Chapter 7
Nang dumating ang hapon naging busy sila kakaayos ng lobby. Mamaya kasing 12:00 a. m magsisimula ang celebration. ‘yun ang sabi ni Keizler katulad daw nung ginawa namin dati kay Zach.
Pero hanggang ngayon nandito pa rin kami sa office tatlo. Bale hindi pa nag sisimula ang 12:00 nag sasaya na ang dalawa. Nag iinom na kaagad sila dito at dito pa sa office ko.
“Alam mo ba, nung umalis ka para mag aral dito sa ibang bansa. Nalungkot kami.” Pag kwe-kwento ni Keizler.
“Bakit naman pare. Nawala ba kagwapuhan ko kaya ‘di kayo makahakot ng chix?”
“Hindi tanga, sobrang init kasi. Walang mahangin.” Sagot naman ni Keizler sabay tawa. Agad naman syang binatukan ni kuya Caleb dahilan para mapanguso s’ya.
“Mainit talaga kasama ka nila e. May kasama silang…….” Pambibitin ni kuya sabay turo sa sahig.
“Ay ayaw ko na lang mag talk.” Pagpapatuloy n’ya sabay inom. Nakakuha naman s’yang masamang tingin kay Keizler. “Alam ko na ang pinupunto mo, e. Sabihin mo mahangin ka lang talaga kaya hindi namin napapansin na mainit na pala noon kapag kasama ka namin.” Hindi nagpapatalong sagot naman ni Keizler sasagot pa si kuya kaya inawat ko na.
“Tama na, baka kung saan pa ‘yan mapunta at mag-away pa kayo.”
“Hindi ah, ganito lang talaga kami. Miss na kasi naman ang isa’t-isa.” Sagot ni kuya sabay akbay kay Keizler. Binigyan naman s’ya ng parang nandidiring tingin.
“CHEERS!!” Sabay-sabay naming sabi saka itinaas ang baso na may lamang alak. May katapangan dahil agad gumuhit ang alak sa lalamunan ko.
“Picture!” Sigaw ni mae, isa sa mga empleyado rito. May hawak hawak s’yang tripod. Nang matapos na kaming mag picture-picture kinuha ko ang mic saka nagsalita.
“Hey guys, our game will be start on 2:00 a. m I hope you’ll join.” Pagsasabi ko naghiyawan naman sila. At tumuloy sa mga ginagawa nila kanina.
Nung dumating na ang 2:00 a. m sinabi ko na magsisimula na ang palaro agad naman silang umayos at hinintay ang susunod. Merong ihahagis namin ang mga pera at kukuhanin nila. Malawak naman ang looby kaya hindi sila magkakasakitan.
“Oh, megan magkano nakuha mo?” Tanong ko kay megan sabay lapit ng mic sa kan’ya.
“Ma’am si sir nakuha koooooo.” Sigaw n’ya at nagtatalon pa sabay hila kay kuya. Nagtawanan naman sila agad namang namula si kuya at napakamot pa sa batok.
“Hindi ‘yan! Lugi ka d’yan!” Sabi ko sa kan’ya. Nag-pout naman s’ya at agad binitawan si kuya. Dahilan para hawakan ulit ni kuya ang kamay n’ya kaya mas lalong lumakas ang ingay.
“Ma’am si Sir Caleb oh, pa fall.” Pagsusumbong n’ya. Pero tinawanan ko lang s’ya.
“Magkano nakuha mo?” Tanong ko ulit pinakita n’ya naman ang hawak n’ya. “Fifteen thousand ma’am!” Masayang-masayang sagot n’ya. Kinuha naman ni kuya Caleb ang isa pang mic. “Idagdag mo pa ‘ko love, bale 3 million and fifteen thousand lahat ng nakuha mo.” Nakangiting ani n’ya at kumindat pa. Di tuloy matapos-tapos ang pagi-ingay nila. ‘yung iba naman halatang ‘di naiintindihan nakikisigaw lang.
“Wews, si Caleb kailangan nang ipadala sa mental malala na!” Sigaw naman ni Keizler. Agad naman s’yang nakatanggap ng masamang tingin kay kuya.
