Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

55. Paano?

Nagising sya ng maramdaman nya may humahaplos sa buhok nya, he opened his eyes quick and fished for her hand. Nagkatitigan sila at agad namang nagiwas ng tingin si Penelop sabay dahang dahang binawi ang kamay mula sa kanyang pagkakawahak.

His heart constricted and he felt a lump on his throat.

"Penelope. Babe, kamusta pakiramdam mo?" He faked a smile and made his voice sound energetic.

But she didn't answer, she remained silent and... cold. Hindi sya nanlalamig dahil sa temperatura ng kwarto, nanlamig sya sa kinauupuan nya dahil sa pinapakita ni Penelope. Pero ano nga bang karapatan nyang magalit at magreklamo? May sakit ito kaya siguro normal na ang mood swing isama mo pa na buntis ito.

"Babe, alam mo ba sabi ng doctor we're having twins! Sabi ko sayo eh! Kung hindi triplets, twins!" He sounded so happy but he almost choke at his last words when she looked at him, eye to eye and all he can see is pain... Immense amount of pain. Sa buong buhay nya ngayon lang nya naramdaman ang takot na nararamdaman nya ngayon, gusto nyang huminga ng malalim, gusto nyang bumitaw sa titig ng nobya. It's piercing his heart. Ang sakit.

(Play the music here. Separated by Usher)

"Can we stop this?" Napaawang ang labi nya sa narinig, did he heard it right?

"Come again babe?" He smiled, teary eyed, his tear fell down his cheek. Agad nya itong pinunasan saka pinilit ang pagngiti.

"Sabi ko... itigil na natin to" her eyes are emotionless, her face too is impassive.

Bumagsak ang balikat nya at napakagat sa labi para pigilan ang pagluha. "No. Ayoko. No, Penelope" sagot nya, halo halo ang emosyon. Takot, kaba at nangingibabaw ang sakit.

"Hindi pwede. Nangako tayo diba? We won't let this stop us. It's a no. Diba sabi mo hindi tayo papatalo? Hidi natin ibibigay yung ikakasaya ng mga maninira satin" Buong tapang nyang sabi kahit nasasaktan sya habang nakatitig sa walang ekspresyong mukha ni Penelope.

"Ayoko ng mapahamak ang mga magiging anak ko dahil habang kunektado tayo kay Star alam kong nasa panganib lang ang buhay nila. Let's stop this... for my kids"

"Anak ko rin sila Penelope, kung gusto mong lumayo gagawin natin. Hindi ito ang nagiisang silusyon, at hindi ito ang pinakatamang sagot" his heart constricted, naninikip na rin ang kanyang dibdib. Hindi sya papayag, hinding hindi.

"I don't deserve all of this, lalo na ng mga anak ko. Let's stop this." Hindi nya alam kung saan sya humugot ng lakas ng loob na panuorin itong inaalis mula sa kanyang daliri ang engagement ring na bigay nya. He lost it. Tama nga, she doesn't deserve all of this.

Kung hindi dahil sakanya, kung hindi dahil sa pagkawala nya, kung hindi dahil sa naging relasyon nya kay Star hindi ganito kagulo, hindi aabot sa ganito. Huminga sya ng malalim para pigilan ang luha at ang sarili mula sa paghikbi.

"Isang buwan... Bigyan mo ako ng isang buwan Penelope, pagkatapos ibibigay ko yung gusto mo. Hindi ko ito ginagawa dahil gusto kong bumitiw, ayaw kitang pakawalan." Pinunasan nya ang ilang takas na luha "Pero siguro nga tama ka, kung wala ako sa buhay mo magiging ayos ka. Isang buwan lang hanggang sa masanay akong wala ka. Pwedeng sa isang buwan na yun sa tabi mo lang ako? Magbibilang ako ng araw, we will still act normal. I will find ways to stay in your life, pero kung ayaw mo na talaga ako na mismo ang aalis at hindi na magpapakita. Isang buwan, kapalit ng panghabang buhay na sakit." ngumit sya ng peke, tumayo at humalik sa noo ni Penelope.

