"I've never seen you smile like that for the past few years. Mukhang masayang maya ka ha?" Jairus said "of course I am really happy. Pinakitaan namin ng picture si Manong Guard at sinabi niyang siya nga ang nakita nya. Imagine after five freaking years!" Niyugyog ko pa siya ng bahagya, tumawa lang siya.
Kumalat ang balita sa Pilipinas, nagbigay ng malaking premyo sila Tito sa kung sino man ang makakapagturo kung nasaan si Zero.
Nasa meeting ako ng makatanggap ako tawag, hindi ko muna iyon sinagot dahil I'm with inverstors and future investors. Nang matapos ang meeting ay agad ko ring tinawagan si ate Zoe.
"Hello ate? Pasensya ka na, kakatapos lang kasi ng..."
"He's Back!!!"
Nanikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I thanked her and I ended the call. May sinasabi siya sakin yet I failed to understand.
Isa lang ang naintindihan ko, he's back after five long years of waiting.
Madali akong nagmaneho papunta sa hotel na tinutuluyan ko dito sa L. A, Uuwi na ako. Nag book ako ng flight at kinabukasan ako aalis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ako makakalma!
I bit my lower lip while touching my pendant, namasa ang pisngi ko sa mga takas na luha galing sa mata ko. That night nakatulog akong umiiyak ulit pero this time dahil sa tuwa.
Bumalik na siya...
Hindi nila alam na uuwi ako kaya nag taxi ako papuntang condo para kunin yung Lexus ko. Kinakabahan ako habang nagmamaneho papunta sa bahay nila, at dumoble ng nasa harap na ako ng gate nila.
The guards opened the gate para makapasok ako, I parked behindi Ate Zoe's car. Hindi muna ako bumaba dahil kabadong kabado ako! Hindi ko alam kung ano bang ire-react ko pag nakita ko siya.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumaba ng sasakyan, my heart beat is deafening. Naestatwa ako ng makita ang isang lalaki na nakatingala sa pader na punong puno ng mga litrato ng pamilya.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, nanikip ang dibdib ko at namasa ang gilid ng mata ko. Humakbang ako pero natigil ng lumingon siya sakin.
Ibang iba siya sa Zero na nakilala ko. He changed a lot. Lahat ng minahal kong facial features nya ay nagmature. He confusely looked at me. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako makahinga!
"Sino ka?"
Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Is he kidding me?
"Zero it's me Penelope" I answered him back hahakbang sana ako papalapit pero gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.
"Hindi kita kilala..."
"Ohh.." Iyon lang ang nasabi ko, humakbang siya papalapit sakin kaya napaatras ako "Why are you crying? Did I offend you? Kapatid ba kita? Pinsan?" I bit my lips trying to process his questions.
This is really cliché!
"Zac! Oh, andito ka na pala Penelope. How's your flight?" Tanong ni Ate Zoe na may hawak na tray na may pagkain. "Who is she ate?" Tanong sakanila ni Zero saka nito kinuha ang tray mula sa kanyang ate.
Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili. Naiinis ako na naaalala niya sila Ate pero ako hindi. Is he playing games with me? Because he needs to stop it cause it's not funny!
Tinignan ko si Ate na para bang naghahanap ng sagot "Well excuse me Zac. I have to talk to Penelope"
"Ah! Penelope... That's a nice name" he commented, para tuloy nag alburoto lahat ng paru paro sa sistema ko. Ugh!
"He's suffering from amnesia. May mga naalala na siya pero unting details lang. He'll be having his therapy
later" bungad ni Ate sakin ng dalhin niya ako sa lanai. Nanlumo ako, hindi niya na talaga ako naalala?
Post Traumatic Amnesia, yun ang sabi ng doktor. Nabagok siguro siya nung nangyare ang insidente, maraming sinabi pero hindi ko maintindihan.
My mind is fogged up with informations. Maaring maaalala niya kami ngayong nasa poder na namin siya ulit at maaaring hindi na and it pains me.
I sat alone in the lanai looking at our sweet photos in my phone. Sabi ng doktor pwede namin siyang tulungan na makaalala kelangan namin ikwento sakaniya yung mga nakaraan.
Pwede kami magpakita ng mga bagay na pwedeng makapag trigger ng memory niya. Gusto kong unti untiing ipaalala sakaniya lahat, ayoko siyang mapressure.
Nahigit ko ang hininga ko ng umupo siya sa katapat kong upuan. Nanuyo ang lalamunan ko at nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
He smiled at me, I missed that smile after five years nakita ko ulit yung ngiting iyon.
"Bakit ka ba laging umiiyak pag nakikita mo ako?" Tanong niya, inabutan niya ako ng panyo at tinanggap ko iyon. Kahit anong ibibigay nya ngayon tatanggapin ko iyon, kahit sakit dahil di niya ako maalala.
