Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

14. Lagi nalang binabawi

Ilang beses na akong tinanong ni Manang kung bakit ba hindi kami naguusap ni Trey katulad ng dati, nanatili nalang akong tahimik kapag natatanong niya ako. Si Ashton, batid ko ay nakakahalata na rin. Hindi talaga ako pinapansin ni Trey, ni tignan ay ayaw. Ilang beses ko siyang nilapitan para kausapin pero agad siyang iiwas. Magdadalawang linggo na rin kaming ganito at hindi ko maitago ang lungkot sa nangyayare.

"Don't worry, mapapagod rin yun kakaiwas sayo. Ako bahala" sabi ni Zero sabay halik sa gilid ng ulo ko, araw araw na kaming magkasama araw araw na rin kaming kinakantyawan.

Matatapos na ang sem at malapit na ang school fair. Ilan sa mga subjects namin ang nagbigay ng exemption sa mga kasali sa school fair at laking luwag noon sa schedule namin.

Pumaibabaw ulit ang minus one ng Tattooed heart ni Ariana Grande, majority ng officers ng music club gusto iyon na kantahin ko. Ako lang magisa ngayon sa music room wala pa yung mga officers at wala pa sila Arki.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Jairus iyon, sinagot ko ang tawag niya at boses ni Arki ang narinig ko "Rae, nasa music room ka na ba?" Tanong nito um-oo ako at agad din naman niyang pinatay ang tawag. Weird

Tumunog ulit ang cellphone ko pero text lang iyon galing kay Nathan

Nathan Vasquez:

Mag-isa mo lang diyan?

Iyon ang laman ng text, agad naman akong sumagot ng oo doon. Mga ilang minuto pa ay may mga hiyawan sa labas. Tumunog ulit ang cellphone ko at si Zero yun

0_ZERO:

Stay there. Sabi ni Zero-Jai

Ilang segundo ko ring tinitigan ang text na iyon, mga ilang saglit pa ay biglang kumalabog ang pinto ng music room at pumasok si Zero. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok, agad kong napansin ay ang maliit na cut sa labi niya.

Tumayo ako at lumapit sakaniya awtomatikong napahawak ako sa sugat noon, ramdam ko ang titig niya sa akin habang tinitignan ko naman ang sugat niya.

"Naano to?" Tanong ko.

Hinawi niya ang buhok at hinalikan ang noo ko. Inipit niya ang buhok ko sa tenga ko, kung dati ay mabilis ang tibok ng puso ko ngayon ay banayad at napakapayapa. He pulled me closer for a hug, naguguluhan man ay yumakap rin ako pabalik.

Sumipol si Jairus pagkakita niya sa amin, kumalas ako sa pagkakayakap pero dahil walang pakialam si Zero ay niyakap niya ako mula sa aking likod. Nakapatong ang ulo niya ulo ko at batid kong inamoy niya nanaman iyon. Gustong gusto niya yata ang amoy ng shampoo ko.

"Smells so good. Damn it, gusto ko ng kiss" bulong niya, I stiffened at ng makarekober ay tinapik ko ang braso niya, he chuckled.

Pansin kong lahat sila ay may maliliit na cut kaya hindi ko napigilang magtanong kung saan galing iyon "Nang huli kang kami ng baboy" sabi ni Arki "Syempre hindi naman magpapahuli yung baboy agad agad" sabi naman ni Dark na nagsasalamin, vain.

"Sakit ng braso ko sa baboy na yun, lelechonin ko talaga yun kapag nakita ko ulit" sabi naman ni Jairus na sinisipat ang kamay. Bakit kasi humuhuli sila ng baboy? Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Zero, amoy na amoy ko nanaman ang bango niya seriously? Ito ba ang nakipaghabulan sa baboy? Bakit ang bango?

"Ikaw bakit may cut ka sa lower lip mo?" Mahina kong tanong tumawa muna siya bago sumagot "Nasipa ako nung baboy" aniya na nagpatawa sakanilang lahat, nakitawa nalang rin ako kahit nawewirdohan ako sa mga pinagsasabi nila. Nasangkot kaya sila sa gulo? Isa pa bakit magkakababoy sa university?