"Alis na ako. Keep that ring, its yours" paalam nya bago tumalikod pagbukas nya ay siya namang bungad ng mga barkada. Yumuko sya agad at hindi na lumingon pa kahit ano pang tawag sakaniya ng mga kaibigan. Mas mabuting tumalikod na lang kesa harapin ang isang bagay na ayaw nyang harapin, na ni kahit kailan hindi nya inisip na haharapin. It was too painful to handle, hiniling nya na sana nga sa limang taon na nasayang sa buhay nya sana namatay nalang sya dahil pa na rin syang pinapatay sa sakit na nararamdaman nya ngayon. The pain was unbearable, and the only cure for the pain is her love but he lost it, he lost her.

Mas magandang sya nalang ang uminda ng lahat ng sakit at lungkot, kesa ang makita ang sakit sa mga mata ng babaeng minamahal. Hindi nya ginusto lahat ng ito, pero mas mabuti siguro kung siya nakang ang lalayo. Isang buwan... pagkatapos tapos na ang lahat.

"Isang buwan pa, isang buwan pa para maparamdam ko kung gaano ko sya kamahal. Kung gusto nya parin akong umalis sa buhay nya pagkatapos ng isang buwan na iyon then it's done. Isang buwan pa para lumaban..." tulala sya sa loob ng elevator, malalaki ang hakbang paalis ng ospital. Napatigil sya ng may tumawag ng kanyang pangalan, si Star.

"I hope you're happy. Sira na kami. Tantanan mo na si Penelope, I hope my misery will make you happy. Iyon nalang yung bayad ko Star, would that be enough?" Tumalikod rin sya agad at tinungo ang kotse.

Hindi sya nagdrunk drive ng gabing iyon, ni hindi nya rin inisip pang magpakalasing. Nakatitig lang sya sa kisame ng kanyang condo habang yakap ang unan ni Penelope. He is at his weakest point of his life, ni ang paghinga ay kinatamaran narin nya.

Inabot nya ang ang kanyang cellphone sa bedside table ng tumunog ito sinagot nya ang tawag ni Dark bago umayos ng upo.

"Hindi ka na ba babalik dito?" Bungad ni Dark.

"Kapag pwede ng lumabas si Penelope saka ako babalik, pakiusap Dark pakibantayan si Penelope."

"Galing dito si Star, humingi ng tawad, nagusap sila. Magsasampa ba kayo ng kaso?"

"Bahala na ang pamilya ni Penelope. I have to go" nilapag nya ang kanyang cellphone at dumiretso sa kusina para kumuha ng beer.

"Isa lang" he told himself, "pangpamanhid lang" pero ang isang bote ay umabot ng lima, ramdam nya pa rin ang sakit sa dibdib. Napamura nalang sya.

Alas kuwatro na ng umaga pero dilat parin ang kanyang mata, pagod, lasing pero wala ng nararamdaman. His mind is fogged up and he's numb, titig lang sya sa malaking picture nilang dalawa.

"Paano na yung mga pangako natin sa isa't isa? Paano yung pangako kong magiging mabuti akong asawa at ama sa mga anak natin? Would my absence will make you feel safe? Then be it..."

"Tangina" mura nya ng matabig ang picture frame na may picture nila, sinikap nyang tumayo para pumasok na rin sa kuwarto nila... nya. "Paano na buhay ko pag wala ka?" He cuddled her pillow and whispered sweet nothings.

"I'd rather die than live without you" he whispered to her pillow and drifted to sleep.

He groaned before reaching for his phone, alas otso na at kanina pa may tawag ng tawag sakanya. He didn't bother to look at his phone, sinagot nalang nya ang tawag agad.

"Pwede ng lumabas si Penelope bukas, bakit hindi ka kasi mag leave?" Tanong sakaniya ni Dark mula sa kabilang linya, wala pa  ngang alam ang kanyang mga kaibigan sa nangyari siguro nga ay mas mabuti na iyon.

"Dadalaw ako mamaya" he said, pinilit nyang tumayo at dumiretso sa banyo doon nya narin naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Naalala nyang pagkatapos ng food tasting kahapon ay iyon na ang huling kain nya. "Sige na, maliligo lang ako" pinatay nya ang tawag at naghilamos.