"Masaya lang ako na nandito ka na ulit." "Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko kanina, kapatid ba kita?"
Kinagat ko ang pangibabang labi ko, napansin kong napatingin sya sa labi ko.
"Girlfriend mo ako" I said he looked confused " As in girl friend? Babaeng kaibigan? Oh wait" he paused, someone is calling on his phone.
Napangiti siya ng makita ang caller sa screen "Babyboo" bungad niya ng sagutin ang tawag.
The pain is smothering me, hindi ko na napigilan ang mapaiyak kaya tumayo ako at pumunta sa aking sasakyan. Dito ko iniyak lahat, may iba na siya. May iba na siyang tinatawag na 'babyboo'.
Tatanggapin ko lahat pero hindi ito, yung katotohanang baka may iba na siya. Sa limang taon na nawala siya at walang maalala hindi naman imposible yun diba?
Hindi ko na namalayang nakatulog ako kakaiyak, nagising nalang ako ng may kumakatok sa bintana ng kotse.
"What are you doing here? Halika na sa loob nandito si Trey at Ashton" sabi ni Jairus kaya nagayos ako ng kaunti, I need to conceal my puffy eyes.
Nakaakbay sakin si Jairus and I thank him for that my knees are trembling feeling ko babagsak ako anytime. Dumako ang mata ni Zero sa kamay ni Jairus kaya napakunot ang noo ko.
Pero mas lalong kumunot ang noo ko ng makita si Star, what is she doing here?
"Hi Rae" she waved at me saka niya hinawakan ang kamay ni Zero, nanuyo agad ang lalamunan ko and I felt cold. Nagbulungan sila saka nagtawanan. I can't stand it kaya dumiretso ako sa mini bar where Trey is.
"Absinthe please?" Tinignan lang ako ni Trey saka sya nagsalin ng alak sa baso. I was about to grab it pero itinaas niya iyon sa ere.
"Do you really think I'd let you drink this Penelope?" "Ehh akin na yan!" Rinig ko ang tono ng pagsusumamo sa boses ko pero inabot niya lang ito kay Jairus, Jairus smirked pagkatapos nitong lagukin ang laman ng baso. Unfair!
"I can only offer you a ladies drink" I pouted at Trey, niyakap niya ako mula sa likod "Don't be jealous of them, and absinthe will never do you any good" he whispered.
I can feel him staring at me kaya lumingon ako, nang magtama ang mga mata namin umiwas siya ng tingin. Sinipat ko ang orasan at nakitang alas otso na pala ng gabi.
I sat beside Ashton, he looked at me and I can see that he's worried. I ruffled his hair and he just smiled.
"Ate diba ikaw yung girlfriend ni Kuya Zero? Eh bakit sabi nung katabi niya sila daw?" He asked me. Hindi ko rin alam Ash, hindi ko rin alam.
"So tomorrow we'll hang out?" Rinig kong sabi ni Star, para bang nakuha na niya ang grupo para bang lahat kami ay friends niya. I looked up to Ate Zoe at nakita kong marahan siyang tumango.
"I have clients tomorrow so I'll pass" pagdadahilan ko, just a glance at their hands hindi ko na kaya. Kailangan ko pang humugot ng lakas ng loob.
"What a party pooper" biro ni Arki, nag make face ako sakaniya "Just go Penelope, naiclose mo naman yung mga clients abroad kahapon. Isa pa you need to rest, kakagaling mo lang ng US at dumiretso ka na agad dito" sabi naman ni Ate Zoe.
"Sama ka na please? Baby girl please?" Trey added, hindi ko alam kung bakit nagpapacute sakin tong kapatid ko, he even cupped my face.
I can feel him staring at us, nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano siya tumingin samin. His eyes were full of emotions, hindi ko lang alam kung anong mga emosyon iyon.
"Okay" I sighed in defeat everyone cheered except for Zero and Star, she even smirked.
Napapikit ako ng sumandal siya sa dibdib ni Zero, Jairus blocked my view of them saka niya ako niyakap. Trey took a sip from his beer
"Jairus, just tell me if you like Penelope" sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko, Jairus chuckled "Yes, I like her. Angal ka?" Jairus confessed, naging kasingkulay ng kamatis ang mukha ko.
What is he doing? What is he up to?
Tinampal ko ang kayang pisngi pero niyakap niya lang ako and he whispered "Just trust us" hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero tumango nalang rin ako at yumakap pabalik.
I need these kind of hugs. I like how comforting this hug is.
Maaga akong gumising para maghanda, sa bahay lang rin nila Zero kami pupunta at mag hahang out. Naligo ako at nagpatuyo ng buhok. Nag drawstring pants ako na black saka black crop top.
I grabbed my denim jacket too, hindi naman sobrang mataas yung shirt ko pero ayaw kasi ni Zero na nakikita yung belly button ko. Nagmaneho na ako papunta sa bahay nila at nadatnan ko silang lahat dun, except for Star.
