag iisang dahilan ko, ayaw kong maging palamunin sa kanya. Sa side na nga ni mama, lumaki na akong ganoon. Hanggang kay papa ba naman.
May isa akong gustong makamit para sa sarili ko, at gusto kong magmula sa sariling pera ko ang gagamitin ko para roon. Sariling sikap, para masabi kong deserve ko 'yon. Kahit alam kong kapag hiniling ko iyon kay papa, kayang kaya niyang ibigay.
Kahit naman kilala nila ang boss ko, or pinsan ko man siya. Labas pa rin ang trabaho ko roon. Ayaw ko ng special treatment dahil lang mag pinsan kami, tsaka ayaw kong puputak na naman ang mga manok.
Namiss ko pa naman mag-ulam ng adobo. Haha!
"Let's go..." Binalingan ko ang boses kung saan nanggaling iyon. Paglingon ko, si Kuya Lucas pala. Kasalukuyan siyang pababa ng hagdan.
"Huh?" Gulat kong wika.
"I'll drop you to your work," Sabi niya ng makalapit sa akin. Hindi ko alam kong volunteer ba, o inutusan siya ni papa. "Why? You don't like it?"
"Ah, huwag na kuya..." Tanggi ko. Umiling iling pa ako, kulang na nga lang na mabali ang leeg ko.
"Dad didn't ask me to send you to your work; hindi ako napipilitan." Para bang na-gets niya ang dahilan ko kung bakit ako tumatanggi sa kanya. Bakit ang galing nilang hulaan ang nasa isip ko? Manghuhula ba siya sa dati niyang buhay? O baka naman may lahi kaming manghuhula? "If that idea stops you from saying yes." Dugtong pa niya, tila nangungumbinsi pa rin.
Kumapit ako sa braso niya. "Tara," Nginitian ko siya. Syempre, feeling close ako. Tsaka, choosy pa ba ako? Libre sakay na, hindi na ako gagastos pa. Medyo malayo rin kasi itong lugar ni papa, kaysa doon sa kung saan ako nakatira kasama sila mama at ate.
Kinalabit ko si kuya, kaya naman napatingin siya sa gawi ko. Saglit lang iyon, at muling binalik ang tingin sa daan. "What is it?"
"May pagkain ka ba?" Makapal na mukhang tanong ko. Nakulangan kasi ako ng kain kaninang umaga. Sa dami ng nakahain, hindi ko alam ang pipiliin ko. Tsaka lagi nila akong tinitignan, kaya naman kada subo ko, nahihiya ako.
"Just check at the back." Mabuti na lang at hindi na niya ako kinuwestiyon pa. Mabuti naman at nakakaramdam siya, dahil wala akong balak sagutin ang mga tanong niya kung sakali man. Kaya naman mabilis kong tinignan sa likod, hindi naman ako sawi. Dahil may mga pagkain siya, halos chichirya nga lang. May alak pa nga, eh.
"Thank you, kuya..." Sabay pakita ko nang nakuha kong pepero, tsaka iyong isang in-can na soda.
"Don't mention it," Parang balewala lang sa kanya na maubos ko iyon lahat. Well, kayang kaya niya namang palitan iyon lahat. Hindi na ako dapat magulat pa, barya lang sa kanya ang pambili ng mga iyon.
"Uhm... okay lang ba na kuya itawag ko sa iyo?" Wala sa sarili kong sabi. Bigla ko kasing naalala, panay ang tawag ko sa kanya ng kuya pero ni minsan hindi siya nagreklamo. Paano kung hindi pala okay, tapos hindi lang siya nagre-react, ‘di ba?
Tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala. "Really, you're asking me now? Like, how many times have you called me already?" Sarkastiko niyang sabi.
Ang sungit! Masungit siguro nag luwal sa kanya? Nagtatanong lang naman, eh.
"Sorry naman. Tao lang!"
Natawa naman siya. Sa ilang beses namin nagka-encounter, ngayon ko lang siya nakitang tumawa. "It's fine with me... and I like your personality. You bring positive vibes."
Seryoso ba? Complement? Galing sa kanya? Marunong pala siya noon. Hindi kasi halata, eh.
"Hehe. Ako lang 'to!" Mayabang kong sabi. "Gusto mo?" Itinutok ko sa kanya ang stick ng pepero.
Akala ko aayaw siya, pero nagulat ako ng kagatan niya iyon. "Thanks," Tugon niya.
"Don't mention it," Panggagaya ko sa sinabi niya. Matalim naman siyang tumingin sa akin. "Joke lang, 'di mabiro." Pagbawi ko agad. Peke pa akong tumawa at nag peace sign sa kanya.
"Bakit nga pala ganoon ka noong una nating encounter?" Pagkuha ko ng pagkakataon para itanong iyon sa kanya. Ngayon kasi na nalaman kong magkapatid pala kami, nakakagulat na ginawa niya iyon. Nakakapagtaka na gawin niya ang bagay na iyon. Like, wala na bang ibang paraan? No choice na siya?