"Hindi ka gutom, nauuhaw ka lang" aniya habang patungo sa kusina para uminom ng tubig. Wala syang ganang kumain kaya tubig nalang. "Wala na akong  ganang mabuhay, pwede bang tigil nalang?" Tanong nya sa sarili.

Umupo muna sya sa sala para magisip kung ikakansela nya ba lahat ng hinanda para sa kasal, sigaw ng utak nya oo pero sigaw ng puso nya hindi. Tumawag nalang sya kay Lexie para ipakansela ang lahat at para pabayaran na rin.

"Po? Bakit po ika-cancel sir?" Tanong ng sekretarya nya "Just cancel everything" malamig nyang sabi bago tumungo sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay dumaan muna sya sa flower shop na malapit sa condi nya at bumili ng mga dilaw na rosas.

"Sir, lagyan nyo na po ng note" he sighed heavily bago hinawakan ang ballpen "Get well soon Babe" he scratched the word "babe" with a heavy heart, para na naman syang nanlumo, nawala na ang epekto ng alak. Nasasaktan na naman sya.

"I love you, always" but he scratched the words again. Hinayaan nya nalang, nagbayad na sya at binitbit ang bulaklak. Dumaan na rin sya sa donut shop para bumili ng pasalubong.

"Bahala na" aniya ng nasa harap na sya ng hospital room. Gusto nya ng umatras ng pagkabukas nya ng pinto ay nakita niya si Penelope na nakaupo at magisa. Pilit syang ngumiti bago sinara ang pinto.

"How are you today? Flowers" pero hindi inabot ni Penelope kaya pinatong nya nalang sa tabing table malapit dito. Ramdam nya ang titig nito kaya sinalubong nya ang tingin nito saka sya ngumiti.

"Amoy alak ka" she said, kung pwede lang ay lumuhod sya at magpasalamat dahil narinig nito ang boses nya.

"I'm sorry, hayaan mo dinala ko lang naman to" his eyes began to water again, lumakad sya palapit sa ref at nilagay doon ang binili. "Wala kang bantay?" Pagbubukas nya ng ibang topic, he swallowed the lump on his throat at pasimple nyang pinunasan ang mata habang nakatalikod sya sa babaeng mahal nya.

But she didn't answer because she was busy looking at him, every single move. He went to the very corner of the room and sat there for a while, his jaw clenched and then he bit his lower lip, she knew how tensioned he was.

And now she regrets everything, she wants to take it all back, she wants to take him back. Seeing him in pain and misery makes her bleed more, makes her suffer in deep pain too.

But she cannot say anything, she doesn't even know how to start. She suddenly forgot how to utter a word. His phone rang which he immidiately answered.

"Sir pati po ba yung binibili nyong bahay ika-kansela ko rin?" Tanong ng sekretarya kay Zero, gumala ang mga mata nya kay Penelope na nakatingin rin sakanya, his heart melted as it constrict "No. I'll handle it" he said, he won't cancel it. Gusto nyang iregalo iyon kay Penelope at sa kanilang magiging anak kahit iyon lang.

"Balik ka na sa work?" Napalingon sya agad saka tumango "Yeah, to keep me busy. Sana sa condo ka parin... Depende sayo kung saan ka uwi, anywhere safe." Tumayo na sya at pinaglaruan ang susi ng kanyang kotse sa daliri to keep him distracted.

"Paano ba ako magpapaalam?" Tanong nya sa sarili. "No di pwedeng lumapit, amoy alak ka" sabi nya sa sarili kaya napamulsa nalang sya. "Alis na ako, tinext ko na si Trey he's on his way. Ingat ka Penelope" nanikip na naman ang dibdib nya sa pagpapaalam, she was about to stop him pero nakalabas na ito.

"What have I done?" She asked herself before hugging her pillow.

"Pwede ng umuwi ang pasyente but please be extra careful with her and her babies, strict rin ang diet. Nasaan ba dito si Mister O'brien?" Tanong ng doktora, pangatlong araw nya sa ospital at siya ring kanyang labas, napanguso sya ng banggitin ang apelyido na dapat sa susunod na buwan ay apelyido nya na rin.

