Chapter 14: Love never fails
Pagbaba ko pa lang sa eroplano ay parang gusto ko na lang bumalik sa Chicago. Ibang iba talaga ang hangin sa Pilipinas, sinasampal ako ng sakit sa ilang milyong lengguwahe. Pero nakakamiss din ito.
Ngayon ay makikita ko na ang mga kaibigan ko pagkatapos ng ilang taon. Sila agad ang una kong tinawagan pagkababa na pagkababa ko sa airport.
“Nasa trabaho pa kami! Hala!” Nagtilian ang mga nasa kabilang linya. Tawa tuloy ako nang tawa.
Nag-uusap pa kami sa telepono nang bigla akong may makitang pamilyar na mukha’t katawan. Hinding-hindi ko ‘yon makakalimutan kailanman.
“Cadmus,” tawag ko sa pangalan nito.
Siya ang dahilan kung bakit mas lalo akong nagsumikap. Ang dahilan kung bakit kahit hirap na hirap na ako sa mga bagay ay nagpatuloy pa rin ako. Siya ang dahilan ng lahat.
Bumagsak ang cellphone ko dahil sa panginginig ng ang kamay.
“Ma’am Erin?” Nag-aalalang tanong ni Amber.
“I’m okay…” Nginitian ko siya. “How many times do I have to tell you? Don’t call me Ma’am Erin if we are alone.”
Ngumisi ito. “It’s a sign of respect, ma’am.” Sabi niya tsaka ako sinenyasan na maglakad na dahil naghihintay na ang kotse.
Napatingin ako sa pwesto ni Cadmus kanina pero wala na siya roon. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa airport? May hinihintay ba siya? Baka asawa niya?
Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa lahat ng pwedeng mangyari, sa mga posibilidad.
Nang magharap kami sa meeting room ay nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero mas pinili naming dalawang maging propesyonal sa aming trabaho.
Sinubukan kong kunin ang atensyon niya dahil gusto kong malaman kung kumusta na siya. Ano na kayang nangyari sa buhay nila noong nawala ako? May anak na ba siya? O kahit asawa manlang? O nobya?
Ang dami kong gustong itanong pero mukhang hindi siya interesado sa akin. Todo taboy siya sa akin tuwing lalapit ako sa kanya. Kahit sa parties na dinadaluhan namin.
Napatingin ako kay Amber na humahagikhik sa tabi. Tingin siya nang tingin sa daliri niyang hindi ko makita kung ano ang meron doon.
“Please leave me for a while, Amber…” Utos ko sa kanya na tinanguan niya agad. Mukhang natuwa pa nga siya sa sinabi ko eh.
Ilang araw na lang ay babalik na ako sa Chicago. Malapit na rin akong makakuha ng residency dahil nag-apply na ako roon. Konti na lang, matutupad ko na ang lahat ng pangarap ko. Liban na lang sa makuha ulit si Cadmus.
“Girl, kapalan mo ang mukha mo! Puntahan mo siya!” Stress na stress si Renice kaka-advice sa akin.
“Bakit siya makikinig sa ‘yo, Renice? Eh nagbreak nga rin kayo nung jowa mo eh!” Komento ni Laurel dito.
“Ay ang harsh!” Humalakhak si Nirca.
Noong araw din na ‘yon ay dumiretso ako sa stall na pinupuntahan namin dati pero wala na ‘yon doon. Nang magbukas ako ng Google Maps ay nanlaki ang mga mata ko nang malaman kong may isang malaking pwesto na si Aling Maricar!
Nakakamiss ang orihinal niyang turon at iba pang tusok tusok.
“Salamat mare, balik ka sa susunod ha,” sabi niya roon sa babaeng nakapila sa harap ko. Nang makita niya ang kasunod nito, kundi ako, ay nanlalaki ang kanyang mga mata. “E-Erin, anak?” Napangiti ito. “Erin, ikaw ba ‘yan? Naaalala mo pa ba ako?”
