Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

43. Chuckie

Naguusap si Zero at Jairus pagkalabas ko ng banyo, sabay silang tumingin sakin at sabay ding umiling.

"Palit!" Sabay nilang sabi, hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa ng malakas. Gosh, sabay na sabay sila sa pag iling at pagsalita parehas pa silang nakakunot ang noo.

"Oo na po, magpapalit na" sabi ko habang kumukuha ng ripped jeans sa maleta. Hindi naman maiksi ang suot kong short pero above the knee parin ito.

Nakawhite shirt lang ako, ripped jeans at vans shoes. Pinataas ko rin ang buhok ko at may suot na cap. Napagtanto kong halos magkaparehas kami ng get up ni Zero, naka cap rin ito, vans at ripped jeans pero nakaitim syang t-shirt. Naka ripped jeans rin naman si Jairus pero naka janoski at polo shirt.

"San tayo una?" Tanong ko habang sinusukbit ang shoulder bag ko sa balikat ko. Tumayo na sila pinagbuksan ako ng pinto ni Jairus habang nasa likod si Zero na hawak ang bewang ko.

"Where do you want to go first?" Tanong ni Jairus habang naglalakad kami sa hallway, nasa gitna ako at nanliit ako sa sobrang tangkad nilang dalawa.

"Yung malayo para pag pauwi nalang yung mas malapit." Tumango naman sila pareho.

"Zero nasan si Star?" Bigla kong tanong, may relasyon parin naman siguro sila kaya dapat may pakelam parin sya dito. Saka ayoko rin namang saktan si Star kahit nakakainis yung ugali nya.

"Hindi ko alam" maikli nya lang sagot. He doesn't care about her now, nagiging malamig sya dito siguro para si Star na ang kusang makipag break sakanya. O baka nga wala na sila?

"You should call her, afterall kayo ang magkasama ikaw ang dahilan bakit sya sumama sa trip na to" tumango ito at kinuha ang kanyang cellphone sa back pocket nya at tumipa ng mensahe. Mga limang minuto lang ay lumabas na si Star. Naka crop top at short shorts ito, yung tipong naubusan sya ng tela. Pinasadahan sya ng tingin ni Zero saka umiling, ayaw nito ang damit nya pero hindi nya sinabi dito.

Star marched her way into where Zero is standing, she tiptoed to kiss him but he walked away.

"Okay, listen up guys." Sabi ni Dark na pumalakpak ng dalawang beses.

"Napagusapan namin na mag tetake turns sa pagdadrive since its gonna be one helluva long drive. So I'm taking Zero, Penelope and Ethan with me...

"Saan ako? Bakit paghihiwalayin kami ng boyfriend ko?" Masungit na tanong ni Star, sobrang lakas ng boses nya na ang ibang crew ay napatingin sa direksyon namin. Ang iba sakanila ay nagbulungan na, nakakahiya! Siguro iniisip nila na pinaghihiwalay namin si Star at Zero.

"Calm down will you? And let me finish" nakataas ang kilay na sabi ni Dark.

"So sabi ko nga sakin si Penelope, Ethan at Zero. Kay Jairus si Star, Arki at Nathan ngayong papunta. Pag uwi si Jairus, Penelope at Nathan ang magkakasama at yung naiwan ang akin. Any objections?" Ani Dark na nakatingin ng masama kay Star.

"Yes I object, why would you separate me from Zero? Hindi nyo ba naiisip na baka magselos ako o si Jairus?"

"Im not sensitive. Why? Don't you trust Zero?" Ani Jairus na nakahalukipkip at mukhang iritado na. "Ang dami ng delay ng trip na to dahil sainyo, particularly sayo! Ang dami kasing arte. If you don't want the set up then fine, maiwan ka. Let's go!" Dagdag naman ni Dark na naglakad na papunta sa kanyang sasakyan.

"Zero!! What now?" Hindi ito pinansin ni Zero. Naglakad na kami papunta sa sasakyan at iniwan si Star na nakatayo don. I feel sorry for her, pero tama lagi nalang kaming nadedelay dahil sa mga gusto nitong mangyari.

"Dark, yung pagdadrive mo ah? Si Penelope" rinig kong sabi ni Jairus, tumango lamang si Dark bago sumakay sa driver's seat. Zero opened the door for me, sa back seat kami pareho.

