Chapter 8

Jackson’s POV

Uminom lang ako nang uminom ng alak. Amara didn’t even notice me because she was probably busy with her guest na Zachary raw ang pangalan. Nung lumabas kami kanina sa conference room ay silang dalawa na talaga ang magkasama. Hindi ko alam kung bakit doon n’ya pinapunta ang mga ‘yon.

Medyo nagiging malabo na rin ang paningin ko pero tuloy pa rin ako sa pag-inom. Bahala na kung paano ako uuwi nito. Para na akong nawalan ng gana sa lahat. Bakit ba ganon na lang s’ya kung tumanggi kanina? Kaano-ano n’ya ba kasi ‘yung Zach na ‘yon at parang kinakabahan s’ya.

Mapakla akong napangiti, baka naman manliligaw n’ya rin?

“Argh! Ang sakit ng ulo ko!” Bulong ko sabay hawak sa ulo ko saka bumangon. Teka, nasa bahay ako? Paano? Umuwi ba akong mag-isa?

Agad kong iniikot ang paningin ko at tama nga ako. Nasa bahay ko ako. Tumayo naman ako ng may makitang pagkain na may sticky note na nakalagay sa may lamesa.

“I am the one who drive you home last night. Because you’re so drunk. By the way, here’s your breakfast! I hope it’s still hot when you wake up.”

--alexa

Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, ‘yung may nag aalala sa ‘yo. Mas masaya siguro ako ngayon lalo na kung si Amara ‘to.

Binuksan ko ang pagkain at nakita na lugaw ‘yon saka may toasted bread. Medyo mainit init pa ang lugaw.

Nagaayos ako ngayon dahil balak kong pumunta sa opisina ni Amara, bumuti na rin kasi ang pakiramdam ko.

“Alexa!” Tawag ko kay Alexa ng makita s’ya na nasa hallway.

“Hey!” Sagot n’ya pabalik, agad din naman s’yang lumapit sa akin.

“Thank you for driving me home last night. Thanks for the porridge too, it’s delicious.” Pagpapasalamat ko. Ngumiti naman s’ya.

“It’s nothing, it’s just a little thing.” Sagot n’ya.

“Wait, how did you open the gate and the door yesterday?” Takang tanong ko.

“You gave me the key. You even threw up on my clothes.” Sabi n’ya sabay tawa. Nanlaki naman ang mata ko.

“Huh? Is it true? I’m sorry, I really sorry, I didn’t mean it, I was just really drunk last night.” Paulit ulit kong paghingi ng tawad. Tang ina, nakakahiya. Nag-magandang loob na nga ‘yung tao nasukahan ko pa.

“Haha, it’s fine. By the way, I’m going back to work. If you’re looking for Ma’am Amara, she’s in her office, with Mr. Zachary Saigon.” Detalyadong pagpapaalam n’ya. Natawa naman ako kasi alam n’ya na kaagad kung ano ang pinunta ko rito. Nagpasalamat naman ako saka sumakay ng elevator. Ano ba talaga ang dalawang ‘yon? Hindi kaya sila na?

Bago ako makapasok ay narinig ko na may nagtatawanan. Sakto naman na may kaunting bukas ang pinto. Sumilip ako roon at nakita na may kausap nga talaga si Amara.

“Sige na. Mauna ka na.” Rinig kong sabi ni Amara, medyo nakita ko na ang kausap n’ya, at tama nga ako. Si Zachary nga. Umiling naman si Zachary saka ngumiti. “Ikaw na. Ikaw muna.”

“Ikaw na. Nahiya ka pa, wala ka non.” Pabirong sabi ni Amara. Parehas pa silang natawa saka tumikhim si Zachary.

“K-kasi a-ano. Diba umuwi ka ng Pilipinas tapos nag apply ka sa akin bilang kasambahay. Hindi ko naman alam na….” Naputol ang sasabihin n’ya ng magsalita si Amara. Nag apply s’ya bilang kasambahay? Bakit?

“Na?” Tanong ni Amara.

“Na nagugustuhan na kita sa bawat araw na dumadaan.” Sagot ni Zachary saka kinuha ang bulaklak na natatakpan ng jacket. Sa may tabi n’ya.