Nakangiti akong tumango. Sinugod ko siya ng yakap.
“Naku kay bango bango! Amoy ibang bansa! Saan ka galing? Kasal na ba kayo noong boyfriend mong dinala mo rito noon?”
Pinilit ko pa ring ngumiti sa tanong niya pero hindi ako sumagot sa pangalawang tanong niya. “Galing po ako sa US, Aling Maricar. Doon na po ako nagtapos ng pag-aaral at nagsimula ng kompanya. Namiss ko po kayo!” Sinubukan kong baguhin ang topic para hindi na uncomfortable para sa akin.
“Naku! Bigatin na pala ito. Sisimutin mo na ba ang paninda ko?” Biro nito sa akin dahilan para sabay kaming humalakhak. “Pero wala kang kasama? Nasaan na nga ulit ang boyfriend mo?” Nagkamali ako, akala ko talaga’y maiiwasan ko na ang topic na ‘yon pero nagkamali pala ako.
“Wala po akong kasama at… break na po kami ni Cadmus, limang taon na po ang nakakaraan.” Pinilit kong ngumiti sa matandang babae.
“Ganoon ba? Isa kasi siya sa naging dahilan kung bakit lumaki itong tinda-tinda ko. Binigyan ako ng pampundar tapos lagi siyang balik nang balik dito sa nakalipas na mga taon…”
“Talaga po?” Gulat kong tanong. Kung gayo’y nagustuhan niya nga ang pinakain ko sa kanya dati! Napangiti tuloy ako sa iniisip.
“Oo nga, hija… Kasama niya pa nga ang kapatid niyang englishera eh… Sayang lang at wala na pala kayo. Akala ko hindi lang kayo nagsasabay rito…”
“Hayaan mo na po, siguro may asawa na rin ‘yon ngayon…”
“Siguro nga… Minsan kasi ay may kasama siyang babae rito na maputi at maganda tapos laging naka-bun hairstyle. Akala ko nga noong una ay kaibigan niya lang kasi ang alam ko ay kayo pa. Ngayon ko nakumpirmang siya ang girlfriend ngayon noong dating nobyo mo.” Sabi niya.
Naka-bun? Si Kimberly lang ang naaalala ko na ganoon pero ang alam ko’y wala naman silang interes sa isa’t isa? Iyon ang sinabi nila sa akin, eh. Pero hindi na rin malayo dahil matagal na silang magkasama.
Pagkatapos kong kumain doon ay dumiretso na ako sa park para magpalamig. Ang daming naglalarong bata sa bagong playground ng park at mas lumaki pa ang fountains. Nagkalat na rin ang estatwa ng mga sinaunang bayani ng lalawigan.
Napatingin ako sa mga batang bumibili ng mga cotton candy at mga lobo. Iyong isang bata ay hinihila pa ang kanyang nanay sa lalaking nagbebenta ng lobo para ibili siya nito. Iling nang iling ang nanay niya kaya lumapit ako rito. Nagbabadya na kasi ang luha nito.
“Hello po, how much each?” Tanong ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili. Nagbago na rin ang aking accent sa pagsasalita ng inggles. Mas naging straight at natural ang pagkakasabi ko nito.
Natulala sa akin ‘yon nagbebenta. “Bente po isa, ma’am,”
“Bente?” I tried to think what the hell is bente. I forgot about it. Is it fifty pesos. “Fifty?”
“Twenty po, ma’am,” pagtatama niya sa akin.
Tumawa ako at tumango. “How many balloons left?” Tanong ko.
“27 balloons ma’am.” Sagot naman nito.
Tumango ako at binilang ang mga bata. “… Twenty six. Total of twenty six children, perfect.” Tumango tango ako at tumingin sa vendor. “I’ll get everything. Five hundred fourty pesos, right?” I computed it in my mind.
Tumango ito. Mukhang nahihiya pa.
