Chapter 14

Nang matapos ang kahihiyan na aking ginawa ay umuwi na din muna ako sa bahay namin. Ayoko mag hinala si mommy na alam ko nga kung nasaan si Ate.

Hindi ako papayag na ibalik pa niya si Ate sa masama nitong asawa. Nang maka-uwi ako ay naabutan ko na naka upo ito sa pwesto niya.

Tila kalmado sa kanyang paligid, na parang walang ginawa. Ganto lagi si mommy sa tuwing feeling guilty siya.

Iiwasan ka niya, Hindi ka papansinin o kikibuin man lang. Never na humingi ito sakin ng tawad sa mga nagawa niya sakin. I will forgive naman kay mommy.

Hindi lang siguro matanggap ni mommy na hihingi ito sakin ng tawad. And i don't know bakit ganito ang trato sa akin ni mommy, Hindi naman niya ganon kung tratuhin ang iba kong kapatid.

Sa aking pag pasok ay agad na lumapit ang aking daddy.

"Kamusta ka? Nag alala kami sayo, akala ko napano kana." Nag aalalang saad nito sa akin. Ni hindi ko man lang naramdaman ang pagiging sincere nito.

"Nag alala nga ba? Ni minsan di niyo nagawa sakin yun." Walang emosiyon ko na sagot sa aking daddy.

"Please, honey I'm so concerned about you. Don't be like that." Dahil sa sinabi ng aking daddy ay tumawa ako pagak.

"No!! You don't concerned about me! Sa tuwing kailangan ko kayo nasaan kayo? Sa tuwing sukong-suko nako nasaan kayo? Kayo na dapat sinusuportahan ako, pero pinaramdam niyo sakin na hindi ako part ng family na to." Umiiyak na saad ko sa aking daddy.

Dahil doon ay tumayo ang mommy, galit na galit ito na lumapit sakin. Hindi ko inaasahan ang pag sampal nito, dahil doon ay napatagilid ang aking mukha sa sampal.

Malakas iyon at sigurado na babakat sa mukha ko ang sampal.

Humarap ako ng tingin at diretso sa mommy.

"Hindi ko alam kung ano ba nagawa ko sayo mommy, at ganto mo ako tratuhin na parang hindi mo anak." Galit na saad ko dito.

"How dare you!! Talk to me like that!!" Parang sasabog na sa galit ang aking mommy.

"Gusto mo malaman?? Huh? I'm not your real mother!" Sigaw nito sakin.

Tila nag proseso pa sakin ang sinabi ni mommy. I'm not her true daughter. That's why ba ganito niya ako itrato?

"No! You lying to me." Umiiyak na tanggi ko sa aking mommy.

I want lang naman ng pagmamahal ng isang ina. At iyon ang bagay na hindi maibigay ni mommy sakin.

"Yun ang totoo, and anong nagawa mo? Ikaw! Ikaw Ang dahilan bakit nawala si Freya samin." Duro ni mommy sakin.

Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi iyon ni mommy, ang mga maid namin ay tumigil sa mga ginagawa at pumunta sa kanilang room, naka ramdam ang mga ito na need namin ng space.

"Alam mo bakit hindi kita gusto? Anak ka ng kambal ko! Namatay ang kapatid ko sa panganganak sayo. And my husband is cheating on me. Masakit iyon bilang asawa at lalo na nagbunga iyon at ikaw ang bunga." Umiiyak na saad nito sakin.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang mga revelations na aking nalaman. masiyadong masakit para sa akin.

Ako pala ang nagpapahirap Kay mommy sa tuwing nakikita niya ako.

"Sa tuwing nakikita kita naalala ko ang pangloloko ng daddy mo sakin. Lagi ako umiiyak na bakit humantong sa ganon masaya naman kami noon, pero ang nanay mo naki apid, at ang malala sa sister ko pa na malapit ako." Iyak lang ng iyak si mommy habang nag eexplain.

"I-im so sorry, kung ako ang dahilan ng paghihirap niyo. And I'm so sorry dahil nawala si Freya dahil sakin." Tumakbo ako paakyat sa aking room.

Umiiyak ako sa aking room dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko, dala nadin sa nabigla ako sa mga nalaman ko.

Umiiyak ako ng dahil sa kaya ako nag rebelde ay hindi nila ako mahal, but it's true she did not love talaga in the first place talaga.

That's why pala ganon pag treat sakin ni mommy.

Kumatok ang aking daddy hindi ko kung pagbubuksan ko ba o hindi.

"Honey please open the door. I wanna talk to you." Saad nito mula sa labas.

Nagmadali naman ako na kumuha ng maleta at kunin ang mga gamit ko na iilan.

