Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

54. Hospital

"Yuck! Ang baho naman nitong shower gel na to, expired na ba to? Ginamit ko lang to last week ah. Sayang ang bango pa naman nito" ngumuso sya at sinantabi ang paborito nyang shower gel mula sa isang mamahaling brand na regalo ni Zero sakanya.

She suddenly felt a lump on her throat, oh no, she's gonna throw up.

Bumaliktad ang kanyang sikmura kaya naman nagmamadaling dumako sya sa bowl at doon dumuwal. Nang bumuti ay tumayo na sya saka tinuloy ulit ang paliligo. She've never felt this exhausted. Pakiramdam nya ay anytime babagsak ang talukap ng kanyang mata at gustong gusto matulog.

Madalian lang ang ligo nya pagkatapos nyang dumuwal, nagdamit na rin sya saka patamad na lumabas ng banyo. Agad na lumipad ang tingin ni Zero papunta sakanya, naramdaman nito agad ang pagod nya.

"You look exhausted" dumiretso si Penelope sakanya saka yumakap. Yes she really is exhausted, para bang nailabas nya mula sa pagduwal ang lakas nya, atay, balunbalunan, lahat.

"I want to sleep" she sounded so sleepy, hindi sana sya papayag dahil basa pa ang buhok nito. "Okay. You sleep while I blow dry your hair" he said, taking care of her is his always.

"Okay. Thank you" she gave him a peck on his lips before he went to her vanity area to get the blower. Ilang beses nyang minura ang hawak na blower dahil sa ingay nito, he feels that Penelope's uncomfortable with the noise coming from it. Hanggang sa naisip nya nalang kunin ang mini fan ni Penelope, tuwalya at suklay para patuyuin ang buhok nito.

Hindi nga maipagkakailang nagkakalaman na si Penelope naeemphasize ang kurba ng katawan nito, she still look smoking hot though. Mas ikinaganda nya ang ganoong katawan. And her morena skin glows.

She's blooming, hiyang nya yata ang pag p-PMS...

Hindi nya sigurado kung gaano katagal ang tulog ni Penelope habang katabi nya ang laptop nya, reading some reports na hindi naman pumapasok sa utak nya. Gusto nya ng malaman kung tama ba ang hinala nya o hindi, pero ayaw nya namang madaliin ang nobya. Malakas lang talaga ang kutob nya, after all sya ang nag... Never mind.

Napamura sya ng makarinig ng sunod sunod na katok "Sila Arki to sigurado" sabi nya sa sarili, sino bang mga balahurang kakatok sa pinto niya gayong may door bell naman? Mga kaibigan nya.

"Oo na bubuksan na tigil na katok, magising lang si Penelope sinasabi ko sainyo" banta nya habang inuunlock ang pinto. Pagkabukas nya ng pinto sunod sunod na pumasok si Arki, Nathan, Ethan, Trey  at Jairus. Nagtaka sya na wala si Dark, never na hindi sumulpot iyon kapag alam nyang makukumpleto sila.

"Baka hahabol" isip isip nya.

"Bra, gago you wouldn't believe this shit" sabi ni Arki, gusto nyang sipain sa pagitan ng hita tong kaibigan nyang ubod ng lakas ng boses. Agad syang sumenyas para sa ikatatahimik ng kaluluwa nila saka niya sinara ang kwarto nila.

"Pag nagising si Penelope babayagan talaga kita!" Napangisi naman si Arki "Oo na baka magising yng naglilihi mong asawa!" Biro ni Arki, napataas agad ang kilay ni Trey,

"Buntis si Penelope?" Tanong agad nito, that moment parang gusto nalang sipain at bayagan ni Zero si Arki sa sobrang pagiging madaldal, but he kept his cool "Hindi ko pa sigurado, pero sana."

"Gago, hinintay mo sana munang makasal bago buo" kilala niya si Trey at masasabi nyang sa ngisi nito ay iritado ito pero mukha namang okay lang sakanya na kung sakaling buntis si Penelope. "The more the merrier" saka sya humalakhak. "Gago ka talaga O'brien" mura sakanya ng kapatid ng mapapangasawa sabay pabirong suntok sa braso nya.

