Chapter 13
Magdamag akong naka yakap kay Atlas non, mabuti na lang at hindi nito inaalis ang yakap, siguro naiintindihan niya kung anong pinagdadaanan ko ngayon.
Dahil sa yakap din ni Atlas ay naging kalmado din ako. Sa kalagitnaan ng aming pagtulog ay naisip ko na kunin ang aking cellphone at Imessage si Ate Eunice.
"Ate? What happened?" Akala ko pa hindi sasagot si ate. Ilang minuto lang ay sumagot ang ate na nasa pilipinas na daw siya dala ang mga pamangkin ko.
Sinabi naman ni Ate kung saan ang location sila nag stay, I'm worried sa kanila, dahil I'm sure susugod doon si mommy once na malaman niya na andito na sila Ate.
"Keep safe Ate, galit na galit si mommy sayo." Saad ko sa aking message.
Kahit alam ko kung nasaan sila Ate, diko sasabihin kay mommy masiyado na silang abuso kay Ate. Nalaman lang nila na mayaman ang asawa ni Ate ay gusto nila mayroon don siya.
Unfair para kay Ate yun. Kaya kinabukasan ay agad na tutungo na ako doon, upang tignan kung nasa maayos na kalagayan ba si Ate. Di pa nga sana ako papayagan ni Atlas nag pumilit lang ako.
Baka daw kasi kung saan nanaman ako pupunta. I promised naman na Kay Ate lang ako pupunta. Na kumbinsido ko naman si Atlas. Pag dating talaga sakin hindi na ito tatanggi.
"Trust me okay? Kay ate lang talaga ang punta ko? Don't worry dito ako uuwi mamaya okay?" Pag kunbinse ko dito.
Nakatingin lang ng tingin sakin ang lalaki. Ang gwapo talaga kapag bagong gising.
"Tsaka, di pa tayo official napaka protective mo na, baka pag official tayo maging possessive boyfriend ka?" Pang-tutukso ko dito.
Kapag umaga talaga seryoso lang ito. Tulad nga ng sabi ko ayaw nito na di mo inuubos ang pagkain. Dapat mauubos mo iyon kapag tatayo kana ng mesa.
"I'm done, I need to go na." Pagpapaalam ko dito.
"Do you want me na hatid kita?" Tanong ni Atlas sakin. Umiling naman ako at humalik sa pisnge ng lalaki.
"No, kaya ko na to, tsaka may work kapa diba Mr. Ceo?" Natatawang saad ko dito. I like na lagi ko itong biruin, Kasi naman napaka seryoso sa buhay. Kaya minsan napag kakamalan na sobrang sungit.
Although totoo naman talaga, minsan lang talaga nasa mood ito. Pero when it comes sa Activity namin napaka rough nito. Gusto ko naman yun syempre. Sino ba naman hindi diba.
Ang tumanggi di magkakapera chariz..
Nasa car ako ng mabasa ko na may message sakin si daddy. Worried daw siya sakin, dahil hindi ako umuwi. Now may care na sila sakin ni minsan hindi ko iyon naramdaman sa kanila.
I understand naman kung masakit pa din sa kanila ang nangyari noon sa past. Ako lagi ako kinakain ng konsensiya na bakit di ko binantayan ng maigi ang bunso namin.
Tuwing dinadalaw ako ng nightmares ko lagi ko nakikita ang mukha nila na disappointed sakin. Kahit ganon lang ang panaginip ko napaka laki ng impact sa mental health ko iyon.
Noon kailangan ko pa uminom ng gamot, dahil minsan tinatamaan ako ng panick attack, kapag may mga memories na nakapag-papaalala sakin ng bagay na naka pagpapaala ng aking kapatid.
Mabuti nalang at nalampasan ko iyon. Natuto ako na hindi ka dapat magpatalo sa mga problema mo. Hindi masama humingi ng tulong sa iba. Ang case ko lang ay mag Isa ako na lumalaban.
Wala kahit Isa sa pamilya ko ang kasama ko, dahil ang kuya at Ate ay busy din. Habang sina daddy at mommy ay masama pa ang loob sakin.
Nag patingin ako noon sa psychiatrist upang matulungan ako, dahil doon ay naging malaking tulong para sa aking sarili.
