Epilogue

Hiding Son Of Atlas Gilmore

Atlas

Noon akala ko di ko makakalimutan ang feelings ko kay Triana, simula ng makita ko si Vanessa ay nagbago ang lahat, tiwala ginising nito ang natutulog na feelings ko.

Noong una na makita ko ito at makilala ay napaka bilis ng tibok ng puso ko, weird kung iisipin dahil kadalasan mga babae ang mga nakakadama ng ganong pakiramdam, so ngayon alam niyo na kahit lalaki ay bumibilis din tibok ng puso namin sa mga taong gusto namin.

Nang makita ko ito alam ko na may something sa babae na ito, nakikita ko na baka ito na ang makakasama ko sa habang buhay, di man ako perpekto na lalaki, kaya ko naman panindigan ang mga pangako ko.

Nang gabi na may nangyari sa amin ay nasaktan ang damdamin ko non, dahil sa umalis ito agad sa aking tabi, ni Hindi ko man lang natanong ang pangalan nito.

Mabuti nalang at isa akong CEO at malawak ang mga hawak ko, nalaman ko na anak pala ito ng mga Alcantra, galing din pala ito sa mayamang pamilya pero kung kumilos parang walang trabaho na iniisip.

Noong nasa bar kasi ako nag inom lang ako ng ilang shots dahil sa sobrang exhausted na ako sa sobrang dami ng works paper na kailangan o review. Hindi biro ang hawak ko na company kaya when it comes to work seryoso talaga ako.

Maraming balita na chic boy daw ako, dahil sa mga pictures na na-lilink sa akin. Ang iba doon ay mga anak ng partner ko na nag hahabol sa akin, kung tutuusin ay habulin talaga ako ng mga babae.

Pero pagdating kay Vanessa ako pala ang maghahabol dito, noong una ayoko na muna mag level ang mayroon kami ni Vanessa, dahil ayoko na maramdaman nito na hindi ako sigurado sa kanya.

Hindi niya deserve iyon dahil based sa mga pinapakita niya sa akin ay napaka bait nito sa mga taong minamahal siya, although minsan may pagka maldita talaga ito sa ibang tao, pero okay lang naman.

Dati pinangako na hindi ako mananakit ng feelings ng ibang babae, dahil sa may ina ako at nirerespeto ko ang mga babae, nag bago iyon ng maka gawa ako ng malaking kasalan na aking pinagdusahan ng matagal na panahon.

Sa tuwing may nangyayari kasi sa amin ni Vanessa ay wala kaming protection, kumbaga skin to skin talaga kami akala ko kasi non safe kami dahil sa alam ko naka pills ito, siguro nakaligtaan din ng babae kaya nag bunga ang pagtatalik namin.

That time kasi na may date kami ay iniwan ko ito saglit, Sabi ko kasi non saglit lang ako at babalik, sa mga oras na iyon ay si Triana ang kasama ko, natagalan ako dahil kailangan ng kaibigan ko ng karamay non, di ko napansin na napatagal ako.

Bumalik ako sa restaurant na aming na reserve, pero pag dating ko doon ay wala si Vanessa, akala ko simpleng tampo lang ang naramdaman ni Vanessa kaya nakampante ako.

Noong umuwi ito ay tila wala sa sarili si Vanessa, alam ko na may mali kasalanan ko kung bakit ganito ito ngayon.

"Diba ang sabi ko ay antayin mo ako?" Galit na tanong ko kay Vanessa.

"Wow? Ikaw pa ang galit? Really Atlas Isang oras ako nag antay pero di ka dumating, Mukha akong tanga doon nag aantay sayo." Sagot nito sa akin.

"I'm sorry okay, pero di ka dapat umalis doon. Pano kung may nangyari na masama sayo?" Pag dadahilan ko dito, totoo na nag aalala ako dito ng diko ito maabutan doon sa place.

"Aalis nako, doon muna ako sa condo ko." Walang gana na saad n saakin.

"No! Dito ka lang! At saan ba ka ba galing at umaga kana umuwi?" Sunod-sunod na tanong ko dito, dahil sa umaga na ito naka uwi.

"Gusto mo malaman, I slept with other man." Diretso lamang ang tingin ko dito.

Parang na estatwa ako sa aking narinig, diko alam kung tama ba ang aking narinig o nanaginip lamang ako.

"So, parang pinapatunayan mo na malandi ka?" Sarcastic na tanong ko dito, I know na masiyado foul ang word na aking nasabi nadala ako sa emosiyon ko kaya nasabi ko iyon.

Dahil sa aking sinabi ay agad ako sinampal ng malakas sa aking cheeks ni Vanessa, I deserve that f*cking slap.

