Antok na antok ako ngayon habang nakaupo sa upuan at nakatanaw sa bintana, maaga akong pumasok ngayon. Oo ako lang, nilakad ko mula sa bahay papunta dito sa school. May nadaanan akong nagtitinda ng cotton candy kaya bumili ako noon, isa ito sa comfort food ko kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Nauhaw ako kaya naisipan kong bumili ng tubig sa canteen. Uunti pa lang ang tao sa school, tahimik kaya naisipan ko na ring maglakad lakad pagkatapos kong makabili ng tubig.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang isang lalaking naka leather jacket at isang babaeng naka sexy dress na mukhang naghahalikan sa locker room. Kitang kita mula sa kinatatayuan ko iyon. Maglalakad na sana ako ng isandal ng babae ang lalake sa lockers.
Nanlamig ako at nangatog ang buong katawan ko ng makita ang mga pares ng mata na gustong gusto kong titigan.
Ang mga matang iyon ngayon ay titig na titig sa babaeng kahalikan niya.
Nabitawan ko ang tubig na hawak hawak ko ng napatingin ang mga matang iyon sa kinatatayuan ko. Napasinghap ako at kita ko ang gulat sa mga mata niya. Dali dali akong tumalikod naglakad.
Rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko at pagtawag ng babae sa kaniya. I tried my best to stop my tears from falling, ayoko at hindi dapat ako umiyak. Hinayaan ko ito eh.
Rinig ko ang mga yabag niya sa likod ko pero patuloy parin ako sa paglalakad, kada hakbang ko ay mas bumibigat ang dibdib ko. Ilang beses akong huminga ng malalim at pumikit para kalmahin ang sarili ko.
"Penelope" tawag niya sa akin ng maabutan niya ako, huminto ako sa paglalakad pero hindi ako humarap.
"Oh, Zac? Mamaya pa sana tayo mag-uusap eh. Pero wala naman akong gustong sabihin. Gusto ko lang sabihin na hindi ako sinaktan ni Trey." Dire-diretso kong sabi, hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas na iyon para magsalita pa.
Lumakad siya sa harap ko at inangat ang baba ko, napaurong ako agad na para ba akong nasusunog sa pagdikit lang ng daliri niya sa balat ko.
"Penelope.. About that-" "Wala yun" pagputol ko sa dapat niyang sasabihin, ngumiti ako para pigilan ang mga luhang batid kong malapit ng pumatak.
Humikab rin ako "Inaantok talaga ako kaya ako naglalakad lakad, sige una na ako" .
Dali dali akong naglakad papalayo sakaniya, tumulo na rin ang luha kong kanina ko pa pipigilan at pilit na itinatago. Pinunasan ko agad iyon. Kinuha ko ang mga gamit ko sa classroom at nagmadaling umalis.
"Ma. Kamusta ka na?" Bungad ko kay mama, inalis ko ang mga tuyong dahon at bulaklak sa puntod niya. Nagtirik ako ng kandila at inilapag ang mga sariwang bulaklak na binili ko kanina.
Humangin ng banayad at alam kong si mama iyon.
"Ma, inlove ako. Naalala mo ba yung lalaking kasama ko noon dito, siya yun ma. Kaso.. Kaso ma.." Napayuko nalang ako at humikbi, ramdam ko ang mainit pero banayad na hangin na alam kong ito ang paraan ni mama para i-comfort ako.
"Ma, hinayaan ko eh. Ilang beses kong hinayaan kahit harap-harapan na. Ilang beses na rin akong pinigilan ma, pero ginusto kong magmahal. Umasa ako sa mga bagay na alam kong hindi mapapasaakin, sa mga bagay na akala ko totoo kahit may taong nagpapamukha sa akin na umaasa lang talaga ako."
Hinayaan ko lang ang sarili kong ilabas ang lahat sa pag-iyak. Sabi nga nila "Luha ang pinakamabisang pang-tanggal sa sugat ng puso"
Ganito pala ang pakiramdam ng mawasak dahil sa pagmamahal. Ginusto kong maramdamang mahal niya ako. Pilit kong sinasabi ko sa sarili ko ngayon na nagmahal lang ako kaya ako nasasaktan.
Hindi mo masasabing nagmamahal ka na kung hindi mo pa naranasang masaktan.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para magkwento pa kay mama. Kwinento ko sa kanya ang lahat lahat ng tungkol sa amin, minsan ay napapangiti ako kahit nangingibabaw ang sakit sa puso ko.
