Bumaba muna ako para magluto sana ng fries man lang, I'm starving. Binuksan ko ang ref and looked for foods na pwede pang iluto, muntikan ko ng mabitawan ang hawak kong bag of fries ng makita ko si Zero na batid ko'y kakababa mula sa taas.
"Why are you letting Jairus hug you?" Diretso niyang tanong without even blinking, nahigit ko ang hininga ko at I felt uneasy.
"We're friends and I think that's normal" finally I answered pagkatapos kong mailapag sa counter top ang mga hawak ko, naghanap ako ng oil sa cabinet at kumuha ng may nakita ako. That hug bothered him huh? Nakataas ang kilay nya ng harapin ko siya.
"Ohh, yeah. Maybe that's the answer. Hindi ko alam kung bakit ko tinatanong, I can't even describe what is this feeling" aniya na parang batang nagsusumbong.
"Hindi ka nagagalit dahil nagyakapan kami, nagagalit ka kasi di mo alam kung anong mararamdaman mo para doon." He nodded. I sighed, paano ko ba ieexplain? Hindi nya nga nagets nung sinabi kong girlfriend nya ako diba? Ano banh gagawin ko?
I extended my arms offering a hug, nung una ay nagalangan siya pero mga ilang segundo lang ay humakbang siya palapit at yumakap. My eyes began to water, the feeling that I'm feeling is overwhelming. Naghalo halo lahat ng emosyon ko, pangungulila, lungkot, sakit, tuwa at kilig.
Lahat yata ng pangungulila ko napawi ng yakap na iyon, pero at some point ang sakit sakit kasi dapat ako lang ang yayakap sakaniya ng ganito pero sino ba naman ako sa buhay niya ngayong wala siyang maaalala?
Dapat ako yung tinititigan nya, ako yung hinahalikan nya sa noo. Wala. I can only hug him when I'm allowed to, pag pwede. Kelan nga ba pwede? Kelan nga ba dapat? Alam kong may maaapakan, may masasaktan. Hindi ko na alam.
Ngayon kaibigan lang ako, at may iba na siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'baby ako yung girlfriend' mo pero ayoko namang magmukhang desperada, pero sino bang niloloko ko?
Desperada naman talaga ako, I am craving him and I want him, pero hindi pwede. Ayokong maging makasarili, ayokong makasakit rin ng kapwa ko babae.
Hindi ko namalayan na humahagulgol na pala ako, he lifted my face and he wiped my tears off of my face. Mas lalo akong napaiyak, mas lalong bumuhos ang mga luha ko
Five years ago isang linggo yata akong umiyak, hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa sakit pagkatapos noon halos hindi na ako makausap, I isolated myself wala akong napaglabasan ng sakit kaya siguro iba ang iyak ko ngayon.
"Sa akin ka dapat pero bakit hindi kita maangkin?" ni sarili ko ay hindi ko na maintindihan, sinubukan kong magsalita ulit pero alam kong hindi niya rin naman maiintindihan.
"Last five seconds..." I begged.
One..
Two..
Three...
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko, asar na asar ako sa mga traydor kong luha na patuloy parin sa pagtulo!
"Stop crying, baka isipin nila pinaiyak kita" aniya, umiling ako "Don't fret, alam naman nila na namiss lang kita. Balik ka na dun.. sa.. girlfriend mo" my last words choked me, sinakal ako at hindi ako nakahinga.
He went upstairs, and I was left there. I composed myself bago ko napagpasyahang magluto na talaga. Pinaserve ko na sa taas pagkatapos. Hindi na rin ako kumain dahil nawalan na ako ng gana.
I need water, I want my safe place. Gusto kong malunod, gusto kong lunudin lahat ng sakit.
I changed my clothes saka ako kumuha ng coins, inihagis ko iyon sa pool at hinintay na bumagsak iyon sa tiles ng pool. I dived after a minute, sinisid ko lahat ng mga coins na itinapon ko kanina.
Habol hininga akong umahon muka sa pagkakasisid, binilang ko ang coins na nahanap ko. Aapat palang dapat sampo ito, sumisid akong muli at hinanap ang anim pang natitira. Nang mahanap ko ay tumayo muna ako sa gilid.
Nagipon muna ako ng hangin, nang tingin ko ay sapat na ang hangin na naipon ko umupo ako sa ilalim ng tubig.
