Chapter 18
"WHY, Lyn? Is something hurting you? There was a recollection in Alex's voice because of what she had done.
"Hindi, sir Alex. Si Ana, ang kaibigan ko baka ano na ang nangyari sa kanya puntahan natin siya sa may palengke."
"What? Okay, wait, just call me Alex, Lyn. No, Sir, it's okay, we're just the two of us here. "
"Ha? si... sige, Alex."
"Good. Are you worried about your friend?"
"Oo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa kanya dahil iniharang niya ang sarili para lang makalayo ako sa mga demonyong mga lalaki na iyon."
"Okay, but it's still raining outside, later we can go.”
"Please, Alex. Samaham mo ako ngayon puntahan natin siya," hindi napigilan ni Lyn ang mapaluha sobra siyang nagalala kay Ana. Baka kasi napaano na ito at walang nakakita sa kanya hindi talaga niya mapapatawad ang sarili pag may nangyaring masama sa kaibigan.
"Okay, we're going to see her. Don't cry anymore. Get dressed so we can leave. "
Nang makabihis na sila agad na silang bumaba na dahil umuulan pa Alex ask the woman who helped him last night na mahiraman muna siya nito ng payong. Binigay naman ng babae ang dala niya. Alex told her na ibabalik niya ito.
Pagkadating nila sa palengke."Ana," sigaw ni Lyn walang katao-tao sa oras na iyon sa loob.
"Alex, si Ana, baka ano na ang ginawa nila sa kanya!"
"Lyn, don't think that she's fine."
"Pero..."
"Lyn, si Ana ba ang hinahanap mo?" may nagsalita bigla sa likuran nila.
Mabilis na humarap si Lyn sa taong nagsalita."Aling Maria, Oo. Si Ana, nga nakita mo ba siya?"
"Naku dinala na siya sa hospital, ng mga pulis kagabi, mabuti naman at hindi ka napahamak, Lyn."
"Opo, Aling Maria. Niligtas po ako ni Ana, pero muntik narin nila akong makuha mabuti nalang dumating si sir Alex."
"Mabuti naman at nakita mo si Lyn, Sir."
Ngumiti si Alex sa ginang.
"Aling Maria, saan hospital po dinala si Ana?"
"Diyan sa San Agustin Emergency Hospital, Lyn."
"Salamat po, Aling Maria. Sige po pupuntahan namin siya, sir Alex, tara na."
"Okay, let's go."
Binalingan muli ni Lyn ang ginang."Aling Maria, salamat po ulit."
"Walang ano man, Lyn. Puntahan na ninyo siya para malaman mo kung ano na ang lagay niya."
Nang magising si Ana kinagabihan sinabi nito kay Roy kung sino ang gumawa sa kanya ng masama.
Kinaumagahan isa-isa nang pinagdadampot ang mga suspect.
Nang makuha nila ang mga lalaki bumalik si Roy sa hospital.
Tamang gising na si Ana sa pagdating siya."Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Roy, okay na ako."
"Mabuti naman."
"Roy, si Lyn. Nasaan siya nakita mo ba siya?"
"Hind eh, Ana. Hinalughog na namin ang buong palengke pero hindi namin siya nakita."
Napaluha si Ana."Roy, baka naman nakuha siya ng mga hayop na iyon?"
"Hindi, Ana. Dahil nahuli namin sila ng sabihin mo kung sino ang gumawa sa iyo ng masama."
"Kung ganon nasaan siya, Roy?"
"Hindi ko alam, Ana. Pero huwag kang magalala hinahanap pa rin ng mga kasamahan ko si Lyn."
"Roy, nasabi mo na ba sa magulang namin ang nangyari?"
"Hindi rin, Ana. Hindi pa madaanan ang tulay papunta sa atin medyo nasira ito."
"Paano na si Lyn, Roy?"
"Ana, baka naman natakasan niya ang mga humabol sa kanya at nagtatago pa siya ngayon dahil sa takot niya."
"Roy, sana nga totoo 'yan sinabi mo."
"Sana nga, Ana. May awa ang Dios at ginabayan niya si Lyn na makalayo sa mga lalaking iyon."
Patuloy ang pagluha ni Ana. Hinayaan lang naman ni Roy ang dalaga. Alam niya ang nararamdaman nito dahil mag best friend ang dalawa.
Nang okay na si Ana."Sige maiwan na kita para makapagpahinga ka ng maayos, babalik ako para magbalita sa iyo tunggol kay, Lyn."
"Salamat, Roy. Sige mag ingat ka."
Tango ang tugong ni Roy sa dalaga. Lalabas na sana si Roy ng pumasok sina Lyn at Alex.
"Ana!" sigaw ni Lyn.
"Lyn, salamat sa Dios at ligtas ka."
"Oo, Ana. Niligtas ako ni Alex."
Nanglaki ang mata ni Ana dahil sa pagtawag ni Lyn ng Alex lang sa manugang ng amo ng mga magulang nila.
Nakuha naman ni Lyn ang paglaki ng mata ng kaibigan kaya nataranta ang isip at agad na binawi ang sinabi.