Tirik na ang araw ng mapagpasyahan ko ng umalis, nagpaalam ako at nanalangin saka tumalikod na sana pala ay hindi ko ginawa.
"Penelope let's talk"
Naglakad ako pero hindi ko siya pinapansin, nilagpasan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Rinig ko ang pagmumura niya at mabibigat niyang yabag.
"Fuck shit. I said let's talk!" Maawtoridad niyang sabi mabilis akong umiling alam kong sumusunod siya.
Napatili ako ng maramdaman ko ang pagyakap niya sakin at pagangat ng katawan ko! Binuhat niya ako papunta sa kotse kahit ano mang pagpalag ko ay ayaw niya akong pakawalan sa huli ay pinili ko nalang sumama.
Nilagyan niya ako ng seatbelt saka mabilis na sumakay sa kotse. Napahawak ako sa noo ko at napapikit.
"Boo, let me ex-- "May pasok pa tayo Zac" pagputol ko sakaniya sinigurado kong mararamdaman niya ang tabang sa boses ko. Ramdam ko ang titig niya na para bang inaalam kung ano ang nasa isip ko ngayon. Pinaandar niya rin ang makina saka nagmaneho.
Buong biyahe ay tahimik lang ako at minamasahe ang noo ko. Inaabot niya ang kamay ko pero agad ko iyong nilayo rinig ko ang frustration sa pagmumura niya, and I swear I want to calm him down pero ayaw ko muna magpakatanga kaya ang sarili ko ang kinakalma ko ngayon.
Huminto kami sa parking lot kaya agad agad akong lumabas ng kotse ganun rin ang ginawa niya at hinarangan ako.
"Just please call me Zero again, boo" malungkot niyang sabi tinignan ko sia sa mata at kita ko ang lungkot doon.
"Zac" pag tawag ko sa totoong pangalan niya saka ako dali daling naglakad paalis ng parking lot.
Siguro kelangan ko ng ilayo ang sarili ko sakaniya, I need to do things that doesn't involve him, I need to stop texting him, dating with him, talking with and loving him..
I need to kill these butterflies and forget my feelings fo him.
I'll let the happy memories remain tho.. Kahit iyon lang ang matira.
"Jai. Tabi tayo." Sabi ko kay Jairus napakunot ang noo niya pero tinanggal niya ang bag niyang nasa upuan. "Bakit ayaw mo na dun sa tabi ni Zac?" Tanong niya, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naghahanap ng palusot.
"Gusto ko kasing katabi si Star." Sabi ko. Katabi kasi nila ni Arki si Star. Nakita ko si Arki at agad ko siyang tinawag "Arki, dun ka muna sa upuan ko please? Tatabi muna ako kay Star" masaya kong sabi kita ko sa mga mata niya na ayaw niya pero pumayag parin siya.
Nag usap pa kaming tatlo ng dumating yung 'he who I should not mention the name'
at mataman akong tinignan, napaiwas ako ng tingin at umayos ng upo.
"Bra dito daw muna ako" rinig kong sabi ni Arki wala namang naging sagot ang isa.
"It's obvious, you're avoiding him" sabi ni Jai pero kinausap ko siya ng ibang topic sinuri niya ako ng tingin pero agad rin naman niyang sinakyan ang topic na pinapasok ko sa usapan.
"Jai-Jai kanta ka nga ulit" pang-aasar ko kay Jairus. Kasalukuyan kaming nasa music room at nagkukulitan. Bumili kami ng mga junk foods at doughnuts kanina para dito na kami magmeryenda.
"Ikaw nalang. The last time I check bassist ako not vocalist" bara naman niya sakin "Eh marunong ka naman kumanta eh" pangungulit ko pa, ending kumanta rin siya ng What Do You Mean ni Justin Bieber.
Lumapit sakin si Trey pagkadating nila nila Ethan saka ako inalok ng ice cream. Kinamusta niya rin yung labi kong pumutok yata kagabi.
"Okay lang yun, di mo naman sadya" natatawa kong sabi habang nilalantakan ang ice cream. "Sarap nito ah? Anong flavor?"
"Mint chocolate chip" sagot ni He who I should not mention the name
Tumango nalang ako at kinain nalang ang ice cream, I can't say no to this ice cream isa pa hindi naman siguro ito galing sakaniya.
