Chapter 17
Hindi maiwasang mapangiti ni Jarred ng marinig ang naging pag-uusap nina Jasmine at Genesaret. Dapat na ba siyang kabahan sa pagbabago ni Jasmine. Nagbago ito simula ng magdalang-tao ito. Hindi kaya epekto iyon ng pagdadalang tao nito? Natawa siya sa isiping iyon.
Sa totoo lang, masaya siya dahil nagiging palaban na si Jasmine na dati ay hindi nito ginagawa. Masyadong mabait ito, pero ngayon natuto na ito sa mga pinagdaanan nila sa relasyon na mayroon sila. Pagdating naman sa kaniya ay malambing ito. Ang sarap sa pakiramdam na ipinaglalaban ka ng iyong katipan.
Napatayo siya mula sa kinauupuang sofa ng marinig ang ugong ng sasakyan na papasok sa compound. Marahil sina Jasmine na iyon, naglakad siya palabas ng bahay, naabutan niyang binubuksan ni Ronald ang pintuan sa backseat kung saan naroon ang kasintahan.
Hindi niya maiwasang mapangiti ng masilayan ang kagandahan ng katipan. Nakasuot kasi ito ng fitted black na skirt na hanggang taas ng tuhod ang haba na pinaresan ng white sleeveless blouse na nakatuck-in sa skirt na tenernuhan ng two inches heels sandals.
Sa totoo lang, ayaw niyang nagsusuot ito ng sleeveless dahil lumilitaw ang kaputian nito na hindi imposibleng mapatingin ang kalalakihan rito. Hindi naman malaswa ang suot nito kaya ayos lang sa kaniya at alam naman niya na siya lang ang nakakahawak rito.
Tiyak di maglalaon, lalaki na ang tiyan nito. Hindi niya tuloy maiwasan makaramdam ng excitement dahil sooner magkakaroon ng siya ng anak. Sooner, magiging ama na siya, sana lalaki ang kasarian ng bata para lumaganap pa ang apelyido nila. Tinanguan niya si Ronald ng tingnan siya nito.
"Ipapadala ko nalang sa bank account mo mamaya." aniya. Yumukod ito.
"Sige po, Sir. Salamat." anito at sumakay sa sasakyan nito tsaka pinausad iyon palabas ng compound.
Ngumiti si Jasmine nang magtama ang kanilang mga mata. Naglakad ito palapit sa kaniya. She walk towards him gracefully and full of confidence with a sweet smile on her lips. Nang makalapit ito sa kaniya, kaagad na ipinalibot niya ang kamay sa bewang nito, ipinalibot nito ang kamay sa kaniyang leeg at inilapit ang katawan sa kaniya. Ramdam niya ang malulusog nitong dibdib sa kaniyang dibdib. Bumaba ang kamay niya sa pang-upo nito at pinisil iyon na para bang nangigigil.
"Oohh, Jarred!" ungol ni Jasmine na may kasamang pang-awang ng bibig. Inilapit niya ang bibig sa taenga nito.
"You're mine later, baby." aniya. Kitang-kita niya ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Jasmine.
"Sure, baby." anito. Hinarap niya ito at tinitigan.
"Hindi ko akalain na may tinatago ka palang ganung ugali, baby. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa iyo." aniya habang titig na titig sa maamong mukha nito. Inilapit nito ang mukha sa kaniyang mukha at nagpalipat-lipat ang tingin sa mata niya at sa kaniyang labi na mas lalong nagpainit sa kaniya.
"Ofcourse, you're mine only, baby. Hindi ako papayag na landiin ka ng kung sino. Huwag ako. Dahil handa kong makipagpatayan para sa iyo." anito.
Pakiramdam niya kinapos siya ng hininga dahil sa kung paano nito sabihin iyon sa kaniya. Seryusong-seryuso ito at ramdam mo yung emosyon na nakapaloob doon. Bumilis rin ang tibok ng kaniyang puso na walang ibang nakakagawa kundi si Jasmine lang.
