Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

44. Wish

"Thank you sir" rinig kong sabi ng cashier kay Zero, katulad ng kanina ay nasa kabilang kamay nya ang mga pinamili namin at nakahawak sa akin ang isa. Dumiretso na kami sa parking lot at nakita sila Arki doon.

"Sila Dark?" Tanong ko, ngumuso lang sya at nilingon ko naman ang direksyon noon at nakitang bumibili ng pop corn sila Dark.

Sinandal muli nila Zero ang ulo nya sa balikat ko habang nakaakbay sa akin, parang batang naglalambing. He seems sleepy and tired.

"Inaantok ka?"

"Yeah, I can't sleep last night thinking you are sleeping next to my buddy while he's hugging you so tight." Ngumuso pa ito.

"Hindi kami magkatabing matulog" I uttered.

"I miss sleeping next to you" he suddenly uttered, bumilis ang tibok ng puso ko buti na lang ay dumating na sila Dark.

"Can you sleep at our condo?" Pangungulit nya sakin habang papunta kami sa sinasabing pamilihan ni Nathan ng empanada. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sabi nyang "our condo" its as if we both own the place.

"Or just stay there for a while... After work then I will drive you home"

"Slow down please?" Bulong ko sakanya, he's pressuring me without him knowing na ganon ang dating sa akin. Ayokong madaliin ito.

"I'm just longing for your presence, I just miss you. I'm sorry" paglalambing nya sa akin, nakita kong sinilip kami ni Dark sa salamin.

"Ze, don't pressure her" sabi nya

"Yes, I'm sorry" sagot naman ng katabi ko, he rubbed the tip of his nose to the crook of my neck. "I'm so inlove with you" bulong nya na nagpataas ng mga balahibo ko, nagmistulang jelly ace ang tuhod ko dahil sa panlalambot. Mabuti na lamang ay nakaupo kami.

Bumili kami ng empanada at ilang keychains para sa aming souvenir. Kumuha rin ako ng coin purse na may nakatatak na Laoag.

"Ate, magkano yung pang individual rides?" Tanong ni Dark sa bantay dito sa may Sand Dunes. Mura lang ang bigay ni Ate sa amin dahil na rin siguro nadala sa charms ni Dark. Tag-iisa sana kami pero hindi pumayag si Zero, aniya ay mabigat itong i-drive.

Isa pa ay hindi ako marunong gumamit nito.

"Kapit babe" iniyakap nya ang kamay ko sakanya, tamang tama na nag cap ako para hindi mainitan ang aking mukha. Nag sunglasses na rin ako. Kami ang nauuna at nakasunod sila Ethan.

Pinasuot sa akin ni Zero ang binili nyang denim long sleeves kanina, para raw hindi ako mainitan at umitim. Kung tutuusin ay gusto kong mag pa-tan, kaso ay hindi papantay ang tan kapag nagkataon.

Kumukuha ako ng litrato habang nagmamaneho si Zero, tumatawa lang ito kapag tumatawa ako.

"Let's take a pic" iniharap ko ang camera sakanya at ngumiti naman sya. Kinuhanan ko rin ng litrato ang enjoy na enjoy na sila Dark sa likod. Akala ko ay hindi kami makakapunta malapit sa dagat pero pinunta kami doon ni Kuya.

"Akin na ho ang camera nyo, kukuhanan ko kayo ng litrato" inabot ko sa guide namin ang aking camera.

"Smile po, sir and maam" umakbay si Zero sa akin habang nakangiti ngumiti rin ako ng malawak.

"Okay para fair, lahat tayo dapat may picture kay Penelope." Si Dark

"Ano ba, syempre naman diba Manong? Okay lang po?" Ngiti ko kay manong tumango lang ito. Isa isang nagpapicture sila Dark, Arki, Ethan, Nathan at Jairus sa akin. Sinandal ni Jairus ang ulo nya sa balikat ko habang nakangiti.

"I miss you today. Enjoy your day with him" parang punyal iyon na sumaksak sa aking dibdib. There is a hint of pain in his eyes ng sabihin nya sakin iyon.