Bumeso agad ako kila Tito at Tita at Ate.
"Let's talk" sabi ni Tito, tumango naman ako at sumunod sa kanyang office, maybe it's about the deal na naclose ko sa US.
"Sorry about my son, hindi namin masabi sakaniya kung ano ka sa buhay niya dahil sinabi niya sakin na mayroon na siyang girlfriend. And she is the one who saved him from the tragedy" napayuko ako.
I should thank her then. Hindi ko alam kung paano nya siya nasagip pero batid kong kelangan kong magpasalamat.
"Make him remember you Penelope, its you that I want for my son" napangiti ako at tumango. Lumabas rin kami agad after namin magusap about sa mga investors.
Sinalubong ako ng yakap ni Trey at Jairus, hindi ko parin maintindihan kung bakit ganito sila sa akin, but I shrugged it off and hugged them back. Fist bump naman at kaway kila Ethan.
Dumating rin sa wakas si Star na naka crop top at naka shorts, hindi man lang nagalit si Zero. Galit na galit siya nung nag crop top ako, pero siguro nagbago na nga iyon. Five years, Penelope.
Kung ano man ang nangyari sa limang taon na yun, panigurado maraming nagbago. Idagdag mo na dyan ang katotohanang hindi niya ako naaalala.
Pool party, iyon ang naging theme ng araw na iyon. Pinaayos muna nila tita at tito ang pool kaya naman tumambay muna kami sa entertainment room.
Pinipilit nila kaming maglaro ng Guitar Hero, kami ni Zero. I'm fine with it, I miss him kahit ito lang muna sa ngayon papatulan ko.
Kinuha niya ang contoller kay Jairus at pumili ng kanta, he choosed our favorite song from the game kaya napangiti ako.
Napangisi ako ng manalo ako, as usual hindi niya ako matalo sa kantang to.
"May cheat!" Natatawa niyang sabi, humalakhak lang ako. "Bra noon pa man hindi mo talaga matalo si Penelope sa Sweet Child of Mine" sabi ni Jairus which is true, matatalo niya ako sa ibang kanta pero dito hindi.
"If you want we can switch controllers" suhestiyon ko, Nakita kong sumama ang tingin sakin ni Star. What? We're trying to make him remember us.
Pumayag si Zero, pero natalo parin siya. Mas lalong lumapad ang ngisi ko. I'm enjoying this, kahit ito lang. Kahit masakit sa mata ang pahaplos ni Star sa braso niya.
Tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table, kukunin ko na sana ng kunin iyon ni Jairus.
"Hello? Sorry to break it to you but my girl is busy" sagot niya sa caller, pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya.
"Wag mo kasing ientertain, ilang taon ka ng kinukulit" aniya "Ayoko lang maging rude" pagdadahilan ko. That's Frank I guess, a suitor.
"Nagseselos ako eh" he blurted out I heard someone cursed, and that made Jairus laugh. Ano bang nakakatawa?
"Its working" rinig kong bulong ni Trey, ang gulo nila! Nag fistbump ang mga lalaki, kami nila Zero hindi makarelate.
Napalingon ako kay Zero at mukha siyang disoriented, nang magtama ang mata namin I can see volumes of emotions from it. Is he jealous?
Are they making him jealous?
Hinila ko palabas si Jairus "Aggressive" aniya kaya humalakhak muli sila Trey bago kami nakalabas.
"Anong ginagawa niyo?!" "Tumatawa" sinamaan ko siya ng tingin kasi pinipilosopo ako nito and this is the first time.
"Just trust us. Saan ba kayo nagumpisa? Hindi ba sa selosan nila ni Trevor? Makisakay ka nalang" Aniya saka niya ako hinila papasok ulit, sinundan kami ng tingin ni Zero kumunot ang noo niya ng yakapin ako ni Jairus mula sa aking likod at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.
Dati naman ay niyayakap ko siya pero ngayon ay para akong naiilang, siguro dahil maaring iba ang magiging tingin sakin ni Zero ngayong wala siyang naaalala.
"Natanong ko na silang lahat except for Zac kung pwede ba kitang ligawan lahat sila agree. So ikaw, Zac okay lang ba sayo?" Nanikip ang dibdib ko ng marinig ko iyon, what the actual fck?!
Sinamaan ng tingin ni Zero si Jairus, natawa ang huli sa naging reaksyon ni Zero.
"So ano bra?" Tanong ni Jairus, he's pushing his button. Nanikip ang dibdib ko, parang gusto ko ring malaman kung anong isasagot niya.
"Prove me that you deserve her" nanghina ako ng marinig ko iyon, nabuhayan ako ng loob!
"See, it's working" bulong sakin ni Jairus, kaya mas lumapad ang ngisi ko.