Ang nag-iisang babae na bumaliw sa kaniya. Ang nag-iisang babae na minahal niya. Ang unang halik at unang karanasan niya. Wala siyang maapuhap na itutugon rito, kaya ang ginawa niya sinakop niya agad ang labi nito at siniil ng mapusok na halik na kaagad namang tinugon ni Jasmine. Ipinasok niya ang dila sa loob ng bibig nito at ginalugad ang loob niyon. Naputol sila sa pinagsasaluhang halik ng tumunog ang cellphone ni Jasmine na nasa hand bag nito na naka-suot sa kamay nito na nasa kaniyang leeg.
Kumalas ito at inalis ang mga kamay na nakapalibot sa kaniyang leeg at kinuha ang cellphone sa handbag nito. Nang makuha nito iyon, iniharap nito sa kaniya ang cellphone.
"Si mom, tumatawag." anito at kaagad na sinagot ang tawag.
"Mom? Napatawag po kayo? Kamusta po?" tanong nito.
"Ito ayos lang naman po.—pause— Ganun po ba, pag-uusapan po namin ni Jarred, mom kung papayagan niya po ako.—pause— okay po. Salamat po." anito tsaka ibinaba na ang cellphone at tiningnan siya.
"Bakit daw, baby? May problema ba ang kompanya?" tanong niya.
Pero kung problema naman, natitiyak niyang maayos ang kompanya. Sinisiguro niya na napaglalaanan niya ng panahon ang sales ng kaniyang future biyenan. May kailangan ba sila kay Jasmine?
"Walang problema ang kompanya dahil lagi kang naka-monitor e." anito na may ngiti sa mga labi. Pagdaka'y napakagat-labi ito.
"Ahm, gusto muna nila magpahinga, baby. Alam mo naman, tumatanda na rin sila. Pwede daw ba ako muna ang mamahala sa kompanya? Kahit dalawa hanggang tatlong buwan lang daw. Kapag malaki na ang tiyan ko babalik din daw naman sila." anito. Niyakap siya nito at isinandig ang ulo sa kaniyang dibdib na para bang naglalambing. "Please baby, payagan mo na ako. Ngayon ko lang ito magagawa kina dad at mom. Sa mahabang panahon na pinamahalaan nila ang kompanya, ako naman ngayon ang kailangan nila, gusto ko rin makabawi sa kanila."—tiningala siya nito—"Please, payagan mo na ako." anito.
Huminga siya ng malalim. Ano pa ba ang magagawa niya? Alam niyang gusto rin ni Jasmine na subukang pamahalaan ang kompanya nila at ayaw niyang ipagkait iyon sa kasintahan. Alam niyang may mga lalaki itong makakasalamuha, pero malaki ang tiwala niya sa kasintahan. Ngumiti siya rito at tumango.
"Sure baby. Walang dahilan para di kita payagan, hindi naman pwedeng dumito ka lang sa bahay. Basta ayaw kon ng lalaki na umaaligid sa iyo, okay? Magseselos ako. Kilala mo ako, baby." aniya sa seryusong tono. Iniisip pa lang niya na may lalaking kinakausap at kabiruan ang kasintahan ay parang makakapatay na siya.
"Okay. Pure business lang. You trust me, right?" tanong nito na may kasamang pagtaas ng kilay.
"Of course, sa lalaki lang ako walang tiwala." aniya. Ngumiti si Jasmine.
"Okay, no boys allowed. Tara na sa loob! Gusto ko mag-bake ng cookies, baby. Natatakam ako." anito at hinila na siya papasok sa loob.
Bakit ba bigla siyang kinabahan? Mas maganda siguro na pabantayan niya ito para malaman niya kung ano ang ginagawa nito sa opisina o kung sino ang kausap at kasama nito. Ipinilig niya ang ulo sa ideyang iyon.
Tiyak na magagalit ito kapag nalaman nito na pinapa-matyagan niya ito. Tiwala lang talaga ang kailangan. Kung paano siya nito pinagkakatiwalaan, ay dapat ganun din siya rito. Baka iyon pa ang maging dahilan ng away nila.