Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

29. Brainwashed

He washed the dishes just like the usual, ako magluluto siya ang maghuhugas. Mahaba pa ang araw kaya pagkatapos niyang magluto ay nag isip siya ng puwedeng gawin.

"Mmm.. Why not tell me stories about our past?" Aniya saka ako inabutan ng throw pillow

"Okay. Nagkakilala tayo dahil kay Trey. Amo ko siya nun, nagtatrabaho ako sakanila bilang yaya ni Ashton"

"And we used to play video games? You used to peel your fingers"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Napasuntok siya sa hangin at napangiti sa akin.

"I got it right, right? Sabi ko na nga ba hindi si Star iyon eh, lagi niya kasing sinasabi sa akin na siya yon but she doesn't even know how to play Guitar hero. Basta alam ko paborito ko yung larong iyon"

What the hell?! Sa pagkakaalala ko kwinento ko kay Star yung nga ginagawa namin ni Zero noon. Everything! Yung mga nilalaro namin, mga pagsusungit! Lahat! She was my friend!

Well atleast she WAS. Napailing nalang ako.

"Nung nakilala kita, may iba sayo. Okay I have to admit this, nung una kitang nakita napatigil ako. Your personality screams authority. Para kang gangster!" I said giggling, pero badtrip talaga ako kay bes.

"Hindi ko alam bakit mo ako nagustuhan, hindi ko rin alam bakit nahulog ako. Hanggang sa isang araw alam kong mahal na kita, pero ikaw si Zac Erwan Rutherford O'brien isa kang playboy. Nakita kitang may kahalikan sa locker room" Napakunot ang noo niya, para bang handa siyang makinig sa mga sasabihin ko.

"Lahat iyon nilunok ko, tinanggap ko. Kahit yun paggamit mo ng marijuana noon" napataas ang kilay nya, tumango lang ako.

"Tama ka, ikaw ang first kiss ko. Dito. Sa counter top. Doon ko nakumpirma, mahal kita. Pero lagi kong tanong sa sarili ko, mahal mo rin ba ako?"

"Hindi ko alam kung paano tayo naayos, si Jairus, siya ang tumulong sa atin. Si Trey, best friends kayo pero gusto niya rin ako.."

"Inaagaw ka nya sakin? Pero dahil kapatid ang turing ko sakaniya pinagbibigyan ko siya? Naalala ko yan. Matagal na. Hindi ko lang alam kung sino sila kasi nga di ko maalala noon"

"Kaya mas dapat mo siyang layuan, pati si Jairus. Nagseselos ako." Walang takot niyang sabi.

Eh paano ako kapag kasama niya si Star? Ako ba hindi magseselos? Kanino ako lalapit kapag magkasama sila?

"Gaano kayo katagal nagsama ni Star?" I asked, I breathed so hard habang hinihintay ang sagot niya.

"Five years"

Ganun katagal. Ako? Magiisang taon? Anong panalo ko sa limang taon na yun? Hindi ko alam kung saan umabot yung relasyon nila sa limang taon na iyon, hindi ko rin yata kayang alamin.

"Naging kami two years ago" aniya habang nilalaro ang daliri ko.

"Sorry. Wala akong maalala eh. Lahat ng sinasabi sakin ni Star noon, hindi ko maalala"

"Ano bang sinasabi niya?" I asked, gusto kong malaman kung ano ang mga iyon. Itatama ko ang mga mali niyang sinabi. I suddenly think she brainwashed him!

"She told me we went to a ball, I asked her to be my girlfriend. Matagal ko na raw siyang girlfriend, hindi ako kumbinsido dahil siguro wala akong maaalala. Pero nung minsan kinantahan niya ako.. yung kanta na yon naririnig ko iyon sa panaginip ko"

"I learned to love her, even though high maintenance siya." I swallowed hard, she brainwashed him but he learned to love her!

"She told me I got her pregnant, nagaway kami kasi ayaw ko daw panindigan. Pumunta raw ako sa U. S, sinundan niya ako hanggang sa napagusapan ang kasal. But the tragedy happened..."

"What the hell?!" Napatayo ako sa inis, why is she making up stories?!

"I was hugging her when I woke up nung nagplane crash, she suffered from amnesia too. After a year she got better, hanggang sa iyan she told me everything she knows about us. Pero hindi ako naniwala... Pakiramdam ko may mali."

"Talagang may mali!" What the hell?!" She's a bes! She's a snake!

"Ayaw niya kaming bumalik sa Pilipinas hanggang sa after five years ng makaipon ako, nagdecide akong magbakasyon dito. Ilang beses na akong bumalik sa condo na to pero walang tao, hanggang sa umuwi rin siya kaya hindi na ako ulit nakabalik. She went out with friends, kaya bumalik ako dito. Dito ako pinupunta ng mga paa ko kahit wala akong maaalala. Hanggang sa nahanap mo ako, dad told me you never gave up. Pero hindi kita kilala, wala akong maalala"

"Until I saw you. There's something about you that makes me feel warm. Sayo ko lang naramdaman iyon Penelope. So I'm begging you, help me remember." I saw desperation in his eyes when I looked at it.