Nagtuloy-tuloy ang pagsasaya namin ng natigil silang lahat dahil may dumating.
“HAPPY BIRTHDAY BELLA! ILOVEYOU!” Sigaw ng kung sino. Agad naman kaming napatigil at napatingin sa iisang direksyon. Sabay-sabay din kaming nanlaki ang mata.
“Tangina, ba’t nandito sila?” Gulat na sabi ni Keizler. Mukhang nabigla rin s’ya.
“Ma’am diba anak ‘yan nila Mr at Mrs. Saigon?” Tanong ni Megan. Kumunot naman ang noo ko bago tumango.
Nagbulong-bulungan ang iba at halatang nabigla rin. So talaga palang kilala ang mga Saigon kahit saan?
Nang magsimulang maglakad ang tatlo biglang tumabi ang ilan para lang magbigay daan kina Jaxon, Aidan at syempre kay Zachary.
“Bakit? Paano?” Nagtatakang tanong ko sa tatlo. Nakangisi namang yumakap si Jaxon.
“Namiss ka namin Bella!”
“Lalo kang gumanda.”
“Gano’n pa rin ang mukha. Mukhang maldita.” Pangbabasag ni Zach agad namang umalis si Jaxon sa pagkakayakap.
“Yakapin mo na pre, ikaw ‘yung may gustong makasama at makita s’ya e.” Panunukso ni Jaxon na agad namang sinang-ayunan ni Aidan. Namula naman ang tainga ni Zach.
“Pinagsasabi n’yo, e kayo nga ang may gustong-gusto na pumunta rito. Sinamahan ko lang kayo.” Dipensa n’ya.
“Wews.”
“Weh? Talaga lang ha?”
“Teka nga, paano, bakit at saan n’yo nalaman na nandito ako?” Tanong ko nung kami na lang lima ang nasa conference room.
“Si Jaxon, di mo ba kilala ang nag iisang Jaxon Flores?” Pagmamayabang Aidan.
“Pinahanap ka ni Zach.” Sagot naman ni Jaxon.
“Bakit ba kasi bigla ka na lang umalis ng walang paalam?” Tanong naman ni Zach at sa wakas tumingin na s’ya. Kanina pa ‘yang nakayuko.
“Nagkaroon lang ng emergency.” Sagot ko, sumipol naman si Jaxon. “Emergency o nagselos.” Bulong n’ya. Napatingin naman ako sa kan’ya.
“What do you mean?” Tanong ko.
“Diba nakita mo na nagkiss si Raine at Zachary. ‘Yun ba ang dahilan kaya umalis ka?” Tanong n’ya pabalik mas lalo namang napakunot ang noo ko. Nakatingin pa rin si Zach na parang naghihintay din ng sagot ko.
“Amara, babe?” Biglang bumukas ang conference room at pumasok si Jackson kasama si Alexa.
“Ow, sorry may kausap ka pala.” Ani n’ya at ngumiwi. Nagsorry din si Alexa bago magpaalam.
Nagkatinginan naman ang apat at saka nagbubulungan. Hindi ko naman maintindihan. Kasi sobrang hina.
“Regalo ko nga pala. Sorry ngayon lang ako nakapunta.” Binigay n’ya ang regalo n’ya sabay yakap. Nakangiwi naman akong yumakap pabalik. Narinig ko pa na napasinghap ang tatlo.
“Boyfriend mo?” Tanong ni Zach sabay turo kay Jackson.
“Tapangs”
“Baka Saigon ‘yan.”
“Amoy war.”
“Hi---” Sasagot na sana ako nang magsalita si Jackson.
“Hindi pa, pero malapit na.” Sagot niya sabay akbay sa akin. Agad ko namang tinanggal ‘yon.
“Manliligaw mo?” Seryosong tanong ni Zach. Napalunok naman ako. “Actually hindi ko naman talaga siya pinayagan na manligaw. Makulit lang talaga s’ya.” Pagsagot ko. Totoo ‘yun. Akala ko nung una ay nagbibiro lang siya pero parang seryoso talaga siya sa panliligaw na ginagawa niya.
