Chapter 3

Celeste’s POV

“Good morning, my little puppies!”nakangiting sambit ni Michael na isa isa pa kaming nilapitan.

“Good morning to the most grumpy little puppy,”sabi niya sa akin. Inangilan ko naman siya kaya natawa ito.

“Sungit talaga,”natatawa niyang saad sa akin. If I can just roll my eyes kanina ko pa ginawa dahil sa kaingayan nito.

“Did you eat?”tanong niya pa sa akin. Akala naman ay sasagutin ko. Natatawa lang siyang lumayo sa akin at kinausap ang ilang aso sa gilid.

Naging busy naman ang umaga nila, grabeng pagdadasal naman ang ginawa ko na sana hindi ako kuhanin no’ng lalaki kahapon at sana si Lyle na lang ang umampon sa akin.

“Doc, ipapaadopt niya talaga ‘to? Hindi niyo ba iuuwi?”tanong ni Miah. ‘Yong isang katulong ni Michael dito.

Nagkibit naman ng balikat si Michael at kinausap na ang ilang pumapasok na nagpapacheck up. May isang taong nataranta pagkapasok dito sa loob at mukhang alalang alala siya sa aso niya.

“Daddy, Lix will be fine, right?”tanong ng batang babae sa kanyang ama na tila naiiyak na habang tinitignan ang aso niya.

“Baby, Lix will be fine, okay? Calm down, baby,”sabi naman ng tatay nito.

They were waiting patiently, para bang konting konti na lang ay hahagulgol na ang bata kung hindi lang siya pinapatawa ng ama na mukhang nalulungkot din.

“Everything will be okay, Baby, don’t worry, okay?”sabi nito at ngumiti pa sa kanya. Ngumiti rin ito sa kanya ngunit ang kanyang mga mata’y mababakasan pa rin ng luha.

“I’m sorry, Sir, but we can’t do about it, he’s too old...”mahinang sambit ni Michael sa mag-ama. Humagulgol naman sa iyak ang batang babae samantalang napapunas naman sa kanyang mga mata ang kanyang ama na tila nalulungkot din sa pangyayari.

Pinagmamasdan ko lang sila, I think that’s life, just like human, pets come and go. When you get close to that person or to that thing, ang hirap hirap ng bitawan dahil naging parte na ng buhay mo. When I died, did someone cry hard like this? How I wonder. Baka wala. Maybe they were all happy that I’m gone.

My life was almost perfect ang sabi ng iba. Pero ang hindi nila alam? It’s not. My family? I think they hated me. My friends? Lahat sila nakikisama lang dahil ako ‘yong nasa tuktok. Napatawa na lang ako ng mahina, how pathetic, Celes.

“Lix, no! Please, no!”umiiyak na sabi no’ng batang babae at niyakap ng mahigpit ang aso na nakahiga at wala ng malay ngayon. Ang ama nito’y hindi na rin napigilang mapaiyak. Napatingin naman ako kay Michael na nagpapahid na rin ng luha.

“You said you wanted to play to the park today? Wake up, Lix, please,”sabi no’ng batang babae na hinawakan pa sa pisngi ang aso.

Ang hagulgol lang nito ang naririnig sa buong clinic dahil wala ni isang nagsalita pati ang mga asong ang hilig hilig tumahol ay natahimik din. Lahat ay nakatitig lang sa kanila. She was crying hard na tila naging isang malaking parte na ng buhay niya ‘yong aso.

Maybe I was wrong when I said that no one understand us dahil dadating ‘yong tao na gagawin ang lahat para maintindihan ka. ‘Yong isang taong ituturing at aalagaan ka na para bang kagaya ka nila, na hindi ka lang ituturing na para bang laruan, na ituturing ka na kaibigan hindi lang basta hayop.

Ni hindi na magawang kumalma no’ng bata at mas lalo pang lumakas ang hagulgol niya. Nang kumalma ito ay agad na humingi ng tawad ang ama nito.

“Mukhang napalapit talaga siya sa aso niya, Doc, no?”tanong ng isang kasama ni Michael.

“Sabi ng ama ni Sera, simula noong isang taon pa lang ito ay aso na nila ‘yon kaya nasubaybayan nila ang isa’t isa sa paglaki. Naging matalik na kaibigan na rin ni Lix ang bata,”sabi ni Michael. Napatango naman sila at tumulong na sa pagliligpit ng mga gamit.

Nang kumalma naman na ang lahat sa pangyayari kanina ay bumalik nanaman sa dati ang clinic, mukhang masiyado na silang maraming nasubaybayan na ganoon ang mga pangyayari kaya hindi na halos nagugulat ang mga ito.