Nag message na ako kay Ate na on the way na ako. Excited na kinakabahan ako na makita si ate gusto ko malaman bakit biglaan ang pag uwi ni Ate ng pilipinas.
Ilang oras din ang biyahe ko papunta doon sa location na sinabi ni Ate. Itong si Atlas naman ay panay ang message sakin na mag picture daw ako para makasiguro daw siya na okay ako.
Natatawa pa ako dahil napaka nerbiyoso pala nito. Nag send ako ng pic na nasa biyahe pa ako, tumawag pa ito sakin gusto niya daw marinig boses ko.
Look who is clingy now. Ganto naba ka deads si Atlas sa beauty ko?
"Alam mo Atlas baka di ako makarating sa pupuntahan ko, easy kay ate lang ang punta ko." Pag bibigay ko ng assure dito.
Nang matapos ang aming pag uusap ay dumating naman ako sa location ng sinabi ni Ate. Nagtataka naman ako bakit napaka laki ng bahay at based sa nakikita ko mukhang mana pa ito sa ninuno ng pamilya.
Nag aalinlangan pa ako na pumasok kasi, baka mali lang ang napuntahan ko. Ng marinig ko ang boses ni Ate Eunice.
"Kyle.. madapa ka, huwag kang malikot." Saad ng aking ate sa pamangkin ko. Kahit pala nasa ibang bansa niya pinalaki ang pamangkin ko ay tinuruan niya ito na makaintindi ng Tagalog.
Biglang bumilis ang kaba ko ng marinig ko ang boses ni ate.
"Ate Eunice??" Tawag ko mula sa labas ng bahay. Ilang saglit lang ay may dalawang tao na lumabas galing sa bahay na aking kinatatayuan.
Kusang nag laglagan ang luha ko sa aking nakita. Bakas sa mukha ni Ate ang lungkot. Lalong nag paiyak sakin na makitang may mga pasa si Ate. Ang sabi niya okay siya doon?
Bakit ganito ang itsura ni Ate? Ang daming pasa at pumayat si Ate. Tulala lang si ate sa akin at unting-unti tumulo ang luha nito. I'm so happy na umuwi si Ate.
"A-ate?? How are you? Sabi mo okay ka doon?" Nagtatakang tanong ko dito. Pero nanatiling umiiyak si Ate sakin, na tila nagsusumbong.
Dahil doon ay napa iyak na ako ng husto.
"I lied, I'm sorry ayoko na mag aalala ka pa sakin." Sagot nito sa aking tanong.
"I'm your sister, malamang mag aalala talaga ako sayo. Asawa mo ba ang may gawa nito sayo?" Turo ko sa mga pasa niya.
Tumango na umiiyak si Ate. Malayong-malayo sa dating Ate na masigla at masayahin.
"Bakit kasama mo si kuya Alejandro?" Nagtatakang tanong ko dito. Tumingin ako kay kuya at malungkot lang din ang tingin nito sakin.
"Tara sa loob, mag papaliwanag ako sayo." Pag anyaya nito sakin papasok sa lumang bahay.
"Dito ako nagtago, mahigit Isang linggo na, siguro nagsumbong na ang asawa ko sa mommy kaya nalaman mo na. Hindi ko na kaya tiisin, pangloloko at pananakit niya sakin." Umiiyak na paliwanag ni Ate.
Kita ko mula sa malayo na nakikinig si Kuya Alejandro sa aming pinaguusapan, nakikita ko na naka yukom ang mga kamay nito sa galit. Galit ito dahil nagparaya ito, tapos ganto pala ang dadanasin ni ate sa lalaki na iyon.
"Bakit dito? Pwede naman sakin? Tsaka may asawa na si Kuya Alejandro diba?" Sunod-sunod na tanong ko dito.
"Matagal na patay si Lyn. At hindi ako pwede sa place mo dahil ituturo ako ni mommy sa aking asawa. Kilala mo naman si mommy diba?" Pag papaliwanag ni ate sa akin.
Tama, Hindi safe si Ate kapag nasa akin siya dahil mag susumbong ito sa asawa ni ate.
Siguro kahit lumipas man ang taon ay sila pa din ni ate at kuya Alejandro ang nakatadhana. Dahil muling nasa bisig ni kuya Alejandro si Ate. Dito mas safe si ate at ang anak niya.
