Chapter 32

Hiding Son Of Atlas Gilmore

Kinaumagahan ay pumunta naman kami nina daddy gusto ko na kahit di kami okay ni mommy ay makilala nila ang anak ko, agad kami na tumungo sa aming bahay.

Kung saan lumaki ako na walang ibang naramdaman na pagmamahal ng isang ina, kahit ayoko man na bumalik ay ginawa parin namin.

Buhat ni Atlas ang anak namin at ng makita kami ng aking ama ay tuwang-tuwa ito na sinalubong kami, niyakap pa ako nito ng napaka higpit, na miss ko ang aking ama, pero may lungkot pa din ako nararamdaman dito.

Pakiramdam ko may kulang na parang hinahanap pa ako sa kanila, lumaki man ako na mayaman nakukuha ang lahat pero malungkot naman ako, tuwing naalala ko kung paano ako sigawan ni mom dahil sa ako ang sinisi nila sa pag kawala ni Freya.

At Isa pa kaya pala di ako nito tanggap ay di pala ako nito tunay na anak, kaya pala ganon nalang kung magalit sa akin si mom dahil sa anak ako ng kambal niya.

"Hi kamusta apo ko ba ito??" Masayang tanong ni dad sa akin, tumango ako bilang pag sagot, nakakainggit lang na sana ganto ang reaction nila kapag sa akin, mula pag kabata ko ay malungkot ako dahil kulang sa pagmamahal ng magulang.

" Yes po si Ezekiel po anak po namin ni Atlas.." pagpapakilala ko sa aking anak, biglang bumaba naman ng hagdan si mom galing sa taas, ang kilay nito ay nakataas agad ng makita ako.

Diko makalimutan noong nada hospital kami noong nagtalo kami, Hindi ko alam kung tanggap na ba nito ang mga pagkakamali niya, pero base sa nakikita ko ay mukhang di pa nito tanggap sa sarili ang mga pagkakamali niya.

" Anong meron dito?? At sino bata na iyan?" Tanong nito kay dad, sumagot naman ang aking ama. " Anak ni Vanessa kay Atlas honey.."

"Oh.. really naka jackpot ka naman pala Vanessa.. kelan ang kasal? Dapat bongga.." saad ni mom, diko alam bakit naiinis ako sa tono ni mom, di parin pala nag bago ganon parin.

"Stop please.. nandito po kami para ipakilala si baby Ezekiel sa inyo, at umayos naman po kayo sa harap ni Atlas nakakahiya." Saad ko alam ko napakz rude ko sa aking sinabi, diko na kasi maiwasan.

Ayoko na maramdaman ni Atlas na papakasalan ko ito dahil sa gusto ni mom. At mayaman ito alam ko mayaman talaga ito kesa sakin pero diko mahal Ito dahil don. Kundi mahal ko talaga siya.

"It's okay baby don't mind me, wala sa akin yun besides papakasalan naman talaga kita." Sagot ni Atlas sa akin.

Ang mom naman ay sumagot sa aming pag uusap ni Atlas, " Oh.. yan naman pala papakasalan ka arte mo pa.." sarcastic na saad ni mom sa akin.

" Tumigil kana honey, may bata dito baka mag talo nanaman kayo.." saway ni dad kay mom.

Tumungo nalang muna ako sa garden dahil gusto ko na magpahangin sa nangyari kanina lang, akala ko pa naman magiging maganda ang araw ko ngayon.

"Are you okay love? Kung di ka okay dito pwede na tayo umuwi manood tayo ng movie kasama si baby Ezekiel." Yaya nito sa akin, ayoko naman magmukhang masama kay daddy kaya nag stay muna kami ng ilang oras.

Nang makauwi kami ay panay naman ang tawa ng aking anak, masaya ako na tuwing kasama nito si Atlas ay tuwang-tuwa ito, kung noon kaming dalawa lang ay masaya ang anak ko, ngayon mas double ang saya ng aking anak.

Nag luluto ako ng dinner namin ng yumakap sa aking likod si Atlas, naglalambing ito kasi may kailangan ito. Panay ang halik nito sa aking leeg, mabuti nalang ay nasa room ng mga maid ang mga kasama namin.