"Don't mind me, okay lang ako" ngumiti ito pero kitang kita sa mata nya ang kalungkutan. Tinulak nya ako papalapit kay Zero na nakatingin samin.

"Are you okay?" Nilagay nya ang kamay nya sa aking ulo habang nakatingin sa mga mata ko. His eyes leave me breathless, gusto ko nalang tumitig.

Maraming spot pa kami pinahinto ni kuya na nagsilbing guide namin, nakakatakot ang parteng mataas na akala mo ay mahuhulog ang puso mo... tapos walang sasalo. Hehe.

"Nag enjoy ka ba?" Tumango lamang ako si Zero bago uminom sa bottled water, inabot ko na rin sakanya para makainom sya. Isa lang ang tubig na nabili ko dahil iyon lang ang barya.

"Thank you"

"Thank you ho manong" inabutan ng tip ni Zero ang nagsilbing guide namin, ngumiti naman si Manong at nagpasalamat. Siguro ay sa Paoay na ang susunod naming destinasyon. Tinanggal ko na ang polo ni Zero at ibinalik sakanya dahil wala naman ng init.

"Thank you" sambit ko, hinalikan nya lang ang noo bilang sagot.

"Do you want ice cream?" May nagtitinda kasi ng ice cream dito at nakita kong inaarrange iyon na parang tulips na flower. Malawak ang ngiti ko na tumango tango.

"Seven" sabay abot ng dilaw na kulay na bill. "Keep the change" pahabol nito, nagpasalamat naman si Manong at ginawa na ang aming ice cream.

"Arki! Ice cream oh" tawag ko kika Arki na nakaupo sa kubo kubo. Kanina pa kami picture ng picture sa harap ng church kaya mukha silang hapong hapo.

Tumayo silang lahat maliban kay Jairus na nakatingin lang sa simbahan, nakahalukipkip ito at bahagyang nakakunot ang noo.

"Zero, bigay ko lang to kay Jairus" sinipat nya muna si Jairus bago um-oo.

"Lalim ah" sabi ko, nilingon nya ako at ngumiti. "Anong iniisip mo?" Nagkibit balikat lamang sya. Inabot ko sakanya ang ice cream at tinabihan sya.

"Aww, nagsesecret ka na sakin ngayon? You look bothered" hinawakan ko ang kamay nya at pinisil iyon, inalis nya ang pagkakahawak ko at umakbay sa akin.

"I am just confused... Alexis called me today she want us to meet in Manila." Aniya habang ang malayang kamay nya ay hinihimas ang kanyang noo.

"Really? Why not meet with her?" Sinikap kong maging masayahin ang aking tono pero sa loob loob ko ay parang may pumisil sa puso ko. I'm kind of jealous, I guess.

"No... I mean, I can't. Shit, one call and everything is fucked up" patuloy padin nyang hinihimas ang kanyang noo na para bang naguguluhan, na parang gustong um-oo na hindi. Kung ako si Jairus, I would go for the date. Date lamang iyon pero nakakatakot naman na sa isang date lang ay babalik lahat ng nararamdaman mo sa isang tao.

"You should go, I guess. To settle everything, Jai. It's for the best." Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat, ilang beses syang humugot ng malalim na hininga.

Kinuha nya ang kanyang cellphone, tumambad ang mukha ko na lock screen nya. Tumipa sya ng mensahe kay Alexis na nagsasabing pupunta sya at si Alexis na sana ang mag set ng petsa. I felt weird though, my heart contracted.

"Okay. See you babe" iyon ang reply ni Alexis, napatingin nalang ako sa malayo at tumayo. Bumalik na ako kay Zero para kunin ang aking ice cream before this jealousy gets into my nerves.

"Ang sarap nito" iba iba ang flavor ng petals ng bulaklak na ice cream. Kahit gaano katamis ay bakit nalalasahan ko ang tabang? Ako lang siguro ito.