Tumango lang naman si Zach bago tumingin kay Jackson na ngingisi-ngisi.
“Whatever, c’mon babe. Let’s continue your party.” Anyaya ni Jackson. Tumingin naman ako sa tatlo. Tumango din naman sila.
Tuloy tuloy kami sa pagsasaya. Nalaman ko rin na kaya naman pala kampante ‘yung tatlong pugo na gabihin ay may bahay pala rito sila Zachary at doon sila tutulog.
Tuwang-tuwa naman si Keizler dahil nakompleto silang apat pero hindi siya pinapansin nung tatlo dahil nagtatampo raw sa hindi pagpapaalam ni Keizler sa kanila ng totoo.
Tumawag din ulit sila mommy at pinakita na naghanda rin sila para sa birthday ko. Sinabi rin nila na nagpakain sila ng mga homeless na tao biglang pag ce-celebrate.
Nag-usap lang kami sandali ni Zach bago s’ya tulungang umalis kasi tapos na rin naman ang party. Nagtataka pa nga ako kung lasing ba siya o ano. Bigla-bigla na lang kasing nagsasabi na “basta. Ang manhid mo. Hindi mo nga napansin na umamin na ako.”
Ilang beses ko s’yang tinanong tungkol doon pero puro tawa lang ang sagot n’ya. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko pero ayaw kong maging feelingera ‘no.
Pagkarating na pagkarating ko sa opisina ay nakita ko na kaagad ang apat na nakaupo sa sofa. Aba. Magagaling.
“Oh? Aga niyo naman dito. Anong ginagawa n’yo?” Tanong ko sabay baba nang gamit ko.
“Wala lang. Unexpected visitors kami rito. Pa VIP.” Sagot ni Jaxon.
Inirapan ko lang sila saka umupo para magsimula na. Hindi ko na sila inalok ng kung anu-ano dahil nakita ko sa lamesa na may mga nakahain na pagkain at inumin para sa kanila.
Masaya naman ang naging salubong sa birthday ko. Marami pa ring cake na hindi nagalaw kaya ang ginawa ko ay pinamigay ko na lang. Hindi ko naman kasi kayang ubusin ‘yon ng ako lang mag-isa.
“Ehem. Amara, Zachary iwan muna namin kayo rito labas muna kami saglit.” Paalam ni Aidan. Tumango lang ako sa kanila saka ngumiti.
“Kaya mo ‘yan bro. Goodluck~” Sabi naman ni Jaxon.
“Sana ma-reject.” Bulong ni Keizler na halatang pabiro. Tumingin naman ako sa kanila ng naguguluhan pero patay malisya ang mga loko saka umalis.
Kaya umiling na lang ako saka tumingin kay Zachary. Halatang kinakabahan. Anong meron sa mga ‘to? Ang we-weird. Epekto ba ‘to ng pagbaba sa eroplano?
“Ano—”
“Ama—”
Nagkasabay pa kami kaya natawa ako. “Sige na. Mauna ka na.” Saad ko. Umiling naman siya saka ngumiti. “Ikaw na. Ikaw muna.” Sagot naman niya.
“Ikaw na. Nahiya ka pa, wala ka non.” Pagbibiro ko. Natawa naman siya saka tumikhim. “K-kasi a-ano. Diba umuwi ka ng Pilipinas tapos nag apply ka sa akin bilang kasambahay. Hindi ko naman alam na….”
“Na?” Tanong ko. Pabitin kasi s’ya masyado.
“Na nagugustuhan na kita sa bawat araw na dumadaan.” Sagot niya saka kinuha ang bulaklak na natatakpan ng jacket. Saka binigay sa akin. ‘di ko ‘yon nakita kanina ah?
“P-pero hindi ko rin alam kung paano o bakit basta isang araw nagising na lang ako na gusto na kita.” Dagdag niya pa.
“Sabi na nga ba e! Nahahalata kita beh! ‘di lang ako umasa kasi ayaw kong maging feelingera.” Sagot ko naman saka tumawa. Hindi ko alam kung ano ba ‘tong nararamdaman ko ngayon. Ewan. Kakaiba. ‘di ko maipaliwanag.