Yes, I would do everything to make him remember me, us. Kung pwedeng bakuran ko siya, gagawin ko. Hanggang sa mag break sila. Call me whatever you want, I don't care. Fuck it, she brainwashed him, kinulong niya si Zero, binaliktad niya ang lahat, gumawa siya ng kwento.

Ipapaalala ko kay Zero ang lahat. Kung hindi lahat, gagawa kami ng mga bagong ala-ala. Sakin sya. Mula noon, hanggang ngayon.

I'll make him mine again, all mine. Okay na siguro yung five years na pinahiram ko sakaniya.

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa tunog ng cellphone niya, his wallpaper was the usual ios wallpaper. Si Star ang tumatawag, hindi ko alam but he looked at me as if he's asking for my permission.

I just nod as a response.

"Yes Star?" Bungad niya, nakatingin lang siya sakin. He pressed the loudspeaker on the screen.

"Where are you? Nasa bahay niyo ako" pagalit nitong sabi.

"I am just trying to redeem my old self" kalmante nitong sagot.

"You don't have to! Past is the past Zero!"

Namayani ang katahimikan, I can't believe it, I cringe at the way she call him Zero. He is my Zero, damn it!

"Why do you call me Zero?" He asked. I was taken a back.

"Don't divert our topic to your topic Zero! You don't have to think about the past!" Nagtaas na iyo ng boses, she's avoiding his question!

"Just fucking answer me!" Kalmado ngunit galit nitong sabi. Napangiwi ako.

"Its your n-nickname!" She's tensed! She's on panic!

"I know that, where did it came from? Saan galing?" He asked again, this time nakahawak siya sa kamay ko.

"Iyon ang tawag sayo ni Tita Zoelle! Ano bang problema mo? Isn't it cute?"

"You know she calls me by my name. Why can't you answer me?" Minasahe niya ang sentido nya, he's hella mad!

"Kasi nakalimutan ko na! Ano ba Zero? Fuck it!"

"You just can't answer me! Stop lying! Tss" and he ended the call.

"Joyride tayo" aniya ng kumalma

Tahimik lang kami ng sumakay kami sa elevator, the silence is deafening.

"I'll drive" putol ko sa katahimikan, he nodded.

"Better, hindi ko maalala yung daan dito" aniya

Bubuksan ko na sana ang pinto sa driver's seat pero inunahan niya ako, Nagpasalamat ako at ngumiti lang siya.

"Where to go?" He asked habang nilalagay niya ang seatbelt niya.

"School" sagot ko.

"Can I borrow your phone.. Uh-I just want to check your gallery" napangiti ako sa sinabi niya he's adorable when he stutter.

"Go ahead." Sabi ko saka ko inabot sakaniya ang cellphone ko

"Wala kang latest pics? Wala kang selfies? O kakapalit mo ng cellphone mo?"

"Kakapalit. Pero hindi talaga ako mahilig magselfie, I was living a miserable life when I lost you." Prumeno ako dahil nag red light.

"Kada palit ko ng phone binubluetooth ko mga pictures nating dalawa" dagdag ko.

"Balik tayo dito" aniya saka pakita sakin ang picture namin na kuha sa Balesin.

We were kissing on that picture, nakapikit siya at nakangiti ako naman ay nakayakap sa leeg niya. Iyon ang wallpaper ko.

Larawan ng isang magkarelasyon na puro lang saya at walang problema. Napangiti ako ng mapait, saka tumango.

Nang makapagparking kami ay sabay kaming bumaba sa sasakyan. Maraming lumilingon sa amin habang naglalakad kami.

Zero is one hell of a head turner, hindi sapat ang isang tingin lang, mapapalingon at mapapalingon ka. Kahit hindi siya nakangiti ay malakas ang dating niya.

Nabigla ako ng umakbay siya sakin, awtomatiko na ang pagbilis ng pintig ng puso ko lalo na ng lingunin nya ako at nginitian.

"Stop being so attractive, the boys are looking at you" aniya, humalakhak lang ako.

"Ikaw nga ang pinagtitinginan at nililingon. Ang dami mong fangirls" biro ko sakaniya

"I don't care, tss" aniya saka umirap tumawa lang ako.

"I don't care about them either, kanina pa nga ako nakatingin sayo" I said as a matter of fact.

Dinala ko siya sa music room, walang tao doon at andoon pa ang gitarang ginagamit ko at ang mga instrumentong ginamit nila. Lumapit siya sa bulletin board na may mga pictures namin.

For three years na wala na kami dito sa school akala ko ay tinanggal na nila ito. Pero andito pa pala. They were the crowd's favorite band, and I heard may bago ng school boy band pero not as good as Zero's band.

"Vocalist huh?" Aniya nilingon ko siya at nakita kong pinagmamasdan niya ang mga litrato namin nung school fair.