"Dark, I think I should drive too" tumango lamang si Dark sa sinuggest ni Zero mukha na rin kasing pagod si Dark sa pagmamaneho. "I should sleep later then" nag stretch pa ito ng kanyang likod bago inabot kay Zero ang susi ng kanyang sasakyan.

"Alam mo ba ang daan?" Hindi pa kasi sya nakakaalala hindi ba? Pero tumango lamang ito habang pinaglalaruan ang susi ni Dark.

Habang tulog sila Dark sa byahe ay todo kain naman ako ng mga pinamili namin, kumakain ako ngayon ng empanada at tama nga si Nathan this one is the best! Hawak ni Zero ang isa kong kamay habang nagmamaneho, pasulyap sulyap rin sya sa akin.

"Are you PMS-ing?" Napaisip ako, siguro nga ay oo dahil hindi pa ako dinadatnan ng period kaya tumango ako. Iniwan nya ang kamay ko at bahagyang kinurot ang aking pisngi saka ibinalik ang hawak sa akin.

Umuulan ng makarating kami sa Vigan, malungkot kong tinanaw mula sa loob ng sasakyan ang paligid. Sayang! Gusto ko pa naman sanang maglakad sa Kalye Crisologo. 

Tirik ang araw kanina kaya hindi ko inaasahan ang pag-ulan. Ngumuso ako habang hinihintay na gumising sila Dark sa likod.

"What a party pooper" sabay inat ng nga bagong gising sa likod ng makitang umuulan sa labas. Sinipat ko ang orasan ko at alas kwatro pa lamang.

"Balik na tayo sa hotel" suhestyon ko. Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang may text si Jairus doon.

Jairus Arden:

Baby, I'm tired driving. Si Nathan na pinag drive ko, I hope you're safe:*

I think maybe he's preoccupied too. Siguro ay gusto syang makausap ni Alexis para makapagayos silang dalawa, afterall unfinished business ang relasyon nila. Winaksi ko na rin sa sistema ko ang selos, ako rin nama'y may unfinished business kay Zero. Quits lamang.

Papikit pikit na si Zero ng nasa kalagitnaan na kami ng byahe, sinisi ko ang sarili ko dahil hindi ko sya kinakausap. Maybe he's bored. Kinuha ko ang ipod ko at sinaksak sa speaker ng sasakyan ni Dark at nagpatugtog na lamang ng Smilky ng bandang SUD.

"Are you sleepy?" Tanong ko sakanya kahit halata naman ang sagot, bahagya syang tumango saka tumingin sa akin. Si Dark at Ethan sa likod ay tulog na tulog magkarelyebo kasi sila sa pagmamaneho kanina at si Zero naman ay wala ng naging kapalit.

Pinaglaruan ko ang kamay nyang mahigpit ang pagkakahawak sa aking kamay at hinalikan ang likod nito, napangiti sya at hinalikan rin ang akin.

"You're trying to wake me up. It's working"

"I like that song... " kumanta pa sya ng ilang linya ng kanta, I love this song too. Sweet and sensual.

"Dad told me he'd send you abroad for a meeting. Can I come too? I mean.. I'll just make sure you're okay" pinasadahan nya ng kamay ang kanyang buhok, him with a disheveled hair looked like a dangerous Prince Charming.

"I'm working under your company so I assume it's okay" inabot ko ang buhok nya at mas ginulo, mas gumwapo!

"I don't like it when someone is messing with my hair... but you're the only exception" napangiti ako at inayos na ang kanyang buhok. "I just like it when your hair is messy"

Pinasadahan nyang muli ng kamay ang kanyang buhok ginugulo, binalik nya rin ang hawak sa kamay ko pagkatapos.

"Then we'll keep it messy babe"

Hindi nya binitawan ang kamay ko sa buong byahe, paminsan minsan nya ay hinahalikan nya ang likod ng aking kamay. Mga maliliit na halik na naghahatid ng milyon milyong boltahe ng kuryente sa aking sistema.

"Are you tired?" Tanong ko sakanya, medyo malapit lapit na rin naman kami pero batid kong pabagsak na ang kanyang mga mata.

"Hindi, basta kasama kita."