"Okay tama na yang brother-in-law moment na yan, corny." Sabi ni Arki, tumayo ito sa gitna habang sila Zero naman ay nakaupo sa couch, lahat nakadekwatro at nakahalukipkip.

Women will drool if they happen to pass through this group of boys. Grupong mababali ang leeg mo kapag dadaan sa harap mo. Hindi na mabilang kung ilang babae na ba ang umasa at nangarap na kahit titig lang ang ibigay sa kanila ng bawat myembro.

"Okay, pinatawag ko kayo sa hukumang ito... Joke lang eto seryoso na talaga. Tangina. You wouldn't believe what I saw with my own two eyes" he paused when he noticed that all of his friends have their brows arched up, lumabas na naman ang pagiging pusong babae nya. He flashed a smug smile before composing his self again.

"Nakita ko si Star at Dark sa parking lot ng Mall, magkahawak kamay and Star kissed his cheeks"

"What?!" Si Zero

"Tangina!" si Nathan

"Seryoso?!" si Ethan

"Gago tangina!?" si Trey

"Bobo, seryoso?" Si Zero ulit

"I fucking knew it!" Si Jairus na tila ba naslow o may inisip lang.

"Galing lang si Star dito kanina, saka kahapon. Nangugulo. Nagkasagutan sila ni Penelope" Zero shared, hindi makapaniwala sa sinabi ni Arki. "Baka naman namalikmata ka lang?" Iniisip nyang imposible, kulang nalang ay balatan ng buhay ni Dark si Star.

"Hindi. Seryoso. EYN 010 yung plate number nya diba? Sa linaw ng apat kong mata mamamalikmata pa ba ako?" Pangungumbinsi ni Arki, he didn't just saw the, walking around the mall. He saw her kiss him. Kiss! Just like any other couples.

"Kaya pala hindi nya pinapakilala satin yung dinedate nya" sabi ni Jairus na hinihimas ang kanyang baba, and Dark dropped some hints with him when they hanged out "Kaya pala sabi niya sa akin noong nakaraan he's dating someone he really hate" napagtagpi tagpi nya na ngayon ang gustong ipahiwatig ng kaibigan.

"Pero bakit?" Naguguluhang tanong ni Zero "Kilala naman natin si Dark. Kung sino gumago sa isa satin gagaguhin nya ng patago, hanggang sa malalaman nalang natin pag nabalitaan nating may nangyari sa biktima nya. He's that one kind of friend" sabi ni Trey. Yes, kapag may nakaaway sila kahit si Zero pa ang tumatayong lider ng grupo nila si Dark ang nangunguna sa mga pag ganti.

He's not scared to do the revenge alone for his friends, he is really that one kind of friend.

"Call Dark now" Arki nodded at Zero's command, he get his phone from his pocket and dialled Dark's number.

"Arki. Bakit?" Nakaloud speaker ang cellphone ni Arki at nakalapag ito sa gitna ng tea table. "Ikaw nalang kulang, buo kami dito kila Zero. Sa condo" sabi ni Arki.

"Okay give me ten minutes" sagot ni Dark sa mabilang linya, hindi nila alam kung hindi napatay ni Dark ang tawag pero may narinig sila sa kabilang linya na nakapagkumpirma sa kanilang tanong "Star, pupunta lang ako kila Zero... Sige. Ingat ka dito"

Nobody moved a muscle except for Arki who ended the call. Sabay sabay silang napasapak sa kani-kanilang mga noo at napamura. What the actual fuck.

"Miss nyo na ako?" Nakangising tanong ni Dark ng makarating sa wakas, dumiretso sya sa sala at nadatnan ang mga kaibigan na kung hindi nakatalumbaba ay nakadekwatro na para bang may malalim na iniisip. His mood changed and his eyes squinted. "may problema?" Tanong nya sa mga ito but all of their faces remained impassive.

