Chapter 47

Nagdaan ang iilang importanteng lalaki na agad rin akong sinayaw at nagbigay ng bulaklak.

Agad lumabas si steven matapos ni Max na sobrang gwapong nakatitig sakin.

Hayss bat nalang kasi di siya yung nagustuhan ko?

Seryoso lang ang mukha nito palapit sakin, gaya rin ng sinundan niya nakasuit din to pero walang cheche bureche galing sa girlfriend niya.

"Happy Birthday Kaym" pilit na ngiti nitong sabi kaya nginitian ko nalang.

Alam kong di talaga kami okay ng bestfriend nito kaya malamang sa malamang ganto nalang ang templa sakin.

"Sinabi na ni babe lahat.

Pero naiinis lang ako kasi dapat sa oras nato maging masaya ka. Kayo. Basta kaimee, andito parin kami ah? mga kaibigan mo! Ayusin niyo na kasi yang kaka LQ. Pati kami naiipit" nakabusangot na wika ni Steven kaya nginitian ko nalang ito.

Hindi ko nga alam kung magkaka ayos pa nga kami.

Lalo na ngayon, kung sino pa yung pinagseselosan niya ito pa yung pilit pinalapit ng tadhana sakin.

Oo sya nga!

Si Maxwell Boom Zubiri ang nag iisang Birthmate ko at ang pinakahuling lalaking isasayaw ko ngayong gabi.

Masaya itong lumapit sakin at ibinigay ang kakaibang rosas sa lahat ng nagbigay.

White Rose

Okay na rin yun, kesa naman sunflower.

Baka maisipan pa akong co member ni cheesy.

"Happy Birthday to us Kaym!" bati ni Axel sakin kaya sinuklian ko nalang din sya ng ngiti.

Katahimikan.

"Kaym, wag ka nang magpanggab na di ka nadisappoint nung lumabas ako" wika nito na nagbibigay taka sa isip ko.

"Sabay tayo sa simula, sabay magbirthday at sabay din tatanda.

Pero mukhang iba na yung kasabayan mo hanggang sa huli." malumanay nitong sabi na ikinagulat ko.

"No ba yan axel, party kaya natin to. Tapos ikaw nagdadrama ka diyan" pilit kong ngiti na sagot sa kanya.

"Sorry kung ako yung naging dahilan kung bakit wala siya ngayon sa oras nato.

Kung bakit di ka gaanong kasaya.

Pero nagpaliwanag nako kaym, sa inyo nalang talaga yung kulang."

Nakangiti nitong wika tsaka umalis dahilan para matapos yung 18 Roses.

Naging maayos naman lahat kung tutuusin pero mukhang tama nga yong sinabi ng mokong nayun.

Agad na naman ako nakaramdam ng lungkot. Dahil sa totoo lang, di ko alam kung magkakaayos pa ba kami.

O sadyang tadhana na talaga yung nagbigay ng sign para di kami pagtagpuin.

Kung ba't sana si axel nalang yung nagustuhan ko,

yung minahal ko para sana maging perpekto na tong gabing to.

Ilang sandali pay may namumuo ng ingay sa may pool at dun ko lang napagtanto ang plano ng mga kasamahan namin.

Yung kaninang nakasemi formal naka swimming wear na habang yung nakahawaiian naman ay mas lalong binago yung suot.

"Kaym, magbihis ka na nga di kaba napapagod dyan sa gown mo?" biglang sulpot ni cheesy sa may gilid.

Tiningnan ko yung suot nito.

Naka two piece pero short lang yung sa lower. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ang bagong pwesto ng sunflower na ngayoy nasa may tenga na.

"Di kaba napapagod dyan sa bulaklak na yan?"

"Dahhh It's Fashion" napairap nalang ako sa naging sagot.

Fashion. Fashion.

Pinuntahan ko nalang kung san nakapwesto yung magulang ko na busy kakakwento.

Medyo nahiya pa kong lumapit pero mukhang nagets ako ni mama.

"Oh? Bat kapa nakatayo dyan? Ayaw mo bang sumali kila cheesy?" nag alalang tanong niya sakin.

"Uuwi nako!" sagot ko dito.

"Victoria ano ba? Kahit ngayong gabi man lang. Wag kang uuwi sinasabi ko sayo!" paala nito sakin kaya umalis nalang ako.

Hayys makabihis na nga lang para lang akong tanga kaka iwas dun sa may basang parte.

Pumunta ako dun sa rooms na para sa mga guest. Mukhang wala naman sigurong tao dun diba?

Inakyat ko lang yung mataas na hagdan na kitang kita ang kasiyahan sa baba.

Pumasok nalang ako dun sa unang kwarto tsaka nagbihis ng komportable.

Pareho lang din ng pinagsusuot nila cheesy kanina pero above the knee na siya.

Bumaba din ako agad nung mapagtanto kong ako lang pala talaga yung tao dito.

Hindi pa man ako nakababa sa huling hagdan pero may nakasalubong akong di ko inaasahan.