“P-pero hindi ko rin alam kung paano o bakit basta isang araw nagising na lang ako na gusto na kita.” Dagdag niya.

“Sabi na nga ba e! Nahahalata kita beh! ‘di lang ako umasa kasi ayaw kong maging feelingera.” Sagot naman ni Amara saka tumawa. Teka, seryoso ba? Bakit parang tuwang-tuwa s’ya? Bakit nung nagsabi ako ng gan’yan sa kan’ya ay hampas lang ang nakuha ko!

Bakit ba nag o-overthink ako? Saka bakit ba nagseselos ako. Alam ko naman na wala akong karapatan.

Hindi ko mapaliwanag ang mukha ni Zachary. Para s’yang natatae na hindi maintindihan. Akala n’ya siguro ay ikina-gwapo n’ya ‘yon.

“Liligawan kita. Hindi ko alam kung paano o ano bang sunod nito pero sobra sobra ‘yung saya na nararamdaman ko ngayon!” Sabi ni Zachary sabay ngiti ng malawak. Para namang tumigil ang mundo ko. Manliligaw s’ya? Papayagan s’ya ni Amara? Pero nanliligaw din ako. Oa na kung oa pero wala, grabeng pagmamahal ang meron ako kay Amara.

“Baka naman mag-aksaya ka lang ng oras sa akin. Paano kung ‘di kita bigyan ng pag-asa?” Sabi ni Amara.

“Ayos lang. Susubok at susugal pa rin ako kahit walang kasiguraduhan.” Sagot naman ni Zachary. Nagkibit balikat lang naman s’ya. Hindi ko na kaya. Gusto kong sabihin sa kan’ya na ‘wag s’yang pumayag kasi paano na ako? Paano kung s’ya ang sagutin n’ya?

“Amara!” Tawag ko sa kan’ya. Halata namang nagulat s’ya. Gustong-gusto kong magsabi sa kan’ya. Pero ayaw ko namang pangunahan ang desisyon nya. Hindi na lang ako nagpahalata. Yumakap na lang ako sa kan’ya.

“Ginagawa mo rito?” Tanong ni Anara nung umalis na s’ya sa pagkakayakap.

“Wala, bumisita lang.” Maikling sagot ko saka tumingin kay Zachary. Hindi naman maipinta ang mukha n’ya.

“Kahapon, hindi na kita naasikaso. Sobrang busy ko kasi talaga.” Pagsasalita ni Amara kaya tumingin ulit ako sa kan’ya. Busy? Oo, kay Zachary.

“Ha? Hindi, ayos lang. Inihatid ako ni Alexa pauwi sa bahay.”

“Oh, really? Edi okay. Atleast safe kang nakauwi. Sabi kasi ni kuya marami-rami rin daw ang nainom mo, ‘di na nga kita naabutan. Ako sana ang maghahatid sa ‘yo. Hindi na rin kasi pwede si kuya dahil lasing din.” Paliwanag n’ya. S’ya ang maghahatid sa akin? Kung hindi ba ako inihatid ni Alexa ay s’ya ang kasama ko? Kung s’ya ang naghatid sa akin kagabi ay siguradong masusukahan ko rin s’ya.

“Okay na ba ang pakiramdam mo?” Tanong n’ya ulit. Tumango naman ako at napangiti ng maalala na nag iwan pa ng note at pagkain si Alexa.

“Oo, umayos ang pakiramdam ko sa pagkain na iniwan ni Alexa, ang sarap nga. Siguro ay niluto n’ya ‘yon, nakalimutan ko nga palang itanong sa kan’ya. May note pa kasing kasama sa tabi ng mga pagkain.” Pagku-kwento ko, tumango tango naman si Amara. Tumikhim naman si Zachary. May tumawag kasi sa cellphone n’ya kaya nagpaalam s’ya at dali-daling lumabas.

(Amara’s POV)

“Ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kan’ya.

“Wala, bumisita lang.”

