Chapter 1

Celeste’s POV

“What are you doing?”natatawa niyang saad sa akin nang mapatingin.

Sitting, duh! What do you think I’m supposed to do here?

“You’re not scared or what?”tanong niya at ngumiti pa. Tumahol na lang ako para hindi naman siya magmukhang tanga na nagsasalita mag-isa. Kalmado lang ako habang nakaupo dito sa passenger seat niya. Aba’t ang tapang ng lolo mo, kampante siya masiyado na hindi ako mangangalikot dito sa kotse niya.

Napatingin ako sa cellphone niya na mukhang iniba niya na ngayon. Napatitig naman ako doon, sinubukan ko pa ‘yon pindutin, agad akong napatingin sa kanya nang makitang hindi na ako ang wallpaper nito, it’s a spaceship. Bilis maka move on, ah?

“Bad, little one. Don’t touch it,”sabi niya na pinilit pang magsungit sungitan ngunit hindi rin naman nagawa. He’s too soft.

Napatingin ako sa wallpaper at napatingin ulit sa kanya. Natawa naman siya sa akin dahil dito.

“Why? Are you amaze with my phone?”tanong niya.

Who would be amaze with that, Presley? Mukhang masayang masaya ka na na wala na ako? Ngiting ngiti ka pa! Natawa pa siya sa akin ngunit tumingin ulit sa harap dahil nga siya’y nagdadrive.

“May 13, 20** weather update—“hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi nito, ang narinig lang ng ang aking tenga ay ang araw ngayon. It’s already 2 years after I died?!

Kaya naman pala ayos na ayos na itong si Lyle dahil 2 years na ang nakalipas. May girlfriend na kaya ito? No! Hindi pwede! Hindi naman kami nagbreak noong namatay ako.

Huminto naman kami sa isang pet house. What are we going to do here?

“Good afternoon, Presley! Nandito ka nanaman,”natatawang sambit nang isang lalaki. I think it’s Michael. Tinahulan ko ito. Napangiti naman siya sa akin. Kaibigan siya ni Lyle, isang vet.

Magvevet din dapat si Presley noon, noon pa lang namam kasi ay malapit na siya sa mga hayop but the thing is ayaw ng papa niya dahil siya lang ang magmamana ng kompanya nila.

“Wow, may dala ka nanamang aso, Presley!”natatawa nitong saad.

“But this one is kind of cute,”sabi nito at pinaglaruan pa ang mukha ko. Agad ko naman siyang inangilan. Aba, ang kapal naman ng mukha niyang hawakan ako.

“Wow there, little one. Matapang pala, Pres,”natatawang sambit nito kay Lyle na iniilingan lang siya. Dire-diretso naman sa pagpasok si Lyle sa loob.

“So, why are you here again?”tanong ni Michael sa kanya.

“It’s my pet house, you idiot,”sabi ni Lyle at naupo habang buhat buhat ako. Pet house niya ito? Kailan pa? Maliit lang naman ito tila kauumpisa pa lang.

“Ipapaadopt mo ba ‘yang cute na aso na ‘yan?”tanong ni Michael. Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin kay Lyle na nakatingin din sa akin, natawa naman siya sa itsura ko. Aba, huwag mo akong mangiti-ngitian diyan kung ipamimigay mo rin naman pala ako sa iba.

“Don’t look at me like that, Little one. I can’t take care of you,”sabi niya at hinawakan pa ako sa ulo. Hinaplos niya ang mga balahibo ko at ngumiti.

Don’t smile at me like that!

“By the way, mukhang dapat mo ng paliguan ‘yang aso mo, Pres,”natatawa nitong sambit at tumingin pa sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“May galit ba itong aso mo sa akin, Pres? Ang sama kung makatingin!”natatawang sambit ni Michael.

“Kailangan na rin ‘yang paturukan ng anti-rabies at baka mangagat,”sabi pa nito.

Sino naman ang kakagatin ko? Ikaw?

“Yeah, yeah, let’s go to the bar later, sagot ko na,”sabi ni Presley na para bang hindi nakikinig. Hindi ko alam kung may pakialam talaga ito sa akin o ano. Napailing lang sa kanya si Michael.

Bar? Kailan pa ito natutong mag-aya? Halos lagi nga itong tumatanggi noon, baka nandoon na ang bago niya ngayon?

“What’s her name, Presley?”tanong ni Michael at tumingin sa akin. Napatingin naman ako kay Presley. It’s me! Celes! Nakatitig lang siya sa akin at maya-maya ay ngumiting ginulo ang balahibo ko.