"Paano si kuya Alejandro? Okay lang ba sa kanya? Lalo na may anak ka?" Sunod-sunod na tanong ko muli Kay ate.
"Tanggap naman niya kaming mag iina dito, at besides may anak din ito kay Lyn. Di naman ibig sabihin na nandito kami ay bumalik na kami sa isa't-isa." Saad ni ate sa akin.
Ito ang ugaling nagustuhan ko kay ate napaka talino at higit sa lahat napaka bait na tao.
"Huwag kana babalik doon sa halimaw mong asawa ate please?? And dadalaw ako sayo lagi dito o diya kapag may free time ako."
"Siguro may boyfriend kana?" Panunukso ni ate sakin.
Bagay na aking ikinagulat dahil masiyadong obvious ba na may dilig ako mula kay Atlas? Hindi naman siguro.
"A-ah.. Wala pa ngayon." Sagot ko dito, mahinang natawa si ate sakin.
"Tama ako meron, Kasi sabi mo wala pa ngayon, so it's means na meron pero wala pang label ano?" Tanong muli nito sakin.
"Si ate naman daming tanong bahala ka nga diyan." Kunwaring pag papalusot ko dito.
Tumawag muli si Atlas, ang dami na palang missed call from Atlas. Agad ko na tinawagan si Atlas upang humingi ng tawad sa hindi ko pag sagot agad sa tawag niya.
Ngunit di sumasagot sa tawag ang lalaki. Nagpalipas muna ako ng ilang oras kila ate at ng medyo okay na ay nag paalam na ako kila Ate at Kuya Alejandro na aalis na ako.
Dahil may susuyuin akong nagtatampo na lalaki. Dumiretso agad ako sa office ni Atlas. Kilala naman na ako doon kaya pinapasok na agad ako.
Saktong may nakita akong babaeng kausap ito at napaka lapit as in kay Atlas. Di nako nag dalawang isip na sumugod sa babae.
Aba wala pa nga kaming label niyan tapos uunahan niyo ako? Agad ko na hinablot ang buhok ng babae. Napasigaw ito sa sakit dahil mahigpit ang pag sabunot ko sa buhok nito.
"Vanessa.. Stop!!" Pag aawat ni Atlas sakin, pero di ako nakinig, mas lalong humigpit ang hawak ko sa buhok ng babae.
"Ouch.. Atlas awatin mo to!!" Sigaw ng babae.
Aba nag pakampi pa kay Atlas.
"Ikaw na babae ka layuan mo si Atlas, Wala pa nga kaming label niyan nakikisali kapa??" Sigaw ko dito.
"Ouch ano ba pinagsasabi mo? Pinsan ko si Atlas!!" Sigaw nito, napabitaw agad ako ng kamay sa buhok ng babae.
"T-totoo ba? Sorry kasi naman napaka lapit mo kay Atlas. Di mo din kasi agad sinabi." Pag papalusot ko, grabe nakakahiya minus agad ako sa pinsan ni Atlas.
"Paano ka sasabihin hinablot mo agad buhok ko?? Ahh.. sakit ng pag sabunot mo." Saad nito, tumatawa naman ng mahina sa gild si Atlas.
Aba natuwa pa siya sa nangyari talaga, kanina parang galit, tapos itong natauhan ako parang pinagtatawanan na ako nito.
"I'm so sorry talaga.." pag hingi ko ng paumanhin dito.
"Okay, next time try to ask muna, sakit ng sabunot mo." Saad nito sakin. Ngumiti nalang ako sa kahihiyan.
"By the way I'm Angela cousin ni Atlas." Pag papakilala nito sakin.
No doubt na magandang lahi nila itong sila Atlas, kahit sa cousins niya ang ganda din. Parehas suwerte sa genes.
"I'm Vanessa fling ni Atlas, Wala pa kasing label kaya fling muna." Nahihiyang saad ko.
"Kaya pala ganon ka violent, bigyan mo na kasi ng label kuya." Saad nito kay Atlas. Itong si Atlas naman panay tawa pa din sakin.
Enjoy reading.. add nyo na din sa library niyo :))
Baddie_Cutie8
__________________