CHAPTER 8 Wanting and Liking

Raven’s POV

As soon as we got out of the daycare center, we saw Clive catching his breath while wiping his sweaty forehead. Nang makita ako nito agad siyang umayos ng tayo at lumapit sa akin. Saglit itong lumingon kay Duke, pero hindi niya ito binigyan ng pansin at agad akong tinanong,

“Did you already see him?” Tumango ako at saglit na lumingon kay Alas na kasalukuyang nakayakap kay Duke. Mukhang nakatulog na ito dahil sa pagod siguro. Tinignan din ni Clive ang batang tinutukoy ko at nakahinga ng maluwag,

“It’s a good thing that you already saw him, is he okay?” hindi ko na nagawang sumagot ng malakas na tumikhim si Duke, Tinignan ko ito, pero tinaasan niya lang ako ng kilay bago bumaling kay Clive ang tingin nito at binitawan ang kamay ko, ang buong akala ko ay bibitawan na ako nito ng tuluyan, ngunit lumipat lamang ang kamay nito sa bewang ko. Napatingin ako kay Clive na sinundan ng tingin ang kamay nito,

“Are you my wife’s colleague? I’m Duke, Raven’s husband and this is Alastair our son,” pagpapakilala nito, nang tingnan ko si Clive, kulang ang salitang gulat ang mababanaag sa mukha nito,

“M-may asawa’t anak ka na?” agad akong umiling sa tinuran nito,

“N-no-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ng mas hinatak ako ni Duke palapit sa kanya before he smirks to Clive,

“Yes, she will be my wife soon, so I hope that you will keep your distance from my wife,” Hinalikan pa ako nito sa pisngi bago umalis sa harapan ng na tulalang Clive. Ilang metro pa ang nilakad namin bago ako sapilitang pumiglas kay Duke,

“What the hell did you do? Baka kung ano ang isipin ni Clive,” Inayos muna nito ang pagkakahawak sa anak bago ako sagutin,

“I only said the truth, you will become my wife, sooner or later,”

“Says who? Base sa pagkaka-tanda ko, hindi ako pumayag sa inaalok mo. Kaya sino ka para ipagkalat na ikakasal tayo,” he looked at me straight in my eyes and the side of his lips lift up a little,

“You gave me an idea wife, what if I spread the news all over the world that Raven Godfrey is soon to be my wife, Isn't it amazing?” namamangha nitong pahayag habang ako ay hindi makapaniwala na tinitigan siya,

“D-don’t you dare!” duro ko pa dito, hinawakan lang nito ang kamay ko at nagpatuloy na sa paglalakad,

“Try me wife, I can do that if I wanted too, gusto kong ipagsigawan sa lahat na akin ka at handa akong bakuran ka h’wag ka lang makuha ng iba,” dagdag na saad nito,

“Let me remind you Ace, we don’t have any romantic relationship here, and I bet you don’t even like me. Please stop mentioning marriage carelessly.” saglit itong hindi naka-imik,

“But I want you…”

“Wanting and liking are different from each other, alam kong matalino ka kaya alam mo ang ibig kong sabihin,” hindi ko na pinakinggan ang susunod pa nitong sasabihin dahil sapilitan na akong kumalas sa kanya at nauna nang bumalik sa office.

Pagkarating sa office ay agad niyang ibinaba at inihiga si Alastair sa sofa, hinubad pa nito ang suot na coat at kinumot sa bata.

“Wala ka na bang babalikang trabaho?” umiling ito at naupo sa pang-isahan na sofa kaharap ko,

“None, I already asked Joseph to move my schedule after I heard what happened to Alastair. Your safety is my priority,”Tumango na lang ako dito at hindi na sumagot pa. Ilang oras din akong babad sa pagche-check ng emails and calls bago tumunog ang alarm ko, senyales na oras na para umuwi.