"I'm here" nanlamig sya sa narinig hindi dahil sa aircon, his baritone voice made her shiver, nang lingunin nya nakatingin rin ito sakanya habang nakikinig sa sinasabi ng doktora. He  looked stressed. She sighed before hugging her pillow.

Nagtinginan nalang sila Dark at iba pa ng maramdaman ang tensyon at awkwardness sa pagitan ng dalawa, alam na nilang may problema.

"Saan ka? Sa bahay mo ba o sa bahay nyo?" Tanong nya habang pumipirma sa cheke na hawak nya bilang pambayad sa hospital bills. "Ako dapat magbayad... "Kahit ito lang, please?" He cut him off kasabay ng pagtuldok nya sa kanyang pirma.

"Saan ka tutuloy? Sa bahay nyo o bahay mo? O sa condo?" Sinama nya na sa option ang lugar kung nasaan sya, he silently prayed for a positive answer. "Sa condo" napatitig sya at napangiti na rin sa narinig na sagot.

He opened the door for her and fixed her seatbelt while she's busy watching him, his facial hairs are growing and he really look stressed. Habang nagmamaneho ay sinandal nya sa bintana ang isang braso para ang isa na dati ay humahawak sa kamay ng nibya ang hahawak sa steering wheel.

Siguro maging ang kanyang kotse ay naaawkwardan sa kanilang dalawa, but he kept his silence and he focused on the road, mahigpit ang hawak sa manibela para pigilan ang sariling mapahawak sa kamay ng katabi. He doesn't deserve her, that's a fact.

"Kumain ka na?" Finally he had the guts to speak up, mababaliw na yata sya kung hindi pa sya magsasalita. "Hindi pa. Ikaw?" Sagot nito, ginala nya ang mata nya at para maghanap ng restaurant or drive thru "Okay lang sa KFC?" Tumango lang ang dalaga. "Kumain ka na?" Tanong ni Penelope, should he lie or tell the truth?

"Wala akong gana, hindi ako gutom. Anong gusto mo?" Tumingin si Penelope sa menu at sinabi ang order nya, she ordered for two. Ilang minuto rin sila sa drive thru bago dumiretso sa condo.

"You should eat, nangangayayat ka" puna ni Penelope, ilang araw ba silang hindi nagkita? Dalawa lamang pero ang laki ng ipinayat ng Zero na nasa harap nya at bitbit ang ilang gamit nya.

"I don't have time. Don't worry I'm doing just fine" kumakain naman sya pero isang beses sa isang araw at puro nalang sya beer, may oras sya pero mas ginugusto nya nalang magbasa at magaral ng mga financial reports.

"Make time for meals" she said, more like command. He nodded his head bago binaba ang mga gamit sa couch. Naalala nya pang hindi nya naayos sa trashbin ang mga empty beer in cans nya ng mga nakaraang araw.

"Sorry makalat" nataranta sya at pinagpupulot ang mga kalat saka nya rin tinago ang isang pack ng yosi na binili nya kagabi, hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Penelope kaya inabot nya yon sa ref saka inabot sakanya "Itapon mo" pagkaabot ay pinuntahan nya ang ref Para icheck, ang ang isang rack na sana ay para sa mga groceries nila ay may mga beer in can na laman.

"Kasalanan ko to" she told herself, gusto nyang magalit pero ano bang karapatan nya kung sya mismo ang dahilan kung bakit sya ganon? Sinara nya nalang ang ref saka nakangusong pumasok ng kwarto.

Pumasok si Zero na may dalang tray "Kain ka muna bago matulog" sambit nya pagkaabot ng pagkain nya ay tinungo nito ang pinakagilid ng kwarto nya sabay bukas ng kanyang computer. This time mababa ang brightness nito.

Kung hindi lang para sa kambal na nasa tyan nya ay hindi na sya kakain "ako na bahala dyan, palabas na rin ako" tatayo na sana sya para ibalik ang plato pero pinigilan sya na Zero, nilapag nya nalang ang pinagkainan sa bed side table ngumuso lang sya habang naglalaro sa kanyang cellphone.