"Hmm.. bakit nag kakaganyan ka? May kailangan ka ano??" Tanong ko dito, alam ko na may kailangan ito kapag ganito.

" May labas sana kami ng mga kaibigan ko, sasaglit lang naman ako promise." Paglalambing nito sa akin.

" Asus.. Sabi na e may kailangan ka eh.. sige kapag anong oras at wala ka pa sa labas ka matutulog, kahit bahay mo pa ito.." saad ko dito.

Aba ang loko ang bilis ng tango ng payagan ko, tiwala naman ako dito, sa tagal nga namin na nagkahiwalay ay wala naman itong naging babae.

Pagkatapos nito makipag laro sa anak namin ay umalis ito at nagpaalam, mag quickie pa nga daw kami, Loko aalis nalang gusto pa umisa. Umalis ito na naka ngiti dahil sa pinayagan ko na sumama sa labas nila ng kaibigan niya.

Nanood kami ni movie ni baby Ezekiel, ito naman anak namin ay napaka dami ng laruan dahil iniuwi ng mga Lolo at Lola niya ang ilang laruan galing sa dating room ni Atlas, itong ama naman ni Ezekiel ay panay naman bili ng kung anu-ano.

Kaya Ayan kahit mahal ang price ng toys niya ay wala lang, ito kay Atlas dahil parang barya lang daw iyon kay Atlas.

Noong una medyo okay pa ako e dahil di pa naman late si Atlas, pero ng 12am ay di pa rin ito nakauwi ay tinawagan ko na ito, naka ilang call ako pero di ma contact ang cellphone nito.

Aba di mo sasagutin ang phone call ko, nilabas ko ang ilang gamit ni Atlas, Malay ko ba na mamaya may babae na pala ito doon. Malamang sa bar ang gimik ng mga ito.

12:30 ng hating gabi ng may mag doorbell sa labas, alam ko na si Atlas na ito at agad ako na bumabang hagdan, naka pang tulog na ako at ito naman si Atlas ay kakauwi lang.

May glass itong door ni Atlas kaya kita ko ito mula sa labas, naka yuko ito halatang may tama na ng alak, tinitignan ko ito habang naka pamewang sa kanya. Di pa sana ako nito mapapansin na nasa harap niya na ako kung di pa ito titingin sa harapan niya.

Ngumiti ito sa akin na parang akala mo nakikipag biruan ako, tinaasan ko ito ng kilay dahil sa totoo lang ay galit talaga ako, sinabi ko na huwag papaabot ng anong oras pero di nakinig.

"Hi, baby bakit nasa labas ibang gamit ko??" Nagtatakang tanong nito sa akin, ang mga mata ay parang iidlip na sa sobrang antok siguro.

"Ah Ayan ba? sa labas kana kasi matutulog ngayong gabi, diba I told you na huwag papaabot ng anong oras? At talagang naka patay pa ang phone mo ah." Sermon ko dito.

Akala ko sasagot ko ito ng katwiran niya ng may iangat ito na hawak na paper bag na branded na bag. Sira talaga tong lalaki na ito alam paano ako papaamuhin.

Madami ang papers bag na dala niya sa kanyang likuran, siguro pinabili niya ito, dahil alam na mapapa-trouble sa akin.

"Ikaw susuhulan mo pa talaga ako ah!! Sige pumasok ka subukan mo pa ulitin at sa labas ka talaga matutulog sinasabi ko sayo." Kinuha ko ang mga papers bags at umakyat ng kwarto.

"Wala ba akong good night kiss diyan?" Biro nito sa akin, tinarayan ko lamang ito dahil naiinis pa rin ako.

" Che!! Ang baho mag shower ka don, tigilan mo ako may kasalanan ka panga sakin e, pasalamat ka may dala ka kaya nakalusot ka sakin." Umakyat na ako at tumabi sa aming anak na mahimbing ang tulog.

Ngayon palang iniisip ko na napaka dami ng mamanahin nito sa amin ng ama niya, at I hope ang second baby namin ay baby girl naman para naman big brother na siya.