Ang tinutukoy ko iyong araw na para siyang manyak. Iyong paghawak pa niya ng braso ko, leche! Nakakakilabot. Kung hindi lang dumating si Nurse Wyatt noon, sigurado deads ako.
"Since you mention that, I just wanna clear my name.” Minsan siyang sumusulyap sa akin, dahil tutok talaga ang tingin niya sa daan. “I'm not into bars, it's just that I have to act that way to have your attention." Paliwanag niya. Well, naging effective naman ang ginawa niyang iyon. Napagkamalan ko nga lang siyang manyak.
"Hmm," Wala akong masabi.
"Pero... ano kayo ni Miss Manager—kuya naman!" Sigaw ko. Bigla ba naman niyang i-preno iyong sasakyan, eh. Ang ganda pa naman ng pagkakaupo ko.
"What the hell is that question?" Baling niya sa akin. Ngunit mabilis din naman siyang nag iwas ng tingin. Napansin ko rin ang pamumula ng kanyang tainga.
"Bakit kayo magkakilala?" Dagdag kong tanong. Hindi ko pinansin ang kanyang tanong. Ako ang unang nagtanong, dapat sagutin muna niya. Bago siya magtapon ng tanong sa akin.
"It's out of your business." Seryoso niyang sabi at muli nang pinaandar ang sasakyan.
Ma-sekreto!
Mapagkakatiwalaan naman ako, hindi ko naman ipagsasabi sa iba kung ‘yon man ang kanyang ikinababahala.
Hindi ko na siya inimik pa, baka makulitan na sa akin. Itigil pa niya ang sasakyan, at paglakarin ako. Medyo malayo pa naman ang shop.
Tinuloy ko na lang ang pagkain sa pepero, at hindi ko man lang namalayan na nakalimang box na pala ako.
Ganoon ba ako ka-gutom? O talagang hindi 'to nakakabusog?
"What about you?" Sakto sana na titingin na lang ako sa labas, nang bigla siyang magtanong.
"What about me?" Pag-uulit ko sa tanong ni Kuya Lucas. Hindi kasi malinaw sa akin ang tinutukoy niya.
"That guy, with white outfit."
White outfit?
"Ah, si Nurse Wyatt, kuya..." Saad ko, nang narealize ko ang ibig niyang sabihin. Bakit white outfit pa kasi? Hindi na lang niyang sinabi na iyong lalaking kasama ko. "Bakit siya?" Dugtong ko.
"What's your relationship with him?” Tanong ni Kuya Lucas, na nagpatigil sa akin. Dapat ko bang sabihin sa kanya? Kakampi ba siya? Pag siya, ayaw niyang sabihin. Tapos kapag ako, pwede? Ang unfair! Por que mas matanda siya akin, eh.
"Sasabihin mo ba kay papa?" Naninigurado kong tanong. Aba, mahirap na. Baka ilaglag niya ako.
Umiling naman siya sa akin. "Everything we've talked here, will remain to the both of us."
Mabuti naman pala siyang kausap. Ito ang mga gusto ko, mapagkakatiwalaan. "Nanliligaw pa lang," Pag amin ko. Wala naman kasing mangyayari kong ide-deny ko pa. Ramdam ko naman na totoo ang kanyang sinabi. Mas mukha nga na mapagkakatiwalaan pa siya kaysa kay Ate Kela, eh.
"And you plan to say yes to him?" Puno iyon ng kuryosidad.
Nagkibit balikat ako. "Siguro... depende sa situation."
"If he tries to hurt you,” Saglit siyang bumaling sa akin at seryoso ang ipinukol niyang tingin. “Don't hesitate to tell me..." Ramdam ko ang pagbabanta sa kanyang boses. Bakit ano naman ang gagawin niya?
Hindi ko na iyon na tanong pa sa kanya dahil nasa tapat na pala kami ng Milk Tea Shop kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ko man lang namalayan sa sobrang kadaldalan ko.
"Thanks, kuya..." Ngumiti ako sa kanya.
Tumango lang siya sa akin. Tsaka bumaba ang tingin ko sa kamay niya, may inaabot siya akin na maliit na papel. Naguguluhan ko naman na tinanggap iyon. "Call me if you need someone to pick you up." Saad niya, nakita niya siguro na naguguluhan ako. Tipid lang akong tumango.
Palabas na sana ako nang hawakan niya ako sa braso, at hinila. Muntik na akong masubsob sa kanyang dibdib mabuti na lang naiharang ko ang kamay ko. Hindi na ako nagulat na matigas ang kanyang dibdib, halata naman kasi sa katawan niyang tirahan niya ang gym. Pero ang mas ikinagulat ko iyong pagdampi niya ng kanyang labi sa noo ko.