"Thankful that Trey's not around so I can hug you like this" bulong niya, yung iba okay na okay kahit makita kaming ganito pero kapag meron si Trey parang hindi dapat, parang hindi pwede.

Inaya niya ako kumain at pagkalabas namin ay nakatingin ang mga tao samin, particularly sa kamay namin na magkahawak, sinubukan kong hilain ang kamay ko dahil nahihiya ako pero hindi niya ito binitawan.

"Don't, Penelope" aniya kaya hindi ko na inulit pa. "Saan mo gusto kumain?" Tanong niya sakin "Gusto ko ng lasagna" sagot ko naman. Pinagbuksan niya ako ng pinto at kinabitan ng seatbelt, hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Langhap na langhap ko na naman ang bango niya.

Sumakay siya at nagseatbelt din, pinaandar ang makina at hinawakan ang kamay ko bago nagmaneho paalis ng school. Pinaglalaruan niya ang daliri ko habang nakatingin sa daan, hinigpitan ko naman ang hawak ko sa kamay niya.

"Baby boo, sa condo na tayo kain?" Sabi niya mabilis akong umiling "Andun si ate Zoe. Nakakahiya" sabi ko, hindi ko pa siya personally nakikita pero minsan inagaw niya ang cellphone kay Zero ng magkausap kami. Mabait siya at napakalambing ng boses.

Late reaction man ay kilig na kilig ako sa pagtawag niya sa akin ng Baby Boo.

"Sige na. Ilang araw na akong kinukulit ni Ate na idala ka dun. Please?" May pagsusumamong sabi niya at ilang beses siyang tumingin sakin dahan dahan akong tumango dahil sa loob loob ko ay gusto ko rin makilala si Ate Zoe.

Bumili kami ng Lasagna at ilang garlic bread. Bumili na rin kami ng Blue Velvet Cake na sabi ni Zero ay paborito ng ate niya. Ilang beses kong sinipat ang sarili ko para i-check kung okay ba ang itsura ko. Habang nagbabayad si Zero ay nagexcuse ako para mag punta sa comfort room

Nag-polbo ako at itinali ang buhok ko at naglagay rin ng lip gloss sa labi ko. Lumabas ako at nakita na nakasandal sa pader si Zero habang pinaglalaruan ang kanyang susi.

He smiled the moment he saw me he whispered " Beautiful" loud enough for me to hear, namumula man ay lumapit ako sakanya. Inaabot ko ang ibang hawak niya pero ayaw niya itong ibigay "Ako na" aniya sabay hawak sa kamay ko.

Inilagay niya sa likod ang lahat ng pinamili at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makasakay siya ay tinitigan niya pa muna ako "Bakit?" tanong ko, inilapit niya ang mukha niya at dinampian ng halik ang labi ko saka ngumiti.

Nakangiti lang siya habang nagmamaneho, nangingiti rin ako kahit parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Uy Zac napa.. Penelope?! My gass it's you!" Awtomatikong niyakap ako ni Ate Zoe pagkakita niya sakin, natatawa man ay nangibabaw parin ang pagkamasungit ni Zero "Call her Rae. Ako lang tatawag sakaniya ng Penelope" sabi nito.

"Bakit? Ikaw ang nagbinyag sakaniya ng ganong pangalan? Excuse me little brother, I'll call her Penelope" sabi naman ni Ate Zoe saka ako hinigit papasok sa unit nila. "Hi Penelope ako nga pala ang pinakamagandang ate ng boyfriend mo" sabi nito, napalunok ako ng marinig sakanya na boyfriend ko ang kapatid niya mabilis akong umiling "Sus dun rin naman kayo mapupunta." Namula ako sa kilig at hiya.

Inihanda ni Zero ang mga pagkain sa countertop, sumipol siya kaya napalingon ako dun. Para bang pinapaalala niya na may ala-ala kami doon sa lugar na iyon mas namula ako at kita ko na tumawa siya. Asar siya!!

Nakailang tanong na rin si Ate Zoe sa akin, kung kamusta raw ba bilang manliligaw si Zero hindi ko sinagot iyon dahil hindi pa naman nililinaw ni Zero sakin kung nangliligaw ba siya o hindi.