"Huwag kana mag papakita sakin Vanessa!!" Galit na sigaw ko dito. Nag patalo ako sa emosiyon kaya ito ang naging dahilan ng labi na hindi namin pagkakaintindi naming dalawa.

Ilang linggo na nag kulong si Vanessa sa kanyang condo, I know na nandoon lamang ito dahil sa nakamasid ako sa palagid nito. Galit ako dahil nagawa niya iyon, akala ko pa naman siya na talaga.

At dumating ang pinaka malaking regret sa aking buhay ang itinaboy ko ito sa mismong bahay ng aking magulang, may kasama ako non na babae, which is diko sineseryoso iyon kumbaga gusto ko lang makalimot man lang.

Nang biglang dumating si Vanessa, umiiyak ito at sinabi sa akin na she is pregnant with my child. I was stunned dahil sa kanyang sinabi. Ayoko maniwala dahil sa may nakatalik daw itong ibang lalaki, diko alam kung sa akin ba talaga o binibilog ni Vanessa ang ulo ko.

Itinaboy ko ito at nag makaawa siya akin noon pero di ako nakinig sa babae, nag matigas ako, ng mapuno na si Vanessa ay biglang nawala ito at hindi ko na nahanap pa.

Limang taon ako nag hanap sa kanya, pero wala talaga akong lead kahit sa mga private hire di sila makahanap man lang ng lead kung nasaan si Vanessa.

Na confirmed ko na akin ang dinadala ni Vanessa, and natatakot na di ko makita ang anak ko dito, di ako nawalan ng pag asa dahil alam ko na may alam ang ate nito na nasaan si Vanessa.

Alam na tinatago lang nila sa akin, iyon kaya nag tiyaga ako na makahanap ng tiyempo na mahanap si Vanessa. At tama nga ako dumating ang panahon na iyon.

Nakita ko sa isang mall si Vanessa mukhang namili ito ng mga regalo, agad ko ito na nilapitan, kita ko sa gulat ng mukha ni Vanessa ng makita niya ako, mukha na parang takot sa akin.

Nagpupumiglas ito sa aking hawak, kahit anong explain ko ay di ito nakikinig sa akin, base sa tono ng boses nito ay galit ito. Nag susumigaw ito sa mall kaya may mga tao na lumapit upang bitawa ko si Vanessa.

Simula noon ay diko na ulit ito nakita, at ang pinaka di ko inaasahan ay nakita ko ang anak namin, dala ito ni Tyler, tinanong ko ito na kanino ang bata na hawak niya, dahil sa kamukha ko ito noong bata pa ako.

Agad ko na tinanong si Tyler kung kanino ang bata, at sino ang ina nito. I confirmed na anak ito ni Vanessa lahat sila ay nagulat na sabihin ko na anak ko itong bata. Diko kasi nabanggit sino ang babae na aking hinahanap noon kaya gulat silang lahat.

Nag tungo ako kasama ang bata kung nasaan si Vanessa, na miss ko ang babae sa tagal namin na hindi nagkita. Ramdam ko ang galit nito sa akin. Ilang araw ako nag suyo non kay Vanessa. At thankful ako na napatawad ako nito.

Now we have happy big family, maraming challenges na hinanap namin noong na kidnap ang anak namin, sobrang saya ko non na maayos ang lagay ng mag ina ko.

Now we are married na may second baby na kami at ang pinangalan namin ay Dillion Harper Gilmore, maraming challenges na dumating lahay iyon ay naayos namin.

Hindi dapat hayaan na makaramdam ng selos ang taong mahal mo, unang una di iyan makaramdam kung walang dahilan. Iparamdam niyo na siya lamang ang babae niyo.

Huwag niyo na hahayaan na matutulog na may tampo ang mga asawa niya, pwede naman madaan sa make love yan e, joke lamang po, I mean sa maayos na usapan.

Kapag pumasok na kayo sa marriage level expect niyo na may mga mababago dahil nasa bagong stage na kayo ng relationship, parte na ng mag asawa ang pag aaway, pag tatampuhan.

Always talk your partner what's the problem, huwag unahin ang tampo at galit na emosiyon. Dahil minsan iyan ang dahilan ng di pag kakaunawaan mg mag asawa.

At sa mga laging naghihinala sa partner na walang sapat na dahilan, alamin niyo muna dahil ika nga na maraming namamatay sa maling akala. Pakinggan muna ang side ng bawat isa upang magkaintindihan kayo parehas.

And now I am Atlas Gilmore I'm so happy na naka uwi na ako sa aking tahanan. At nahanap na at tunay na kasiyahan sa piling ni Vanessa.

Author notes:

Thank you for supporting this story, see you soon in my next novel

✓ Unexpectedly Inlove With My Kidnapper

✓Painful love

This is the last Chapter, love you mga bb ko!!!

Baddie_Cutie8