Nagliwanag naman ang mata niya saka namula. Halatang nagpipigil tumalon. Mukha kasi syang ewan na parang uupo tapos tataas ng kaunti ang paa.
“Liligawan kita. Hindi ko alam kung paano o ano bang sunod nito pero sobra sobra ‘yung saya na nararamdaman ko ngayon!” Sabi niya at malawak ang ngiti na nakatingin sa akin. Nahahawa rin tuloy ako sa ngiti n’ya.
“Baka naman mag-aksaya ka lang ng oras sa akin. Paano kung ‘di kita bigyan ng pag-asa?” Pagbibiro ko. Pero nakangiti pa rin siya. Weird talaga ‘di kaya nabaguhan ‘to sa hangin ng newyork?
“Ayos lang. Susubok at susugal pa rin ako kahit walang kasiguraduhan.” Sagot niya. Nagkibit balikat lang ako at akmang magsasalita ng biglang bumukas ang pinto.
“Amara!” Salubong ni Jackson sa akin saka yumakap. Napasimangot naman ako. Ano ba ‘yan. Bad timing palagi.
(JACKSON’S POV)
I’m going to see Amara today because it’s her birthday. And Caleb said that Amara want to celebrate her birthday on her company. I really thought that I wouldn’t be able to go due to a lot of works that daddy gave to me. I’m still under too much pressure because no matter what I do It’s still not enough. But now I really made a way to at least attend to this very important occasion.
“Bro!” Salubong sa akin ni Caleb ng makita ako. Nakipag fist bump din naman ako. “Si Amara?” Tanong ko habang dala dala ang regalo ko.
“Kausap sila Zachary. Nasa Conference Room yata.” Sagot n’ya saka tinawag si Alexa para samahan ako.
“Gift for her?” Tanong ni Alexa nung makita na may dala-dala akong paper bag.
“Uh, huh.” Maikling sagot ko.
“So, what’s inside of that paper bag. Or box, rather.” Pagtatanong n’ya pero ngumiti lang ako.
“Uh, just ask Amara when she open it.” Sagot ko at nakita na ang pintong conference room kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko.
“Amara, babe?” Tawag ko at binuksan ang pinto.
“Ow, sorry may kausap ka pala.” Sabi ko at ngumiwi. Hindi ko naman alam, di naman sinabi sa akin ni Caleb.
Nagkatinginan naman ang apat na lalaking kausap n’ya saka nagbu-bulungan. Medyo naririnig ko kasi malapit lang naman din sila sa akin.
“Whoosh. Punta pa.”
“May uuwi sa Pilipinas na broken.”
“Sakit agad ah.”
Rinig kong bulungan ng tatlo.
“Boyfriend mo?” Tanong nung isang lalaki sabay turo sa akin.
“Tapangs”
“Baka Saigon ‘yan.”
“Amoy war.”
“Hi---” Magsasalita sana si Amara ng putulin ko ang sasabihin n’ya.
“Hindi pa, pero malapit na.” Sagot ko sabay akbay sa kan’ya na agad naman n’yang tinanggal. Masakit? Hindi, hindi naman talaga.
“Manliligaw mo?” Seryosong tanong nung lalaki na nagtanong din kanina. Sino ba ‘to, dinaig pa ang reporter. Nakita ko pa na napalunok si Amara at parang kinakabahan. Ano bang meron?
“Actually hindi ko naman talaga siya pinayagan na manligaw. Makulit lang talaga s’ya.” Pagsagot n’ya. Aba, babe. Tama na, masakit na. Akala ko ay alam n’ya na seryoso ako sa panliligaw ko pero akala siguro n’ya ay biro pa rin iyon.
Tumango lang naman si Zach daw bago tumingin sa akin na ngingisi-ngisi. Ano naman ngayon?
“Whatever, c’mon babe. Let’s continue your party.” Anyaya ko. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Nag effort ako na tapusin lahat ng gawain ko para lang makapunta rito pero sakit lang din pala ang makukuha ko.