Pabagsak nalang syang umupo sa tabi ni Arki na nakatingin sakanya "What?" He asked "Nagbago na ba talaga tayong lahat at suddenly mga tahimik na tao na mga kaibigan ko?" Ngumisi sya saka umiling, nervous. Yes, Dark felt nervous for the first time facing his whole squad. Para bang sinisintensyahan sya ng mga ito ngayon.

"Wala ka bang gustong sabihin sa amin ngayon?" Pasimpleng tanong ni Arki, fishing for some information. But he sure knows that he had enough information about his friend and its new girlfriend.

"Wala naman" naguguluhan parin sa nangyayari, pero alam nya sa sarili nyang may alam na ang mga kaibigan nya sa mga kalokohang ginagawa nya ngayon. Hindi sya seryoso sa kung ano mang ginagawa nya sa buhay nya, nagloloko lamang sya, naghihiganti. Para sa kaibigan. Para sa mga kaibigang bumuo ng pagkatao niya sa mga taong hindi na nya mabilang.

"Hanggang kelan mo isesekreto samin?" Itinaas ni Jairus ang paa nya at pinatong ito sa tea table. Hanggang kelan? Hanggang hindi sya tapos sa plano nya. Hanggang hindi tumitigil si Star sa panggugulo nito sa buhay nilang magkakaibigan. He won't stop, if she won't. Kahit sya mismo nahuhulog na sa bitag nya, matagal na.

"Hindi na sikreto, alam nyo na eh" he chuckled "Hayaan nyo lang ako, para rin naman to satin" he said, bored.

"Stop. Naiintindihan kong para sa amin to ni Penelope, hindi mo kailangang gawin to Dark"

"Kailangan. Malapit na Ze, let me do it my way" he winked. Hindi lang ito para sa paghihiganti para sa mga kaibigan, there's more to it. "I want her to suffer the way Penelope suffered" he flashed a grin, showing his friends how determined he is to do this.

"Gago. Ang sabihin mo.."

"Hindi na. Gago matagal na yun. Ngayon lang ako gaganti, sabihin nalang nating ganon" he said cutting Jairus off. "Ginamit nya ako para mapalapit kay Ze, gagamitin ko sya para makaganti para kay Ze" he smiled, joyless. Naaalala nya na naman kung paano sya ginamit ni  Star, katulad ng paggamit nito kay Penelope.

"Uhm, can I sit here? Hihintayin ko sana si Rae" paalam sakaniya ng kaibigan ng kaibigang si Penelope na pinagaagawan at pinagaawayan ng dalawa nya pang kaibigan. Si Zac at si Trey. Tumango lamang sya bago itinabi ang empty coke in can na hawak nya. "Pwede ba ako magtanong? Si Rae ba saka si Zero?" She asked with a jittery voice.

"Zac. Si Rae lang pwedeng tumawag ng Zero sakanya" he said with his usual bored tone, kinuha nya ang kanyang cellphone at binabaan ang volume nito. "Isa lang" he told himself, before capturing a stolen shot of her.

"Paanong naging Zero?" She asked again, fishing for details. That gave him a hint that she likes his friend. "Hindi ko alam, si Rae tanungin mo" again with his bored tone. Hanggang sa dumating na ang mga kaibigan. Pinanuod nya kung paano titigan ni Zac si Rae, habang si Rae naman ay nakanguso. "Lovers quarrel" sa isip nya.

"Den Mark!" Tawag na naman sakanya ng kaibigan ni Rae, it is unusual for him to hear someone to call him by his name. It sounded so right.

"Hindi ko alam kung nasan si Rae" sumandal sya sa pader at humalukipkip, pinagmasdan pataas pababa ang babae. He doesn't like her shorts and her crop top. "May crisis sa tela?" Halos gusto nyang tanungin but he kept his mouth shut. Inalis nya ang kanyang jacket at nilagay yun sa bewang nya.

"Don't expose your skin too much." And then he walked away. Pero nagtago lang sya sa likod ng gym, he fished for his slr and captured another photo of her. "Gago. Fucked up" he scolded his self.

