Chapter 10: Convention

Raven’s POV

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang halik sa pagitan namin ni Duke, at isang linggo ko na rin itong iniiwasan. Madalas silang mag-punta sa Hospital ni Alas pero ang bata lang ang hinaharap ko at hindi siya. Merong pagkakataon na sinusubukan ako nitong kausapin, pero hindi ko pinapahaba at tanging tango at oo lang ang sinasagot ko.

Napag-usapan namin ni Clive na sa kanya na ako sasabay papuntang Pampanga para sa convention. Ang akala ko nga ay lalayuan na ako nito pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila ni Duke, buti na lang at hindi siya naniwala. Kinilig pa ako sa linya niya,

“Sayo lang ako maniniwala Raven, alam ko ang mga desisyon mo ay nakakabuti para sa sarili mo, at hindi kasama d’on ang pagpapakasal sa isang estranghero,”

Two days and 1-night ang itatagal namin sa Pampanga kaya nagdala lang ako ng damit na sasakto sa araw na ‘yon. As soon as I finished packing my things, my phone rang, and Clive’s name was registered on the screen,

“Are you done? I’ll wait for you here in the parking lot.” tumango ako kay Clive kahit hindi niya ako nakikita at agad na binitbit ang maliit na maleta,

“I’ll be there in 5 minutes,”saad ko dito bago ibinaba ang tawag, nang makasakay ako ng elevator, nakatanggap ako ng text mula kay Duke,

“Where are you?”

“I’m busy, Don’t text me.”iyon lang ang sinabi ko bago i-turn off ang cellphone. Kinawayan ko si Clive ng makita ko itong nakasandal sa kanyang pulang kotse. Nakasuot lang ito ng white t-shirt at leader jacket, naka-itim na pantalon din ito at rubber shoes na mukhang mamahalin. I don’t know if it is true, but other nurses say that Clive has an obsession with collecting signature shoes.

“Kanina ka pa?” bungad ko nang makalapit dito, Ngumiti ito sa akin at kinuha ang dala kong bag bago ilagay sa backseat,

“No, 10 minutes before I texted you,” Pinag-buksan ako nito ng pinto at inalalayan makapasok sa kotse,

“Thanks!”

“My pleasure,” Sinundan ko lang ito ng tingin nang umikot ito papuntang driverseat at nang makasakay agad na kaming bumiyahe,

Walang masyadong usapan ang naganap sa pagitan namin ni Clive kaya binuksan ko na lang ang phone ko para sana maglaro, pero hindi na nangyari ‘yon dahil sa sunod-sunod na text ang pumasok at lahat galing kay Duke,

“Where are you? Answer the f*****g phone!”

“Do you think I can’t find you?”

“D*mn it Raven! Are you with Clive?” napangiwi ako sa mga natatanggap kong text at hindi mapigilang napalingon kay Clive. Napansin naman nito ang tingin ko kaya sandali siyang tumingin sa akin,

“Why? Are you okay?” hindi ko na nagawang sagutin ito dahil sa pag-ring ng cellphone ko, agad ko itong sinagot ng makita ang name ni Duke na naka-register,

“Where the f**k are you!” Nailayo ko sa phone ang cellphone ko dahil sa pag-sigaw nito sa kabilang linya, I rolled my eyes before I put my phone again near my ear,

“Don’t shout, I have a convention that I need to go to, paki-kamusta na lang ako kay Alastair,”

“Why are you leaving without saying anything?” napakunot naman ang noo ko sa klase ng tanong nito,

“Bakit, kailangan ba? Tyaka kanino at ano naman ang sasabihin ko?”hindi ito nakaimik sa kabilang linya, kaya ang buong akala ko ay ibinaba na nito ang tawag,

“Hello-” naputol ang sasabihin ko nang agad itong sumagot na siyang ikinagulat ko,

“I’ll go there,” ‘yon lang ang sinabi nito at wala na akong nagawa ng tuluyan niya na akong babaan ng tawag,

“Who’s that?” alanganin akong napatawa sa tanong ni Clive at umiling na lamang. Nang makarating kami sa hotel na tutuluyan, saglit lang kami nag-pahinga at dumeretso na agad sa gaganapan ng convention.

Nakasuot lang ako ng simpleng dress off shoulder na pinatner ko sa black stiletto ko. Ang buhok ko naman ay ipinusod ko lang dahil sa alinsangan ng panahon. Nang makuntento ako sa itsura ko, ay agad na akong umalis sa hotel room at pinuntahan si Clive na kanina pa naghihintay sa akin,

Pagpasok mo pa lang sa loob ng hall makikita mo na ang tarpaulin ng mga guest speaker at kung gaano kadami ang dumalo mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Nginingitian ko lang ang mga napapatingin sa akin at kay Clive na kasalukuyan kong kinakapitan,

Naghanap lang kami ng table na available at wala pang ilang minuto ng magsimula ang programa, tinalakay lang ang maaaring gawin sa mga batang may PTSD mga sintomas at kung ano ang kadalasang nagiging epekto nito sa kanila, at masasabi kong marami akong natutunan dito, dahil base sa research ng mga ito, meron silang na-discover na new therapy na kasalukuyan nilang pinag-aaralan. At the end of the topic, they said that they have to thank a special guest who contributed to the following hospital who specializes in PTSD children.