"Ano?! Pinapaasa ka ba ng kapatid ko?! Nako Zac Erwan Rutherford O'brien!" Sigaw nito sa kapatid niya, napakamot nalang ng ulo ang si Zero at lumapit sa amin.

"Huwag mo nga sirain diskarte ko ate. Hindi ko siya pinapaasa." Sagot naman nito, parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Ibig ba nitong sabihin ay may nararamdaman siya sa akin? Manliligaw siya sakin at naghahanap lang ng tiyempo?

"Mabuti! Alam mo ba ikaw palang ang dinala niya rito? Ayaw niyang nag uuwi ng babae sa condo saka ayaw niyang nagpapapasok ng babae sa kwarto niya. Pero ingat ka jan, he's a notorious chick boy. Pero sa nakikita ko He's into you" sabi nito sa akin ng tumalikod si Zero para kunin ang mga pagkain .

Marami kaming napag kuwentuhan, kinuha na rin ni ate ang number ko dahil gusto niya raw akong makatext about sa magiging takbo ng relasyon namin ni Zero. Napatalon pa siya ng marinig niya na tinawag kong Zero ang kapatid niya.

"Saan nanggaling ang Zero?" Nakangiting Tanong niya sa akin "Sa initials po ng whole name niya" sagot ko naman.

"Ang cute! Hi Zero ang panget mo!" Saad nito sabay kaway sa kapatid niya, inismiran lang siya ni Zero. Ang kulit nilang magkapatid!

Kinulit niya rin ang kapatid na sa susunod naming date sana raw ay kasama siya, pumayag nalang si Zero kahit halatang ayaw niya. Bago pa ako nagpaalam na umalis ay niyakap niya ako

"I like you for my brother" bulong nito habang nakayakap sakin, parang nasa ere ako ng mga oras na iyon. Nag paalam na ako at nagmartsa paalis kasama si Zero.

Sumakay kami sa elevator at pagkasara ng pinto ay agad akong niyakap ni Zero.

"Bakit?" Tanong ko "Wala nainggit ako kay ate" sagot niya I chuckled at humarap sakanya. He cupped my face and he kissed me again.

Banayad ang halik na iyon, masarap sa pakiramdam yung para bang walang pakialam sa mundo. Parang puro saya lang. Ang haba ng pilikmata niya kapag nakapikit, pumikit rin ako para mas maramdaman ko ang halik.

"I need to stop, malapit na tayo sa groundfloor" sabi niya habang magkadikit ang aming mga noo, umayos ako ng pagkakatayo at naramdaman ko ang pag akbay niya sa akin.

Naguusap kami habang nasa biyahe, tungkol sa banda nila, sa traffic sa lugar namin at sa iba pang maliliit na bagay. Buong biyahe ay hawak niya ang kamay ko kahit hawak nito ang kambyo.

Wala pang malinaw na sagot sa mga tanong ko sa sarili ko tungkol sa amin, ang importante sa ngayon ay masaya kami at wala pang pumapasok na ibang babae sa eksena.

"I'm glad that you and Star are now friends. Okay rin na may babae kang kaibigan so Dark and Arki won't pollute your mind that much" aniya sabay halakhak, sa grupo kasi ay likas na maloko talaga si Dark at Arki maloko sa salita at gawa.

Si Star ay isa sa mga kaklase namin, okay naman siya at mabait. Naging close kami ng magkaroon ng Partner by Partner presentation, naging maganda ang pakikitungo niya sa akin kaya minsan ay sumasama na rin siya sa grupo kaya lang madalas ay naiilang siya.

"Oo nga, pakiramdam ko tuloy maraming babae ang galit sakin dahil magisa lang ako sa grupo." Kumento ko naman. Totoo iyon, minsan ay kapag nakikita nila ako ay madalas nila akong pinagbubulungan, minsan naman ay binubunggo.

"We're here" aniya na pumukaw sa atensyon ko, pinagbuksan niya ako ng pinto. Akmang yayakapin niya sana ako ng biglaang bumukas ang gate at iniluwa non ang galit na galit na Trey, bago pa man ako makapalag ay nahawakan na nito ang braso ko at kinaladkad papasok ng gate saka ito isinara. Ilang beses akong umaray pero wala yata itong pakealam. Dire-diretso kami sa kwarto ko, hindi ko napigilan ang pag-iyak. Bakit? Anong nagawa ko?

