Chapter 35 Unexpected
Ilang beses na naming ginawa ang bagay na 'yon? Ewan. I lost count myself. He took me over and over again. Para siyang walang kapaguran. Napailing ako. When it comes to this, hindi ko talaga magawang sabayan si Claus, kahit noon pa man.
Nakatulog ako ulit pagkatapos ng ginawa namin. I was too tired to even move. When I woke up at ng mapatingin sa oras ay alas tres na ng hapon. My stomach is growling and I feel extremely sticky. My God!
I was alone on the bed when I woke up kaya mabilis akong nakaligo. May nakita akong damit sa sofa na nasa loob ng kwarto. It has a tag and I assumed that it was for me. May underwear pa and it has the same size as me kaya nasiguro kong para sa akin nga iyon.
Pagkatapos kong magbihis ay hinagilap ko ang aking purse. It was on the bedside table. Pagkalabas ko ng kwarto ay sumalubong sa akin ang tahimik na paligid. I just shrugged.
Nakalabas ako ng penthouse without any interruptions. Siguro ay umalis ang lalaki and the hell I care with that. Mas pabor iyon sa akin dahil ayaw kong makaharap ng drama ngayon lalo na at gutom na gutom ako.
My phone is dead at nag-aalala ako na baka nakauwi na sina Miya at Indira. Panihiradong mag-aalala 'yon. And Indira will surely cry.
I hailed a taxi at nagpahatid sa aming condo. Dumaan pa muna ako sa drive thru para maka-order ng makakain dahil kumakalam na talaga ang tiyan ko.
Nang makarating sa tapat ay bumaba kaagad ako ng taxi matapos makapagbayad. Nagmamadali ako papasok sa loob ng building.
Binuksan ko kaagad ang pintuan ng condo and I was greeted... Wow!
I raised my brow while looking at the two visitors. Nakaharap ang mga ito kay Miya at Raf na pinapagitnaan pa si Indira. I coughed. Nabaling ang atensyon sa akin ng dalawang bisita. Their eyes widened when they saw me. Magkasabay na tumayo upang siguro'y salubungin ako but I raised my right hand telling them to stop.
Napakurap lang ang mga ito na parang nagulat sa ginawa ko.
"Mommy! You see that?! We have a visitor! They said you're their daughter! So that makes me their grandchild Mommy?!" Indira excitedly stood up on her seat at tumungo sa akin. I crouched a bit, reaching for her forehead before dropping three kisses on it.
Tiningnan ko si Miya at Raf. Mukhang naintindihan naman nila kaagad ang ibig kong sabihin kaya tumayo silang dalawa. Kinarga ni Raf si Indira causing her to pout at me.
"Mommy..." she whined cutely and I just chuckled.
"Baby, we'll just talk for a bit, okay? You come with Uncle Raf and Tita Miya, hmm?" Napanguso ito ngunit tumango nalang din.
"Sa kwarto lang kami. Just shout if you need help," Miya whispered at nauna ng naglakad papunta sa kwarto. Sumunod naman si Raf na karga si Indira matapos akong kindatan.
I sighed.
Napatingin ako sa kanilang dalawa na nanatiling nakamasid. Lumapit ako sa sofa at naupo, kaharap lang nila.
"Anong kailangan niyo?" Malamig kong tanong. Ayaw kong magpaligoy-ligoy pa. I don't even want to see them here and I might be bad for saying this, but they are not welcome anymore to enter my life. I've been living peacefully, away from their toxicity. Wala na akong dahilan para harapin o kausapin sila sa totoo lang dahil matagal ko ng pinutol ang koneksyon namin... Halata naman siguro 'yon sa pagpapabago ko ng apelyido e.
Bianca San Diego. The woman that I used to look up to. Ang taas taas ng tingin ko sa kaniya noon, hindi lang dahil sa ina ko siya, pero sa kadahilanang buong akala ko ay tama ang lahat ng mga nagiging desisyon niya pagdating sa akin.
Custodio San Diego. Hmm... Wala akong ibang masayang ala-ala sa kaniya dahil kahit kailan ay hindi niya ako tinuring na anak, and he didn't even look at me like one too. Actually, silang dalawa ni Bianca. Hindi naman talaga naging maganda ang trato nilang dalawa sa akin.
I don't have good and happy memories with them. Kung meron man, I am treating that now as one of my nightmare na ipinagdadasal kong sana hindi ko na maranasan ulit. And of course. Alam kong hindi ko na ulit 'yon mararanasan. I have my own life now. My own family. At sisiguraduhin kong hindi ako matutulad sa kanila.
"Anak..."
Hindi ko napigilan ang sariling mapairap nang marinig ang malumanay nitong boses. Anak? How ironic. Ang tagal kong pinangarap na tawagin nila ako nun e. I've been longing to be called their child for so long... pero kailangan pa ba talagang umabot kami sa ganitong sitwasyon para lang matawag nila ako ng ganon? Kailangang nang putulin ko muna ang koneksyon namin para lang marinig ang salitang 'yon? Kailangan ko pa bang mapagod at sumuko bago ko marinig ang salitang anak sa bibig nila?
"Bakit ngayon pa Bianca?" I asked. Sinigurado kong maririnig nila ang hinanakit ko sa aking boses.
Bianca's eyed widened, kahit si Custodio ay napaawang din ang bibig sa narinig nila. Why? They probably didn't expect me to turn out like this, huh? Buong akala kasi nila ay mananatili akong sunod sunoran. They thought that I will stay true and respectful despite of how many countless times they stepped on me. If they still think that I am the same Oleya Beautrin, then they're... stupid.
"Sumuko na ako sa inyo e. Five years ago? Naalala niyo ba 'yong huling kita natin? 'Yon na rin ang huling pagkakataon na may naging anak kayong Beautrin San Diego." I told them coldly.
I saw how Bianca's eyes turned into a teary one. Hinahaplos naman ni Custodio ang likuran ng asawa at panay rin ang buntong-hininga nito. Kung nagsisisi sila sa mga ginawa nila sa akin noon, then it's already too late.
"Kung nagpunta kayo dito dahil nag-aalala laying makagawa na naman ako ng 'labag' sa inyo o di kaya'y makasisira ng pamilya at apelyido niyo, then worry not. I am not a San Diego anymore. I changed my last name into Silverio. Dugo niyo nalang ang nananalaytay sa akin, but I don't treat you as my relatives or family anymore."
"May sakit ang Papa mo, Trin..." mahinahong saad ni Bianca.
Hindi na ako nagulat dahil natural naman na sa mga matatanda ang magkasakit.
"Ganon talaga ang nangyayari kapag tumatanda na e. Hindi niyo 'yan mapipigilan. And next time, doktor na ang puntahan niyo at hindi ako. I only make dresses and I don't have a power for healing." Tumayo na ako at inilahad ang pintuan. "Makakaalis na po kayo. Sana huwag na 'tong maulit."