"Zero, si Star" nilingon ko pa syang nakatayo habang nakatingin sa direksyon namin, I care for Star kasi kasama namin sya. If ever na may mangyari sakanya kargo parin namin.

"She'll come if she wants to." Aniya bago umakbay sakin.

"Don't you think we are being too hard on her?" Ethan, Dark and even Zero shaked their heads.

"Let her learn her lesson, masyado syang spoiled brat kaya gustong lagi syang napagbibigyan"sabi ni Dark. Hindi na sumunod pa si Star, nakita ko nalang syang papasok sa villa ulit.

"Don't be sorry for her. Hayaan mo sya" ani Zero habang pinaglalaruan ang buhok ko. "Zero, girlfriend mo yun" sambit ko, I felt a lump on my throat every time I call Star his girlfriend.

"We broke up last night" kaswal nyang sagot. How come okay lang sakanya na hiwalay na sila? It's as if he didn't love her.

"Minahal mo ba talaga sya? Bakit parang okay lang sayo na wala na kayo?" Bulong ko sakanya na may halong inis, nakakadismaya lang na parang bumalik sya sa dati na kayang paglaruan ang damdamin ng mga babae.

"Mas okay na walang kami kesa walang tayo" wala akong nahanap na salita para sabihin kaya nanahimik na lamang ako, tango at ngiti na lamang ang sinasagot ko sa mga tanong nya.

"Are you okay? Galit ka ba?" Tanong nya sakin siguro ay napansin nya ang panlalamig ng pakikitungo ko sakanya, umiling lang ako at pinikit ang aking mata.

"I don't want to be with her, I want to be with you. If she's here with us everything will be so fucked up. Ang hirap ng may sagabal, babe. Please understand" bulong nya sakin bago sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Ang hirap hirap ng may pumapagitna satin, ang hirap ng may kaagaw sa atensyon mo, ang hirap na makitang kumikislap yung mata mo pag nakatingin ka sakanya. Ang hirap na magkasama tayo pero parang ang layo. Everything is so painful, but I need to cope up with all of these just to have you back. Hindi ko alam kung bakit kasi pinatagal ko pa, matagal ko naman ng alam na ikaw yung tamang piliin kasi wala namang nakapantay sayo." Pinanuod ko sya habang tinatype nya iyon sa kanyang notes, picture ko ang nasa wallpaper nya at picture namin ang nasa kanyang lockscreen.

"Kelan pa yang lockscreen at wallpaper mo?" Tanong ko sakanya

"Nung umalis ka ng condo. I've never been that scared Penelope. I searched everywhere to find you" aniya habang hinahaplos ang aking mukha. "Please don't do it again" tumango tango lamang ako.

"Love birds, gas lang tayo saka bili rin ng snacks. Sama ba kayo o magpapaiwan na kayo dito?"

"I want chuckie" masigla kong sabi, naging isip bata na naman ako ng masilip ko sa bintana na may tinda silang malaking chuckie. Zero chuckled bago kinuha ang wallet sa kanyang bulsa. "Bilhin mo na lahat ng nandun na chuckie bra, para dito sa bata" natatawa nyang sabi sabay abot ng isang libo.

Dumiretso sila sa grocery maging sila Arki ay pumunta rin, si Jairus at Dark naman ang kumausap sa mga gasoline boy.

"You owe me one kiss for every piece of chuckie" rinig kong sabi ni Zero sa tabi ko na pinaglalaruan ang knuckles ko.

I cupped his face and I kissed his left and right cheek, his forehead, the tip of his nose. I inhaled his manly scent while caressing his cheeks. I rubbed my nose to his before pressing my lips to his. I pulled away from kissing him but he pulled me and claimed my lips again, I gasped and his tongue entered my mouth. I saw how he closed his eyes and how he moved his lips against mine. He stopped when he saw Dark and Ethan coming our way. He hugged me, burying my face to his chest.

Tama lamang na niyakap nya ako para matago ko ang pamumula ng aking pisngi, I'm just teasing him!

"Iloveyou so much" he whispered loud enough for me to hear but his heart beats are louder than his words and I think that's what matters the most.

"Penelope, chuckie mo" I smiled widely like a kid who got another pair of new shoes or another toy from her parents.

"Thank you" I kissed his cheek after taking a sip on my chuckie.