Napatigil sya ng pagkuha ni Zero ng kanyang pinagkainan ay sya ring pagkuha nito ng isang unan sa tabi nya, she inhaled his manly scent na sa tingin nya ay pinaglilihian nya. "Bakit yang unan?" Curiosity killed the cat, she asked.

"Sa guestroom ako" and now she regret asking. "Ohh... O-kay"

"Wrap me in your jacket, my baby" sabay nya sa paborito nyang kanta, nalungkot agad sya kaya nilipat nya. Napatingin naman si Zero mula sa kanyang desk, bumalik pa sya sa kwarto nila, niya dahil may binabasa pa syang report. Isa pa hinihintay nyang matulog si Penelope. Alas siyete palang naman.

"Can I go back to work? Or am I fired?" Napatingin agad si Zero sa tanong ng nobya "Nobya ko pa ba?" Tanong nya sa sarili kaya napakamot sya sa ulo "you're on leave" sagot nya nalang, nauhaw sya kaya agad syang lumabas ng kwarto para kumuha ng beer.

"You're drinking again?" Siya ni Penelope ng pumasok syang umiinom mula sa in can nyang hawak he suddenly felt bad about it, he suddenly wanted to throw the can away, but it's his escape kaya tumango nalang sya. Ngumuso na naman ang dalaga at humalukipkip, hanggang sa bumusangot na at humiga.

"Nagalit yata" bulong ni Zero sa sarili pagkatapos patayin ni Penelope ang lamp shade na nasa tabi ng kama "Sorry na babe, last na to" pangako nya sa dalaga kahit hindi naman nito maririnig. Gone are his happy nights, hindi na sya makakatulog hanggang wala syang naiinom na alak, mamumuhay ang sakit sa dibdib nya kapag wala at kahit ano pang dasal ang gawin nya hindi sya dadalawin ng antok, the pain will just haunt him until he reach for a bottle of beer, hanggang sa ayaw na ng sikmura nya, hanggang sa lasing na sya. Doon lamang sya makakatulog, doon lang sya makakalimot.

Pinatay nya na ang computer at nilagok ang hawak na alak habang nakamasid sa babae sa kama nya, sa babaeng pinagalayan nya ng kanyang apelyido, sa ina ng mga anak nya.

"Pagkatapos ng isang buwan paano na tayo?" Tinungga nya ulit ang beer nya hanggang sa naubos, inayos nya na lahat ng kalat at sumulyap ng isa pang beses bago lumabas ng kwarto, binuksan nya ang tv at kumuha ng ilang beer pa. She silently cried while watching him exit the room, madilim ang kwarto kaya hindi sya nakita nito. She want him beside her, kahit amoy alak, kahit ayaw nya ang amoy nito. Gusto nya tabi sila, pero paano nya sasabihin kung mas nanaisin nyang manahimik nalang? Dahil sa bawat tingin nya sa mata nito ay nanlulumo lamang sya sa tindi ng sakit na nakikita.

Alas kuwatro ng maalimpungatan sya, bumukas ang pinto ng kwarto at nakita nya ang pamilyar na bulto ng katawan ni Zero. Hindi nya makita ang mukha nito dahil maging sa sala ay nakapatay na ang ilaw. Nanigas sya sa kinahihigahan ng lumapit ito sa paanan ng kama at umupo doon.

Her eyes began to water when he touched her belly, marahang hinahaplos ang maliit nyang baby bump. Maging  ang paghinga ay pigil dahil anytime pwede nitong marinig ang kanyang hikbi.

"Pasensya na kayo sa *hik d-addy nyo, pakisabi kay *hik m-ommy mahal na *hik mahal ko kayo" tinaas nito ang laylayan ng kanyang damit at humalik sa kanyang tyan, hanggang sa may naramdaman syang pumatak sa kanyang tyan. Tahimik syang humikbi at pasimpleng humawak sa balikat ni Zero. Naramdaman iyon ng binata siguro dahil na rin sa tama ng alak hinawakan nya ang kamy nito at pinagsalikop ang daliri nila.