“Kahapon, hindi na kita naasikaso. Sobrang busy ko kasi talaga.” Sabi ko, totoo ‘yon. Pagkatapos naming lumabas ng conference room ay kaming dalawa na ni Zach ang magkasama. Nakalimutan ko na si Jackson. Hinanap ko s’ya nung maalala ko pero sabi ni kuya ay uuwi na raw yata.

“Ha? Hindi, ayos lang. Inihatid ako ni Alexa pauwi sa bahay.” Sagot n’ya. Bahagya namang napakunot ang noo ko. Hinatid ni Alexa?

“Oh, really? Edi okay. Atleast safe kang nakauwi. Sabi kasi ni kuya marami-rami rin daw ang nainom mo, ‘di na nga kita naabutan. Ako sana ang maghahatid sa ‘yo. Hindi na rin kasi pwede si kuya dahil lasing din.”

“Okay na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ko, medyo weird talaga s’ya ngayon kasi bigla na lang s’yang ngumiti na parang may naalala.

“Oo, umayos ang pakiramdam ko sa pagkain na iniwan ni Alexa, ang sarap nga. Siguro ay niluto n’ya ‘yon, nakalimutan ko nga palang itanong sa kan’ya. May note pa kasing kasama sa tabi ng mga pagkain.” Pagku-kwento n’ya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nainis. Ano bang meron? Bakit ganoon s’ya mag-kwento? Gusto n’ya ba si Alexa? May kakaiba kasi sa kan’ya. Pero diba ang sabi ay nililigawan n’ya ako? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko kahit wala pa namang kami?

Nagpaalam si Zach ng tumunog ang cellphone n’ya. Tumango lamang ako dahil hindi ko pa rin alam kung bakit ako naiinis.

“Ah, talaga? Diba natatandaan mo pa non, nung birthday mo. Nagluto rin ako ng spaghetti na handa mo?” Pagpapaalala ko. Nung birthday n’ya kasi nung isang taon ay pinaglutuan ko s’ya. Tuwang-tuwa pa nga s’ya at ayon lang ang kinain n’ya kaysa sa ibang handa na meron s’ya.

“Oo, bakit anong meron?” Takang tanong n’ya.

“Wala lang, naalala ko lang. Masarap ba ‘yon?” Tanong ko. Nakakainis kasi, bakit ba ako nakakaramdam ng inis?!

“Oo. Hindi ba ‘yon lang ‘yung kinain ko non.”

“So, alin mas masarap ‘yung luto ni alexa o luto ko?” Tanong ko, napakunot naman ang noo n’ya saka kumamot sa batok.

“Ano bang nangyayari sa ‘yo?” Natatawa n’yang saad.

“Wala, ano ba, sino ba talagang binibisita mo rito?” May inis sa tonong tanong ko.

“Ikaw nga, kaya lang naman ako pumupunta rito ay dahil sa ‘yo.” Sagot naman n’ya. Talaga lang ha.

“Sige na, marami pa akong gagawin. Baka si Alexa hindi ‘yon busy.” Pagtataboy ko.

“Teka, pinapaalis mo na ba agad ako?”

“Pinapaalis? Hindi ah.” Pagtanggi ko.

“Sige, puntahan ko muna si Alexa kasi nga mukhang busy ka.” Saad n’ya. Mas lalo namang lumaki ang inis ko. Bwiset s’ya, pupunta talaga s’ya? Wtf, seryoso?!

(Jackson’s POV)

Why do I feel like she’s jealous? O sadya nag i-ilusyon lang ako. The fuck, hindi ko alam kung bakit ako kinikilig.

Umalis ako sa opisina n’ya para bumili ng pagkain naming dalawa baka kasi hindi pa s’ya kumakain.

“Oh, tapsilog saka gatas.” Sabi ko sabay baba ng pagkain sa table n’ya.

“Oh, ba’t ka bumili? Sinabi ko bang bumili ka? Bakit ‘di mo ibigay kay Alexa?” Mataray n’yang tanong. Shit! Kinikilig ako kapag gan’yan s’ya. Weird.

“Baka may gusto ka na kay Alexa, kanina ka pang Alexa nang Alexa e.” Pagbibiro ko, tinaasan naman n’ya ako ng kilay.