"Favorite ni Zac itong ice cream na to since we're kids, comfort food niya ito. Problemado yata ang kaibigan natin" sabi ni Dark habang kumukuha ng ice cream sa tub. Napaubo ako ng marinig iyon, sus, hindi ikaw ang problema niyan Rae. Assuming!
"Jai-Jai" tawag ko kay Jairus ulit "Oh bakit kulit?" Natatawa niyang sabi "Kanina mo pa ako trip ha" dagdag pa niya, I pouted at nag-puppy eyes pa "Labas tayo mamaya" aya ko sakaniya, wala lang gusto ko yata pumunta sa maingay na arcade ngayon.
"May magseselos" aniya mabilis akong umiling "Wala no. Dali na" pagpipilit ko pa.
"Si Zac nalang" aniya, napabusangot tuloy ako. "Ikaw nga gusto kong kasama, sige na nga friendship over." Sabi ko sabay halukipkip.
He tssed and he wrapped me into a hug "Oo na nga" sabi niya kaya napapalakpak ako sa tuwa.
"Can I join you two?" Tanong ni Trey "Si Jai-Jai lang inaya ko eh" mapangasar kong sabi kaya ngumuso siya "Ganyanan tayo eh"
Hindi ko alam kung bakit tahimik si Dark, Arki, Nathan at Ethan sa pagkukulitan namin tatlo nila Trey. Silang lima ay nakamasid lang samin kasama si alam niyo na kung sino. Ramdam ko ang titig ng pares ng mga mata na gustong gusto kong tignan.
"Saan mo ba balak pumunta?" Tanong ni Jairus habang naglalakad lakad kami dito sa Robinson's Mall. Kaming dalawa lang ang magkasama, hindi kasi na-gets ni Trey ang sarcasm ko at hanggang ngayon tawang tawa parin ako sa pagiging slow niya.
"Gusto ko mag arcade kaso mukhang maraming tao" saad ko "Kung mag aarcade ka, I'm not the right person to be with. Si Zac" aniya, napanguso ako at hinila nalang siya sa Movie World.
"Nood nalang tayo!" Masaya kong sabi, Tumango tango lang siya pero alam kong sinusuri niya ako. "Wag mo nga akong titigan!"
"Umiiwas ka sakaniya. Halatado. Come on spill it, bakit?" Nagkibit balikat lang ako "Wala yun. Ayoko na umasa" natatawa kong sabi pinitik niya ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin "Don't laugh, mukha kang tanga. Anyways, ako na pipila bili ka ng pagkain"
Foreign movie ang pinili niyang panoorin pero hindi naman namin naeenjoy dahil sobrang boring nito. Pinipilit niya tuloy akong magkwento kung bakit ako umiiwas kay Zac.
"Ayaw ko na nga umasa. Gusto ko siya, siya naman iba ibang babae ang gusto niya" sabi ko habang nakatingin sa big screen at ngumunguya ng fries.
"Paano mo nasabi?" Tanong niya "Kita ko eh. Come on wag mo na pagtakpan pa si Zac, may mga buwan na paiba iba siya ng babae meron naman yung parang ako lang. Feeling ko nga isa ako sa mga Flavor of the month? Or assuming lang ako. Pero okay lang yun, ginusto kong umasa eh" sagot ko, nanikip ang dibdib ko at nagbadyang tutulo ang mga luha ko kaya sumandal ako sakaniya at pumikit.
Hindi na siya nagsalitang muli pero ramdam kong hinahaplos niya ang aking buhok kaya nakatulog ako.
"Bra just let me hold her hand, please?"
Nanaginip ako kanina, pinuntahan daw kami ni Zac sa movie house at kinulit kulit si Jairus para makausap ako, pero dahil tulog ako hindi pumayag ang isa. Hanggang sa narinig ko ang pakiusap niyang kahit hawakan ang kamay ko. Ang weird pero pakiramdam ko ay hinawakan niya nga ang kamay ko habang natutulog ako, o miss ko siya kaya ganon?
Hindi naman niya ako namimiss para mamiss ko siya, grabe, this has to stop.
Nakasakay kami sa civic ni Jai at ihahatid niya na ako pauwi, sinabi ko sakaniya na sobrang sayang nung pera niya dahil tinulugan ko lang yung palabas na ayon sa kwento niya ay maganda naman ang kinalabasan.