"Eto na pala yung jacket mo. Sorry ha? One month na yata sakin yan eh." She smiled, that smiled that he likes the most, that smile when she's watching or having small conversations with Zac. "Sayo na yan. Remembrance" he winked at her, that day he got to know her more.

Hanggang sa umabot sa buwan na patago silang nagdi-date, ewan nya rin kung bakit patago. Alam nyang gusto nya ang kaibigan nya, doon siguro sya nachallenge. He wants her to fall for him so hard na pati ang pagtayo ng hindi sya kasama ay hindi nya magagawa. But she still pursue him.

"Den Mark, hindi kita gusto. Ginamit lang kita para pagselosin si Zero. Let's stop this" sabi nito saka binalik sakanya ang jacket. "Sino ba kasing nagsabi sayong seryoso ako sayo? You're just another flavor of the month" he smiled, wickedly. Concealing his true feelings, his scarred heart. He regret calling her his flavor of the month, but he want to save his pride. Kahit iyon lang.

His friends didn't know about him and Star, except for Jairus who caught them kissing once. Todo kantyaw pa nga ito sakanya noon, at sya rin ang sumuporta ng durugin sya ng kauna-unahang babaeng plinano nyang mahalin ng seryoso.

"Alam nyo para kayong tarantadong dalawa, kung sabihin nyo kaya samin yan? Akala ko ba walang sikreto?" Inis na sabi ni Trey, enough with the bullshit.

"Pinaglaruan ni Star si Dark. Way back college" kaswal na sabi ni Jairus na hinayaan nalang ni Dark, lalabas at lalabas rin naman ito sabi nya sa sarili noon pa man. Ilang taon nyang naitago ang lahat ng ito. Pitong taon? Anim? He's not sure. Napakamot nalang sya sa kanyang ulo habang napailing naman ang kanyang mga kaibigan.

"So it's not just about us? Kaya pala laki ng galit mo sakanya" sabi ni Zero, he offered his fist to Dark which Dark willingly accepted. "Hindi rin. Tapos na ako sakanya"

"Talaga? Pwedeng tapos ka na sakanya ngayon? But love is sweeter the second time around, baka mahulog ka ulit" pangaasar ni Jairus saka ito humalakhak ng malakas. Agad syang binato ng throw pillow ni Zero.

"Maingay naman may natutulog sabi" pagalit nitong sabi, Jairus sticked his tongue out to annoy Zero more hanggang bumukas ang pinto sa kwarto nila Zero. Lumabas ang nakasimangot na si Penelope.

"Ang ingay naman eh" reklamo nito, dumiretso sya sa harap ni Zero at kumandong, she buried her face to the crook of his neck and inhaled his manly scent. God knows how tensed Zero is, para syang nanigas sa kinauupuan, he suddenly wanted to sent his friends home and have his alone time moment with his lovely girl.

Nobody made a move, ni paghinga ay siniguradong walang ingay. Nagtinginan silang lahat, nagbabasahan ng tinatakbo ng utak. Lahat sila iisa ang nasa isip, Zero got his fiancé pregnant, iyon ang nasa isip nila. Magiging ninong na sila!

Hinagod nya ang buhok ni Penelope para antukin ito, nang maramdaman nya pangbigat ng paghinga nito ay agad nya na itong binuhat papasok sa kwarto. Kinumutan at hinalikan sa labi. He locked the door and made his way to his friends.

"I told you wag kayong maingay" pasigaw nya na pabulong, walang sabi sabi syang binatukan ni Trey. "Gago. Buntis na nga yata talaga yung kapatid ko" sambit nito, inis pero may halong tuwa.

"Buntis o hindi papakasalan ko kapatid mo, chill." Sambit ni Zero bago inopen ang tv. "Hindi tayo pwedeng maglaro, magigising si Penelope sa ingay natin. " aniya. Tumayo naman si Dark papunta sa kusina nila para kumuha ng beer.

Nanuod nalang sila ng play-off. Team blue vs. team black. Daniel vs. Gerald.