Paano kaya nila ‘yon natatagalan? Parang ang sakit sakit sa puso habang pinapanood ang mga amo ng mga ito na nagsisiiyakan dahil sa mga alaga nila. Natulog na lang din ako. Alangan naman magwala ako dito at sayangin ang boses kakatahol.

“Good afternoon, Little one,”nakangiting bati sa akin ni Lyle. Napadiretso naman ako ng upo dahil doon.

“Look how excited are you, kumakawag kawag pa ang buntot,”nakangiwing sambit sa akin ni Michael. Tinahulan ko lang naman siya at inangilan ngunit tinawanan niya lang ako. Binuksan niya naman ang cage ko kaya agad akong tumalon kay Lyle na nakangiti sa akin.

“You like me that much?”natatawa niyang sambit. Tumahol naman ako.

I like you kaya iuwi mo na ako!

Parehas naman silang natawa ni Michael dahil sa akin.

“Parang kanina lang ay wala kang gana diyan sa cage mo, nakita mo lang si Presley at ganyan ka na. Nakakatampo ka namang aso ka,”sabi niya sa akin.

“Ako kaya ang nagpapakain sayo!”natatawang saad ni Michael. Sina Miah kaya. Sinungaling.

“Mas pogi naman ako diyan kay Presley!”sabi niya pa at tumawa.

You wish!

Tinahulan ko lang siya ng tinahulan kaya tinaas nito ang dalawang kamay na tila sumusuko.

“Fine, you traitor,”natatawa niyang sambit sa akin. Napatingin naman ako kay Presley na nakangiti sa akin at hinagod pa ang ulo ko. If I make you happy why won’t you take me with you?

“So is that for me?”tanong ni Michael sa kanya habang nakatingin sa dala dala nitong pagkain. Agad namam na umiling si Lyle dito.

“Aba’t mas mahal mo pa ata sa akin ‘yang asong ‘yan!”sabi nito at napanguso pa.

“Gusto mo?”tanong ni Lyle. Agad namang tumango si Michael.

“Tahol ka rin,”natatawang sambit nito. Kung pwede lang tumawa ay kanina ko pa ginawa.

“Is she smiling right now?”tanong ni Michael na nakatingin sa akin. Tinahulan ko naman siya.

“Aba’t tinatawanan mo ako, ha?! Tignan lang natin kung hindi mo ako mamimiss kapag inampon ka na ni Miguel,“

“Aampunin na siya?”bakas ang gulat s mukha ni Lyle. Pesteng Michael ‘to, akala ko ba ay sinabi niya?

“Bakit ang bilis naman?”tanong ni Lyle at nilingon pa ako na mukhang malungkot. Nalulungkot ba talaga siya? Kung malungkot siya ay dapat iuwi niya na lang ako.

“Sino ba namang ayaw diyan? Mukhang matapang at mukhang pwedeng pangbantay,”natatawang saad ni Michael. As if naman magbabantay ako ng mga magnanakaw o ano, baka ako pa ang unang tumakbo.

“But she’s still a puppy?”tanong naman ni Lyle.

“Yeah,”tumango tango naman si Michael.

“You should do background check baka mamaya ay kung anong gawin sa aso,”sabi nito na tinutignan pa ako. Tinitigan ko rin naman siya.

Kung may nagbago man dito, humaba ang kanyang buhok at kung noon ay malinis na malinis tignan ang mukha niya, iba naman ngayon, hindi ko naman sinasabing hindi na malinis ang mukha niya dahil gwapo pa rin naman ito. ‘Yon nga lang ay makapal na ang balbas nito. Bagay niya pa rin naman ‘yon at nagmature siyang tignan ngunit para sa akin ay mas bagay niya ang malinis na mukha.

Ang makakapal nitong kilay ay ganoon pa rin, ang mga mata’y tila tumalim, ang matangos na ilong at ang mapupulang labi ay nanatili pa rin sa dati nitong anyo. Mukha nga lang mas humaba pa ang eyelashes nito.

“Alam mo naman na lagi naming ginagawa ‘yon dito, Pres. Kung nag-aalala ka ay iuwi mo na lang,”sabi ni Michael sa kanya. Minsan lang siya tumama sa tanang buhay niya.

“No, hindi pwede,”sabi niya at umiling. Bakit ba talaga hindi pwede? May asawa na ba ito at ayaw sa aso o ano? Kasi kung ako pa rin ang girlfriend nito, talagang hindi ako nagpapadala ng hayop sa condo niya dahil doon ako nakatambay at mabilis lang akong mairita sa mga ito.

Nagkibit naman ng balikat si Michael ngunit sumunod pa rin naman kay Lyle. Binaba naman ako ni Lyle at binaba niya rin ang dala dalang pagkain. Tinapat niya sa akin ang sinangag na may brocolli. Sa tingin ko ay luto niya ito.

