Chapter 48

Agad ko itong hinabol nung akma itong lumayo pero bigla na lamang siyang huminto at humarap sakin.

"Happy Birthday" mapait nitong bati tsaka tumalikod.

Agad kong hinawakan ang braso nito.

"Pa patrick" kinakabahan kong tawag nung huminto rin sya.

"Buti dumating ka" mahina kong sabi dahilan para humarap ito.

Nakaramdam ako ng sakit nung dumiretso itong tumingin sa mga mata ko kaya agad kaming napaiwas ng sabay.

Agad ko ring nabitawan yung nakakapit kong kamay sa braso niya.

Katahimikan.

Hayys nakakailang naman nito.

"Sorry" agad kong wika at napayuko na lamang sa hiya.

"Hindi ko alam pano magpaliwanag sayo" panimula kong kwento.

"Alam ko na" agad rin nitong sagot kaya napatingin ako dito na umiwas din ng tingin.

"Pero di ko parin maintindihan kung bat mo yun nilihim sakin"wika nito na ngayoy tumitig na sa mga mata ko.

"Bilisan mo kasi para di ka masundan" rinig naming sigaw ng di ko namukhaang bisita.

Agad ko nalang napansin na dahan dahang naglalakad yung kausap ko kaya sinundan ko na rin sya hanggang maabotan ko na umupo sa may bench malayo sa pool.

Katahimikan.

"Hindi ko alam kung magiging okay pa ba tayo" pagpapatuloy ko ng usapan.

Diretso lang akong tumitingin sa malayong nagsisiyahan.

"May tayo ba?" Malumanay na tanong ni patrick na ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya na kanina pa pala nakatingin sakin.

Umiwas ako at pilit nilalaro yung saliring daliri.

"Hindi ko alam.

Ang alam ko lang nasaktan ako. Di ko alam pano sabihin. Basta hindi ko alam." Naguguluhan kong paliwanag.

"Di na yun mahalaga.

Di ko naman alam na itinadhana pala talaga kayo sa isat isa" wika niya kaya napalingon ako.

"Pero patrick, ikaw yung gusto ko"

Napangiti ito ng mapait.

"Alam mo nung gabing yun. Dun lang ako nasaktan ng sobra, masyado kitang gusto kaym, masyadong mahal pero di ko lang maintindihan kung bat mo yun nagawang ilihim sakin" wika nito na may namumuung luha na ayaw ipakita sakin.

"Dahil alam kong di ka papayag, banggitin ko pa nga lang yung name ni axel sobra ka ng magselos kaya di ko magawang magpaliwanag." Sagot ko sa kanya na ngayoy tumitig na sakin.

"Nagustuhan mo ba siya kahit minsan?" Tanong niya sakin na ikinailing ko.

"Si Max?" Dahil sa pangalang nabanggit di ko mapigilang mapangiti.

Tsaka iniwasan yung tingin nito.

"Bat ka nakangiti, gusto mo nga siya?" Interesado nitong tanong.

Di parin ako sumagot at nakangiti lang tumingin sa harap.

"Mukhang gusto mo nga sya" mapait nitong sabi at ginaya yung tiningnan ko.

"I really miss you hon" wika ko dito na tiningnan pa siya.

Naabotan ko pang nagulat ito kaya di ito lumingon sa gawi ko.

Agad rin akong tumayo dahilan para hablutin niya ko pabalik.

"Pakiulit" seryoso nitong utos sakin at di man lang ako tinitingnan.

"Ayoko na, wala nakong gana!" Sagot ko sa kanya na ikinalingon nito.

"Kaimeeeeee" inis niyang tawag sakin kaya napatawa nalang ako.

"Ano?" Natatawa kong tanong.

Nakita ko na naman yung agarang pagkabusangot nito kaya agad ko syang yinakap sa pagkakaupo.

"Oh ano? Ayaw mo pa? Ha?" Tanong ko dito na mukhang ako lang yung nakayakap.

"AYAW!" Nag isip bata na naman siya.

"Sige ka tanaw ko lang dyan si Max at si axel" wika ko dito na agad naman niyang kinalingon.

"Ginayuma mo ba ako ha?" Inis nitong tanong sakin dahilan para umiwas ako sa pagkakayakap.

"Ang swerte mo naman para gawin yun"

"Iniinis mo talaga ako kaimee? Ha?" Inis niyang sabi sabi sakin kaya napaatras ako sa iilang espasyo ng bench.

Mas agad itong lumapit sakin nung wala na pala akong space.

Mas lalong lumakas yung tibok ng puso ko ng maramdaman ko na ang mainit na hangin nito.

Napapikit nalang ako sa di malaman laman na dahilan.

Ilang sandali pay may dumampi sa pisngi ko.

Agad rin akong dumilat nung di na sya lumapit sakin.

Akward.