"Team Daniel ako" sabi ni Zero "Pustahan tayo. Five thousand" dagdag niya. He's sure Team Daniel will win this one, nakita nya ang pagchi-cheer ng rumored girlfriend nyang si Kathryn dito. Ang mga lalaki kapag nakikita ang girlfriend nilang nagchecheer para sakanila ay ginaganahan silang maglaro.

"Team black rin ako. Call. Five thousand" sabi naman ni Dark. Hanggang sa lahat na sila ay nag team black maliban kay Arki.

"Parang mga gago tong mga to. Pupusta pusta pa e lahat naman tayo Team ni Daniel. Mga gago talaga" palusot ni Arki kahit gusto nyang pumusta sa Team ni Gerald.

"Grabe si Kathryn. Kung ako si Daniel papakasalan ko na yan next year." Sabi ni Dark. Lahat sila nagkagusto kay Kathryn, kumbaga Kathryn fanboys silang matuturing.

"Hoy Dark, yung sinasabi ko sayo tigilan mo na si Star. Kakausapin ko nalang, tatapusin ko nalang. Ako dapat ang tumapos" tinignan lang sya ni Dark bago umiling. "Tayo ang tatapos".

He wants her to bleed. He wants her broken. And then he'll fix her, that's how fucked up he is.

May food tasting sila ngayong araw na ito, isang buwan nalang at kasal na nilang dalawa. Lahat ay ayos na, ang pagbibigay nalang ng wedding invitation at ang mga iseserve na food nalang ang kulang.

Bukas rin nakaschedule ang kanilang pre-nuptial shoot, kaya dadaan muna sila ng parlor shop pagkatapos ng kanilang food tasting.

"Are you happy?" He asked while his eyes focused on the road, pasimple syang lumingon sa nakangiting dalaga saka tinuon muli ang pansin sa daan. "Very. And a little nervous"

"Don't be, you'll be a good wife." He said confidently before reaching for her hand and kissing the back of her hand.

"I love you." He said

"I love you more" she answered back with a big smile plastered on her face.

"Filet Mignon and  Cordon Bleu yung choices ko, ikaw na bahala sa iba babe" sabi ni Penelope kay Zero, hindi sya mapakali hindi nya alam kung bakit. Hindi nya alam kung bakit ganon nalang ang kabog ng kanyang dibdib, it's suffocating.

"Are you okay?" Tanong sakanya ni Zero ng mapansin ang kanyang pagkabalisa, the chef excused herself. "Okay lang ako, medyo uneasy lang" sagot nya naman saka ngumiti ng pilit. Niyakap sya nito ng mahigpit at binulungan "Don't worry too much babe, you'll be the best wife in the world" he said comforting her with his words, but she felt hollow inside.

Hindi nya maintindihan, masaya sya at mahal na mahal nya si Zero. Pero parang may mali, parang may problemang dadating. Hindi nya namalayang hawak hawak nya ang kanyang tyan at hinahaplos iyon.

"Cr lang ako babe" aniya bago tinungo ang cr. Mas lalong sumama ang pakiramdam nya ng madatnan si Star sa girls comfort room.

Didiretso na sana sya sa isang cubicle ng harangin sya ni Star. "It's nice to see you Penelope. Kamusta? Kamusta kayo ng boyfriend ko?" Ngumisi ito at naramdaman nya ang pagbaon ng kuko nito sa kanyang balat. She slightly shove her away but Star pulled her arm again.

"Wala akong oras para patulan ka ngayon. So excuse me" walang gana nyang sabi. Her face is annoying, nakakainit ng ulo at dugo. "Wala kang oras o wala kang tapang dahil wala si Zero sa tabi mo?" Hinaklit nya ulit ang braso nya mula sa pagkakahawak ni Star sakanya.

"Naghugas ka ba ng kamay mo? Nilalagyan mo ng virus ang balat ko eh." Masungit nyang sabi, nawalan na sya ng pasensya at tuluyan na syang nainis. "Ano nga ulit yung sinasabi mo? Kamusta kami ni Zero? Ayun masaya kami, tapat at totoo. Hindi ko siya pinukpok sa ulo at tinago sa poder ko para mahalin ako. Ayan sinagot ko na, happy?" Umirap sya at humakbang pero hinila sya ulit ni Star at tinulak sa pader.