"Sir Alex, pala."
Ang dalawang lalaki naman nagsukatan ng tingin sa isat-isa.
"Pare, salamat sa pagligtas mo kay Lyn, SPO4 Roy San Jose," sabay lahad ni Roy ang kamay kay Alex.
"Alex Sandoval."
"Di ba ikaw ang asawa ni Micah?"
"Yes, I am. Why do you know my wife?"
"Oo, naman magkakababata kami nila Lyn, Ana, at ang asawa mo."
"Oh, nice to meet you."
"Same to you." At nagkamay ang dalawang lalake.
"Kamusta ang pakiramdam mo Ana?"
"Okay naman na ako, Lyn. Masakit lang ang buong katawan ko."
"Ana, ano ang ginagawa sa iyo ng mga demonyo iyon?"
"Nasaktan lang ako, Lyn. Mabuti na lang dumating agad sina Roy."
Tumingin si Lyn kay Roy, nginitian niya ito ngiting pasasalamat niya.
Ngumiti rin si Roy sa dalaga. Alex, feel jealous sa ngitian ng dalawa kahit na hindi dapat.
"Lyn, mabuti na lang at iniligtas ka ni sir Alex, sa mga kamay nila at hindi nila nakuha ang dangal mo."
Napayuko si Lyn sa sinabi ni Ana hindi siya makatingin ng deretso dahil sa sinabi nito. Hindi nga pero binigay naman niya kay Alex.
"Paano, maiwan ko muna kayo may duty pa kasi ako, Lyn. salamat naman at hindi ka napahamak sa kamay ng mga lalaking iyon." Bigla nalang niyakap ni Roy ang dalaga. Na bigla naman si Lyn sa ginawa ni Roy at gusto niyang itulak ito pero hinayaan na lamang niya dahil ayaw niyang mapahiya ito sa harapan nina Ana at Alex.
"Ha? Oo, salamat kay sir Alex. Dahil tinulungan niya ako."
Napakunot ng noo si Alex sa nakita at ang selos nakadama kanina sa ngitian ng dalawa lalong nadagdagang gusto niyang paghiwalayin ang dalawa kaya lang naisip niya baka makahalata sila ng may namangitan sa kanila ni Lyn. At isa pa wala siyang karapatan na gawin ito kahit na may nangyari na sa kanila dahil may asawa siyang tao. Ang nagawa na lang ni Alex naikuyom ang kamao dahil sa pagyakap ni Roy sa dalaga.
Puwede ng umuwi si Ana pero dahil hindi pa madaanan ang tulay nakiusap sila sa hospital na bukas na lang.
Gusto sanang sabihin ni Alex sa hotel muna sila tumuloy kaya lang baka mag isip pa si Ana ng iba.
Hacienda San Agustin.
"Oh, Micah hija, bakit hindi kapa natutulog?"
"Mommy, because Alex hasn't come home since last night until now."
"What? Kaya pala hindi namin siya nakita, akala ko naman nasa kuwarto ninyo lamang siya, saan ba siya nagpunta, ha?"
"Ang sabi ni Manang Rosie kanina may gagawin lang daw sa bayan si Alex, Mommy, nakakainis siya bakit hindi man lang nagpaalam sa akin!"
"Hija, huwag kang magalit sa kanya baka importante ang ginawa niya sa bayan."
"Paano 'yan Mommy may bagyo kahapon hindi man lang si tumawag ahhh!"
"Oh no hija, paano 'yan nasira ang tulay na papunta dito sa hacienda sinabi ng isang tauhan ng Daddy mo."
"Mommy, I hate him! Sana nagpaalam muna siya sa akin para hindi ako magalala ng ganito!"
"Bakit hindi mo siya tawagan hija?"
"Ginawa ko na Mommy, pero naka off na ang cellphone niya."
"Okay, relax hija bukas na bukas din ipapasundo ko siya sa bayan. What you do now is go to your bed and take a rest dahil gabi na."
"Mommy, hindi ako makatulog nito iba ang nararamdaman ko."
"Ano naman 'yan nararamdaman mo, hija?"
"Mommy, I feel that Alex did something not right!"
"What do you meant something not right hija? That na may babae siya, hija naman bago lang siya dito sa atin, at wala pa siyang kilala, kaya don't worry hindi tama 'yan nararamdaman mo."
"Pero Mommy, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito alam mo ba Mommy kung ano ang sinasabi ng isip ko now."
"What, hija?"
"That he has a woman now!"
"Hija, unreasonable naman iyan nararamdaman mo don't think like that, observe him muna, ang kilos ng lalaking may babae ay iba.
"Anong klaseng kilos iyan, Mommy?"
"He thinks so deep 'yon bang lumilipad ang isip kahit na kaharap kapa niya of course ang nasa isip niya eh, ang babae niya lalo kung bago palang sila. And mostly marami siyang dahilan, remember that hija."
"Okay Mommy, I will observe him pag uwi niya."
"Good, go to your room now, hija."
"Yes, Mommy," humalik muna sa pisngi ng ina bago umakyat sa kanyang silid si Micah.