“Hmm, let the one who will adopt her do the honor,”sabi ni Presley.

So you’ll really going to abandon me like this, ha?

Paano kung katayin ako ng mag-aampon sa akin tapos gagawin akong pulutan? Omg! If thats happen, I’ll make sure that I’ll be hunting all those people who eat me! And Lyle!

Pinaliguan naman ako ng ilang katulong nina Michael dito sa clinic. Medyo masarap maligo dahil matagal tagal din ng huling ginawa ko ito. 2 years, right? But it’s like yesterday lang naman.

“Good girl,”nakangiting sambit ng isang nagpapaligo sa akin. She patted my head.

“You’re so cute, sayang naman kung ipapaadopt ka ni Sir Presley,”sabi pa no’ng isa.

“Ang cute niya, Juana no? Mukhang hindi takot sa tubig,”natatawang saad no’ng nagsalita kanina.

“Kung pwede lang ay ako na ang nagaadopt dito kaya lang ay paniguradong mag-aaway sila ng mga pusa ko,”natatawang saad nito. Duh! As if naman I want you to adopt me. I want Lyle to do the honor.

Hindi ko na halos nasundan ang mga pinaggawa ng mga ito. Kung ano-ano ang mga pinag-iinject nila sa akin.

Nang matapos ay nakita kong nakatingin si Lyle sa akin. Tinignan ko rin siya.

Aba, Presley, makuha ka naman sa tingin. Iuwi mo na ako!

“You really have the eyes of someone I know,”nakangiti niyang saad na kinuha at niyakap ako.

Of course, it’s my eyes, idiot!

“But I can’t take care of you, I’m sorry...”mahina niyang sambit sa akin. Tinahulan ko naman siya. Aba, hindi pwede ‘yon! Nagtunog naman ako na nalulungkot at nagpaawa pa sa kanya ngunit ang mokong na ito, tinawanan niya lang ako.

Inabot niya naman na ako kay Michael, iiwan niya na talaga ako dito? Nang maibat niya na ako kay Michael ay agad akong tumalon.

“You like me that much?”nakangiti niyang tanong. Kumawag kawag naman ang buntot ko at tumango pa sa kanya. Napatawa ito ng mahina sa akin.

“I’m sorry, Little one,”sabi niya na hinaplos pa ako sa ulo bago tumayo.

“I’ll go now, Michael, take care of her,”sabi nito at naglakad na palabas ngunit bago pa siya tuluyang makaalis sa may pinto, kinagat ko na agad ang laylayan ng damit nito. Napatingin naman sa akin si Lyle na medyo nagulat doon. Naalala ko na kapag may gusto akong hilingin sa kanya ay hindi ko siya tatantanan kakahila ng kanyang damit.

“Hey there, Little one, Presley said no, come here,”sabi ni Michael na binuhat ako. Tinahulan ko lang siya mg tinahulan ngunit naiiling na lang itong tumatawa sa akin bago niya ako nilagay sa isang cage.

Napatingin naman ako kay Presley na tuluyan ng umalis. Hindi ko maiwasang malungkot nang makaalis na ito. Ang hirap pa naman baguhin ng utak no’n kapag desidido na siya sa isang bagay.

Napahiga na lang ako sa kulungan. Hindi na tumahol pa o ano. Magpapagod lang ako. May iilan ding mga aso nandito, mga pinapaadopt din. Hindi naman siguro ako makukuha kaagad dahil marami rin naman ang mga asong nandito. May oras pa para magpaawa kay Lyle.

Napatingin naman ako sa isang batang lalaki na nasa harap ng cage ko. Mukhang ang Mama nito’y nagpapacheck up ng aso nila.

Tinapat nito ang kamay sa akin na may pagkain. Aba, akala niya naman makukuha niya ako sa ganyan pero ang katawan ko na mismo ang lumapit at hindi pa nagpapigil dinilaan dilaan pa ang kamay ng batang lalaki.

Gustong gusto ko ng tuktukan ang sarili kaya lang ay wala pala akong kamay. Nakangiti ito sa akin.

“Sew, don’t touch it, baka mamaya ay kagatin ka,”sabi ng ina niya at pinapaalis ang anak sa tapat ko.

“My, it’s cute, let’s adopt her,”sabi nito sa ina.

“Ipapaalam muna natin kay Daddy, Baby,”sabi naman ng ina nito.

“But I want her, Mom!”malakas nitong sambit na tila anytime ay magwawala na ito.