“Baka ikaw ang may gusto. Diba nga puro Alexa bukang bibig mo kanina pa.”

“Bibi---” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumating si Zachary.

“I bought you food and coffee.” Sabi n’ya sabay pakita ng hawak.

“Hindi s’ya umiinom ng kape.” Pagsabat ko. Tiningnan n’ya naman ako saka si Amara. Ngumiwi naman s’ya bago tumango.

“Pero ayos lang Zach, ano. Inumin ko na lang din.” Sabi n’ya. “Ba’t mo iinumin kung bawal nga sa ‘yo. May gatas naman dito.” Pagpigil ko sa kan’ya.

“E kaya lang sayang naman kasi ang effort ni Zach.” Saad n’ya.

“Edi paghati-hatian nalang natin ‘tong mga pagkain.” Suggest ni Zach. Saka inilabas ang mga binili n’ya. Inilabas ko na rin ang akin. Tapsilog ang akin ang kay Zach naman ay palabok. Nabili ko ‘tong tapsilog sa lagi kong binibilhan. Parehas kasi silang mag-asawa na taga Pilipinas. Masarap din sila magluto kaya palaging maraming bumibili.

“Ma’am, here’s your schedule for this week.” Sabi ni Alexa sabay bigay ng schedule daw ni Amara.

“Okay, thank you.” Saad ni Amara habang tutok pa rin sa ginagawa n’ya.

“Alexa, hey!” Bati ko saka kumaway. Kumaway naman s’ya pabalik sabay ngiti. Tumingin naman si Amara sa akin sabay irap.

Umalis na rin naman si Alexa dahil may gagawin pa raw s’ya.

“Alam mo ba, birthday nga pala ni Megan bukas. Punta raw tayo.” Pagsasabi sa akin ni Amara. Kami lang ngayon ang nandito dahil umalis si Zach.

“Sure, sumabay ka na lang sa akin. Anong oras ba?” Tanong ko.

“Baka mga 12:00 pm. Kaya nga nag file s’ya ng leave e. Mag aayos daw muna s’ya.”

“Okay, daanan na lang kita.”

“Bakit mo ba naman kasi nilunok ang buto?” Nag-aalalang tanong ko kay Amara. Nandito kami ngayon sa birthday ni Megan ng bigla na lamang nagsabi sa akin si Amara na nilunok n’ya raw ‘yung buto ng karne.

“Nahihiya akong iluwa.” Sagot n’ya sabay inom ulit ng tubig.

“Bakit ba buto-buto ang kinuha mo meron namang menudo?” Pagtatanong ko. Ang daming pagpipilian ayon pa ang napili.

“Akala ko kasi menudo ‘yon.” Pagdadahilan n’ya. Mabuti na lang at hindi s’ya nabulunan. Siguro ay maliit lang ‘yon.

“Anong layo naman ng menudo sa buto-buto.”

“Sorry na, shunga lang.”

“Oh, ikaw na nagsabi niyan ha. Sa susunod ‘wag mo na lang uulitin.” Sabi ko.

‘’yung isa kasi nakatingin sa akin habang kumakain ako. Baka naman sabihin ‘gross’ kapag niluwa ko.” Sabi n’ya, napakunot naman ang noo ko, aling isa?

“Ha? Sino? Nasaan?” Takang tanong ko at luminga-linga.

“’yung kanina na naka dress na yellow.” Sagot n’ya at naghanap din.

“’Yung naka salamin na babae na nasa harap natin kanina?” Paninigurado ko. Tumango naman s’ya.

“Yessy yes.” Pfffft!!

“Bulag ‘yon! Si Mrs. Rese? Hindi mo kilala?”

“Eh? Hindi. Totoo ba?” Paninigurado n’ya.

“Totoo, legit kasama niya anak niya doon kumukuha ng dessert kanina.” Sagot ko at natawa. Namula naman s’ya.

“Omggg, ano ba kasing naisip ko at nilunok ko ang buto!!” Pigil na sigaw n’ya. Natatawa naman akong ginulo ang buhok n’ya. “Sa susunod ‘wag mo nang lunukin ‘yung buto.” Tatawa tawa pa ring sabi ko. Sinamaan n’ya naman ako ng tingin.