“Wow! Ang sarap naman ng pagkain mo! Mukhang pinagluto mo pa talaga, Presley, ha?”tanong ni Michael ngunit hindi pinansin ni Lyle at nagpatuloy lang sa pagsulyap sa akin.

Ginalaw ko pa rin naman ‘yon ngunit iniwasan ko ang mga brocolli dahil hindi ko magawang kumain no’n. Simula noong bata ako ay ayaw ko na ng lasa nito.

Natigilan naman si Lyle habang salita ng salita si Michael.

“Oh? Ayaw mo ng brocolli? Mabuti sa katawan mo ‘yan! Maraming protein. You should eat it para walang saying,”sabi pa ni Michael dahil ‘yon lang ang natira. Pilit niya naman tinutulak sa akin ang lalagyanan ng pagkain ngunit agad akong umiwas.

Napatingin naman ako kay Presley na natigilan ngunit sa akin pa rin ang tingin nito. Nagkatinginan naman kaming dalawa. It’s me! It’s Celes!

“’Yan! You like him, right? Dapat ubusin mo, sad tuloy si Presley,”isip batang sambit sa akin ni Michael. Gusto ko itong kagatin para patahimikin dahil ang ingay ingay niya.

“Hoy, natulala ka naman na diyan,”sabi ni Michael.

“Celes...”mahinang sambit ni Lyle. Agad naman akong tumahol para ipahiwatig na ako ito. Baka kaya nandito ako ulit ngayon, to be with Lyle.

“Naiisip mo nanaman ang ex mo, Pre, move on, it’s been 2 years since she died,”sabi nitong si Michael.

“Celes doesn’t like brocolli…”mahinang sambit ni Lyle. Medyo nagulat naman si Michael doon ngunit agad ding tinapik si Lyle.

“So you remember her again? Maarte lang talaga ‘yang tuta mo,”natatawang sambit ni Michael.

“At maarte rin si Celes,”bulong naman ni Lyle. Aba! Agad ko naman siyang tinahulan kaya napatawa siya sa akin at hinaplos ang aking balahibo.

“Doc, the guy who will adopt this puppy is already here, hinahanap na po kayo,”sabi ni Miah kay Michael. Parehas naman kaming natigilan ni Lyle.

“Paano ba ‘yan, Presley, I think this will be the last time you’ll see this cute little puppy,”sabi ni Michael at ngumiti.

“But if you change your mind you can still adopt her, hindi ko pa naman napipirmahan ang papers,”sabi ni Michael sa kanya. Hindi naman nagsalita si Presley habang nakatingin sa akin. Binigyan ko naman ito ng nagpapaawang tingin.

“Just give her to him, basta alagaan niyang mabuti kamo. Aalis na ako,”sabi nito na tumayo na. Nalungkot naman ako dahil doon, pakiramdam ko ay ito na talaga ang huling kita ko sa kanya at baka mamaya ipabreed pa ako sa iba’t ibang aso. Aba! Hindi ko ata masisikmura ‘yon at manganganak din ako ng walong beses! Paano ko ‘yon iluluwal?

No way! No freaking way!

“Alright, if that’s what you want. Come here, grumpy little puppy,”natatawang sambit sa akin ni Michael ngunit nanatili ang tingin ko kay Lyle.

Come on, Pres, adopt me! Please!

Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang balahibo ko bago tumayo at lumabas na ng pet house. Gusto ko namang umiyak kaya lang hindi ko alam kung may lalabas bang luha sa aking mga mata.

“There you are!”nakangiting sambit no’ng lalaking aampon sa akin.

“I’ll be naming you Frosty,”sabi nito at ngumiti sa akin habang hawak hawak pa rin ako ni Michael. Tinahulan ko lang siya.

“I like you, ang tapang,”natatawa niyang sambit sa akin. Inangilan ko lang naman siya. Matakot ka sa akin please lang.

“So let’s start signing the papers?”nakangiting tanong nito kay Michael. Ngumuti naman si Michael ngunit napapatingin pa sa labas. Just like him, I was still hoping that Lyle will come back at iuuwi na ako sa kanila.

“Alright..”sabi ni Michael at ngumiti.

Nagsimula naman na silang magpirmahan, nawalan na talaga ako ng pag-asa ngunit muling nabuhayan at agad pa akong napatahol, tumalon patungo kay Lyle na bumalik. Hindi ko alam kung bumalik ba ito para sa akin o ano pero masaya ako dahil bumalik siya.

“I think it’s mine, Mister,”nakangiting sambit noong lalaki at sinubukan akong kunin sa kamay ni Lyle.

“She’s now mine,”sabi naman ni Lyle na tila desididong desidido na. Napatahol naman ako sa sobrang tuwa.