“But, baby, we still have Snow,”sabi nito sabay turo sa aso nilang malaki laki na rin at puting puti ang kanyang balahibo.

“Still! I want her, Mom! She’s cute and she’s a puppy,”sabi nito.

“Baby… Let’s ask Daddy first, okay?”tanong ng babae sa kanya.

“Fine!”napanguso pang saad nitong batang lalaki.

Umalis na rin naman ang mga ito pagkatapos ng check up ng aso nila. Hindi naman siguro ‘yon babalik at kukunin ako, ‘di ba? Huwag naman sana.

Kahit na maliit lang pala itong pet house ni Presley ay marami ring nagpapabalik balik para lang magpacheck up. Pinilit ko namang huwag makipaglaro at magpacute sa mga batang dumadating para mag-adopt.

“How about this one, Doc?”tanong ng isang lalaki kay Michael.

“It’s a she, Bro,”sabi ni Michael sa kanya.

“I’ll take it with me. Hmm, maybe I should breed her with Spam,”nakangiting sambit nito at hahawakan pa sana ako. Agad naman akong napalayo sa kanya. Breed? Omg! No way! Never in my entire life that I’m going to have sex with a fucking dog!

“I think she doesn’t want you, Bro,”natatawang saad ni Michael sa lalaki.

“She likes me, she just shy right now,”sabi nito at tumawa pa ng marahan. Mukha ba akong nahihiya? I don’t like you, idiot!

“I’ll adopt her,”sabi nito na tila desididong desidido na. No! Please, no!

“Kunin ko na bukas, is that okay?”tanong nito kay Michael. Agad naman akong tumahol kay Michael para ipaalam na ayaw ko kaya lang ay mukhang hindi nito nakuha ‘yon.

“See? She likes me!”natatawang sambit naman no’ng lalaki. Aba, bobo ka, Boi? Mukhang namisinterpret pa nito ang pagtahol ko.

Inangilan ko si Michael para mapigilan niya ‘yon ngunit natatawa lang na lumayo sa akin ang mga ito. Sinubukan ko pang magwala sa cage ngunit hindi rin naman nila ako pinansin dahil halos ang iba rin namang aso ay ganoon din saka busy ang mga ito sa mga taong pumapasok.

Hanggang sa tuluyan ng magdilim ay ganoon pa rin ang nangyari samantalang ako naman ay nanahimik na rin napagod sa kakakalabog dito sa cage.

“You won’t really eat?”tanong sa akin ni Michael na napatingin pa sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Natawa naman siya sa akin.

“Want me to tell Presley about this?”tanong niya. Agad akong tumahol at nabuhayan ng loob, baka sakaling maawa ‘yon at tuluyan na akong ampunin.

“You really like Presley, ha?”natatawang saad ni Michael. Agad naman akong tumahol dahil doon.

“Alright, I’ll tell him,”nakangiti nitong sambit at tinulak pa papunta sa akin ang pagkain.

“You should eat now, okay?”tanong pa niya sa akin. Hindi pa rin ako kumain. Aba’t sabihin mo muna.

Maya-maya lang ay nagsi-alisan na ang lahat ng bantay. Natira na lang ay ang kapalit na guard. Tahimik lang ako habang nandito sa cage.

Nakakalungkot pala ang ganito, you’ll just have to wait for someone to give you the attention that you want at paminsan minsan ay hindi pa ‘yon maibibigay. Ni hindi mo magawa ang mga gustong gawin, kailangan mo pang hintayin ang mga ito para sila ang gumawa ng gusto mo.

Minsan ay hindi pa nila maintindihan ang gustong sabihin. Like earlier, I need to poop at it’s really embarassing cause I poop in my own cage! Sila pa itong kailangan maglinis ng sarili kong poop, nakakahiya.

But what should I do? I reincarnated as a dog and it’s really hard. I don’t even have anyone who I can talk to. I tried to sleep but I can’t lalo na’t nagiging ako sa konting kaluskos lang. It’s really weird cause mas nakakakita pa ako ng malinaw ngayong gabi.

Medyo tahimik naman ngunit kapag may tumahol ay tatahol na rin silang lahat, parang timang. Hindi ko alam kung mayroon ba akong mga kapareho dito pero isa lang ang sigurado ko, lahat kami may hinihintay, hinihintay ‘yong mga taong mamahalin kami ng buong puso. Someone who will give us attention. Someone who will take care of us the way we want it to be.

I’m still waiting for that someone, I’m still waiting for you to come back, Lyle...