"Fuck!" Mura nya, sinikap nyang tumayo mula sa pagkakaupo. But she can't, her legs are shaking at tila ba may mainit na likidong dumadaloy sa kanyang pantalon.

"Last night was a fun night with Zero" sambit ni Star, halos tumaas kahat ng balahibo nya sa katawan mula sa panghihina at panglalamig. "We fucked last night and he asked me to take him back again"

"Delusional! Magkatabi kaming natutulog, hanggang paggising ko magkatabi kami. Anong akala mo? Mabibilog mo ako?" Kahit nahihirapan sya at namimilipit mula sa pagkakatulak sakanya ni Star ay kailangan nya paring lumaban. Star fished her phone from her bag and show her a pic from her phone.

Si Star at isang lalaki, parehong nababalutan ng kumot ang katawan but his broad chest was exposed "Magkasama kami kagabi" humagikgik pa ito habang pinapakita ang mga photos niya kasama ang lalaking walang mukha. Naginit ang dugo nya kaya naman hinila nya ang buhok nito.

"Alam mo bago ka gumawa ng kagagahan make sure to show some authentic evidence naman. Hindi mo ba alam na may tattoo na si Zero sa dibdib nya? My name is tattooed on his chest kaya wala kang maloloko dito!" gusto ng bumagsak ng kanyang mata, inipon nya lahat ng lakas nya para maitulak si Star na nakadagan sakanya.

"Hinding hindi mo na makukuha si Zero sakin, dahil sakin lang naman sya mula noon pa. Kung hindi ka lang umepal..." Natigil sya sa sasabihin ng may umagos na dugo mula Sa kinauupuan nya, maging si Star ay nanlaki ang mata.

"No! No way!" Naginit ang gilid ng kanyang mga mata hanggang sa lumandas sa kanyang pisngi ang maiinit nyang luha. "Baby. Ang baby ko!" Iyak nya, hindi nya gustong malaman na buntis sya sa ganitong paraan! "Star yung baby namin!" Hagulgol nya, tumayo si Star na bakas parin sa mukha ang pagkagimbal kinuha nya ang kanyang bag at mabilis na umalis ng banyo.

"Diyos ko! Ang baby ko!" Penelope cried, nanlamig na sya at parang gusto ng matulog pero hindi dapat. Hihingi sya ng tulong! She did her best and tried to stand up, pero hindi nya kinaya kaya napaupo sya ulit ng malakas. "Ahhh! Zero!" Ilang beses nyang tinawag ang pangalan ng nobyo pero hindi ito dumating. Every thing went black, she passed out while her hand on her belly, and a tear escaped her eyes.

"We almost lost your babies, and your wife is still unconscious. Maraming nawalang dugo sakanya, magpasalamat nalang tayo at malakas ang kapit ng mga babies nyo" Zero wasn't paying attention, nakatingin lamang sya sa kamay nyang may bahid ng dugo mula kay Penelope.

Tumatakbong dumating sila Dark mula ng tawagan ni Zero si Trey dahil sa nangyari, hindi nya na nga matandaan na tumawag sya sa kapatid ng nobya. He still can't process it in. Gusto nyang magmura, gusto nyang umiyak. Gusto nyang pasukin ang emergency room kung saan andun si Penelope pero hindi pwede.

"Anong nangyari?!" Pagalit na tanong ni Trey, gusto nyang kwelyuhan ang kaibigan pero hindi nya na ginawa dahil tulala ito pagkadating nila. Hingal silang lahat at nagaalala.

"Hindi ko alam, nakita ko nalang si Star na lumabas mula sa banyo. Kinabahan na ako kaya sumunod ako sa banyo dahil andun si Penelope. Hanggang sa.. nakita ko nalang syang duguan doon" he broke down sinuntok suntok nya ang pader na kaninang sinasandalan nya.