Nang matapos na ako ay magmadali ako na lumabas, ngunit ay pinigilan ako ni daddy.

"Please, don't do this honey.." pag mamakaawa ni daddy sakin.

Umiiyak na umiling ako.

"No, daddy this is not good to me na, I'm tired na dito, gusto ko ng tahimik." Umiiyak na saad ko kay daddy.

"Bibigyan ka namin ng space, please don't do this." Naawa ako sa ginagawa ni daddy na pag makaka-awa sakin, but kung tutuloy ako baka di ko na kayanin pa.

"Magpapalipas lang po ako, at hindi po dito." Malungkot na sagot ko kay daddy.

"Saan ka tutuloy?" Tanong ni daddy sakin.

"Sa friend ko po daddy don't worry po." Paalam ko dito.

Dumiretso ako sa pagbaba, Nakita ko agad si mommy, Mukhang hindi pa ito kalmado sa nangyaring sagutan.

"Yan, diyan ka magaling ang tumakas. Kapag ikaw napahamak o may nangyari sayo, huwag kang pupunta dito." Pag babanta sakin ni mommy.

Ngunit umalis lang ako doon na parang walang narinig sa sinabi ng aking mommy.

Umiiyak ako habang nag dri-drive ng kotse. Nag message ako kay Atlas na diretso na ako nauuwi sa mansion nito.

Nagtataka naman ang Manang bakit malaki ang dala kong maleta.

"Oh? Napano ka bakit ang laki ng maleta mo?" Takang tanong nito sakin.

"May problema lang po sa bahay, dito po muna ako." Malungkot na sagot ko dito.

"Alam na ba ito ni Atlas?" Tanong muli sakin ni Manang.

"Opo, tumawag na po ako sa kanya kanina po." Magalang na sagot ko dito.

"Ah ganon ba? Sige na umakyat kana sa room niyo, tiyak na pagod ka pa sa biyahe." Saad nito.

Tama sobrang pagod ako para sa araw na ito. Ilang oras din pala ako natulog dala narin sa sobrang pag iisip at pagod. Naramdaman ko kasi na may humahaplos sakin.

At sa aking pag dilat ay nakita ko na si Atlas pala iyon. Naka ngiti ito sakin ng magising ako. Napaka gwapo nito sa kanyang suite. Sa kulay black na suot nito ay lalong nag pa attract sa lalaki.

"Are you okay? You can talk to me?" Malambing na saad nito sakin.

Dahil doon ay mahigpit ko na niyakap si Atlas. Dahil sa tuwing down ako, siya ang sandalan ko. Kahit napaka maldita ko sa mata ng iba ay hindi ako nito itinuturing na iba.

"Nag dinner kana ba?" Marahang na tanong nito sakin.

"Nope, I'm hungry na nga e." Sago ko dito.

Nag palit lang ito ng black t-shirt, dahil doon ay parang naglabasan ang butterfly ko. Hindi akalain na malakas ang tama ko dito. Even na madami akong problema ay nakakalimutan ko pag siya ang kasama ko.

And I'm so happy for me na nakakapag focus ako kapag siya ang kasama ko. I can't afford na maging stress ako lagi sa aming bahay. Laging makiki-pagtalo kay mommy.

Even na di ko siya real mom, I love her pa din kahit ganon siya.

"Dala mo na ba lahat ng gamit mo?" Tanong sakin ni Atlas.

"Bakit, gusto mo ba mag live in na tayo? Pwede naman basta kung kaya mo tiisin ang ugali ko." Naka ngiting saad ni Vanessa kay Atlas.

"Huwag moko hamunin dahil seryoso ako kapag ako ang nagsasabi." Sagot nito sakin.

"Seryoso ka pala pero label di mo pa mabigay sakin?" Pilosopong sagot ko dito.

Pano ba naman kasi hanggang ngayon wala paden.

"Okay, kung ayaw okay lang sakin akalain mo yung Si Atlas Gilmore f*ck buddy ko?" Natatawang saad ko dito

"Shut up Vanessa, we're not f*ck buddies." Masungit na saad nito sakin.

"Makinig ka sa cousin mo bigyan mo na ako ng label." Sa oras na ito kabado ako baka hanggang ngayon di parin ito sigurado sakin.

"Okay, fine you're my girlfriend now, happy?" Saad nito sakin.

"Mukhang parang ayaw mo naman, huwag na lang Kaya may label?" Pang-aasar ko dito.

Ngumisi lamang ang lalaki sakin. Ang gwapo sa tuwing nagsasalita at kahit ang mga ngiti nito nakaka-akit, tila nakakalimutan ko ang mga problema ko. Siya ang pahinga ko.

Baddie_Cutie8