“Amara!” May tumawag kay Amara na lalaki. Wait, si Mr. Adler? Hindi ba ito ‘yung gustong-gusto mag invest sa kompanya ni Amara? Ayos na ba sila?

“Mr. Adler!” Tawag pabalik ni Amara. Tumayo naman s’ya saka yumakap.

“Kamusta?” Tanong n’ya saka pina-upo sa tabi ko.

“Ayos lang, ikaw?” Tanong ni Mr. Adler pabalik. Wait, really? He knows how to speak tagalog? Since when?

“Okay lang din. Ang dami kong kwento sa ‘yo.” Excited na sabi ni Amara saka tumingin sa akin. Tumango naman ako bago tumayo. Alam kong gusto nilang silang dalawa muna ang mag-usap.

Amara’s POV

“So ito na nga. Diba umuwi ako ng Pilipinas tapos doon nakilala ko si Zachary.” Panimula ko nung pagkaalis ni Jackson.

“Zachary? Saigon?” Takang tanong n’ya tumango naman ako.

“Tapos itinago ko sa kan’ya kung sino talaga ako.”

“And then? Paano mo naitago hindi ba ang mga Saigon ay maraming connection sa halos buong mundo?”

“Oo, kaya nga nalaman n’ya kung sino talaga ako kasi syempre Zachary Saigon ‘yan.” Sabi ko. Tumango naman s’ya.

“Tapos ayon, sinundan n’ya ako rito. Dumating s’ya nung saktong birthday ko.” Kinikilig kong pagkwe-kwento. Napasimangot naman s’ya.

“Kailan? Bakit hindi ko alam?” Tanong n’ya na halata ang pagtatampo.

“Ay sorry hehe, di na kasi ako nakapag gawa ng invitation card. Busy din kasi ako non. Pero next year invited ka na. Haha”

“Okay, fine. Ituloy mo ‘yung kwento.” Sabi n’ya.

“Ayon na, nililigawan n’ya ako ngayon pero ewan ko. Nalilito ako. Nanliligaw din sa akin si Jackson pero hindi ko alam kung sino ba sa kanila ang gusto ko talaga.” Pagsasabi ko ng totoo. Kasi Kada sinasabi o binabanggit ni Jackson ang pangalan ni Alexa ay naiinis ako ng hindi ko man lang alam ang dahilan.

“Alam mo dapat habang maaga pa pinag-iisipan mo na ‘yan kasi mas mahirap kapag tumagal na. May isang aasa at masasaktan.” Payo n’ya, tumango naman ako. May point s’ya.

Marami pa kaming napag-kwentuhan. At hindi na namin namalayan ang oras. Wala pa rin si Jackson. Nag try akong tawagan s’ya pero hindi n’ya sinasagot.

“Busy? May inaasikaso?” Tanong ni Adler ng makita akong hawak-hawak ang cellphone ko.

“Ah, hindi. Hindi ko lang ma-contact si Jackson.

“Ah, pero nandito rin si Caleb? Nakita ko kasi s’ya kanina.” Saad n’ya at luminga-linga. Aba syempre pupunta ‘yon, birthday ‘to ni Megan e.

“Oo, baka nga nandito rin ‘yon.” Sabi ko sabay text kay Jackson. Saan ba kasi ‘to nagpupupunta.

“Gusto mo na bang umuwi? Hatid na kita.” Pag pre-presenta n’ya. Agad naman akong umiling.

“Hindi, ‘wag na okay lang. Nakakahiya naman. Hintayin ko na lang mamaya baka may pinuntahan lang.” Sagot ko.

“Hindi, okay lang. Wala rin naman akong gagawin.” Sabi n’ya. Sabay tayo. Okay, mapilit ka e.

“Sige, magpapaalam lang ako kay Megan.” Saad ko at tumayo rin. Agad naman n’ya akong pinigilan.

“Wag na, kasi ano. Baka gabihin tayo sa byahe. I text mo na lang.” Sabi n’ya. Tumango naman ako at sumunod. Siguro ite-text ko na lang s’ya o tatawagan mamaya.