Sabay na nag-inat ang mag-ama nang makita ako ng mga ito na nakaayos at handa ng umuwi. Halata sa mga ito ang pagod dahil sa paghihintay sa akin. Ilang beses ko na rin silang pinagsabihan kanina na mauna ng umuwi, pero dahil sa mag-ama sila, parehas din na matigas ang mga ulo. Pagdating naman ng hapon nagpa-order lang si Duke ng foods at dito na kumain. Wala silang ibang ginawa kung hindi pakialaman ang mga puzzles ko o kaya naman ang panoorin ako,

“Are you done? Let’s go, we’ll just wait you in the car,” nauna na itong lumabas habang hawak si Alistair sa kamay. Pinatay ko lang ang mga ilaw bago sumunod sa mga ito. Nang makalabas naabutan ko ang mag-ama na nakatayo sa gilid ng pinto habang nakatingin ng seryoso sa ibang direksyon,

“Why are you still here? I thought you’ll wait for me in the car?” hindi sumagot ang mga ito at nanatiling nakatingin sa ibang direksyon,

“Ano ba ang tinitignan-” hindi ko na ipagpatuloy ang sasabihin dahil paglingon ko sa tinitignan nila, nadatnan ko si Ashley na nakatingin at nakapamewang sa akin,

“So, totoo pala ang chismis na mayroong hot na kasama ang isang Raven Godfrey? akala ko ba at sabay tayong uuwi? Kung hindi pa kita pinuntahan dito mamumuti ang mata ko sa kakahintay sa’yo na sumama lang pala sa gwapo at ma-” hindi na nito natuloy ang sasabihin ng agad kong tinakpan ang salaula niyang bunganga, pilit akong napangiti kanila Duke na pinagmamasdan lang kami,

“Sa kanya pala ako sasabay Ace, mauna na kayo ni Alastair,” kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko,

“We waited for you here for a long time, just to be rejected like this?”hindi ko naman alam ang isasagot dito, ngayon ko lang din kasi naalala na doon pala muna ako kanila Ashley mag-stay. Tinanggal ni Ash ang pagkakatakip ko sa bunganga niya at agad na sumagot kay Duke,

“No problem, Mister, you can send her to my condo, I have my own car. See you at my place Raven,” saad nito at agad na umalis, hindi ko na nagawang makapag-react dahil nahila na ako ni Alastair para sumama sa kanila,

“Mommy, are you coming with us?” tanong ni Alastair makalipas ang ilang oras ng byahe, humarap ako dito at nginitian siya,

“Sorry Alastair, mommy have something important to do,” tumango lamang ito at malungkot tumingin sa bintana ng kotse, naaawa ko naman itong pinagmasdan bago lumingon kay Duke na palipat-lipat ang tingin sa amin at kalsada,

“Eyes on the road Ace,” paalala ko dito ng tumagal ang titig nito sa akin, napa buntong hininga ito bago kausapin ang anak,

“Don’t worry Alastair, Mommy will come home with us soon,”saad nito na may iba pang-kahulugan. Inirapan ko na lang ito at hindi na pinatulan sa pang-aasar, umayos ako nang upo at binuksan na lang ang stereo para magkaroon naman ng tugtog ang loob ng kotse nito, Ilang minuto pa ang nakalipas ng makarating kami sa condo ni Ashley. Agad akong nag-paalam sa mga ito at humalik sa pisngi ni Alastair. Pababa na sana ako ng hawakan ako ni Duke sa braso kaya natigilan akong lumabas ng kotse,

“Why?” sandali itong hindi nakakibo,

“Where’s my kiss…” saad nito habang malaki ang ngisi sa labi,

“W-what kiss are you talking about?” biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mga mata nitong nakikiusap,

“Baby, your Mommy doesn’t give Daddy a kiss, what should we do, hmm?” tanong nito sa anak na inosente kaming pinapanood,

“Don’t believe him baby, he’s just joking,” agad na nag-tipa si Alistair sa ipad nito at ipinakita sa amin,

“You should kiss her Daddy,” pakikisakay nito sa ama,

“Paano ba ‘yan? You can’t get off in this car without giving me a kiss,”wala na akong magawa dahil sa higpit ng hawak nito sa braso ko,

“Cheeks only.” madiin kong saad, tumango ito at inilahad ang kanang pisngi, nang malapit ng lumapat ang labi ko sa pisngi niya, bigla itong humarap resulta upang mag dampi ang labi namin. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya na kasalukuyang nakapikit at ninanamnam ang halik. Lalayo na ako dapat dito ng hawakan nito ang batok ko at mas pina-lalim pa ang halik. Noong una na gagawa ko pa ang promotesta, pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa halik nito. Napangiti si Duke nang maramdaman niya ang pag-tugon ko. Kinagat nito ang pang-ibabang labi ko at ipinasok ang dila na waring may ginagalugad sa loob. Pareho kaming natigilan ng tinapik kami ni Alastair at ipinakita ang hawak nito ipad,

“Stop eating Mommy, Daddy.” tumawa ang ama nito sa nabasa habang ako naman ay namula bago dali-daling lumabas ng kotse ni Duke.