Inabutan ko siya ng buong isang libo. Susuklian sana ako nito pero pinigilan ko siya. “Keep the change po. Just give all the balloons to the children. I’ll have the last balloon.” Ngumiti ako.
Sunod-sunod ang pagtango niya sa akin sabay ngiti. “Salamat po ma’am!”
“Thank you po!” Sabay sabay na pagpapasalamat noong mga bata sa akin. Napangiti tuloy ako.
Sunod kong binili ang cotton candy. Inubos ko ‘yon at umupo ulit sa bench para magpainit naman dahil may araw na.
Nakakamiss talaga ang init sa Pilipinas. Gustong gusto iyon ng mga Amerikano dahil nagkakaroon sila ng tanned skin.
Napaisip akong muli sa dati kong nobyo na kasama ko noon dito. Iniisip ko pa lang na may bago na siyang nobya o baka asawa tapos meron na silang anak ay naiiyak na ako.
That should be me.
“Fuck this!” I started crying. “I miss him so bad! Why the hell is he ignoring me?” Para akong batang hindi nabilhan ng candy ng kanyang mga magulang. “I miss you so much, Cadmus Arcajante! Fuck you! Fuck this! Fuck everything! Fuck everyone!” I sobbed.
I miss him so much… But what can I do? I’m too late for everything. Hindi na ako makakabawi, I’m too late. I did him wrong and there’s no chance to make it right.
Umuwi na ako sa bahay pagkatapos noon. Kinabukasan, nag-tiangge naman ako para mamili ng pasalubong para kay Grace at sa mga katrabaho ko sa ibang bansa.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Cadesia kasama ang isang singkit na lalaki. Mukhang Japanese boyfriend niya? Humahalik kasi ito sa kanyang pisngi.
Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Agad niyang inaya ang lalaking napatingin pa sa direksyon ko bago sila naglakad palayo. Sinubukan ko siyang habulin, gusto kong ipaliwanag sa kanya lahat. Kahit sa kanya lang.
“Cadesia!” Sigaw ko sabay hila sa nakatalikod na babae. Nang humarap ito ay hindi pala siya ‘yon, napagkamalan ko lang dahil magkaparehas sila ng kulay ng damit.
Damn… I have no hope for this.
Isang araw bago kami bumalik sa Chicago ay nalaman ko sa aking katrabaho na may kaibigan sa kompanya ni Cadmus na sila na noong kanyang sekretarya. Nakita ko pa silang dalawa sa meeting room na magkasama kaya sigurado akong si Kimberly ang tinutukoy nitong sekretarya.
So all this time… They’ve been waiting for each other? They’re dating now?
Iyak ako nang iyak noong gabing ‘yon. Paulit-ulit kong hinihiling na sana bumilis ang oras para makabalik na ako sa ibang bansa dahil hindi ko na kaya ang sakit na natatanggap ko. Wala na talaga akong pag-asa. Walang pag asang itama lahat ng pagkakamali ko sa kanya o kahit sa pamilya niya.
Hindi na siguro kami babalik sa dati…
Kinaumagahan ay namamaga pa rin ang aking mga mata kaya noong makita ni Amber ang mga pamamaga nito ay niyakap niya ako. Kasabay ko kasi siya ng nalaman ko ang relasyon ng sekretarya niya at ni Cadmus.
“Marami pang lalaki r’yan… Hayaan mo na… Makakahanap ka rin ng lalaking para sa ‘yo.”
“I don’t think so…” Umiyak ako ulit sabay akyat sa eroplano.
“I’m not going with you now ma’am… I have things to finish. I found the right man.” Ngumiti siya sa akin. “Thank you, Ma’am Erin. You changed me and my life. Thank you.”
Pinanood ko siyang bumaba sa hagdanan.
Hindi siya sasama sa akin. Ako na lang mag isa.
May nobya na si Cadmus. War is over. Wala na akong ipaglalaban pa. Huli na ako.