"Jai. Napanaginipan ko kanina si Zac. Pumunta raw siya sa movie house saka kinukulit ka." Kwento ko sakaniya, tinignan niya ako ng matagal saka tumingin sa daan. "Panaginip lang talaga iyon" aniya tumango tango lang ako at nakipag kulitan ulit sakaniya.
"Thank you talaga! Sorry din kung tinulugan ko lang yung movie, inantok ako eh" sabi ko sakaniya ng makarating kami sa bahay. Nginitian niya lang ako at bumusina dahil nakita niya si Trey sa terrace, kumaway naman ito. Kumaway rin ako sakaniya saka pumasok sa loob ng bahay.
"Madaya talaga yung kakilala ko, hindi ako pinasama" parinig ni Trey humalakhak ako kaya sumimangot siya "Ikaw lang eh nagtampo ka saka hindi ka sumama. "
"Pero okay lang yun, nakakahiya nga tinulugan ko lang yung movie na pinanuod namin. Next time nalang tayo nila Ashton" dagdag ko pa tumango naman siya, tinawag niya ako para mag dinner, lumapit sakin si Ashton saka ako niyakap.
"I'm so excited my birth month is coming!!" Tumatalon talon pa ang bata pagkasabi nito, malapit na ring magpasko. Tahimik kong binilang kung ilang buwan na ba ako sa tahanang ito, mag iisang taon na pala. Ang tagal na pero ang bilis ng araw, masaya kasi dito sa bahay kahit madalas ang tampuhan namin ni Trey.
Saka ko lang naalala na in two weeks school fair na pala kailangan namin ng puspusang practice dahil sa event night kami magpeperform. Oo nga pala, may duet performance kami ni Zero, ni Zac pala.
Napabuntong hinga nalang ako, last na iyon magtatabi kami. Magusap man ay about sa practice nalang ang lahat. Utang na loob Penelope, stop loving him.
"Uy! Di ka na natinag jan. Sit down, Rae" ani Trey umupo nalang ako agad at isinantabi ang pagiisip sa kaniya para kumain.
"I want papa on my birthday" malungkot na saad ng bata tinapik naman ni Trey ang kapatid "You know how busy dad is, but he might give it try." Dagdag naman ng isa, ngayon lang nila napagusapan ang ama sa harap ko at parang kinukurot ang puso ko ng maluha ang bata.
Agad ko itong binuhat at inakyat sa kwarto, rinig ko rin ang sumusunod na yabag ni Trey.
"Ate Rae where is your dad?" Tanong ng bata sakin, napatigil ako at sandaling naghanap ng pwedeng isasagot "Hindi ko siya nakilala eh." Sagot ko, inihiga ko siya sa kama pero umupo siya
"Pwede ba yun ate? Eh diba po daddy mo siya?" Tumango tango ako sa sunod sunod niyang tanong "May mga magulang na kayang talikuran o iwan ang mga anak siguro hindi pa sila handa sa responsibilidad."
"Alam mo Ashton ang swerte mo kasi your dad is doing everything para maging maginhawa ang buhay mo, marami diyan wala ng magulang katulad ko kaya dapat maging thankful ka na kahit wala ang daddy mo dito buo ang pamilya niyo"
Tumango tango lang ang bata at humiga ulit "Sleep now Ash" saad naman ng kuya niya ng makalapit. Umupo ako sa kama at naghila naman ng bean bag si Trey.
Pinanood ko lang ang magkapatid na magplano ng mga gustong mangyare ng bata sa kaniyang birthday party at sa family Christmas party na rin. Nakakatuwa silang tignan, nakangiti ako ng sinulyapan ako ni Trey ngumiti rin ito. Gwapo rin talaga ito at mukhang may lahi talaga.
Pinatulog niya na ang bata habang inaayos ko ang mga damit at gamit na gagamitin ng bata para sa school bukas ng matapos ko ay akmang aalis na ako ng akbayan ako ni Trey.
"You smell good" aniya saka inamoy ang buhok ko, napapitlag ako at naalala na minsan ay sinabi sakin iyon ni Zac. Bakit ko ba naaalala yun?!
Tulala ako ng ihatid niya sa kwarto.
"Am I making you uncomfortable?" Napaawang ang labi ko sa tanong niya lalo na ng hawakan niya ang pisngi ko. Nagiwas ako ng tingin saka tumango. "Good" sabi niya saka ngumisi.
Hindi ko maintindihan kung ano yon, pero dapat di ko bigyan ng malisya. Hindi nga ba dapat?