This is really my safe place, dito parang walang mananakit sakin. Funny that the water can kill the shit out of me, traydor ang tubig. Kahit gaano ka pa kagaling, kung malulunod ka, malulunod ka. Pero iyon ang gusto kong mangyare, malunod ako. Kasi ang sakit sakit na, I thought I can handle this.
I closed my eyes para akong hinehele ng tubig at gusto akong patulugin, nabigla ako ng bigla akong umangat sa tubig at may bumubuhat sakin. Nalagyan ng tubig ang ilong ko mula sa pagkakaangat ko sa tubig.
I opened my eyes to see Zero and his worried face, I touched his cheeks kaya napatingin sya sa akin.
"What happened? What are you doing?!" Pagalit niyang tanong, I was shocked ngayon lang niya kasi ako binulyawan ng ganito. "You scared me Penelope!"
Hindi niya napansin ang takas na luhang pumatak sa mata ko dahil na rin siguro sa parehas kaming basa. Pinaupo niya ako sa isang bench.
"Tell me what happened?!" Tanong niya ulit "I.. i w-was just si-sitting under the water" sagot ko, its the truth anyway!
Mula sa nagaalalang Zero, nakita ko kung paano rumehistri ang galit sa mukha niya.
"Tinakot mo ako! Akala ko nalulunod ka na, tapos nakaupo ka lang pala don! Ano namang utak meron ka para umupo dun? Do you really think it's funny? You scared the shit out of.. "that's enough!" Rinig kong sabi ni Jairus, nandun na silang lahat. Narinig siguro nila ang boses ni Zero.
"Under water is her safe place, doon niya nilalabas lahat ng sama ng loob nya. Hindi mo alam kasi nawala ka ng limang taon" ani Jairus, binigyan niya ako ng towel at pinunasan ang mukha ko "Stop crying" aniya.
"Is she some kind of a mermaid?" Natatawang tanong ni Star, inirapan niya ako ng magtama ang tingin namin "Mind your own business" sabi sakaniya ni Kuya kaya umirap siya dito.
"Sorry" I whispered, naging kalmado siya pagkatapos noon. Natutuwa ako at some point kasi nagalala siya, he cares for me and that's a good sign! And he acts like my Zero, wala nga lang siyang maalala tungkol sa aming dalawa.
"So since basa naman na yung dalawang lovebirds.. Este si Zac at Penelope, let's start the party!" Masayang sabi ni Arki, natawa ako kasi tinawag niya kaming love birds, napakunot ang noo ni Zero ng marinig iyon na para bang iniisip kung tama ba ang narinig niya.
Arki and Dark dived at the pool, si Nathan naman nagtanggal ng damit si Ethan naman umupo muna.
"Namumula ilong mo" puna ni Jairus sa ilong ko "nalagyan ng tubig?" He asked kaya tumango lang ako. Hawak hawak niya ang kamay ko ng hindi ko namamalayan.
Zero's jaw clenched, saka siya tumayo para pumasok sa bahay. Agad namang kumapit sa braso niya ang girlfriend niya.
"Sige na go and swim" sabi ko kay Jairus, he nodded saka nagtanggal ng shirt I looked away agad.
Isinet-up ko ang pagiihawan namin ng makakain mamaya, Trey is helping me kaya hindi na ako nahirapan. Bumaba na rin sila Zero na nakapagpalit na ng damit.
Bakit kelangan kasama pa si Star pag magpapalit siya ng damit?
Isinantabi ko nalang muna ang pagiisip, kinuha ko ang mga marinated na chicken at pork barbecue sa ref. Handa na ang grilling station nilapag ko na ang mga lulutuin sa mini table para masimulan.
"Okay ka lang ba?" My brother asked, nakaakbay siya habang nagpapaypay ako ng niluluto. Kung dati I would feel really uncomfortable ngayon wala na akong maramdaman na pagkailang. He's my brother at hindi na dapat ako mailang hindi ba?
"Yes of course" sagot ko "Kahit ganyan sila sa harap mo?" He asked again. Tumingin ako sa naghaharutang Zero at Star, nagsasabuyan sila ng tubig and they were laughing. Nakita ko kung pano siya ngumiti kasama si Star, at kung pano ngumiti si Star kasama siya. Para akong sinasaksak ng mga oras na iyon. Ito yung moment na mapapa "That should be me" ka nalang
Tumango lang ako, siya na ang nagasikaso ng lulutuin dahil tumunog ang phone ko at tawag iyon mula sa aking secretary. May urgent online meeting ako from our clients from US.