Nagtaka ako nung makarating at makasakay ako sa sasakyan ni Adler ay ini-lock n’ya lahat. Tinanong ko kung anong meron pero hindi naman s’ya sumagot at pinatakbo ng mabilis ang kotse. Bakit parang kinakabahan ako na ewan?

Pero kahit na ganoon ay nakatulog pa rin ako dala na rin siguro ng pagod. Hindi ko alam, masyado akong nagpapakampante.

Kumunot ang noo ko noong nakita na iba na ang dinadaanan namin. Kakagising ko lang pero mas lalong hindi ko alam kung bakit nakatali ang kamay ko. Hindi ‘to papunta sa bahay. Bakit medyo nagiging liblib na ang dinadaanan namin?

“Hey, saan tayo? Bababa na lang ako adler.” Sabi ko dahil medyo kinakabahan na. Timingin naman s’ya sa akin sa salamin sabay ngisi. Literal na tumaas ang balahibo ko.

“Kalmahan mo Amara. Wala pa tayo sa pupuntahan natin.” Nakakakilabot na sabi n’ya. Pinilit ko namang buksan ang pinto. Sheeeyt! ‘di ako makahawak ng cellphone dahil low battery din naman ‘yon, wala ring kwenta. Nung nakita n’ya na pinipilit kong buksan ang pinto ay tinawanan n’ya lang ako. Sinipa sipa ko pa ang pintuan pati ang upuan n’ya. Agad naman n’ya akong sinigawan.

Pinipilit kong kagatin ang tali pero walang epekto. Kinakagat ko ang tali sabay dinisipa ang upuan n’ya.

Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Halo-halo. Kaba, takot. Hindi ko alam kung bakit na lang ba bigla na lang din akong sumama sa kan’ya. Tumigil s’ya sa isang bahay na mukhang abandunado na. May mga lumabas naman doon na mga lalaking naka-mask. Putang inaaaaaa!!!

Agad nila akong pinalabas ng sasakyan sabay hila sa akin. Masakit hayop! Nilagyan din ako nila ng takip sa bibig at may kung ano silang pina-amoy sa akin.

Nagising akong nakaupo sa sahig. Medyo masakit din ang ulo ko. Sinusubukan kong sumigaw kahit may tape ang bibig ko.

“Kahit anong sigaw ang gawin mo walang makakarinig sa ‘yo. Kawawa ka naman.” Tumatawang sabi ni Adler sabay lapit sa akin. Tinanggal naman n’ya ang tape sa bibig ko dahilan kung bakit napasigaw ako ng malakas. Aba, tangina nito masakit ha!

“Ang hirap kasi sa’yo ang dali mong magtiwala sa isang tao.” Sabi ni Adler habang nakangisi.

“Sinong may sabing nagtiwala ako sa ‘yo?” Tanong ko at ngumisi rin.

“Hindi ka nga ba nagtiwala? Bakit hinayaan mo akong mag invest sa kompanya mo? At bakit nag open up ka tungkol sa kung anong meron sa buhay mo?” Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya.

“Gusto mong malaman lahat? Halika dito at sasabihin ko sa ‘yo bago ko tapusin ang buhay mo.” Kalmadong sagot ko tinaasan niya naman ako ng kilay at lumapit habang hawak hawak pa rin ang baril. Coward dog.

“Sabihin nalang natin na duwag ka. At ikaw ang mas napaniwala. Lahat ng ‘yon ay kasinungalingan. Napagplanuhan. At sinadya kaya sinong mas tanga sa ating dalawa?” Ngumiti ako ng sobrang tamis para mainis siya. Napaawang naman ang labi niya saka tumawa ng malakas.

“Talaga ba? Kaya pala hanggang ngayon wala pang dumarating kahit isa.”

“Baka naman nagpla-plano pa sila?” Nakangiting sagot ko pero tono ng patanong na sabi ko. Itinutok niya naman ang baril sa akin.

“Akala ko ba planado na?” Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya.

“Planado na nga, pero hindi kasama kung anong gagamitin nila para sa baril na ‘yan. Hmm, kutsilyo kaya? May laban ba? Sa tingin mo?” Kunyaring tanong ko halata naman na naguluhan siya.