"Sus, bolero ka. Anyways malapit na rin naman tayo, you should rest bago mag dinner" eight in the everning kami madalas mag dinner kaya may tatlong oras pa naman syang makakapag rest.

"Yeah, I'd sleep with the boys tonight." Tumango lamang ako habang sumisipsip sa aking chuckie, hindi ko pa ubos ang binili nya kanina sana ay hindi sumakit ang tyan ko.

Ginising ko na sila Dark nang matanaw ko na ang Vitalis Villas, naginat sila at tumingin tingin pa sa paligid. Inalis ko na rin ang seatbelts ko at pinatay ang music ng papasok na kami.

Nagsibabaan na pero hinintay ko pa si Zero. "Stay there" aniya, bumaba ito at umikot para pag buksan ako ng pinto, hindi ko naiwasang mapangiti. Inabot nya ang kamay ko habang bumababa ako ng kotse, kinuha nya rin ang mga pagkain na nasa upuan ko.

Nag chest bump sila ni Jairus at fist bump kila Ethan. Nag stretching pa ito bago inilagay ang kamay sa likod ko.

"Damn the long drive!" Sambit ni Nathan na nagiinat na rin ngayon.

Habang naglalakad kami ay tumunog ang cellphone ni Jairus na agad agad nyang sinagit, siniko ako ni Nathan at nilabi ang "Alexis", nagkibit balikat nalang ako. She's trying to reach him out huh?

Lumayo si Jairus habang nakikipagusap sa telepono, inihagis nya ang card ng aming room kay Zero na sinalo naman nito. Dumiretso na sa kanya kanyang kwarto, inilapag ni Zero ang mga gamit at pagkain sa couch habang ako naman ay dumiretso sa aking damitan para kumuha ng pagpapalitan.

Nakita kong humiga si Zero sa aking kama at niyakap ang aking unan bago ako pumasok sa banyo. Nag shower lamang ako, balak ko pang mag swimming mamayang gabi bago matulog dahil bukas ay babalik na kami sa normal naming buhay. Work work work work mode.

"Hey" iyon ang bungad sakin ni Zero na nakasandal sa head board ng kama at nakatingin sa akin. His stares could melt something inside me, my heart I guess.

"Bakit di ka pa nagpahinga? Ang sabi mo pagod ka?" Lumapit ako sakanya at marahan nyang inabot ang kamay ko, saka nya ako biglaang hinila kaya napaupo ako sa lap niya.

He placed my arms around his neck and kissed me fervently, my lips responded to his kisses. Para akong nabaliw ng palalimin nya pa ang halik, kamuntik nya pang itapon ang kanyang cellphone na tinutugtog ang kantang yakap sa dilim.

All of my incoherent thoughts left me when I felt his hand on my back, halos malagutan ako ng hininga ng kalasin nya ang pagkakakabit ng hook ng aking bra, sinamantala nya ang pag awang ng aking mga labi. He slid his tongue inside my mouth while drawing circles at my back.

Naglakbay ang halik nya sa aking leeg, I willingly gave him access to my neck. Ang kamay ko'y nakahawak na sakanyang buhok, ginugulo, sexy. Fuck!

Nalunod ako habang tinitignan syang hinahalikan ang aking balikat, halos manghina ako ng buksan nya ang kanyang mata at hulihin ang aking paningin habang hinahalikan ang aking balikat. I want more.

I cupped his face and he pressed his lips on mine as if he red my mind. He kissed me again passionately as if he is drowning and I was air. I'm overwhelmed, I lost my mind.

"Fuck. I love you" he whispered burying his face on my chest, while hooking my bra. I felt him kiss me there, just a kiss on my very skin before kissing my jaw.

Pinaayos nya ako ng upo habang nilalagay ang unan ko sa kama, una syang humiga at ipinatong ang kanyang braso sa unan. Siguro gusto nyang gawin kong unan ang kanyang braso.

Umayos na ako ng higa at siniksik ang sarili ko sa kanyang dibdib. This is too much to handle. Para akong kandilang nauupos lalo na ng tignan ako ng mapungay nyang mata.