Napaaray ako ng tumama sa labi ko ang cellphone na itinapon niya papunta sakin, galit na galit siya at hindi nya na siguro nakontrol ang sarili para iabot ng maayos ang cellphone.

"Look at those fucking pictures? I told you, he flirts with one girl to another. Akala mo seseryosohin ka niya? Seriously Rae? Mag-iisang taon palang kayong magkakilala!" Litanya niya.

Para akong sinasakal ng mga pagkakataon na makita ang mga litratong iyon, nanalamig ako at para bang bumagal ang lahat sa akin. Naririnig ko ang panenermon ni Trey pero parang wala akong naintindihan. Suddenly, it felt like my world is falling apart.

"Salamat. Pwede mo na sabihin sakin na "Rae, I told you so" pero please wag muna ngayon? Pero salamat" maikli kong sabi ng ibinalik ko ang cellphone sakaniya, mataman niya lang akong tinitigan. Sinipat niya ang mukha ko at may pinunasan sa labi ko.

"I'm sorry about this." Aniya, nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko pero hindi ko naramdaman ang kahit katiting na kirot mula dito. Ang ramdam ko lang ay ang bigat ng dibdib ko, hindi ko alam kung bakit wala akong luhang iniluha ngayon.

Napaupo ako sa sahig ng makaalis si Trey sa kwarto ko. Pumikit ako at sinandal ang ulo ko sa kama ko. Pagkapikit ko ay naalala ko ang mga litratong sanhi ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

It was a picture of Zero kissing a very beautiful girl. Another picture is him biting another girl's tongue at iba pang mga kuha. Mukha siyang masaya sa mga kuhang iyon, Lahat ng iyon ay recent lang ipinost at naka-tag pa sakaniya. magkakasunod na araw.

Kanina lang ay labi ko ang hinahalikan ng mga labing iyon.

Gustuhin ko mang umiyak ay parang naipon lang dibdib ko ang sakit at ayaw nitong lumabas. Tumayo ako at pabagsak na dumapa sa kama ko. That's what you get Penelope, you let him cause you this. Hinayaan ko siyang saktan ako at paglaruan, sa kadahilanang mahal mo siya.

Ganito siguro ang magmahal, yung tipong hahayaan mo siyang saktan ka at gamitin para lang maramdaman mong mahal ka rin niya, when in reality umaasa ka lang.

Ilan kaya kaming pinapaasa niya?

Nagring ang cellphone ko at alam ko kaagad na siya iyon. Sinagot ko iyon pero hindi ako nagsalita.

"Penelope"

Sumikip lalo ang dibdib ko at pakiramdam ko ay sasabog ito. Namuo ang mga luha kong kanina ay ayaw lumabas.

"Penelope, are you okay? Sinaktan ka ba niya?" Dirediretso niyang sabi, umiling ako na para bang nakikita niya iyon.

Ikaw. Ikaw yung nananakit sa akin.

Huminga akong malalim at inipon ang lakas ko para magsalita.

"Okay lang ako. Nagusap lang kami. Zac, usap tayo bukas?" Malamig kong sabi, tinawag ko na rin siya sa pangalan niya para maramdaman niya ang panlalamig ko.

"Why so cold boo?" Tanong niya, ganito niya ba paikutin ang mga babae? Gamito ba siya kalambing sa lahat? Bakit hindi nalang siya nagpaka cold sa akin? Bakit ako pa? Bakit kasi hinayaan ko pa?

"Wala, pagod lang. Bukas ha?" Sabi ko saka pinatay ang tawag. Ilang beses akong humikab para magkunwaring hindi naiiyak, para masabi ko sa sarili ko na galing lang sa paghihikab na iyon ang mga luhang sunod sunod na pumatak mula sa aking mga mata.

Ilang beses kong pinakalma ang sarili ko at ilang beses ko ring pineke ang mga hikab ko, ayokong magkaroon ng bahid ng sakit ang mga mata ko bukas, ayokong mamugto ang mga ito.

Bakit ganon? Panandaliang saya nalang lagi. Lagi nalang binabawi

Chương trướcChương sau