"I'll give you an update about that sir, just give me a day or two. I'm on a day off today so I can't process your queries as of the moment"
Pagkababa ko palang ng tawag sa US may skype call agad ako galing sa isa pang kliyente I greeted Ms. Cadeliña with a smile
"My secretary would send informations about your inquiries ma'am. Your request for a meeting will be scheduled as soon as my schedule permits.."
"Yes ma'am, I will be on US again next week so let's just meet at our main office then?" After the call nag review muna ako ng files and reports that I have to check.
Frank called again so I answered, he's a client too at malaki ang shares nila sa kumpanya.
"Yes Frank?" Bungad ko
"Are you free today?" He asked "And sino yung sumagot kanina? May boyfriend ka na ulit?" Dagdag pa niya.
"Uhh yeah. Sorry Frank I have to say no this time may reports ako ngayon and marami akong gagawin" I ended the call and proceeded to the reports.
"Sabi namin hang out hindi yung nagsasarili at gumagawa ng reports sa trabaho" hindi ko na pinansin pa si Jairus, something caught my attention sa mga files na binabasa ko.
Naglapag siya carbonara sa table at juice, nagangat ako ng tingin sakaniya at nagpasalamat.
"Balik ka na dun tatapusin ko lang to saglit" sabi ko ng di tumitingin sakaniya pero humila siya ng upuan at umupo.
"Are you avoiding me?" Tanong niya
"Why would I Jai-Jai? I'm just busy" kaswal kong sagot. Hindi ko iniiwasan si Jairus, he's my best friend!
"Because I'm being clingy and touchy with you" he pouted tinigil ko ang pagtipa ko sa akong laptop, this guy is so cute. Kapag hindi nila ako nakakasama sa gimik di nalang sila tumutuloy, sa condo nalang sila para maglaro at aliwin ako.
"It's okay with me, and besides we are friends" sabi ko saka bumalik sa pagtatype.
"It's Zero that I'm avoiding, hindi ko pa kaya. For five years para akong siraulo, waiting for him to comeback habang siya nakahanap na pala ng iba. Well anyway I truly understand the fact that he has amnesia hindi ko lang maintindihan kung bakit si Star pa? Naisip mo yun? Paano diba?"
I inhaled filling my lungs with air pero bakit parang nakukulangan ako ng hangin? Pag ba pakiramdam mo broken ka bumabagal ang pagpintig ng puso mo? Deep inside this feeling kills me. Wala na siyang sinabi pa, inoobserbahan nya lang siguro ako habang pinagaaralan ang mga reports.
Pinatay ko ang laptop at inakay siya papunta sa pool kung saan walang maririnig kung hindi hagikgik ni Star, I swallowed hard. Kelangan kong makisama, kahit nakakawalang gana.
Umahon si Trey at lumapit sakin tinanong niya kung saan ako galing sinabi ko sakaniya na marami akong inasikaso sa work.
"Why are you making yourself so busy?" He asked
"May work po ako" I answered saka pinisil ang ilong niya its my favorite part of him, I find it cute.
"File a leave" he said with authority, umiling ako. Keeping myself busy is my escape from reality.
"I want to keep myself busy, its my escape" I smiled at him
"Don't fake your smile, if you're not happy then don't fucking smile. I know you feel hollow inside" aniya sabay pisil sa kamay ko. Nabura ang ngiti ko sa sinabi ko, that's the truth!
"Trey, how can emptiness be so heavy?" I smiled again trying to suppress my tears.
"Halika ka nga! Naiirita ako!" Aniya saka ako hinila palayo
Nagpunta kami sa lanai at pinaghila nya ako ng upuan, he bended a little para magkalebel kami, he cupped my face stared at my eyes.
"Cry now baby" and as if its my cue I let all my tears fall, humagulgol ako sa balikat niya. Gusto kong ibuhos lahat ng bigat na nararamdaman ko. I really need a good cry.
The hell, what's good at crying your heart out just because you're broken? Wala. Pagkatapos mong umiyak hindi ka naman magiging immune sa sakit eh.
Marahan niyang hinaplos ang likod ko, well ito ang benifit ng mayroong kuya o kapatid na lalaki they're good at comforting too.
"Everything will be fine soon, just be patient" aniya, hindi ko na siguro namalayan na nakatulog na ako sa balikat niya.