"I crave your I Love you's babe, but I can wait till you're ready to answer me back." I closed my eyes, sniffling his manly scent. Dozing off to sleep.

Nagising ako sa mahinang katok sa labas dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni Zero nang makatayo na ako ay agad kong binuksan ang pinto.

"Dinner na" mapula ang mata ni Jairus at parang walang buhay.

"Are you okay?" Hindi ko maiwasang magtanong, walang emosyon ang kanyang mata parang puno ng lungkot, tumango ito at pumeke ng ngiti. No... you can't fake your smiles with me.

"No you're not. Come on, tell me. What's wrong? Si Alexis ba?" Unti unti syang tumango bago sinandal ang ulo nya sa aking balikat.

"You guys should talk. Pagusapan nyo yan, please? Para sainyo rin naman yan eh" I said, I didn't feel jealous at all. Gusto ko silang magkaayos, hindi dahil gusto ko ring magkaayos kami ni Zero.

I love Jairus, but I think my love for him is not enough to reciprocate his love for me. Someone deserves his love and I think that's Alexis. If not, someone else better than me.

"Penelope" someone with a bedroom voice called me, nilingon ko at nakita si Zero na patayo na sa kama at nakatingin sa direksyon namin.

"Let's talk later, ipapaalam kita sakanya. Zero, dinner na bra" tumango ito bago naglakad paalis.

"Talk to him." Halos mapatalon ako ng may humapit sa aking bewang saka pinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. "Y-yeah. I s-should" nauutal kong sabi na oara bang nanghina sa halik na sa aking leeg.

"Let's go?"

Nang nasa pool side na kami saka ko naalala na may kasama pa pala kaming iba.

Kinalabit ko si Zero at agad naman syang lumingon "Call Star please" he nodded, pinaghila nya muna ako ng upuan at iniwan ang kanyang cellphone sa tabi ko.

Sa kaliwa ko umupo si Jairus, na busy sa kanyang cellphone at nakakunot pa ang noo. Kinalabit ko sya at nginitian, huminga ito ng malalim bago ngumiti.

"You can me tell me your problem now" wala pa kaming kasama dito, batid ko ay nasa bar pa lamang sila Dark para pumili ng kanilang maiinom.

Tinagilid nya ang kanyang ulo para harapin ako, he bit his lower lip bago huminga ulit ng malalim.

"Alam ni Alexis na pumupunta ako sa Paris noon, nakalimutan kong hawak nya pala ang mga e-mails ko. She knows. Even my last trip with you" his eyes reflects his pain, and a faint of hope I guess.

"I'm so busy trying to forget her that I didn't had the chance to check all of her emails to me telling me that she saw me... that she wants me back... that she didn't stopped loving me" he kissed the back of my hand as a tear escaped his eye.

"Nagsisisi ako kasi yung akala kong nang iwan sakin, naghihintay lang rin pala. Ako yung unang napagod habang sya lumalaban pa. Pero hindi ako nagsisising minahal kita Penelope tandaan mo yan"

"Akala ko kasi... wala na. She knows about you, at alam kong nasaktan sya iyon ang pinaka ayaw kong mangyare hindi ba? Yung saktan yung taong mahal na mahal mo parin. Yung kahit anong pilit mong maging masaya sa iba sya parin... alam kong naiintindihan mo Penelope" that hit me right in the spot, yes he still loves her.

Siguro nga ay noong mga panahong nahuhulog na kami sa ere ay sa kanya kanyang bisig kami nahulog. Kami ang gumamot ng mga sugatan naming puso, kahit alam naming isa kami sa mga taong dadaan lamang sa buhay ng isa't isa para magparamdam ng panandaliang pagmamahal.

Sya ang nagsilbing sandalan ko at alam kong ganon rin sya sa akin. Ayokong isipin na rebound nya ako dahil walang nangyareng ganon, sa parte ko ay pwede pang isipin na ginawa ko lamang syang panakip butas. Pero hindi mahal ko si Jairus Arden, he made me fell inlove with him.