Naka pwesto na ako ng may yumakap mula sa aking likod na amoy galing shower, nahimasmasan na siguro ito sa pinag-gagawa niya kanina.

"I love you baby, I'm so na late, napasaya lang kami ng mga kaibigan ko." Saad nito sa akin.

" E kung masayahan din kaya ako na huwag ka pauwiin sa sarili mong bahay ano?" Biro ko dito, Panay ang halik nito sa aking balikat at leeg.

" Tumigil ka Atlas nandito ang anak natin, pigilan mo yang alaga mo" saway ko dito.

Kinabukasan ng umaga ay na late ito gising, nag mamadali pa ito na mag bihis dahil may big clients daw ito na meeting ngayon.

Kahit dipa kumakain ay dumiretso ito sa company niya, nag paalam lang ito samin ng anak niya at umalis na. Naisip ko naman na dalhan nalang ito ng breakfast niya sa office nito.

Itong anak namin ay iiyak kapag di ko isasama kaya wala akong choice na isama nalang, pag karating namin doon ay nag tinginan naman ang mga employees sa amin ng anak ko.

"Diba yan yung naghahabol kay sir Atlas? At talagang nag pa anak pa kay sir ah." Bulongan ng mga ibang employee. Akala siguro nila diko rinig ang pinaguusapan nila na ako yun.

Agad ako na lumapit sa font desk ng company upng ipaalam Kay Atlas na nasa baba kami.

"Hi, paki sabi kay Atlas na nandito si Vanessa.." naka ngiting saad ko dito sa babae, ang mga ibang employee sa gilid ay tuloy pa rin sa bulongan nila.

"Mam, wait lang daw po baba daw po si Sir Atlas, thank you have a nice day Mam." Saad ng babae sa akin.

Maya-maya lang ay nasa baba na si Atlas, at si Ezekiel naman ay agad na tumakbo sa kanyang ama.

"Daddy!!! Play!! Play!!" Sigaw ng anak ko sa kanyag ama.

"Shss.. behave ka lang baby may nag wo-work right." Saway ko dito.

"By the way anong meron? May kailangan ba kayo?" Tanong nito sa akin.

"Ah eto breakfast mo since di ka nag breakfast sa bahay." Abot ko dito ng almusal na niluto ko.

"Ah okay thank you baby, Attention!! This is my soon to be wife, and also my son, gusto ko na malaman niyo na sila ay isa sa mahalaga sa buhay ko, please be good to my wife and son okay??" Saad nito sa mga employees niya.

Ang iba ay tuwang-tuwa na makilala kami, pero di talaga mawawala ang mga inggit sa buhay.

Ganon lumipas ang mga araw namin, weeks ang lumipas at I found out na I'm pregnant with our second baby. Di pa alam ni Atlas dahil sa nasa work pa ito.

Inaantay ko ito na umuwi ng tumawag sa akin ang secretary nito na aksidente daw ang boss niya, kinakabahan na sumakay ako ng kotse, aking pinagtataka na bakit di papuntang hospital ang biyahe namin.

Ibang daan kaya nag pa-panic na ako, ang driver naman ay kalmado lang habang ako diko alam ang gagawin.

"Mali po ata ang nadaanan natin kuya.." awkward na saad ko dito.

Di ako nito sinasagot seryoso lang ito sa pag maneho ng kotse. Nang Maya-maya ay ibinaba ako nito sa Isang lugar na puno ng makikinang na ilaw.

Napaka ganda, ang mg luha ko ay nag sipatak sa sobrang saya ko, ito ang inaantay ko noon pa man ang may magpahalaga sa akin. Napaka effort nito para sakin.

May babaeng umalalay sakin naka piring ang mga mata ko dahil napag utusan lang daw, I know naman na si Atlas ang may pakana nito kahit diko na hulaan pa.

Nang huminto na kami ay mas maganda dito, si Atlas ay nakatayo sa gitna at may hawak na roses para sakin, lumapit ito sa akin ng makita na grabe na ang pag iyak ko.

"Don't cry please, nag surprise lang ako umiiyak ka nanaman, ang ganda ganda ng baby ko huwag kana umiyak okay?" Pag papatahan nito sakin.