“What are you talking about?”

“I’m talking about hmm…. I don’t know but maybe your question will going to have an answer if you turn your back.” Sagot ko na mabilis naman niyang ginawa. Uto-uto talaga nito. Tahimik akong tumayo mula sa pagkakaupo at tinanggal ang tali sa kamay ko. Tatanga-tanga kasi nag iwan ng basag na salamin. May upuan pa hindi naman pinagamit sa akin.

Agad ko naman siyang pinukpok sa ulo. Mabilis naman siyang nawalan ng malay. Napalakas yata. Sorry na the, self defense lang naman e. Tinutukan mo kaya ako ng baril.

Agad akong nagtatakbo para umalis. Napapunta na ako sa may parking ng makarinig ako ng putok ng baril. Astig ah. Mukhang maliit lang sa labas pero hindi mo aakalain na ganito pala kalaki ‘tong bahay na ‘to.

“Amara! Bwiset ka! ‘wag ka ng magtago at mahahanap pa rin kita!” Sigaw niya. Sisigaw sana ako pabalik ng may dumating na sasakyan. Napangiti naman ako. Finally!

“Hey! Are you okay?” Nag aalalang tanong niya at sinuri ako.

“Oo, dalian mo. Umalis na tayo! May baril siya!” Sabi ko at nagmamadaling hinila si Zach papasok sa sasakyan. Mag da-drive na sana siya ng biglang may bumaril sa gulong ng sasakyan.

“Fvck!” Sigaw niya. May mga dumating na ring ibang tauhan niya. Tauhan ni Adler. Tangina naman oh! Napapamura ako ng wala sa oras. Agad naman nilang tinutukan ng baril ang sasakyan.

“Baba Amara, baba.” Utos ni Adler habang hawak ang ulo niya.

Keizler’s POV

“Si Zachary ba talaga ‘yan? Grabe, kakaiba naman magmahal sa babae.” Sabi ni Aidan. Noong makita na paalis na ang kotse na sinasakyan ni Zachary. Kanina pa kaming nag-aalala simula nung sinabi ni Jackson na hindi n’ya makita si Amara. Sinabi n’ya rin na si Mr. Adler ang kausap kanina ni Amara kaya n’ya iniwan ang mga ito. Pero pagbalik n’ya ay wala na sila. Kaya to the rescue si Zach pero hindi namin alam kung saan s’ya papunta. Ang sinabi n’ya ay I trace na lang daw namin ang location kung nasaan s’ya.

“Psh, tawagan mo na si Arlyn .” Utos ko kay Aidan.

“Natawagan ko na, kanina pa. Kukuhanin na lang natin.” Sabi naman ni Jaxon. Tumango naman kaming dalawa at saka naglakad.

“Mag-i-ingat ka ha. ‘wag mong papabayaan ang sarili mo.” Pagpapaalala ni Arlyn, akala mo naman kalayo ng pupuntahan.

“Oo naman, ako pa. Liligawan pa kaya kita at bubuo tayo ng sarili nating pamilya.

“Ikaw na ang bahala sa lahat. May tiwala ako sa ‘yo.” Sagot naman ni Arlyn sabay hawak sa kamay ni Jaxon. Kailan pa kaya matatapos ang dalawang ‘to. Baka kung ano ng nangyayari sa dalawa. Inuuna pa ang ka-cringe at landian nitong dalawa.

“Salamat. Lagi mong tatandaan na mahal kita at hindi magbabago ‘yon.” Sagot naman ng isa sabay hawak sa pisngi ng isa.

Binigay na rin ni Arlyn ang susi. Akmang lalakad na si Jaxon papuntang driver seat ng biglang magsalita si Aidan.

“Hindi yan nag da-drive. Akin na ang susi.” Sabi ni Aidan sabay lahad ng kamay. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jaxon. Sabay bigay ng susi. Cool na sana.

“Tanga mo kasi, astig na sana e. Um-epal ka lang.”

“Aba mas tanga ka, astig nga ‘di naman marunong mag drive ng ganito.” Banat naman ng isa. Sige lang mag-away kayo diyan.