"Take care," Nakangiting aniya.
“Ikaw din, kuya.”
Masaya akong pumasok ng shop, tumatalon talon pa nga ako habang naglalakad pero kaagad din nawala nang makita ko kung sinong naghihintay sa harap ng counter.
Napatayo ako ng tuwid. "Good morning, boss!" Seryosong bati ko.
"Morning, cous!" As usual, nakangisi siya. Mabilis ko naman inilibot ang tingin ko nang napagtanto ko ang kanyang sinabi. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil wala pa ang mga manok. "In my office." Dugtong niya, at nauna nang naglakad.
Sumunod lang ako sa kanya, at hindi ko maiwasang kabahan. Ano na naman ba 'to? Kapag lagi ko siyang kaharap, kinakabahan na ako.
"Ano po 'yon, boss?" Tanong ko pagkaupo ko pa lang. Inimuwestra kasi niya ang upuan sa harap ko. Mabilis kong sinunod iyon, masunurin akong empleyado, eh.
"Should I prepare your resignation letter?"
"H-Huh?" Gulat kong wika. "Sobra ba 'yong leave ko? Pumasok naman ako ngayon!" Hindi ko maiwasang mapasigaw. Ngayon nga lang ako pumasok, tapos ito kaagad ang bungad.
Umiling siya. "No, hindi 'yon."
Nakahinga naman ako ng kaunti. "Eh, ano, boss?" Inip kong sabi. Nang-suspense pa kasi! Hindi na ako diretsuhin, eh. Siya kaya sa posisyon ko nang maramdaman niya ang feeling.
"You are my cousin, and I am just doing an order from Tito Leo."
Hindi na ako nagulat doon. Kung noon pa man, bago pa ako mag-apply sa kanya alam na niyang mag pinsan kami. "Hindi naman siguro nakakaapekto sa trabaho kong magpinsan tayo? At... ang tungkol sa bagay na 'yan boss, nakausap ko na si papa. Dito pa rin ako magta-trabaho."
"Not at all," Tugon niya sa tanong ko. Mabuti naman. "Sure... I'll tell him about it, you can go back to work now."
"Thanks, boss!" Iba ka talaga!
Paglabas ko, napansin kong sa isang linggo na nawala ako. Wala namang nagbago sa shop, pumuputak pa rin ang mga manok. Mas lumala nga sila. Siguro, kanina hinahanap na nila ako. Tapos ng makalabas ako, as usual nag uusap na naman sila.
Hindi ba nila naisip na nagsasayang sila ng laway? Well, okay naman iyon kaysa hindi sila magsalita. Mas malala iyon, ‘di ba?
"Miss Manager, ako na..." Presenta ko. Naabutan ko kasi siyang kukunin ang tray. Eh, galing ako sa loob para makakuha ng apron.
"Sa mga nakaupo sa couch," Saad niya. Tinanggap ko ang tray at inihatid ko roon sa kanyang tinurong umorder noon.
Mabilis na lumipas ang oras, at sumapit ang tanghalian.
"Kali," Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Miss Manager pala. Marami pang utang na kwento 'to sa akin. Tsaka na lang kapag may oras ako. Hindi ko kasi mapiga iyong kapatid ko. Sobrang labo na magsabi siya, kahit na kulitin ko pa.
"Ano po 'yon?" Tugon ko nang makalapit ako sa pwesto niya.
May inabot naman siyang isang paper bag. "May nagpapabigay sa iyo."
"Kanino galing?" Nagtataka kong tanong. Baka kasi nag-abala na naman si Nurse Wyatt. Hindi pa naman ako nakakabawi sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung paano, kung anong pwede kong gawin.
"For your eyes only." Pipilitin ko pa sana siya kaso mabilis niya akong tinalikuran. Mahilig silang mag suspense. Gusto lagi may thrill! Baka, maglunch na rin siguro siya kaya nagmamadali.
Pagkabukas ko pa lang ng paper bag, nalanghap ko na ang isang ulam ko na matagal ko ng gustong ulamin. Parang naalala kong kanina ko lang iyon sinabi, mayroon agad.
Adobong manok. My favorite!
Pero halos mabitawan ko iyon nang makita ko ang isang sulat, naglalaman kong kanino iyon galing.
Kali,
Anak, alam kong miss mo na 'tong ulamin. Sana magustuhan mo. Miss ka na ni mama. Mag-ingat ka lagi. Love you, anak! :)
Hindi ko napansin na naiyak na pala ako. Nalaman ko lang nang may pumatak na luha sa paper bag. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko, at mabilis na pinunasan ang mata ko.
Ayaw kong may makakita sa akin.
"Miss na rin kita, mama... sana pagbalik ko, handa na iyong puso mo." Mahinang bulong ko.
To Be Continued…