"Eh ikaw kasi nakaka-inis ka akala ko napano kana, tapos yung nag pa sakin lalo pa ako kinabahan sa ibang daan kami dumaan instead na sa hospital." Sumbong ko dito.

Tinawanan lamang ako nito sa aking mga sumbong. " Siyempre parz naman may thrill ang surprised ko sayo..." Saad nito sa akin.

He kissed me on my lips, ang mga luha ko ay magtutuluan sa sobrang saya ko ngayon, sayang at wala si baby Ezekiel at di niya nakita ang lugar na ito.

Pinunasan nito ang mga luha ko at lumuhod sa akin. I didn't expect na ngayon niya ito gagawin. Akala ko simple surprise dahil bumabawi.

"Will you marry me? Siyempre may Choice ka paba dati nga ikaw pa gusto mag prop sa akin." Biro nito sa akin.

"Kapal mo napaka confident mo ah, pano kung mag No ako? Sige nga, siyempre Yes ako di pwede hindi masiyadong mahangin ka lang talaga." He hugged me tight na parang walang bukas.

"And I have also surprised to you.. Atlas I'm pregnant again!!" Masayang balita ko dito.

"Wait what? Really totoo ba?" Di makapaniwala na tanong nito sa akin.

"Yes I'm really pregnant with our baby!!" Nakangiting saad ko dito.

Isinuoug nito sa akin ang singsing na kanyang dala, napaka ganda non at halos maiyak ako sa sobrang saya ng nararamdaman ko.

Nag picture kami na aking pinakita na we are officially engaged na. Maraming bumati na kaibigan kasama na ang mag asawang Tyler at Triana.

Naging maingat sa akin si Atlas, dahil sa ngayon niya lang daw mararanasan na alagaan ako, na konsensiya ako na second baby na namin ito pero first time niya pa lang ako maalagaan.

Kinabukasan ay pinuntahan na namin si Kate para official na maging parents niya na kami masaya si Kate na malaman niya na kukunin na namin siya, dahil matagal na niya iyong pangarap.

Ang anak ko naman ay tuwang-tuwa sa magiging ate niya dahil matagal na din ito kilala ni Ezekiel kaya masaya ang anak namin.

Inaalagaan at pinag aral namin sa maayos na paaralan si Kate na parang tunay na anak namin ito.

Napaka saya ko na nabago ko ang mga kasalanan ko na nagawa ko noon, Hindi pa huli pa di I tama ang mga pagkakamali.

Naging maselan ako sa pag bubuntis ko sa anak namin, minsa ay naaway ko si Atlas dahil naiirita ako sa mukha niya. Mabuti nalang at mapag pasensiya si Atlas sa akin.

Naiinitindihan naman daw niya dahil nabasa niya na daw na moody talaga ang mga babaeng buntis.

" Im sorry if naaaway kita.." hingi ko ng tawag dito.

" Wala iyon I understand you naman hon, tsaka normal na maging moody ka talaga baka ako pa maging kamukha ng anak natin, pinaglilihian mo ata ako e." He laughed at dahil ganon nga daw ang kasabihan.

Ilang buwan ang lumipas at kahit kailan ay di ako dinalaw ni mom, siguro ay masama pa rin ang loob nito sakin na aking hinayaan na lamang.

Kahit ganon ay napaka saya ko na naipanganak ko ng maayos ng second baby namin. Napaka saya naming lahat non, ng dumating si mom naka wheelchair ito at putla ang balat.

Hindi ko alam na may sakit ito dahil sa wala akong balita sa kanya, dahil baka lalong magalit ito sa akin kung kukulitin ko. Lumapit ito sa akin na umiiiyak.

"I'm so sorry anak.." napaiyak ako dahil sa ngayon ko lang ito narinig na humingi ng tawad at tinawag ako na anak niya. Napamahal na din kasi ako dito kahit na hindi maganda ang trato nito sa akin.

"I'm sorry din po.. napatawad na po kita matagal na.." umiiyak na sagot ko dito. Hindi ko na pinatagal ang sakit na nararamdaman ko dito, pangit nga naman na mag tanim ka ng sama ng loob sa ibang tao.