"Anything for my queen"

Dahan dahan kong dinilat ang mata ko dahil kanina pa ako mahinang tinatapik ni Zero. Nakatulog ako sa byahe siguro dahil narin sa kabusugan sa chuckie at pagkaing binili nila.

"Anong oras na?" Tanong ko sakanya na sinilip naman ang kanyang relo "Eleven o'clock" sagot nya sa akin. Dalawang oras rin pala akong nakatulog dahil sa katakawan, kelangan ko ng mag gym pag balik ng syudad.

"Nasa Laoag na tayo" aniya.

"Well akala ko matatagalan tayo ng byahe, sur tayo galing eh norte tong Laoag but thank Heavens walang traffic" sambit ni Ethan na sya ng nagdadrive ngayon.

"Ang sabihin mo umiral na naman yung pagiging racer mo, hindi na bababa ng one twenty patakbo mo" natatawang sabi ni Dark. Racer si Ethan kaya naman mabilisan talaga ito pag magmaneho akala mo laging late sa pupuntahan sa sobrang bilis. Humalakhak lang ito sa tinuran ni Dark.

"Hindi nagpaiwan sila Jairus, bilis rin ng patakbo eh" dagdag ni Ethan na sinisilip sila Jairus sa likod.

"Mall lang muna tayo, bago tayo umikot sa mga churches. Gusto nyo ba mag sand dunes?" Tanong ni Dark, tumango ako dahil gusto ko talagang makapunta doon kahit mainit.

"Saang church tayo punta? Paoay nalang pero unahin na nating mag sand dunes" sambit ko um-oo naman sila.

"Hi Penelope" sabi ni Jairus sakin habang kumakaway, this guy is so cute. Kumaway rin ako at nag hello, papasok na kami sa mall para humanap ng makakainan.

"Gusto ko  yung empanada nila dito, the best guys" saad ni Nathan habang hinihintay yung order namin, syempre the usual Mang Inasal pagod raw sila at gusto ng unli rice.

"Bili nalang tayo saka ng souvenirs na rin, malapit sa kapitolyo yun ano?" Tumango naman si Nathan kay Arki. Sinundan ng tingin ni Arki yung nagserve sa amin ng pagkain kaya tinapik ko ang kamay.

"Type mo no?" Nakangiti kong sabi "hindi ah" pagdideny nya tinusok ko lang ang tagiliran nya. Si Zero ang nasa kaliwa ko na tinatanggal sa stick na nakatusok sa aking manok. Apat lang sa amin ang nagunli rice dahil iyon ang strategy namin, iba lang ang mag uunli rice at sila na hihingi ng rice para sa ibang hindi. Ang witty namin sa parteng iyon. Joke.

"Do you need more rice?" Tanong sa akin ni Zero ng makadalawang rice na ako at paubos na, tumango lang ako at ngumiti. Food is life.

Nakaapat na rice ako habang sila naman higit pa sa lima, I lost count good bye sa pinaghirapan nilang abs.

"Ano kaya pang tumayo?" Pangaasar ko sakanila nag thumbs up lang sila habang hinihimas ang kanilang mga tyan.

"I am so full" Zero uttered after sipping from his soda.

"Squad goals tayo sa cr mamaya guys" sabi ni Jairus na kinatawa nilang lahat.

"Shit bra, wag na kayo mag joke bibigay na yung tyan ko" Hinaplos pa ni Arki ang kanyang tyan na nakakunot na ang noo.

Tinagilid ni Zero ang kanyang ulo para silipin ako, mapungay ang kanyang mata habang ngumingiti sakin. Pinisil nito ang aking kamay na hawak nya sa ilalim ng mesa.

"Do you want to shop?" Of course yes, every girl loves to shop I guess so I nodded.

"Libutin muna natin tong mall, after thirty minutes kita kita talang tayo sa parking" si Dark, tumango naman kaming lahat. Nagsitayuan na, ikinawit ni Zero ang kamay ko sa braso nya. Dumiretso kaming dalawa sa department store, nilingon ko ang mga kasama namin at nagpunta sila sa mga ibang stalls.

Kumuha ako ng mga damit habang si Zero naman ay umupo sa high chair na para sa mga costumer na gustong umupo. Pumipili ako ng mga pang casual lang, gusto ko na rin ng bohemian style na mga damit. Kumuha rin ako ng mga jogger pants, skorts at shorts.

Sinilip ko si Zero at nakita kong naglalaro ito sa kanyang cellphone, tumingin rin ito sakin... tumitig, kaya nagiwas na ako ng tingin.