"Ayokong i-give up yung kung anong meron tayo pero mahal ko parin at alam kong sakanya ka parin wala naman akong laban sa first and true love mo eh. Naalala mo noong isang araw na sobrang cold ko sayo? She called me that day and I saw you and Zero kissing." Naguilty ako, Alexis deserves him more than I do. Hinintay nya si Jairus, siguro ay gusto lamang nyang maabot ang kanyang mga pangarap para buo syang babalik sa piling ni Jairus.

"I love you but it's not enough to give up my Alexis." Kumirot ang puso ko, pero tanggap ko iyon. Hinila nya ako para yakapin. Ilang beses kong ibinulong sakanya na okay lang iyon hindi nya kailangan magsorry.

Never syang naging sa akin, hindi ko sya pagmamay-ari. He's free to love her.

"Nagusap kami ni Zero kaninang umaga tungkol dito. Kapag sinaktan ka nya Penelope ulit, ilalayo kita sakanya hindi bilang boyfriend mo kung hindi bilang bestfriend mo" ngumiti ako at nakipag fist bump sakanya, sakto namang dating ni Zero kasama sila Dark.

"Ang drama nyo naman kanina" biro ni Arki na kunwari pang nagpunas ng luha. May humawak sa magkabilang balikat ko bago umurong ang upuan sa tabi ko.

"She declined. I'm sorry babe"

"It's okay. Mag pa-room service nalang tayo para sakanya"

Kahit papaano ay naging maluwag na ang dibdib ko, Jairus made the right choice his love should be reciprocated the way that he deserves.

Nang matapos kaming kumain ay nagkayayaan na mag pool. Grabe ang daming nangyare sa bakasyon na ito. Time flies so fast indeed, nilingon ko si Zero na may bitbit na dalawang twalya para sa aming dalawa.

He may fail me but I still fall for him everyday. Hindi nga talaga tumigil ang pagmamahal ko sakanya, sa limang taon na naghintay ako sakanya ay halos ikabaliw ko ang mga panaginip ko sa gabi. Halos inaraw araw ako ng panaginip na iyon, ang balitang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nya.

Siguro kung ibabalik ako sa panahon na iyon ay hindi ko na lamang sya papaalisin sa tabi ko, o mas mabuting sumama na lamang ako sakanya. I want to be with him the whole process of his healing. Hindi ko alam kung hanggang saan ang naalala nya ngayon pero wala na akong pakealam.

Maalala man nya ang lahat o hindi, ang mahalaga magkasama parin kami ngayon.

"Babe" umupo sya sa tabi ko at nilublob rin ang paa sa tubig. Tinanaw ko ang mga bituin na kumikislap sa kalangitan at ang buwan na na nagpapaliwanag sa paligid.

"Tanaw ka ng tanaw sa mga bituin, mas maganda ka parin" he's staring at me with so much love in his eyes nagsilbing liwanag ang buwan para makita ko ang kanyang mata. The eyes reflects our souls indeed.

I almost jumped when I saw a shooting star, buti nalang ay napakapit ako kay Zero.

"Zero! May shooting star! Let's make a wish!" He chuckled I think he find it silly. But I closed my eyes and wished. Happiness, all I want is genuine happiness because we all deserve to be happy.

"So, you wished for?" Tanong ni Zero ng sumandal ako sakanya, he stretched his arms para umakbay. Almost hugging me.

"Happiness. Ikaw nag wish ka ba?"

"Yeah, wish ko na sana matupad yung wish mo" I can't help but smile.

"Dapat nag wish ka rin para sa sarili mo" he rubbed his nose to my head.

"Right now I just wish you knew how much I love you. I wish one day I can address you as my wife, I'm willing to give you the world Penelope and so as my last name"

Hindi ako nakahanap ng tamang salita para pantayan ang kanyang sinabi. Napabuntong hininga nalang ako. This is where I should be, right beside him. Dito lang ako dapat, dito ako masaya. Yung masaya na kapayapaan ang nararamdaman. Dito. Sa tabi ni Zero.

Chương trướcChương sau