"Tama na, tama na bra" pagpipigil sakanya ni Jairus at Dark. Dark is infuriating mad, he surely can kill Star now but he won't because he love her. "Tangina, bakit kasi sya pa" mura na sa sarili. Kinalma nila si Zero hanggang sa tahimik nalang itong humihikbi sa gilid ng emergency room.

"Kamusta na ho ang kapatid ko?" Tanong ni Trey ng lumabas ang doktor mula sa ER "She's still unconscious. Her twins are safe, but she still needs blood transfusion to help her survive. Maraming dugong nawala sakanya, let's just be thankful na fighter sya pati ang kanyang babies. For now magrerequest ako ng blood type nya sa blood bank para mapabilis na ang pagsalin ng dugo sa pasyente"

"Twins. Muntik ng mawala ang kambal namin dahil kay Star. It's all because of me" bulong ni Zero sa tabi, he should be happy by now knowing they're having twins but he is in deep pain and shock. Muntik ng mawala ang babies nila ng dahil sa kanya, kung hindi siguro nangyari ang insidente five years ago hindi magugulo ang buhay nya at hindi papagitna sa kanila si Star.

Dark was contemplating on the other side of the room. Thinking if he'll push the send button or not.

"Para sa paggamit mo sakin, para sa limang taon mong pagtago kay Zero, para kay Penelope. Para sa kambal." He pressed the send button on his keyboard and he watched as it flashed a disclaimer that his email was sent. His email contains the video of Star and Trina na ebidensya sa kahat ng kalokohan ni Star, it was sent directly to her father. "Lintik lang walang ganti".

"It's done. Den Mark it's done" bulong nya sa sarili, he's letting go of her again. For good this time, nakamove on sya noon alam nyang magagawa nya iyon ulit ngayon.

Napatayo silang lahat ng bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang mga staffs na nagtutulak ng hospital bed ni Penelope. Nanlumo agad si Zero ng makita ang mga aparatong nakakabit sa nobya, maging sya ay nakitulak na rin sa hospital bed ni Penelope papasok sa isang private room. Sunod sunod lang ang barkada nyang nagaalala na rin para sakanya.

"Penelope, baby." He called but she's still in deep sleep. Hinaplos nya ang tyan nito at marahang humalik doon, sobrang pagiingat ang ginawa nya dahil nagaalala syang baka sa konting diin lamang ay may mangyari sa kambal nya.

"Sir, ingat lang po tayo sa paseyente. On the way na rin ang dugo for blood transfusion. Alis na po kami" paalam ng mga nurses sa kanila. Nagpasalamat sila Arki habang si Zero naghila ng upuan para makaupo sa tabi ni Penelope.

"Baby, sabi ko sayo eh kung hindi triplets magkakaroon tayo ng twins. Sayo nagmana yung twins natin mahal, lakas ng fighting spirit. Lakas rin ng kapit, parang yung kapit mo sa puso ko" bulong nya sa nobya habang hawak ang kamay nito. Ginawaran nya ng halik ang kamay nito saka nya pinunasan ang takas na luha mula sa mata nya.

"Baby gising ka na para malaman mo na magkakababy na tayo, for sure magiging masaya ka sa balitang yun. Gusto mo ba imove natin yung kasal para maging flower girl and ring bearer natin ang babies natin? Or mas maganda yung papakasalan nalang ulit kita pag laki nila diba? Kapag two or three na sila" gusto nya mang higpitan ang hawak sa kamay ng tulog na nobya kelangan nyang maging maingat, pasimple rin syang tumitingin sa vital signs monitor nito.

"Bra, andito na yung nurse para sa blood transfusion" sabi ni Dark sakanya, hinila nya punta sa gilid ang kanyang upuan para bigyan ng space ang nurse na may hawak ng Type AB+ na blood bag.

"Miss dahan dahan lang ah" sabi niya sa nurse tumango lang ito saka sinabit bag ng dugo sa stand na nasa tabi ng kama ni Penelope. Pumikit sya para hindi nya makita ang gagawin sa girlfriend nya "Tapos na po Sir" . Dumilat sya at agad hinila papalapit ang upuan sa kama ng nobya.