Kada sukat ko ng damit ay pinapakita ko sakanya, ngumingiti sya pag gusto nya at tataas ang kilay saka umiiwas ng tingin kapag hindi. Kaya yung mga hindi nya nagustuhan ay binabalik ko nalang, ayaw nyang magsuot ako ng maiksi.

Nagsusukat ako ng romper ng makarinig ako ng hagikgikan sa labas.

"Oh my gosh, kuhanan mo ng picture girl. Ang gwapo ano? Mahihiya ang mga greek gods dyan. "

"I wonder paano pa pag nakangiti? Ang gwapo na pag seryoso! Lapitan natin!"

"Hi! I'm Trisha, this is my friend Aleya." Rinig kong sabi ng lumabas ako sa fitting room, nakatayo sila sa harapan ni Zero kaya hindi nya ako nakitang lumabas.

"Sorry, I'm with my wife" sagot nito bago tumayo, nang makita ako ay lumapit sakin habang sinisipat ako. Lumakas ang pagtambol ng puso ko. Sinundan sya ng paningin ng mga babae na ngayon ay nakabusangot.

"I don't like that dress babe, please change" tinulak nya ako papasok ng fitting room at sinara ang pinto. Nakatayo parin sya sa harap ng fitting room dahil kita ko ang kanyang sapatos.

Ilang segundo pa bago ko inalis ang damit para magpalit, he told the girls that I'm his wife? Alright, be still my heart.

Binitbit nya ang mga napamili kong damit ng lumabas ako hindi ko sya matignan sa mata dahil nahihiya ako. Nilagay nya ang mga damit sa counter na ngayon ay iniisa isa na ng cashier, kinuha ko ang wallet sa bag ko pero nakita kong inabot ni Zero ang card nya.

"Ako na" sabi ko habang inaabot kay ate ang aking cash, pero umiling lang si Zero.

"Miss, just use my card" ate nodded, sinong hihindi kay Zero? Well, Ako.

"Zero.." Tinagilid nya ang ulo nya at sinandal sa balikat ko.

"No baby girl, I can so I will" niyakap nya ako at humagikgik naman sila ate namula tuloy ang aking pisngi.

"Ito na po sir" inabot nito kay Zero ang paperbags habang nakaplaster ang malawak na ngiti sa mukha.

"Do you want to buy more?" Tanong nito sakin habang naglalakad kami, hawak nya ang kamay ko at sa isang kamay naman ay ang aming mga pinamili.

Umiling lang ako, kahit gusto kong bumili pa sana ay ayoko naman na siya ang magbabayad sa mga gusto ko. 

"Ikaw? Wala kang bibilhin?" May labing limang minuto pang natitira para samin, ayaw ko namang maghintay kami sa parking ng ganoon katagal. Tumango ito kaya pumasok kami sa panglalaking stalls.

"Would you be comfortable here?" Umupo ako sa high chair malapit sa fitting room, tinabi nya sakin ang mga pinamili ko habang sya naman ay pumipili ng kanyang mga damit.

"What do you think?" Pinakita nya sa akin ang isang denim long sleeves na tingin ko ay bagay na bagay sakanya. Ngumiti ako at ngumiti rin sya.

Lumabas sya sa fitting room na suot ang long sleeve niya, napaawang ang labi ko ng ngumiti sya sakin habang tinutupi ang sleeves hanggang sa kanyang siko. Tama ang mga babae kanina, mahihiya ang mga greek gods sa kagwapuhan nya.

Lumapit ito sa akin habang inaayos parin ang sleeves, nakatingin naman ang sales lady na may hawak ng mga napili nyang damit. Kulang nalang maging hugis puso ang mata nito!

Inayos ko ang collar ng kanyang damit kaya napatigil ito at tumitig na lamang sa akin, I felt awkward but I smiled at him when our eyes met. Ilang beses syang humugot ng malalim na hininga habang inaayos ko ang kanyang damit.

"That's better" bulong ko, kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagngiti. Walang sabi sabi ay hinalikan nya ako sa labi.

"Ay!" Tili ni ate, maging ako ay nagulat mabuti na lamang ay nakakapit ako sa leeg nya, damn it.  The whole zoo in my stomach gone wild.

"I love you" ngumiti ito bago humakbang papasok sa fitting room.

Chương trướcChương sau