Chapter 41 Hide and Seek

But who am I kidding?

How many years had passed again? Five or six? I thought he wasn't in my heart anymore. I thought I was completely over with my love for him. But turns out, for those years, I just filled my heart with anger, the reason why I thought that I was over him.

Pero hindi pa pala, nandito pa rin siya. Buong buo pa rin e. I love him. I do. I can't deny that anymore to myself dahil ramdam ko naman na 'yon. But then, I don't trust him. And my love for him is not enough for me to take a risk again. Lalo na dahil sa mga narinig kong mga salita mula kay Beatriz kahapon.

"Ano bang problema?"

I was brought back go reality when Raf nudged at me.

"Akala ko ay bukas pa tayo aalis? Pero bakit mukhang napaaga naman yata? Aren't you too excited to leave?" he asked.

I sighed bago inayos ang pagkakaupo ni Indira sa aking mga hita.

"Wala. I just want to make Indie happy," ani ko nalang.

I saw him pouted. "Hindi 'yon e. May iba pa. Iba ang awra mo. Malungkot e. Sobrang nakakadala. Tungkol kay Monteserio ba 'yan?"

I sighed again. Sighing is like my bestfriend now. I can't get it out of my system, parang si Monteserio lang. That bastard.

Mahina akong napailing.

"I talked to Beatriz yesterday. She told me things..." napalunok ako. Sa tuwing binabalik-balikan ko ang mga narinig ko kahapon ay paulit ulit ring binibiyak ang puso ko para sa anak ko. No one even know that I cried. Nang tulog na si Indira ay pumasok ako sa bathroom at doon nag-iiyak buong magdamag. The reason why I am not removing my sunglasses kahit nasa sasakyan na kami dahil halatang halata na umiyak ako at walang tulog.

"She t-told me that... Claus wanted to get rid of... of our baby. Sabi niya ay hindi daw siya tatanggap ng anak kung mula sa akin e." I sighed loudly, hoping for the pain in my chest to subside, but it only worsened. "Sabi niya ay lumalapit lang sa akin si Claus dahil... dahil gusto niyang maghiganti sa akin. Claus' right that I purposely abort our first child for my career. Akala niya ay pinagpalit ko ang anak namin para sa career ko, but he thought wrong. I couldn't do that. I love my job, pero hindi ko magagawang patayin ang sarili naming anak. I c-could never...." I trailed off. Kaagad kong pinunasan nag luha sa aking pisngi bago pa man ito mahulog sa natutulog kong anak na mas aking hita.

"K-kaya lang. Naniwala siya sa mga sinasabi ng iba kaysa sa akin. He didn't believe me. He didn't trust me enough." Hindi no na napigilang mapahikbi kaya napatingin sa akin si Miya na nakaupo sa may unahan. Tumayo ito at kinuha si Indira sa aking hita bago bumalik sa kaniyang upuan.

I sighed.

"Masakit 'yon. Ilang beses akong humingi ng tawad para sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Ilang beses ko siyang hinabol. Ilang beses akong nagpakatanga. Ilang beses kong isinakripisyo ang sarili kong kasiyahan kasi sinisisi ko rin ang sarili ko kahit na hindi ko naman talaga kasalanan. Ilang beses kong ibinaba ang sarili ko, hindi lang sa kaniya kundi pati na rin sa pamilya ko, pero ang baba pa rin ng tingin nila sa akin. Ang baba baba e. Kaya hindi nila ako masisisi. Hindi nila ako masisisi kung nagawa kong alisin sila sa buhay ko kahit na pamilya ko sila. Pero si Claus... siya lang ang nanatili." I cried, very much frustrated that I can't get rid of him in my life.

"I am so dissapointed in myself again, Raf. You witnessed naman how I wanted to get rid of the one's who inflicted too much pain to me back then di ba? I tried, and I did... To my family. Iyong kay Claus, akala ko ay nawala na talaga siya sa puso mo pero akala ko lang pala. Sobrang hina ko pagdating sa kaniya. Ganun pa rin ako. Mahina pa rin at marupok pagdating sa kaniya. Mahina pa rin..." Humagulhol ako. Kaagad akong niyakap ni Raf. Hinahaplos niya ang likuran ko habang patuloy ako sa pag-iyak.

"Hindi mo kasalanan, Trin. Nagmahal ka lang kaya gusto mong may mapatunayan. Hindi mo na kasalanan kung hindi nila nakita ang worth mo. It's their fault. They lost a gem." Ani niya. "As for Claus. You should really talk to him, Trin. Alam kong isa siya sa mga tao na nagpasakit sayo ng sobra, but I think that its time for the two of you to talk. Iyong usap talaga na maliliwanagan kayong pareho. Hindi 'yong usap na naghuhubad ah." He teased kaya mahina akong napatawa at hinampas ang kaniyang dibdib.

"Raf nga!"

"Pero seryoso kasi.. I think isa 'yan sa missing sa relasyon niyo. The communication and of course, the trust. Kaya kayo hindi nagkakaintindihan dahil walang komunikasyon. And both of you loves to jump. Jump into conclusions at mabilis pang nagpapaniwala sa fake news, tch. Sinabi ko naman sayo na may naaamoy ako sa kakambal mo e. She smells fishy. Pinaglihi siguro sa shokoy 'yon?" He joked again and I laughed.

Pero napaisip din ako e. Tama 'yong sinabi niya. Iyong relasyon namin noon, para kaming naglalaro. We were both too comfortable of each other's company na hindi na namin naisip ang mga posibleng mangyarimg mga dagok sa relasyon namin.

We don't communicate that much. I trust him and I know he trust me too, but I guess, it wasn't enough. Out love and trust wasn't enough to keep us bind together. There's still something that's missing.

Paano kung... mag-usap kaya kami? Iyong usap na walang sigaw at iyakan? Iyong simpleng, nagkakaintindihan lang kaming dalawa?

I shook my head.

Kung ginawa namin 'yon noon, sana ngayon ay may dalawa na kaming Beautrin o di kaya'y Claus. If he let me explain, then we're probably fine by now. May kapatid na sana si Indie kung ganun.

"So ano? Magtatago-taguan muna kayo ngayon?" Raf said and I nodded.

Magtatago muna ako bago ko siya harapin para magka-usap na kami ng maayos. I want to know his reason why he didn't let me explain... kung meron man. And I will... I will explain my side to him.

I won't apologize. I'm done apologizing and feeling sorry my whole life. It's his time to apologize... If I can forgive him, I will. If I can't, then I won't force myself. Easy as that.