"S-sabi mo walang bibitaw? M-madaya ka" hinalikan nito ang kanyang kamay at hinawakan ng mahigpit, ayaw bumitaw "S-sabi mo akin ka lang, s-ayo lang naman a-ko. Akin ka parin ba?" He can't think straight, naka walong beer yata sya o higit pa. Kanina sabi nya lang sa sarili sisilip lamang sya bago matulog ng dalawang oras para makapagluto sya ng breakfast. Pero andito sya at niyayapos ang kamay ng dalaga, wala ng balak bumitiw.

"Do you really have to kill me this way?" Pareho silang tahimik na umiiyak habang magkahawak ang kamay. Siya dahil ayaw nyang bumitaw at dahil sa sakit na ilang araw nya ng iniinda, at si Penelope dahil sa pagsisisi. She made a slight move, para syang natauhan kaya agad syang tumayo pero mahigpit parin ang hawak sa kamay ng dalaga.

"Paano ako lalayo sayo kung pati pagtayo hindi ko kayang gawin? I love you, forever." Tumalikod na sya habang pinupunasan ang mata iniwan si Penelope sa kwarto, wasak ang puso at walang tigil sa pagiyak.

Mugto ang mata niya pagkagising sinipat nya ang oras, alas otso na. Dumiretso na sya sa banyo para maghilamos pagkabukas nya ng pinto ay sumalubong sakanya ang bango ng kusina. Nakita nya si Zero na nakatalikod sakanya na nagluluto, bagong ligo ito at nakabihis na.

"Kain na" muntik na syang mapatalon sa gulat, napahawak nalang sya sa dibdib bago pumasok sa kusina. Mukha itong puyat na bagong ligo lamang katulad parin ng kahapon mukha itong stressed at walang sapat na tulog. "Kumain ka na rin" sambit nya, napanguso sya ng mahagip ng mata ang isang beer na nasa tabi ng stove mukha na itong bawas. "Uminom ka ng ganito kaaga?" Masungit nyang tanong.

"Just to keep me energized" palusot ng binata, nasan na ang pangako nya kagabing last na inom nya na yon? Naalala nya na naman ang hindi nya pa naligpit na kalat kagabi kaya agad nya iyong tinungo at inayos. Tahimik na binilang ni Penelope ang itinatapon nyang beer can. Sampo. Hindi, isang dosena. Nawalan tuloy sya ng gana.

"Hindi ako kakain hanggang hindi ka kakain" banta nya

"Kumain ka, paano na yung babies natin? Okay lang ako" but his eyes will never conceal the truth, it will always tell the truth. Tinagilid nya ang ulo nya at nakipagtitigan if he'll look away pipilitin nya itong kumain. Pero paano nya matatagalang tumingin sa matang walang buhay? Yung mga matang dati ay kita ang kasiyahan na ngayon ay sinasalamin ang lungkot na sya ang dahilan?

Pero ano nga bang hindi gagawin ni Zero para sakanya? Humila ito ng upuan at tumabi sakanya saka nya nilagyan ang plato ni Penelope ng mga niluto nya. She smiled, maging ang puso nya ay napangiti rin.

"Isang buwan na nga lang sasayangin mo pa, kung hindi ka rin isa't kalahating tanga eh" sa isip isip ni Zero "effortan mo na, tumatakbo ang oras"

"Sa susunod na araw ang check up mo? Pwede ba akong sumama?" Taning nya habang naglalagay sa pinggan niya "Yup. Okay" sagot naman ni Penelope.

Iyon ang pinakatahumik nilang breakfast, normally nakakandong sya kay Zero at sinusubuan ito. "Daddy here's the airplane" tapos isusubo nya ang kutsarang may lamang pagkain na kunwari ay airplane. Pero ngayon may contest yata sila ng patahimikan ng paghinga.

"Alis na ako" he said, saka ito lumuhod. She held her breath and she hold back her tears when he caressed her belly. "Alis na si daddy, para sa future natin nila mommy" and he kissed her tummy, hinila nya rin ang batok nya at humalik sa noo nya.

Chương trướcChương sau