"Yup. You were a band vocalist. Noong school fair yan, nag duet tayo after you and your band performed." Kwento ko sakaniya

"Dito mo sinabing mahal mo ako" Dagdag ko, I reminisced what happened back then.

I wanna throw my self to him and hug him when he told me he love me, but I was too jealous and I was so scared. Ilang beses na siyang nagpakita na mahal niya ako noon pero ilang beses na ba akong nabigo?

Dinala ko siya sa kung saan ko siya sinagot.

"I suffered from extremed head pain when I remembered a scene on this place. I was with a girl and we were hugging"

May mga espesyal na pangyayare siyang naaalala hindi ko na itinago pa ang malaking ngisi ko.

"Dito kita sinagot" sabi ko nanlaki ang mata niya

"So that explains the hugging. How long we've been together?" Napalunok ako ng tinanong niya. Damn it, two months lang kami at sila naman ni Star ay two years. Anong laban ko don?

"Two months" bulong ko "habang kayo ni Star two years na kayo" dagdag ko saka ko kinagat ang pang ibabang labi ko.

"Five years and two months na pala tayo. Ang tagal na" aniya "isali mo rin yung five years na nawala ako."

Ngumiti ako lalo na ng hinalikan niya ako sa noo.

"I really want to remember everything about us." Aniya habang naglalakad kami sa mahabang pathway. He's holding my hand and it makes my heart flutter.

"May naging boyfriend ka ba nung wala ako?" Tanong niya, mabilis akong umiling kaya ngumiti siya.

"Good. Itong sugat mo ipalinis mo sa hospital bago tayo ulit mag joyride"

Napatigil kaming dalawa ng dumaing sya habang hawak ang kanyang sentido, napahawak siya ng mahigpit sa kamay ko kaya napaaray rin ako.

"Damn it! Fuck shit!" Daing niya, napangiwi ako ako sa higpit ng hawak niya sa akin pero hinayaan ko lang na kumapit siya sa akin.

Mga ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at sumandal sa poste ng pathway.

"Okay ka lang? Anong nangyayare sayo?" Nagaalalang tanong ko sakaniya

"May naalala ako" he whispered

"Talaga?! Ano yon!?" I asked, muntik ko na siyang talunan! Penelope fucking calm down!

"Wala. Come on papagamot pa natin yang kamay mo" he said coldly, may problema ba?

Huminto ako sa paglalakad kaya pati sya napahinto rin, sumandal ako sa poste at huminga ng malalim. Nilingon niya ako mga ilang segundo ang nakalipas.

"Anong problema?" Tanong niya

"Ikaw. May problema ka?" Tanong ko rin sakanya. Gusto ko lang malaman kung ano yung naalala niya. Is it a bad thing from the past? Kaya ko naman iyon iexplain sakaniya.

"Kung ano man yung naalala mo, hindi ko babaliktarin yung ano mang kwento behind it. I promise I will be honest. I owe you the truth Zero. "

Huminga sya ng malalim at dahan dahang pinakawalan ang hangin.

"Trey.. T-rey kissed you?" Tanong niya saka tumingin sa malayo.

Humakbang ako papalapit sakaniya at hinawakan ang kanyang kamay. Idinikit ko ang sarili ko sakaniya, napabuntong hinga ulit siya. I can hear his heartbeat at mabilis iyon.

"School fair. Namahala kayo ng booth. Kila Dark at Arki, dare booth. Napiling dare ni Trey iyon, bigla niya akong hinalikan." Tiningala ko siya, nakapikit siya na para bang inaalala ang sinasabi ko.

"Iyon yung dahilan kung bakit tayo tumira sa iisang condo lang Zero. Nagtatrabaho ako bilang yaya ni Ashton, gusto mo ako, gusto ako ni Trey. Gusto kita" Yumuko siya at nagkasalubing ang mga mata namin.

Hinawakan niya ako sa bewang and he pulled me closer, he tucked my hair behind my ear. The tip of our nose touched, and when he about to claim my lips.... his phone rang.

It was a text from Star.

Star:

Zero, I'm sorry. Naalala ko na kung saan ko nakuha yung Zero na tawag ko sayo, initials ng name mo right? Alam mo naman na nagkaamnesia rin ako right? :)

Tinitigan niya lang iyon kaya nabasa ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at napasinghap. Kwinento ko iyon sakanya at naalala niya na. May mga detalye tungkol kay Zero na ikwinento ko sakaniya lalo na nung magkaibigan pa kami. She can use it to mislead him.

Natatakot ako na baka sa huli.. l baka sa huli siya yung piliin. Kung tutuusin sa limang taon nilang magkasama hindi ko na alam kung gaano kalawak ang relasyon nila.

Nahirapan na akong huminga at naramdaman kong gustong kumawala ng mga luha ko. Tinignan ako ni Zero at pilit akong ngumiti.

"She's right. But I was the one.. I was the first one who called you that" sabi ko habang nakatingin sa sahig. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya doon o hindi, bahala na.

Chương trướcChương sau