"Bra kukuha lang kami ng gamit nyo, saka ng foods na rin" paalam ni Arki tumango lang si Zero habang titig parin kay Penelope. Sumandal sya sa harang kama nito saka pumikit. Hanggang sa hindi nya na nakayanan ang pagod at nakatulog na.

"Hmm hmm" naalimpungatan si Zero dahil nakarinig sya ng ungol malapit sa kinauupuan nya. He panicked when he saw Penelope's body shaking uncontrollably! For a moment he was stunned there watching her body shake hanggang sa parang pumasok sa pagod nyang utak na tumawag ng tulong.

Dali dali syang tumakbo palabas ng hospital room ni Penelope at tumakbo sa nurse station.

"Doc! Doc! Nag se-seizure ho yung asawa ko" hinihingal sya ng makarating sa nurse station na nasa kabilang dulo ng third floor. Agad na tumawag ng assistant ang doktor at sabay sabay silang tumakbo papasok ng ER.

"Tanggalin mo na yung dugo. Nilalagnat ang pasyente!" Sabi ng doktor, Zero was on the other side of the room watching. Hindi nya alam kung saan nya nakuha ang lakas ng loob para panuorin pa ang nangyayari sa nobya habang nagkukumbulsyon ito. a

"Hot compress." Hingi ng doktor, binuksan nito ang oxygen tank sa tabi ni Penelope at sinuot iyon sa natutulog na pasyente. Hindi nya na halos marinig kung anong sinasabi ng Doktor at ng mga tao sa loob ng kwarto. Hindi nya na rin namalayan ang pagdating ng pamilya ni Penelope kasama ang barkada nya.

Andon lang sya. Nakatayo. Tulala.

Hindi nya na mabilang kung ilang minuto. Isa? Dalawa? Tatlo? Sampo? Ilang minuto bago kumalma ang katawan ni Penelope, hanggang sa ideklara na syang stable.

"Nagreact lamang ang pasyente sa sinasaling dugo. Bigla na lamang syang kinumbulsyon kaya naman nagseizure ang pasyente. She is doing well now, babalik ako para icheck ang babies"

"Anong nangyari?" Nagaalalang tanong ni Dark, umiling lamang sya at pinunasan ang takas na luha "Hindi ko alam. I fell asleep, I'm sorry" gumaralgal na ang boses nya at nanghihina syang napaupo sa couch.

"Wala kang kasalanan hijo, it's okay" sambit ng mommy ni Penelope saka sya niyakap at inalo na parang batang nagsisisi sa ginawang kasalanan. "Kasalanan ko ho itong lahat, kung hindi ho ako siguro umalis ng araw na yon para sa business trip siguro walang ganitong mangyayari" ramdam nya ang pagod at sakit sa puso. He had enough for this day.

Hindi nya siguro kakayanin kung nawala ang babies nila sa sinapupunan ni Penelope, it's what keeping him rational even after all the incidents happened in a span of five hours. Siguro baka nagpakamatay na sya ngayon dahil sa pagsisisi, he blames himself afterall he's the root cause of all of this bullshit.

"I don't deserve your daughter, tita" he whispered, weeping.

"Only Penelope can tell that anak, hindi mo ito kasalanan. Kumalma ka na ayaw ni Penelope na magkakaganyan ka" she said in a comforting tone, marahas na pinunasan ni Zero ang kanyang luha gamit ang laylayan ng kanyang damit bago sya ulit pumwesto sa upuan malapit sa tabi ng kama ni Penelope. Hinaplos haplos nya ang tyan nito at humalik sa kamay ng dalaga.

"I'm sorry" nagumpisa na namang magtubig ang kanyang mata "Fuck it!" Hindi nya na alam kung anong gagawin, gusto nyang tumitig lang sa natutulog na si Penelope at gusto nya ring pumikit dahil ramdam nya na ang pagod.

Ilang minuto rin syang nakatitig at nakikipaglaro sa daliri ng nobya bago nakatulog. Not knowing what will happen next...

Chương trướcChương sau