Namamangha akong naki-pagsabayan sa palakpakan ng mga nanonood, bihira na lang kasi ang mga tao ngayon na magbibigay ng pansin at tulong sa mga taong may mental health problem, madalas kasi itong nadidis-regard at pinagkakamalan lang na maliit na problema, in fact, it is much more significant than cancer, because you can’t notice someone struggling alone while there’s a faint smile on their face.

“Let’s give him a warm of applause, Mr. Ace Duke Remington!” masiglang saad ng announcer, sunod-sunod din ang pag-click ng mga camera nang masilayan nila ang seryosong mukha ni Duke, habang ang mga babae naman ay kulang na lang ang pagningning ng mata dahil sa nakikitang kagwapuhan,

Nagkatinginan kami ni Clive at parehas na bumalik ang tingin kay Duke na inililibot ang paningin at parang may hinahanap, nang mapadapo ang tingin nito sa akin natigilan ako at sinubukan pa ang lumingon sa likuran pero wala ng tao sa likod,

“Mr. Remington, What convinced you to donate to a hospital specializing in PTSD children?” malamig itong sumulyap sa announcer bago kinuha ang microphone at ibinalik ang tingin sa akin,

“My wife loves her profession, and as her husband, I ought to support her no matter what,”nilamig naman ako sa binanggit nito at hindi mapigilang bumilis ang tibok ng puso ko dahil ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses habang mataman itong nakatingin sa akin.

Mukhang nagulat din ang mga tao sa rebelasyon nito, at mas lalo pang dumami ang mga liwanag galing sa camera, dinig din ang panghihinayang sa boses ng mga babae na mukhang binabalak siyang landiin pag nalaman na single ito.

“She’s so lucky to have you as her husband, can you please tell us something about your lovely wife?” pang-gigisa pa nito. Muling bumalik ang tingin ko kay Clive na mataman na nakatitig sa lalaking nakatayo sa entablado,

“I love her gray hair color and her brown eyes. She’s very dedicated to her job and she showed how she loves my son,”saad nito sa malamyos na tono. Parang nabighani naman ang mga nakarinig sa kanya at hindi magawang makapag-react. Habang ako naman ay hindi mapakali sa kinatatayuan ko at hindi alam ang magiging reaksyon.

Bakit siya ganito? Alam ko na wala itong nararamdaman para sa akin at ginagawa niya lang ito para sa ikabubuti ng anak, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit na umaasa ako na sana totoo lahat ng sinasabi niya,

“Based on what you said, I can feel that she’s a very amazing woman. May I know if your wife is here?” bakit ba ang dami niyang sinasabi at hindi na lang tumigil sa pagtatanong, nang akmang lilingon ulit si Duke sa akin, nag paalam na ako `kay Clive bago naglakad paalis habang nakatakip ang kamay sa mukha,

“She’s here, wife, where are you going?” hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang na naglakad, h’wag kang lilingon Raven, hindi ikaw ang asawa niyan, malaking eskandalo pag nakilala ka ng mga tao dito,

“Raven Godfrey Remington, where are you going, wife?” kasabay nang paghinto ko sa paglalakad ay ang paglipat sa akin ng attention ng mga tao. Nahihiya akong napayuko dahil sa samu't saring salita ng mga tao, at sa nakakasilaw na flash ng mga camera,

“Mrs. Remington, can you please show your beautiful face that made Mr. Remington love you?” hindi ko ito sinunod bagkus ay mas lalo pa akong nagyuko ng ulo dahil sa pagkailang.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko mainit na braso ang lumapat sa aking bewang at ang marahan nitong paghila sa akin,

“Don’t be afraid, I’m here,”bulong nito sa akin, bago marahan na ini-angat ang mukha ko at masilayan ang mata nitong nakatingin sa akin,

“Your life is tied with me, Raven. you can’t do anything to get away from me… Either you will accept my proposal, or I will destroy your whole reputation and your family?” ang sinabi ang nagdulot ng tinding kilabot sa akin. How dare you Ace Duke Remington!

“She’s beautiful, isn’t she?” wala akong magawa kun’di ang makisakay dito dahil sa marahan nitong pagpisil sa bewang ko. Humarap ako sa camera at marahan na tumingin bago bumaling kay Duke at pa-simple siyang sinamaan ng tingin.