Pagkatapos ko manganak ay ilang buwan lang ang pinalipas at ikinasal kami ni Atlas, I'm so happy na ang dream na ikasal sa taong pangarap ko ay nangyari na at may masaya pa kaming pamilya.

Si Ate at Kuya Alejandro naman ay official na nagsama at pumayag na rin ang mag magulang namin na ikasal sila, humingi rin ng tawad si mom kay Ate sa mga nagawa nito noon, at napatawad naman ito ni Ate.

At ang balita ko naman kina Arthuro at Liezel ay next year ang kabilang kasal, biniro pa ako ni Arthuro na nagsumbong daw si Liezel sa daddy nito, kaya next year agad ang kasal nilang dalawa.

I'm so impressed nga na hindi hadlang ang parents ni Liezel sa relasyon nilang dalaw, sa katunayan ay boto pa sila kay Arthuro para sa anak nila, ang sagot ng magulang ni Liezel ay ayaw naman nila na mag suffer ang anak nila sa kamay ng ibang tao na hindi naman nito mahal.

At based naman daw sa magulang ni liezel pasadong pasado si Arthuro nilang maging son in law nila.

Napaka saya ko habang nakatingin sa tatlong anak namin na sina Ezekiel, Kate at Dillon, masaya ang pamilya na mayroon ako ngayon, kung ano ang lungkot na naramdaman ko noong bata pa ako ay hindi ko iyon pinadama kailan man sa kanila, lalo na kay Kate tinuring ko ito na parang sarili ko na anak.

Sa buhay kahit napaka dami mong problema dapat huwag mo pairalin ang galit, dahil minsan kapag emosiyon mo ang inuuna mo kesa sa ayusin ay nagdudulot iyon ng mas malaking problema, if you have problem with your partner, always talk to her/him first. Pakinggan mo muna anong saloobin nito.

Sa relationship kasama talaga ang problema, huwag kayo mag expect ng perfect relationship dahil kung sa relationship niyo ngayon ay wala pang problema na dumadating ay Sigurado na may malaking challenges na dadating sa inyo at susubukin kung gaano kayo katatag.

At sa mga masiyadong padalos-dalos sa desisyon ay pag isipan niyo muna of may masasaktan ba kayong ibang tao sa mga desisyon na pinipili niyo, kung sa iniisip mo nong una ay wala, marahil ay nakalimutan mo na paano kapag may naapektuhan na iba? Kaya mahalaga na planuhin ng maigi ang mga desisyon na iyong pinipili sa buhay.

Huwag rin papakain sa selos sa iba, kung iniisip niyo na bakit siya meron ako wala? Well baka hindi pa dumadating ang para sa inyo, huwag niyong madaliin kung ayaw niyo na umiyak sa huli.

Laging niyong intindihin ang mga magulang niyo, Siguro kaya nakakagawa sila ng ganon ay iniisip nila ang future niyo. pero kung sa tingin niyo ay sobra na ay doon niyo kausapin ng maayos sila, upang mag-kakainindihan kayo parehas, mahalaga pareho ang opinion niyo tandaan niyo yan guys.

And I am Vanessa Alcantra ang babaeng patay na patay kay Atlas na ngayon ay wife na nito, chariz I'm so happy na we have happy big family now, may mga pagtatalo man naayos naman namin sa maayos na usapan.

Author notes:

Thank you sa mga naka abot sa last part and sa mga genuine comments I love you mga bb ko :))) see you again guys sa mga soon stories na aking gagawin.

If I have free time na I will work my pending story

✓ Unexpectedly Inlove With My Kidnapper - which is story ng anak nina Tyler at Triana, sa mga di nakakaalam malalaman niyo if nabasa niyo na ang The Revenge Of My Boyfriend.

✓ Painful Love

Again thank you mga bb...

And sa mga nagtataka bakit walang wedding scene? Di po ako masyadong magaling sa ganun kaya I choose na huwag ko nalang I detail sensiya na diko kasi gano alam ang ganon, since single si Ms. A at walang gaanong idea paano gagawin iyon. :'))))

Baddie_Cutie8

************